Chapter 57

1907 Words

Chapter 57 Sunod-sunod na tilaok ng manok ang gumising sa akin bandang alas sais ng umaga at papikit-pikit ko ring binuksan ang aking mga matang bahagyang natatamaan ng sinag ng araw mula sa maliit na butas ng bintana. Napatingin ako sa tabi ko at wala na si Noven. Sa pagkakatanda ko ay katabi ko siyang natulog kagabi at hindi ko alam kung bumalik siya sa kabila o nanatili siya sa aking tabi. Narinig ko ang tunog ng sinisibak na kahoy sa bandang likod kaya hindi na ako umidlip pa. Bahagya akong nahilo at umasim na naman ang aking sikmura kaya napatakbo ako sa banyo. Nakahawak ako sa aking tiyan habang dumuduwal at narinig ko naman ang papalapit na yabag ni Noven saka ako dinaluhan. Hinagod niya ang likod ko saka tinali ang buhok kong magulo. Matapos kong magmumog ay inalalayan niya a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD