Indenial

1884 Words
"Althea??" nanginginig na tawag ko. Nang buksan ko ang pinto— "Ahhhhhhhh!!!!" kaagad kong isinara ang pinto Hindi si Althea ang nasa loob kundi isang lalaki. hindi ko nakita ang mukha dahil nakatalikod. "Sino ka??!" kinakabahang sigaw ko pero Hindi sya nagsalita "Maling room ang napasukan mo! si Althea dapat ang kasama ko dito! ang kapal ng mukha mo! naliligo ka pa talaga ha?!" sigaw ko habang nakapikit kahit na nakasara naman ang pinto ng CR. "Tama ang napasukan ko. nakipag palit ako ng kwarto" "What??" bumukas ang pinto at iniluwa ng pinto si "Ali???" Ang kaninang madaldal kong bibig ay parang tren na biglang prumeno. Nakasuot na sya ngayon ng gray t-shirt at black short. he look so.... hot. "Yup" simpleng sagot nya na para bang tinanong lang sya kung gutom na ba sya "Anong— bakit ka andito??" hangga't maaari, ayaw kong magtama ang paningin namin dahil baka tuluyan na akong mawala sa sarili. "Nakipag palit nga ako ng kwarto" "Bakit nga?" Gusto nya ba akong makasama? charrr.. "Nakiusap sa akin si George. gusto nyang makasama si Althea" "Oh. okay" pain. hiyang hiya tuloy ako ngayon sa sarili ko. bakit ba kasi napaka assuming kong tao? hindi na tuloy ako komportableng gumalaw ngayon dahil sa kahihiyan. "T–tapos kana maligo?" nagtama ang paningin namin pero kaagad akong umiwas ng tingin. "Oo." Nang makapasok ako sa loob, kaagad akong naligo at nagbihis. Baka nag i-imagine lang ako ng mga nangyayari. siguradong paglabas ko ng pinto ay hindi si Ali ang kasama ko sa kwarto kundi si Althea. oo tama. nag i-imagine lang ako. baka epekto na'to ng pagod. kinalma ko ang utak ko bago ako lumabas ng CR. Pagkalabas ko ng CR, kaagad kong naramdaman ang katahimikan, kawalan ng komportable at ang dalawang mga matang nakasunod sa bawat kilos ko. Ano ba Jerralyn... nag i-imagine ka lang... nag i-imagine ka lang okay? "Galit ka ba sa akin?" "H-ha??" napatingin tuloy ako sa kanya "Narinig mo ang tanong ko" "G–galit? b–bakit naman ako magagalit?" bwisit! bakit ba ako nauutal? tumayo sya sa pagkakaupo sa kama at binitawan ang kapit na cellphone Noong una, akala ko lalapitan nya ako para yakapin at mag sorry dahil iniwan nya ako noon pero may kukunin lang pala syang maliit na libro na nakapatong sa night table na katabi ko. outch. pain. Ali's POV Yeah. Alam ko namang iniisip nyong ang sama kong tao. Iniisip nyong paasa ako, pa fall, at manhid. but I'm not. trust me, I'm not. Mahalaga sya sa akin higit pa sa alam nyo. She's my girl, she's my happiness, she's my treasure and she's my princess. Marami akong dahilan kung bakit ko sya iniwasan noong mga panahong she's showing me her love. marami akong dahilan kung bakit ko sya iniwan ng walang paalam. marami akong pinagdaanan. Noong nawala sya sa buhay ko, nawala ang lahat ng saya. Pakiramdam ko, may malaking parte ng buhay ko ang nawala. Ang tanga tanga ko. Ang duwag duwag ko at dapat lang na isipin nyong ang sama kong tao. it's all my fault. Ang muling pagtatagpo namin ay hindi lang basta bastang nagkataon. nasa plano ko ang lahat. Ang lahat. Noong una palang naming pagkikita sa shooting, muntikan ko na malimutan ang lahat ng plano ko. muntikan na akong mawalan ng kontrol sa sarili ko. muntikan ko na syang yakapin ng mahigpit at sabihin ang lahat. pero hindi. kulang pa ako sa panahon at wala pa akong sapat na lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nakaraan. Ang nangyari sa akin. Bakit ako andito sa room 317? nakiusap nga ba talaga sa akin si George dahil gusto nyang makasama si Althea? No. Ako ang nakiusap kay George para makasama ko ang babaeng ang tagal kong gustong yakapin. At ngayon? I have a chance. pero hindi ko alam kung dapat ko bang gawin. dapat ko ba syang yakapin? dapat bang umamin na ako sa kanya? No. Hindi pa pwede. paano nalang kung malaman nya ang tungkol sa akin? tungkol sa nakaraan ko, sa trabaho ko at ang isa pang dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Pilipinas mula sa America? ano nalang ang iisipin nya sa akin? matatanggap nya kaya ako? kapag ba humingi ako ng tawad ay papatawarin nya ako dahil sa pananakit ko sa kanya? I don't know kung bakit ba ako nakipag palit ng kwarto kung alam kong maaaring hindi ko makontrol ang sarili ko. Muli akong humiga sa kama at nag kunwaring nagbabasa ng libro. pero wala talaga ang atensyon ko sa libro o sa kahit na ano man na andito sa kwarto na ito maliban lang sa kanya. I know she's expecting me to hug her or to say sorry for all I did. kung alam nya lang kung gaano ko sya kagustong yakapin, kapitan, halikan at ihiga sa kama. I hate myself. I'm full of pride. Maybe if she make a first move, tuluyan na akong mawawalan ng kontrol. may parte sa akin na gusto ko syang yakapin at may parte rin sa aking sya dapat ang unang kumilos. I want her to hug me. Kung maaari, ayaw kong mawalan ng kontrol sa sarili. I hate myself. I really really hate myself seeing her hurt because of me. Nakatayo parin sya sa kaninang pwesto nya habang nakatingin sa direksyon ko. bumuntong hininga sya saka humiga katabi ko. tumalikod sya sa akin. I hate myself. "Bagay kang maging direktor" puri ko na hindi na napigilan ang sarili kong kausapin sya. umupo sya sa kama at tiningnan ako na para bang hindi sya makapaniwalang kinausap ko sya. "S–salamat" ohh God. God knows how much I missed those eyes staring at me. umiwas ako ng tingin Muli kong itinuon ang paningin ko sa libro na kunwari ay nagbabasa. Hindi na ako muling nagsalita. hinihintay kong kausapin nya ako para tumagal ang usapan namin pero bumalik sya sa pagkakahiga. Maybe she's tired. she need rest. "Kumusta naman ang... ang asawa mo?" she asked calmly. napatingin ako sa kanya. nakasara ang mga mata nya. "She's fine" fuck. I really hate myself. Yan ang alam nya. Ang alam nya ay totoong may asawa na ako. but the truth is, hindi totoong nasa isang relasyon ako. I lied and I really hate myself for being a stupid-coward. I love Jerralyn. I love her so much at nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ko sya. pero wala akong magawa. Wala pa akong magagawa sa ngayon para mapasa akin sya. "Good." "How about your husband? how is he?" tanong ko na hindi ko manlang pinag-isipan. Paano nga ba kung may karelasyon na sya? paano nalang ang lahat ng sakripisyo ko? "Wala pa akong asawa" nakahinga ako ng maluwag sa sagot nya.. "Boyfriend meron" sabi nya na nakapag patahimik sa akin at nakapag pakirot ng dibdib ko. "Oh. that's nice" sabi ko na hindi maipaliwanag kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon. nagseselos ba ako? sana hindi nya napansin ang lungkot sa boses ko. "Thanks" sabi nya na nakangiti na para bang nag propose na sa kanya yung boyfriend nya. her smile breaks my heart.. hindi ko kakayaning makitang masaya sya sa ibang lalaki. but, what if naka move on na nga sya sa akin? what if hindi nya na ako gusto katulad ng dati? "Welcome" hindi na ako muling nagsalita. Jerralyn's POV "Really? magkasama kayo ni Ali sa isang kwarto at kinausap ka nya kagabi??" hindi makapaniwalang tanong ni Vica kinabukasan pagkatapos namin kumain ng breakfast. "Oh yezzz. pero, tinanong ko sa kanya kung kumusta ang asawa nya. Ang sagot nya, ayos lang daw" malungkot na kwento ko. "Outch.. that means, totoong may asawa nanga sya... and that means, hindi ka na talaga dapat pang umasa sa kanya". Tama. tama si Vica. Eh ano naman kung mahal ko pa si Ali? eh may asawa nanga diba? kahit naman aminin kong mahal ko pa sya, imposibleng mapasaakin sya. Wala na akong ibang mapagpipilian kundi ang tapusin na ang nararamdaman ko para sa kanya. kailangan ko na sigurong tanggapin na hindi talaga sya para sa akin. may asawa na sya at sigurado akong mahal na mahal nila ang isat-isa. "It's okay beshie. marami pa namang iba dyan... si Albert!" "Nakipag hiwalay na ako kay Albert diba? sigurado akong galit yun sa akin" "Hindi beshie. I mean, si Albert oh!" Napalingon ako sa ininguso ni Vica si Albert nga! papalapit! "Tago mo'ko!" nag panic kaagad ako "Gaga! nakita kana nya!" "Hi" nakangiting bati sa akin ni Albert na pumagitna pa sa amin ni Vica. "Ahm... beshie, may gagawin pala ako. maiwan ko na kayo ni Albert ha?" bwisit talaga si Vica... kaibigan ko ba sya o hindi? "Ay naku beshie.. may gagawin rin ako eh. sama na ako sayo—" "Wala kang gagawin beshie." may payugyog ulo effect pa si Vica. "Baka magsimula na ang shooting—" lalakad na sana ako ng mabilis palayo pero mabilis na nahawakan ni Vica ang braso ko. "Maaga pa beshie. After two hours pa magsisimula ang shooting" may pataas kaliwang kilay na sya ngayon. Sa huli, wala na akong nagawa kundi ang kausapin si Albert. "Balita ko naging direktor ka raw?" tanong nya sa akin "Ahm.. yeah" natawa ako sa tanong nyo. para namang sinasabi nyang hindi na ako magiging direktor ulit. "Napatawa rin kita. kumusta kana?" tanong nya na para bang isang taon kaming hindi nagkita "Okay naman. ikaw?" hindi komportableng tanong ko kailan ba matatapos ang usapang 'to? "Jerralyn de-diretsuhin na kita. please give me a second chance to prove my love for you" sabi nya na binigyan ako ng nakakaawang ekspresyon. "Ahm.. Albert kasi..wala akong oras ngayon para sa relasyon..." ayaw ko namang paasahin pa sya sa wala. "Maghihintay ako kahit gaano pa yan katagal" Ako yung tipo ng taong maawain. isasakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para lang mapasaya ang iba kahit alam kong sa maling paraan. "Please Jerralyn.. I will do anything for you" Nakatingin lang ako sa mga mata nya. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Hindi ko alam kung papairalin ko ba ang awa ko o ire-reject ko sya. Paano ko ba sasabihing ayaw ko sa kanya sa paraan na hindi ko sya masasaktan? "Albert kasi.." "Andito ka pala Jerralyn! kanina ka pa pinapahanap sa akin ni direk Tikki" biglang sumulpot sa likuran namin si Ali na nakapag pabilis ng t***k ng puso ko. Hindi dahil sa nagulat ako kundi dahil.. "Sorry bro. nag-uusap pa kasi kami" sabi ni Albert na halatang nainis. "Sorry rin bro. napag-utusan lang ako" "Nasaan si direk Tikki?" kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa biglaang pagsulpot nya. Lumakad na ako palayo para maiwasan ang awkwardness. Sinundan naman ako ni Ali habang wala namang nagawa si Albert kundi ang umalis nalang. "Sino yun?" tanong nya habang nakasunod parin sa akin "Si Albert. bakit?" Ayaw kong mag assume pero bakit parang galit sya? nagseselos ba sya? Gaga. Nangangarap nanaman ako. "Eh ano naman sayo?" Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan nya ang pulso ko. Napatingin ako sa mga mata nya na kulang nalang ay lumiyab. "Sagutin mo nalang ang tanong ko!" Galit nga sya. "Bakit ka ba galit?! may asawa kana diba?!" sinigawan ko rin sya. Lalo kong nakita ang galit sa mga mata nya. Ano bang problema nya?! "Wag mo na syang lalapitan" sabi nya bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD