Muling pagkikita

2747 Words
After that day, minsan ko nalang makakulitan si Brianna dahil naging sobrang abala na ako. maraming projects, assignments and activities sa school, marami akong stories na tinatapos plus marami rin akong tinatapos na artworks. and— oh please 'wag na nating banggitin ang pagiging abala ko bilang isang "girlfriend" kay Albert. Aaminin ko, masayang makaramdam ng pagmamahal, masayang maramdaman na may isang taong handang makinig sa lahat ng problema mo, masayang may isang taong laging nandyan para sayo. pero, bakit parang hindi parin ako buo? bakit parang may hinahanap parin ako? bakit parang may kulang? bakit parang may hinihintay parin ako? hindi ko alam. hindi ko maintindihan ang sarili ko. pakiramdam ko rin hindi ko pa ibinibigay kay Albert ang buong tiwala ko. pakiramdam ko, iiwan nya rin ako kapag tuluyan ko na syang minahal. iiwan nya rin ako katulad ng pag-iwan sa akin ni Ali noon. "Ayos ka lang ba?" tanong nya sa akin nang mapansing tulala nanaman ako. "H–ha? oo naman!" nginitian ko sya. "I'm not sure. any problem? napapansin ko lang na medyo nawawalan ka na ng oras sa akin" malungkot na pagkakasabi nya "Ahm.. kasi... Albert? may gusto kasi sana akong sabihin sayo?" "Go ahead. I'm listening" binuksan nya ang inumin na C2 at saka uminom na para bang naghahanda sya sa kung ano man ang sasabihin ko. "Ahm... kasi..." paano ko ba 'to sasabihin? gusto kong... makipag hiwalay sa kanya. Alam kong ang bilis. Five months palang kaming nasa relasyon pero gusto ko na kaagad tapusin dahil alam ko sa sarili kong hindi ko naman talaga sya mahal. pero ayaw ko naman syang saktan. napaka bait nya sa akin at alam ko namang mahal nya ako. paano ko ba ito sasabihin?! inagaw ko sa kanya ang kapit nyang C2 at saka ako uminom bago ko muling ibinuka ang bibig. "kasi... ahm..." natawa sya sa akin. "Ano ba kasi talaga ang gusto mong sabihin?" "I'm... Ahm... I'm sorry. sorry kasi palagi akong busy. nawawalan na ako ng oras sa relasyon natin" fuck. why I can't?! "Awww.. it's okay baby. I understand. so, baka late ka na sa next class mo? hatid na kita?" "Okay" ["What?! hanggang ngayon hindi ka parin sure about sa feelings mo para kay Albert?!"] "Yes beshie..." Wala naman akong ibang napag sasabihan about sa bagay na'to kundi ang beshie ko lang na si Vica na isang bakla. (kausap ko sya sa phone). ["Are you at home now?"] tanong nya na parang may sinasabing "humanda ka sa akin" "Yes. but please, 'wag ka namang masyadong maingay dito. baka marinig tayo ni mama at papa" Hindi ko na narinig ang sunod nyang sasabihin dahil binaba nya na ang phone nya dahil siguradong pasugod na yun dito para batuhin ako ng mga maka-guilty na salita na para bang imbis na pulis ang magtanong sa preso, pari ang pinadala para pwersahing umamin. Paikot-ikot ako sa kwarto. bakit ko ba kasi pinasok ang relasyon kung hindi naman pala ako handa? patay nanaman ang eardrums ko nito kay Vica.. pero 'wag nyo namang isiping hindi ako nakokonsensya kay Albert. Kung alam nyo lang... gustong gusto ko na ngang sampalin ang sarili ko eh. After 16 minutes, dumagundong ang ingay mula sa kusina kaya kaagad akong lumabas ng kwarto ko. "Tita, tito, nasaan ang impokreta nyong palakang pangit at mabahong anak??" surely, no doubt, si Vica. "Vica," "Ssshhhh" inawat ako ni papa "Ano't napa sugod ka dito Vica? may problema ba?" tanong ni mama. Nagtama ang paningin namin ni Vica. Automatic naman na nag paawa ang mukha ko sabay lip sing na 'please' "Wala po tito at tita. Ito po kasing anak nyo, ang gaganda ng mga desisyon sa buhay!" pawisan na sabi ni Vica habang may malaking pekeng ngiti. "Oo naman! anak ko yan! syempre, mana yan sa akin!" pag mamayabang ni papa "Anong sayo? ako ang ina nyan kaya sa akin yan nagmana—" Ayun. nag-aaway na yung dalawa. hinila ko na si Vica sa kwarto ko. "Okay. Explain" taas kilay nya akong tiningnan "Vica... beshie..." "Anong ipapaliwanag mo? alam mo naman yung pakiramdam ng paasahin diba? eh bakit pinapaasa mo si Albert? sinabi ko naman sayo bago mo pa gawin yang desisyon mo, pag-isipan mo muna. hindi magandang mag paasa!" "Alam ko naman beshie, pero—" "Pero ano?" may pa-motion pa sya "Ginawa mo parin. kanina, may pagkakataon kang umamin na hindi mo talaga sya gusto. pero anong sinabi mo? I'm sorry busy lang ako. I'm sorry kasi nawawalan na ako ng oras sa relasyon natin" bumuntong hininga ako. "Beshie ba kita o hindi?" lalo lang akong na-konsensya at lalo lang sumakit ang ulo ko. umupo ako sa kama ko. stress na stress na ako. "Okay fine. I'm sorry beshie" tumabi sya sa akin. "I just want you to know ang pag-kakamali mo" sabi nya na ngayon ay nasa kalmadong tono na. "Alam ko naman ang mali ko. hindi ko rin Alam sa sarili ko kung bakit ba..." "Bakit ba pinapaasa mo sya?" tinulungan nya ako sa pag-buo ng sasabihin ko. tulong na hindi ko kinakailangan. Napabuntong hininga ako. palala na ng palala ang problema ko sa buhay. "Ayusin mo yan beshie. hiwalayan mo na yan si Albert bago paman sya tuluyang umasa" The more na iniisip ko ang tungkol sa pakikipaghiwalay ko kay Albert, the more na na-i stress ako. itinuon ko nalang ang atensyon ko sa eskwela at sa mga kwentong ginagawa ko. which is also stressful. hindi naman ako gaanong katalinuhan sa school pero ewan ko kung bakit may mga nagpapa tutor sa akin. Ang kinahihiligan ko namang pagsusulat ng mga kwento ay hindi nakakatulong sa pagtanggal ng mga iniisip ko. nag rereklamo na si madam Velasco. parati raw sad ending ang stories ko. eh anong magagawa ko? eh hindi naman happy ang love-life ko. paminsan minsan naman, may mga bumibili ng paintings ko. maraming nag-papa sketch at nagpapapinta which is okay na okay sa akin dahil nakakadagdag ang kinikita ko sa allowance ko. dahil sa mga pinag-kakaabalahan ko, medyo hindi ko na iniisip ang problema ko kay Albert. mali. hindi ko naman pala iyon masasabing problema. dahil hindi naman talaga si Albert ang problema kundi ako. bwisit. "Ate, patulong naman ako sa Math oh" takte. dadagdag pa ito sa problema ko. "Kaya mo na yan Brianna. marami akong ginagawa" may bago nanaman ako ngayong sinisimulang kwento na pinamagatan kong "When he leave me". "Please ate? minsan nalang tayong magkasama hindi mo pa ako mapagbigyan. sa kwarto ko ikaw matulog ngayong gabi?" "Brianna, please 'wag ngayon. hindi mo ba nakikita? marami akong ginagawa. gumagawa ako ng story at may mga gagawin pa akong project mamaya" "Ahm.. Okay ate. sorry..." naramdaman kong umalis na sya dahil narinig kong isinara nya ang pinto. Maya maya'y tumunog ang cellphone ko. may nag text. Dahil unknown ang phone number, hindi na ako nag abala pang basahin ang message nya. muli kong itinuon ang atensyon ko sa pagsusulat. Maya maya'y muling may nag text. Nang tingnan ko, same number ng kaninang nag text kaya naman hindi ko ulit pinansin. ipinasok ko ang phone ko sa loob ng drawer. Hindi nya akalaing sasaktan sya ni Mico. ang tanging lalaking pinag-kakatiwalaan nya... Hayyyy magmula nang mawala si Ali sa buhay ko, hindi ko na alam kung paano magsulat ng masayang love story. Nakalimutan ko na nga rin ang pakiramdam ng kiligin. Albert makes me smile. but not the way Ali did. Bakit ba ganito ako ka-loyal sa taong hindi naman akin? sa taong kahit kailan ay hindi na babalik. sa kaiisip ko, hindi ko namalayang nakahiga na pala ako sa kama at tuluyang kinian ng dilim... Patuloy akong naging abala sa mga sumunod na araw kung kaya't hindi ko na naisip pa ang pakikipag hiwalay kay Albert na ikinaiinis naman ni Vica. Dumami ang projects sa school, assignments at mga report. Dumagdag naman ang mga nagpapapinta sa akin at kailangan ko pang tapusin ang kwentong ginagawa ko dahil sa katapusan ng buwan ay ipapasa ko na ito kay madam Velasco. Dumagdag pa sa mga isipin ko si Brianna na nagtatampo. "Kumusta na si Brianna? nagtatampo parin ba sya sayo?" tanong ni Albert na updated naman sa mga nangyayari sa buhay ko which makes me feel so uncomfortable. para kasing nasasakal na ako. or... kinikumbinsi ko lang ang sarili ko na may mali kay Albert para may rason akong hiwalayan sya. "Siguro" tipid na sagot ko na walang ganang makipag-usap. Nasa canteen kami ngayon at sabay na kumakain ng lunch. "Give her something. what's her favourite food?" "Pizza" "Bilhan mo sya" "Okay." limang minutong katahimikan "Ahm... Jerralyn, I wanna ask something" "Sabihin mo lang. nakikinig ako" Ilang segundo ang nakalipas bago sya muling nagsalita. "Are you happy with me?" kaagad akong napatingin sa kanya Ano na ba ang sasabihin ko? aamin na ba akong hindi naman talaga ako masaya sa kanya? aamin na ba akong hindi ko naman talaga sya mahal? mag i-isang taon na kaming nasa relasyon pero inaamin ko, hindi ako masaya. "Ahm.. kasi.." tiningnan ko sya ng diretso sa mata. nakaramdam ako ng awa sa kanya at inis sa sarili ko. Ang sama ko. "Bakit mo naman naitanong yan? syempre naman masaya ako sayo" bwisit! Ang sarap na talagang sampalin ng sarili ko. mali. ang sarap palang suntukin ng sarili ko. O ang mas maganda, patayin ko nalang kaya ang sarili ko nuh? "What?! hindi mo nanaman inamin kay Albert na hindi mo naman talaga sya gusto?! ano ba beshie! ang sama mo talaga!" inis na inis nanaman sa akin si Vica matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kanina. "Naawa ako" Alam ko namang kahit anong palusot ko, magagalit at magagalit parin sa akin si Vica. dapat pala hindi ko na sinabi. "Naawa ka? may awa ka pa pala?" he rolled his eyes. "Sorry na. ayaw ko lang masaktan sya" he gave me a blank expression. "Pinapaasa mo sya. sa tingin mo ba hindi mo sya sinasaktan?? hindi mo sya mahal—" "Hindi mo ako mahal?" pareho kaming natahimik ni Vica nang may nagsalita sa likuran namin. dahan dahan kaming humarap. "Albert—" "So all this time niloloko mo lang ako?" "Hindi. Hindi sa ganun—" "Hindi sa ganun?? Okay. ipaliwanag mo" "Albert kasi..." damn. paano ko ba ito sasabihin? "Beshie, sabihin mo na" "Ano bang mali sa akin? dapat noon pa sinabi mo na sa akin" "Albert—" he walked away. Hindi ko alam kung bakit pero nakonsensya ako ng sobra... nasaktan din ako dahil alam kong nakasakit ako. I feel so bad. "At least alam nya na" sabi ni Vica na nasa likod ko nga pala. lahat ng guilt ay bumuhos sa katawan ko. bwisit. naiinis ako sa sarili ko. this is all my fault. yeah. this is all my fault. ang bobo ko. ang bobo bobo ko. Matapos ang klase, kaagad akong umuwi ng bahay para magpahinga. nakakapagod ang araw na'to physically and mentally. nakahiga ako ngayon sa kama ko na nanghihikayat ng tulog. pero hindi ako pinapatulog ng utak ko. unang una na dun ang tungkol sa nangyari kanina. Ang bobo ko talaga! dapat noong simula palang hindi ko na pinaasa pa si Albert. parang ginawa ko lang kay Albert ang ginawa noon sa akin ni Ali. pinaasa ko si Albert. I am so stupid. Maya maya'y nag ring ang phone ko. kaagad kong dinampot ang phone ko na nakapatong sa study table ko. Akala ko si Albert ang tumatawag pero si madam Velasco pala. "madam?" ["My dear, kumusta? tumawag nga pala sa akin si direk Tikki. kailangan nya ng mag di-direk"] "Po? si madam Tikki??" si direk Tikki Ang isa sa mga direktor na iniidolo ko bago si madam Velasco ["Syanga!"] masayang sabi nya "Ano naman po ang kinalaman ko dyan?" ["Napili ka nya."] "Po? napili na ano po?" I have an idea on my mind but I don't want to expect. Ilang beses na akong nag expect pero palagi nalang akong nabibigo... ["Ikaw ang mag didirek"] "Oh my... talaga po??" kaagad akong napatalon at napatayo sa kama. ["Yes"] she said happily "Oh my God... sige po. sige po madam. salamat po" pigil hiningang sabi ko ["Congrats. ibababa ko na. marami pa akong gagawin"] she hanged up the call "Ahhh!!!!!!!!!!!!! OH MY GOSH!!!!!!" Sa sobrang saya ko muntikan pa akong matapilok. tumakbo ako palabas ng kwarto ko at kaagad akong pumasok sa kwarto ni Brianna. "OH MY GOSH!!!!" niyakap ko sya na gulat na gulat naman sa akin na para ba akong isang baliw na nakatakas sa Mental Hospital. "Muah muah muuuuuaaaahhh!" hinalikan ko sya sa pisngi. tahimik lang sya. nakalimutan ko nagtatampo nga pala 'to sa akin. "Mag didirek ang ate mo! ano ang gusto mong kainin? gusto mong pizza? anong gusto mo? kahit ano daliiii" tahimik parin sya "Brianna, I'm sorry okay? busy lang talaga ang ate mo kaya nawalan ako ng oras sayo" tinabihan ko sya sa kama tahimik parin sya. "Gusto mo dito ako matulog ngayong gabi?" panandaliang katahimikan na parang nasa matindi syang pagdedesisyon. "Okay. libre mo rin ako ng pizza bukas" pakunwari pa syang galit muli ko syang niyakap at hinalikan sa pisngi. "Anong gusto mo? Yung maraming cheese?" "At maraming pineapple" "Okay. Hawaiian pizza please and two pineapple juice" sabi ko dun sa babae na nagte-take ng orders. "Sige po mam. hanap nalang po kayo ng pwesto nyo" nakangiting sabi nya sa amin. *Kring* kring* kring* nag ring ang phone ko. tumatawag si madam Velasco "Madam?" ["Nasaan ka ngayon? kailangan kana dito"] "Po?? ngayon na??" ["Oo ngayon na. hintayin ka namin dito"] Oh. my. God. I still can't believe this is happening. "Ate? ate! take out nalang po. I'm really really sorry Brianna. ngayon na ako mag sisimula. babawi ako next time. Promise" binigyan ko sya ng pamasahe pauwi saka ako nagmadaling lumabas ng Pizza Parlor para pumara ng masasakyan. Pagkadating ko sa address na isinend sa akin ni madam Velasco, bumungad sa akin ang malawak at ma-punong lugar. May higit kumulang na apatnapung katao. may nag se-set ng mga camera, nagsusulat ng scripts, may mga naglilinis, may mga nag ka-kabisa ng sasabihin, may mga nag me-make-up at may mga nag didisenyo ng kung ano-ano sa paligid. Sinalubong ako ni madam Velasco "Mabuti naman andito kana. kanina pa andito ang mga actor at mga actress natin" Nasa point parin ako na gusto kong sampalin at suntukin ang sarili ko para kung sakaling panaginip man 'to, ay ma-inform ako. pero kung panaginip man nga 'to, ayaw ko na magising nuh?! this is one of my dreams!!!! I'm so very happy!!!!! Okay. direktor ako. that means, makakakita ako ng mga artista!!!! "Sino-sino po ang mga artista natin?" hindi ko na napigilang itanong kay madam Velasco. She's leading me to the group of people. "She's our director" pakilala nya sa akin. Tumigil silang lahat sa mga ginagawa nila at tumingin sa akin. ngumiti sila sa akin, bumati at ang iba naman ay kinawayan pa ako saka muling bumalik sa kanilang mga ginagawa. "Sorry. anong tanong mo kanina?" umupo sya sa mahabang upuan. tumabi naman ako. "Sino-sino po madam ang mga artista natin?" "Hmm.. actually, hindi naman sila mga beteranong artista. mga kadugo lang sila ng ilang mga direktor at writers natin dahil hindi naman ito malaking project. Sina Trixie, Mico, Althea, George, Jem, Jeremy, at si Ali" Nakaramdam ako ng kakaiba nung banggitin ni madam Velasco ang 'Ali'. Isang tao ang biglang pumasok sa isipan ko pero kaagad ko ring inalis iyon sa isipan ko dahil hindi ko dapat iniisip ang kung ano-anong mga bagay na makakasira sa focus ko dito sa first work ko bilang isang direktor. Well, malay nyo ito na yung simula ng career ko bilang direktor diba? who knows kung madi-discover ako? "She's our director. call her direk Jeh. direk Jeh, this is George (Itinuro nya ang isang lalaking hindi kaputian pero astig ang dating), this is Trixie (Isang babae naman na black beauty na may mahabang buhok ang kumaway sa akin), this is Althea (Ngumiti naman sa akin ang babaeng maputi at maganda), this is Jem and Jeremy (nalito ako kung sino ba sa kanila si Jem at si Jeremy dahil kambal sila), this is Mico (Ngumiti at kumaway sa akin ang matangkad na lalaki na gwapo at may dimple sa magkabilang pisngi). someone is missing— where's Ali?" "I'm here tita! sorry nagpalit lang ako ng damit— Jerralyn??" Lahat ng inisip kong focus kanina ay nawala sa isang iglap nang makita ko kung sinong Ali ang binabanggit ni madam Velasco...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD