bc

Undeniable Love

book_age18+
769
FOLLOW
1.9K
READ
dark
drama
tragedy
comedy
twisted
humorous
mystery
like
intro-logo
Blurb

Paano kung kailan ilang taon na ang nakakaraan pero biglang bumalik sa buhay mo ang taong minsan mong minahal pero lubusan kang sinaktan?

muli mo ba syang tatanggapin sa buhay mo at kalilimutan na lamang ang mga nakaraan kahit na hindi ka nakasisigurong sa muli nyang pagbabalik ay mamahalin ka nya ng tunay at hindi ka na muling iiwan?

chap-preview
Free preview
First love
Jerralyn Maloba/Monteverde's POV Hi! I'm Jerralyn. Lahat naman tayo nakaranas at nakakaranas ng unang pag-ibig diba? Yung unang pag-ibig na talagang kinababaliwan natin. Nandoon yung nag mumukha na tayong weirdo mapansin lang nila tayo o kung hindi naman, ito yung pag-ibig na sobra nating pinaka-iingatan at pinakatatago. Yung pakiramdam na ayaw nating ipaalam sa iba dahil baka maraming mangialam o kung hindi naman, ayaw nating sabihin sa mismong taong minamahal o hinahangaan natin dahil baka layuan nila tayo o maging hindi na tulad ng dati ang lahat. Yan ang araw na ayaw na ayaw kong mangyari. Ali was my friend. Not just a friend but a best friend. Lahat ng sikreto ko ay sinasabi ko sa kanya. siguro minsan ay naiirita na sya sa pagiging madaldal ko pero wala naman akong magagawa dahil nga komportableng-komportable ako sa kanya. Itinuring ko narin syang parang isang kuya. not until I felt this weird and crazy little thing called 'love'. Noong una ay binabalewala ko lang ang nararamdaman ko sa kanya at pinipilit ang sarili kong huwag kong pansinin kung anoman itong nararamdaman ko. but I can't. Yes he is my best friend pero normal lang bang makaramdam sa isang kaibigan ng lubhang paghanga? Yung pakiramdam na kahit sya lang buong maghapon ang makasama ko ay okay na okay at sobrang saya ko na. Yung hindi ako magkatulog tuwing gabi dahil sa imahinasyon na crush nya rin ako at may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag kapag kasama ko sya. Hindi matukoy. Napaka espesyal. Lahat ng gumagalaw sa paligid ay bumabagal ang galaw kapag nakatingin ako sa kanya. lahat slow motion. Minsan nga nahuhuli ko nalang ang sarili kong nakatulala sa kanya. Madalas rin syang pumasok sa isipan ko tuwing gabi na dahilan ng pag ngiti ko kahit walang dahilan. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa nya sa akin but... I think... I think I love him... I love my best friend more than a friend. Naalala ko pa yung araw na umamin ako sa kanya. that was a perfect day. Isang linggo kong inensayo ang sasabihin ko sa kanya. Noong una, iniisip kong what if magalit sya? What if layuan nya ako? or what if gusto nya rin pala ako? sabi nga nila, life is short kaya dapat sundin mo kung anong gusto mong gawin. kung anong makakapag pasaya sayo. Pero paano nga kung gusto nya rin ako? Pero paano nalang kung masira ang pagkakaibigan namin? Paano nalang kung layuan nya nga ako? paano nalang ang pinagsamahan namin? ang pagkakaibigan namin? Haaaaayyy Ang daming tanong sa isipan ko. Pero hindi naman natin malalaman kung hindi natin susubukan diba? Paano natin nasasabing marereject tayo? Eh ano naman kung mareject nga tayo? Eh ano naman kung masaktan tayo? Sabi nga ng iba, ang pag-ibig raw ay parang sugal. Taya lang ng taya basta huwag kang aasa na mananalo ka. Mananalo ba ako? Ano kayang magiging reaksyon nya? Ano kayang sasabihin nya? Magagalit kaya sya? Mag wo-walk out? Hindi makakapag-salita? Ngingitian nya kaya ako? Hindi papansinin o yayakapin? Tagaktak ang pawis ko nang lapitan ko sya. Natataranta ako. Nulong-gulo ang isipan ko. Aamin ba ako o hindi? Nakailang lunok narin ako ng laway pero sadyang hindi matanggal ang kabang nararamdaman ko. Tinanong nya ako kung ayos lang ba ako kasi mukha raw akong natatae. hindi ko naman pinansin ang biro nya dahil naka focus ako sa kung paano ko ba sisimulan ang sasabihin ko sa kanya. Kabang-kaba ako. Hanggang sa ngumiti sya. Kumalma ang lahat. Ang kaninang kabang nararamdaman ko ay biglang nawala. Naging kalmado ang lahat. Napangiti narin ako. Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko bago umamin "Ano kasi.. ahm.. Ali kasi.. mahal kita" *katahimikan* Sunod-sunod na malalakas na kabog ang dumagundong sa dibdib ko. Lalo akong pinawisan at lalo akong kinabahan. kung may kakayahan nga lang akong maglaho ay ginawa ko na. mabuti nalang wala. Ngumiti sya at naiyak ako sa saya lalo na nang yakapin nya ako. Ang saya. Ang saya saya ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya Noong araw na iyon... Lahat ng saya at kilig nang araw na iyon ay biglang naglaho kinabukasan. Pagkatapos noong araw na umamin ako, nagbago ang lahat. Nagbago sya. Pinapansin nya parin naman ako pero hindi ako manhid. Alam kong may nagbago. Nakikipag-usap nalang sya sa akin kapag tinatanong ko sya o kaya naman kapag may mahalaga syang sasabihin. Halos araw araw at gabi gabi akong umiiyak. sobrang mugto na ang mga mata ko. pulang-pula na sa kaiiyak at ang laki na ng eyebags ko dahil hindi ako magkatulog sa gabi. Araw-araw ko syang kinakausap na para bang normal lang ang lahat na para bang wala lang nangyari. na para bang wala lang akong inamin. Umaarte na lamang akong normal ang lahat pero deep inside ang sakit ng mga pag-iwas nya sa akin. para syang walang pakiramdam. ang manhid-manhid nya. Nagsisisi tuloy ako sa pag-amin ko. dapat pala hindi ko nalang inamin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. edi sana normal pa ang lahat. Kasabay ko pa syang pumasok sa eskwela at umuwi. Pero ngayon, parang ayaw nya na akong makasama na para bang may dala akong virus. iwas na iwas sya. ganun ba sya ka apektado sa pag-amin ko? o sadyang ayaw nya lang talaga sa akin dahil simple lang ako? hindi ako marunong manamit at hindi rin naman ako kagandahan at kayamanan. Parang hindi ko na sya kilala. Bakit pa ba kasi ako umamin? Siguro kung hindi ako umamin ay pinapansin nya parin ako. palagi ko parin syang kasama at kaibigan ko pa sana sya. Bakit ba kasi sa kanya pa? Bakit sa kaibigan ko pa? Bakit ba kasi sa imposible pang maging akin? After one month, hindi ko na sya nakita. lumipat na pala sila ng pamilya nya ng tirahan. Alam ko namang walang kinalaman ang paglipat nila ng tirahan sa pag-amin ko. pero sana naman kung itinuring nya manlang akong kaibigan, kahit minsan lang, sana manlang nagpaalam sya. Sana nayakap ko sya at nakahingi ng tawad. pero hindi. Parang wala lang kaming pinagsamahan. Parang hindi manlang ako naging mahalaga para sa kanya kahit minsan manlang. That was three years ago pero hanggang ngayon ay hindi ko parin sya makalimutan. ramdam ko parin ang sakit. I'm trying to forget him but I don't know why I can't. Kahit marami akong pinagkakaabalahan sa buhay, isa ako ngayong third year college student sa kursong Bachelor of Arts in Communication at kumikita na sa paraan ng pagsusulat ng mga kwento at the age of 21 years old, bumabalik at bumabalik parin ang mga alaala nya kahit naman alam kong malabo na. malabo na na magkita pa ulit kami. "Hayyyy naku beshie.... bakit ba nakatulala ka nanaman dyan? naghihintay sayo si Albert sa date nyo ah?" sabi ni Vica na kaibigan kong bakla. Napabuntong hininga ako. hindi ko kasi alam kung sisiputin ko ba si Albert na nanliligaw sa akin o hindi dahil wala naman talaga akong interes sa kanya. "Hay naku beshie... 'wag mong sabihing iniisip mo nanaman yung past person mo? ang tagal na nun" tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at inagaw ang suklay sa kamay ni Vica. Nang hindi ko sagutin ang tanong nya, he rolled his eyes. "Sabi ko na nga ba... Ang tagal na nun beshie.. kalimutan mo na sya!" inagaw nya sa akin ang suklay at sinuklayan ako. "Siguro nga dapat ko na talaga syang kalimutan pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa" buntong hininga ko "O baka naman kasi umaasa ka parin sa pagbabalik nya?" muli akong napabuntong hininga. Siguro nga umaasa parin ako na babalik sya. Siguro nga hindi parin ako nakaka move on sa kanya. Sa taong minahal ko pero sinaktan lang ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Daddy Granpa

read
283.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook