Nagdesisyon akong pumunta sa property na binigay sa'kin ni Mommy. Maaga akong umalis— at kahit sino ang nakakaalam na umalis ako sa bahay. Sa Nueva Ecija kasi naka-locate iyong property na binigay sa'kin ni Attorney Harold. Kaya matagal tagal ang naging byahe. Kahit medyo masama ang pakiramdam ko kanina, tinuloy ko pa din ang pagpunta dito. Gusto ko kasing makita kung anong itsura at kung maayos pa na iyong bahay. Bali dalawang hectare ang lupa. Kahit gaano pa kalaki, tatanggapin ko. Dahil matagal ko ng gustong magkalupa. Kasi gusto kong makaalis sa bahay— sawang sawa na ako doon sa trato nila sa'kin. I'm very fine— if ako na lang. Alam kong hindi papayag si Nanay Selly dahil ayaw ako nun nalalayo sa kanya. Pero— kasi I need a place where I finally find my peace. When peace pops up in

