Malakas ang pagkabagsak niya ng pintuan hindi niya pinansin ang boses ng lalaki. Narinig niya ang nagbabantang boses nito. Malakas na katok sa pintuan ang kanyang narinig pero hindi niya ito binuksan. Nasisigurado niyang makikialam naman ang mga magulang nito. Ilang minuto pa ang lumipas narinig niya ang tunog ng sasakyang umalis. TAHIMIK lang ang kanyang magulang habang magkaharap silang tatlo sa hapag kainan. Wala man lang binanggit sa nangyari kagabi. “Sasama ka ba sa amin, magsisimba kami ngayon ng Mommy mo!” ang ama habang umiinom ng kape. “May pupuntahan po ako Dad! Importante po!” sinungaling niya rito para makaiwas pa sa usapan. Tiyak kung sasama siya sigurado tatanungin siya ng ama tungkol sa kanila ni Brian. “Bahala ka basta umuwi ka nang umaga!” dugtong pa ng ama. NAS

