Trying to forget him

1737 Words
"Pasensya na talaga Albert. may boyfriend na kasi ako eh". "Sino naman?" siniko ko si Vica sa tagiliran. binasted ko na si Albert. wala talaga akong gusto sa kanya kahit na ano pa ang gawin nya at kahit pilitin ko pa ang sarili ko. "bakit ngayon mo lang sinabi? pitong buwan na akong nanliligaw ah?" kalmadong sabi nya kahit alam kong galit na sya "Narinig mo naman siguro ang beshie ko diba? may boyfriend na sya kaya alis na!" Wala namang nagawa si Albert kundi ang umalis. Wala namang problema kay Albert. cute naman sya at mabait pero sadyang hindi ko talaga sya gusto. I tried pero hindi talaga eh. Maraming namang nagkakagusto sa akin. kahit papaano naman may ganda naman ako nuh? pero hindi ko naman kayang lokohin ang sarili ko. alam kong may hinihintay parin ako. "Ano bang problema mo beshie? cute naman at mabait si Albert ah? may kaya pa ang pamilya nya. 'wag mong sabihing dahil nanaman yan sa past mo?" Hindi nanaman ako nakapagsalita at bumuntong hininga nanaman ako. "hay naku... sinasabi ko na nga ba.. beshie, paano ka makaka move on kung naghihintay ka parin sa nakaraan mo? malay mo, may mas better na naghihintay sayo" "Eh paano kung bumalik sya?" I don't know why but I'm still hoping. pakiramdam ko may koneksyon parin kaming dalawa "Bahala kana nga lang beshie. aalis na ako. may date pa kami ng bebe kong matso" Sabi nya na may patili pa. Nasa bahay ako ngayon at nagpapahinga dahil katatapos lang ng klase namin nang makatanggap ako ng tawag mula kay madam Velasco na isang direktor. "Yes madam? napatawag ka po?" ["I just want to remind you my dear na this coming friday na ang due date ng story mo. Wala ka pang pina-publish"] "Pasensya na po madam. Hindi ko pa po natatapos eh. pero last chapter nalang po ang isusulat ko" ["Good. and wait— I just notice... palaging malulungkot ang ending ng stories mo"] "Ahm... pasensya na po madam" I bit my bottom lip. napapansin na pala ni madam. ano bang magagawa ko? eh hindi naman ako inlove eh. ayaw ko namang pati sa stories ko mag papanggap akong masaya. ["Hindi mo naman kailangang humingi ng pasensya. napansin ko lang. may pinagdadaanan ka ba? are you heartbroken?" natawa ako sa sinabi ni madam kaya natawa narin sya. ["I just want to say my dear na hindi dapat naaapektuhan ng personal mong emosyon ang mga kwento mo"] "okay po madam. salamat po" ["okay. I have to go"] Tama sya. pero hindi kasi ako ganun eh. kapag ako nagsusulat ng kwento, gusto kong nakabase sa totoong nararamdaman ko. Marami na akong naisulat na kwento at pare-pareho lang ang ending. sad ending. Kung hindi namatay yung bida, kung hindi nagkahiwalay ang couple, kung hindi ikinasal yung lalaki sa ibang babae, naging madre o pari naman yung bida. Ito ngang kwentong tinatapos ko ay pinamagatan kong 'Love Hurts'. Oh diba? title palang malungkot na. kinuha ko ang ballpen at notebook ko sa drawer at nagsimulang simulan ang last chapter. pero napaisip ako. Tama nga naman si beshie na papaano ako makakapag move on kung hinihintay ko parin si Ali? ilang taon narin akong naka kulong sa mga alaala nya. siguro nga panahon na para pakawalan ko na ang sarili ko. siguro nga panahon na para kalimutan ko na sya. siguro nga hindi na sya babalik pa. Tama rin siguro si madam Velasco na hindi dapat naaapektuhan ng personal kong emosyon ang mga kwento ko. Napabuntong hininga ako. paano ko ba kasi makakalimutan si Ali? bakit ba kasi hindi ko sya magawang kalimutan? humiga ako sa kama at pansamantalang kinontrol ang pag-iisip. pero hindi ko makontrol. naiisip at naiisip ko parin si Ali. bwisit. inis na inis na ako sa sarili ko. muli akong napabangon sa kama at parang baliw na ginulo at sinabunutan ko ang sarili ko habang iniikot ang buong kwarto. Napatingin ako sa itaas ng kwarto ko at nakita ko ang malaking bilog na orasan. 1:35 am na. 1:35 am na pero gising parin ako at nag-iisip kung ano ang dapat gawin. tatapusin ko ba ang kwento na ginagawa ko o hindi? gagawin ko bang happy ending o hindi? muling bumalik ang isipan ko kay Ali. paano kung bumalik sya? anong magiging reaksyon ko? anong sasabihin ko? magiging masaya ba ako? kapag ba bumalik sya at naging masaya ako magiging masaya na ba ang lahat ng katapusan ng mga kwento ko? bwisit. ano ba kasing iniisip ko?! malamang sa malamang, hindi na sya babalik. Ang huling balita ko sa kanya ay engage na raw sya. malamang kasal na sya ngayon at may mga anak na sila. pero... naiisip ko rin na bata pa sya para ikasal. paano kung hindi naman talaga sya engage? bwisit!!! andito nanaman ako. kinikumbinsi ko nanaman ang sarili ko na baka magkaroon kami ng happy ending. baka bumalik sya. Muli akong humiga sa kama. pagod lang siguro ako kaya kung ano-ano ang iniisip ko. pero palaging ganito ang iniisip ko eh. ibig sabihin, parati akong pagod? haaaaayyy... kailangan ko na mag pa check-up sa psychiatrist! ipinikit ko ang mga mata ko pero patuloy parin ako sa pag-iisip. bwisit talagaaaaa!!!! Wala ba talagang araw na hindi ako malalayo sa stress? ito na ata talaga ang forever ko eh. ang stress. "Paano mo malilimutan si Ali? hay naku beshie.. three years ago na! hindi mo parin alam kung paano??" Naandito kami ngayon ni Vica sa school canteen. pagkatapos naming kumain ng lunch, tinanong ko sa kanya kung paano ko ba makakalimutan si Ali. Kaya naman eto, topic nanaman namin sya. "Ikaw na ang nagsabi sa akin noon beshie, sinaktan ka nya. Ginawa mo ang lahat para pansinin ka nya. para ibalik ang dati nyong friendship but he ignored you. dun palang dapat nag move on kana. dun palang dapat alam mo na na ayaw nya sayo. hindi kayo ang para sa isat-isa dapat kalimutan mo na sya. hindi na sya babalik pa. aasa at aasa kalang sa kanya" kalmadong pagkakasabi ni Vica pero alam kong naandoon ang katotohanan. Tama sya. Wala na si Ali. pag-aari na sya ng iba. ayaw nya sa akin. kailangan ko na syang kalimutan. kailangan ko nang tanggapin na hindi na sya babalik pa kahit kailan. dahil kahit kailan man, hindi nya ako itinuring na kaibigan. kahit kailan naman ay hindi ako naging mahalaga sa kanya. kahit kailan naman hindi nya ako nagustuhan. Baka nga nakalimutan na ako nun eh. Kung babalik man sya, sana noon pa. Sana hindi nya ako hinayaang maghintay ng matagal. Ni hindi nga sya nagpaalam nung umalis sya eh. Ni hindi manlang nag text o tumawag. bigla nalang syang umalis. marami narin akong mga luhang naiyak. Tama na siguro ang mga yun. "May load ka?" tanong ko kay Vica "Oh bakit?" "Pahiram lang" "Oh ano namang kinalaman ng load ko sa pinag-uusapan natin?" "Pahiram nga lang sabi!" "Okay Okay! basta walang basahan ng convo namin ng bebe ko ha?" kinuha nya mula sa bag nyang kulay pink ang phone nya na may case na ang tatak ay Barbie. "walang basahan ha?" kaagad kong hinanap ang number ni Albert "Hello?" ["Oh Vica?"] "Si Jerralyn to. Tayo na" "Are you sure about this??" Inabangan pa talaga ako sa gate ni Vica pagkatapos ng klase ko. He is also a Bachelor of Arts in Communication student pero fourth year college na sya. "Yes" "Really? Hoy beshie! Alam kong gusto mong kalimutan si Ali! pero 'wag ka naman sanang mag paasa ng iba!" galit na sabi nya na naka pamewang pa. "Mag paasa?" painosenteng tanong ko "Wala akong pinapaasa beshie. gusto ko lang talagang bigyan ng chance si Albert. paano kung gusto ko naman pala talaga sya?" "Hay naku ewan ko sayo. pag-isipan mo muna yan. hindi magandang mag paasa" he rolled his eyes saka umalis. Honestly, hindi lang naman si Albert ang nanliligaw sa akin. Hindi naman sa pag mamayabang pero may ilang nagkaka gusto rin naman sa akin at nanligaw. But I rejected them. Hindi lang dahil sa umaasa parin ako sa pagbabalik ni Ali pero dahil narin siguro hindi ko na kayang ipagkatiwala pa ang puso ko sa iba. hindi ko na siguro magagawa pang mag tiwala pa pagkatapos kong masaktan ng sobra. I don't know why. Hindi naman naging kami ni Ali pero magmula noong umalis sya, hindi ko na nagawa pang magkagusto pa sa iba. Hindi ko na nagawa pang magtiwala na sa tuwing may darating sa buhay ko ay mananatili. para akong na trauma na hindi porket kasama mo ng matagal, hindi na aalis. pakiramdam ko parati akong iniiwan. Maya maya'y dumating na si Albert sakay ng motorsiklo. Ihininto nya sa isang tabi ang motorsiklo at ngiting ngiti syang lumapit sa akin. "Hi" bati nya sa akin na ginantihan ko naman ng matamis na ngiti Hindi ko ba alam kung anong pumasok sa isipan ko. Ang alam ko lang, kailangan kong makaramdam ng pagmamahal ng sa ganun ay tuluyan kong makalimutan si Ali. "Ha? ano ate? may jowa kana?—" tinakpan ko ng palad ang bibig ng tsismosa kong kapatid. "Wag kangang maingay! mamaya marinig pa ni mama eh" "Akala ko ba bawal kang mag boyfriend hangga't hindi ka pa tapos ng pag-aaral?" kung makipag-usap sa akin 'tong kapatid ko para bang ako ang bunso "Secret lang natin 'to okay? Isa pa, hindi ko naman pababayaan ang pag-aaral ko" Nasa kwarto nya ako ngayon. tsini-check kung natapos nya na ba lahat ng assignments nya. "Oh. bakit wala pang sagot itong math?" "Hay naku po ate.. yan nga sana ang ipapasagot ko sayo eh" "Hay naku rin bunso.. Alam mo namang sa akin ka nag mana ng kabobohan sa math diba? sa akin ka pa talaga mapaturo?" We are close. super close. She's my little sister and my bestfriend. kahit palagi kong inaaway ang kapatid kong 'to, handa akong makipag p*****n kapag may nanakit sa kanya. Sya nga pala si Brianna. My little sister. 15 years old at baliw baliwin rin sya katulad ko. that's why I love her so much. "Baka naman kasi puro crush mo ang inaatupag mo kaya wala kang maisagot sa math? hmm?" "Hmmmm.." "AHA!" "Ate! wala nuh!" "Anong wala Brianna? kilala kita! so, sino yan? ha?" "Ahh. nga pala ate may nag text sa akin nung nakaraang araw. kinukumusta ka" "Hoy. 'wag mo ngang baguhin ang usapan!" ayun. hindi na namin nasagutan ang assignment nya sa math.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD