Heto siya ngayon inihatid siya ni Marianne pagkatapos nilang mag-usap at naipalabas niya ang kanyang sama ng loob. Medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil sa pakininig ng kaibigan. Kahit kailan idol niya ito pagdating sa relasyon nito kay Samuel. Hindi niya alam kung paano nito napaaamo ang asawa na kahit sa isang kampay nito napapasunod nito kaagad. Iba talaga ang epekto ng totoong nagmamahalan. “Anak tumawag ulit si Brian at ipinapasabi na bukas na lang daw kayo magkikita sa opisina nito!” ang Mommy nito. Napatango na lamang at diretso sa sarili nitong silid. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa ngayon mas lalo lang siyang naguguluhan. Pero isa lang gusto niya ang umiwas na masaktan ulit. Habang nakahiga sa kama nagpapaantok muna siya habang naka-scroll sa kanyang f*****

