Room 317

2918 Words
["Great job my dear! syanga pala, pinapasabi nga pala sa akin ni direk Tikki na you are an excellent director! biruin mo? that was your first time!"] "Salamat po madam Velasco" ["You're welcome. oo nga pala. muntikan kong makalimutan, I have a bad and good news for you. Anong gusto mong unahin ko?"] Umagang umaga nang tumawag si madam Velasco sa cellphone ko na dahilan para magising ako ng 5:20 am. ayos narin dahil may pasok pa ako mamayang 7:30 sa school. "Yung bad news po muna madam" ["Ahm.. pinapasabi sa akin ni madam Tikki na babalik na sya. that means, sya na ulit nag mag di-direk"] "Ahm... (outch). okay po madam. that means, fired na po ako?" "Ang good news, ipapasok ka ni direk Tikki sa eksena. ikaw ang makakatuluyan ni Ali kaya may sahod ka parin. at wag kang mag-alala, alam kong magiging isang ganap na direktor karin sa galing mong yan" Speechless. Hindi ko alam kung masasabi ko bang good news ba yun or bad news. Iniiwasan ko nga si Ali diba? tapos makakaeksena ko pa?? ["My dear are you still there?"] "Y–yes madam" ["That's a good opportunity right? my dear, please don't think na porket si direk Tikki ang magpapatuloy ng pag di-direk ay hindi kana magaling okay? may mga binago lang sya sa movie. naisip kasi nya na dapat may pasabog sa huli ng movie. so, game ka?"] "Thank you po madam. p—pero, pwede po bang pag-isipan ko muna?" "Of course" "Oh my gosh..." Hindi napigilang matawa ni Vica sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Kung boring ang tadhana, 'wag naman sana ang buhay ko ang pagtripan nya! nananahimik na ako eh... "Ano sa tingin mo? tatanggapin ko ba yung offer?" "Ang tanong, gusto mo ba?" hindi ko alam kung kakampi ko ba 'to o kaaway. "Beshie naman eh.. kailangan ko nga ng opinion mo diba? malamang kung anong sasabihin mo, gagawin ko" "Accept the offer. grab the opportunity! hindi ka naman siguro mag papaapekto sa kanya diba? Unless, you're still inlove with him" "I'm not! at ano naman ang mapapala ko sa kanya? wala naman syang pakialam sa akin" "Exactly. Isa pa, sabi mo nga diba, engage na sya three years ago pa? edi ibig sabihin nun, may pamilya na sya ngayon" Tama. Kaya hindi na dapat ako magpa apekto. Walang patutunguhan ang love story namin. love story naming hindi paman nagsisimula ay tinapos na. "Okay beshie. thanks sa advice. Thanks God na may kaibigan akong katulad mo" "Loka loka. oo naman nuh? beshie tayo diba? Teka— may balita ka pa ba kay Albert?" "Oo nga nuh? kumusta na kaya yun?" Matapos ang klase ko, na natatapos ng 3:50 pm, tumawag sa akin si madam Velasco na kailangan raw ako sa set. syempre para hindi ako masyadong maapektuhan kay Ali, sinama ko si Vica. "Oh ms. Maloba! salamat nga pala sa pagdirek mo noong nakaraang araw ha? ang ganda ng mga eksena. magaling! magaling! but I hope na magaling ka rin sa pag-arte?" nakangiting salubong sa akin ni madam Tikki kasama si madam Velasco. "Salamat po madam" hindi ko naman sinasadyang lumingon sa ibang direksyon ang mga mata ko na huminto sa direksyon ni Ali na nakatingin na pala sa akin. umiwas sya ng tingin kaya ibinalik ko ang paningin ko kina madam Tikki. "Oh, Sino naman 'tong kasama mo?" tanong ni madam Velasco nang mapansin si Vica na mukhang may hinahanap at sa malamang, yung poging camera man. "Si Vica po (siniko ko si Vica) best friend ko po" "Ay naku sakto. kakailanganin ng character mo ng kaibigan. magaling ba syang umarte?" "Ay opo madam! noong bata pa nga ako inartehan ko si mama na may sakit ako para hindi ako papasukin sa school" tuwang tuwa namang singit ni Vica sa usapan. "Aba magaling! direk Velasco, I-ready mo na please. paki pronounce na magsisimula na tayo in 15 minutes" "Okay direk Tikki" "Action!" sigaw ni madam Tikki Nakakakaba pala ang pag-aarte. o kinakabahan lang ako dahil ka-eksena ko si Ali? Bwisit. Nasa scene na kami na magkakakilala na kami ni Ali. mabubunggo nya ako at magkakatitigan kami. Palapit kami sa isat-isa habang kunwari ay gumagamit sya ng cellphone habang kunwari naman ay busy ako sa pagbabasa ng maliit na libro. palapit palang kami sa isat-isa ay pinagpapawisan na ako at kinakabahan. magkakatitigan pa kaya? Wait— magkakaroon ba kami ng kissing scene sa movie na'to? charr .. ano ba Jerralyn? Focus! *Dug dug *dug dug *dug dug may nagaganap bang banda sa pagitan ng ribs ko? bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Nang mabunggo na nya ako, eto na yung eksenang magkaka titigan na kami.. Damn. Hindi ko makontrol ang sarili ko. I felt the nervousness, excitement, anger, happiness and sadness all at once. but his eyes made me melt. there is something into his eyes that telling me that I should not be angry. There is something into his eyes that telling me that I still love him and... he love me? No. "Cut!" sigaw ni madam Tikki "Great job!" tuwang tuwang sigaw ni madam Tikki. Nakahinga naman ako ng maluwag. Kaagad hinanap ng mga mata ko si Vica. at nang magtagpo ang paningin namin, may nakakainis na ngiti sa mukha nya. Bwisit! "Hmm... Nakita ko yun beshie" bulong sa akin ni Vica nang makalapit ako sa kanya. "Ano bang sinasabi mo?" inagaw ko sa kanya ang biscuit na kapit nya "Hay naku beshie... 'wag ako! kilalang kilala na kita kahit amoy ng utot mo, alam ko" Natapos ang buong araw na palagi akong kinakabahan sa tuwing mag kakasama kami ni Ali. Hindi ko ba alam kung bakit. basta ang alam ko lang, I'm doing my best para hindi magpa-apekto pero bakit ang hirap? "Okay. matatapos na natin ang movie na'to bukas. pero sa ngayon, kailangan na natin ng pahinga" sabi ni madam Velasco "Anong oras na direk V?" tanong ni direk Tikki kay madam Velasco "7:19 pm direk" "Okay. attention everyone! sa hotel na tayo magpapa lipas ng gabi at mag i-stay tayo dun ng two days" sabi ni direk Tikki na sinundan naman ng mga hiyawan at mga bulungan. "Sana kasama ko sa isang kwarto yung camera man.." bulong sa akin ni Vica na ikinatawa naman naming pareho. "Okay guys. follow me. malapit lang yun dito" Sabi ni madam Tikki na sinundan naman namin. "Ah.. talagang mas gusto mo pang makasama yung camera man kesa sa akin?" pakunwaring nagtatampo ako kay Vica "Bakit? ikaw? mas gugustuhin mo bang makasama ako ngayong gabi kesa kay Ali?" natahimik tuloy ako sa sinabi nya. syempre gusto ko namang makasama si Ali kahit sandali lang. kahit ngayong gabi lang. "Hayyy.. mabuti naman magpapahinga na tayo... Ang pagod kaya" reklamo ni Mico "Pagod? napagod ka? eh halos isang beses ka nga lang nakasama sa eksena" sabi ni Trixie na ikinainis naman ni Mico. Samantalang nahuhuli naman sa paglalakad si Ali na nakayuko. Ewan ko kung dahil ba pagod lang sya o dahil malalim ang iniisip nya. pakialam ko ba? Inakbayan ko nalang at kinausap si Vica para mawala ang nasa isipan ko. Nang makarating na kami sa hotel, kaagad lumapit sina direk Tikki at si madam Velasco sa receptionist habang kami naman ay nag ku-kwentuhan tungkol sa ganda ng hotel. Ang lawak ng Hotel De Lapaz. maaliwalas ang paligid at mapresko. talagang marerelax ang kahit na sino dito. Wala naman sa tabi ko si Vica. Nang mahanap sya ng mga mata ko, pakunwaring nakikipag kwentuhan sya at nakikipag tawanan sa mga writer pero ang totoo ay nakikipag halubilo lang sya dahil andun yung crush nyang si Clarenz na isa namang camera man. in-short, lumalandi sya. katabi ko naman si Trixie at si Mico na nag-aaway. "Hay naku... kung magkakaroon man ako ng kasama sa kwarto, sana hindi ikaw nuh?" "Oh bakit ako? hindi mo manlang ba ako tatanungin kung gusto kitang makasama?" galit na sabi ni Trixie Si Althea naman ay ka-kwentuhan si George na halatang gustong gusto nila ang isat-isa. Samantalang kasama naman ni Ali ang dalawang makulit na kambal na sina Jem at Jeremy. "Ano sa tingin mo Ali? Sino ba talaga sa amin ni Jeremy ang mas pogi?" tanong ni Jem na para bang hindi sila magkambal ni Jeremy. "Hindi ko alam. tanong nyo sa nanay nyo" seryoso namang pagkakasabi ni Ali na ikinasimangot naman ng kambal. "Guys?" tawag atensyon ni madam Velasco na ikinatahimik naman naming lahat "Jeremy at Jem kasama ang isa sa mga writer natin... kayo ang magkasama sa room 308" "What?! magkasama nanaman kami? magkakapalit na kami nito ng mukha!" reklamo ni Jeremy "Magkapalit man kayo o sa hindi, magkamukha parin kayong dalawa" pag papaalala ni direk Tikki na ikinatawa naman naming lahat. "Trixie and Mico room 310" "Vica... and Clarenz (Yung camera man)" "Oh my gooshhh" tili ni Vica na halos malaglag na ang hindi malamang suot. brief o panty. "And Susan (Isa sa mga writer) room 311" "Ayyy" natahimik tuloy at napasimangot si Vica. "Ali and..." kinabahan ako. may part sa akin na sana si Ali ang makasama ko kahit ngayong gabi manlang. "Ali ang George room 315" outch. aray. okay. hindi na ako aasa. "Althea and Jerralyn room 317" "Ako naman at si direk Tikki ay sa room 320 at yung mga hindi ko nabanggit, bahala na kayong pumili ng mga makakasama nyo sa kwarto" napasimangot ako. bakit ba kasi napaka assuming kong tao? bwisit! Okay narin siguro na hindi si Ali ang kasama ko sa kwarto. baka hindi pa ako magkatulog eh. "Okay guys ayusin nyo na ang mga gamit nyo sa kwarto nyo. mag kita-kita nalang tayo mamayang 9pm dun sa restaurant para sabay sabay na tayong kumain ng hapunan" kanya kanyang lakad ang magka-kasama sa kwarto bitbit ang mga sariling backpack at susi. "So, are you still a student?" mahinhing basag ni Althea sa katahimikan "Ahm.. yes. ikaw?" "Oo. fourth year" "Wow nice... anong course mo?" honestly, wala akong ganang makipag-usap pero para kasing si Althea ang tipo ng taong kapag hindi mo kinausap ay parang hindi ka na ppansinin. parang maldita. "Culinary Arts" sagot nya "Wow that's nice! so, magaling kang magluto?" natawa sya sa tanong ko "Nope. not much. honestly, hindi ko naman talaga gusto ang kursong 'to. but, my dad and mom are chefs. so, dapat their daughter too" she gave me a sad smile. feeling ko tuloy naging harsh ako sa kanya nang isipin kong maldita sya. "Ohh.. so, ano ba talaga ang gusto mong course?" "Criminology" she said proudly "wow.. that's cool!" "thanks" sa wakas, nakita ko rin ang tunat na ngiti sa mukha nya. "Kayo ba ni George?" hindi ko napigilang itanong. may lahi kasi akong tsismosa. charrrooot. "What?" natatawang reaksyon nya. or should I say, kinikilig sya. she's blushing. "Gotcha!" tuluyan na kaming natawa. "Ahm.. no. yeah.. I don't know" "C'mon.. you can tell me" bigla ko tuloy syang nagustuhang kaibiganin. "Ahm... okay.. we love each other but gusto akong ipangasawa ni mom and dad kay Jefferson na nagmula sa mayamang pamilya while George's family... Hindi naman kayamanan. so, we decided na itago nalang muna ang relasyon namin. Oh— sana hindi mo na 'to mai-kwento pa sa iba... Andito na pala tayo sa room natin" saka namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng room namin na kanina pa namin hinahanap. "Nasayo ang susi?" tanong ko "Yep.buksan ko lang" Nang buksan nya ang pinto, bumungad sa amin ang malawak at all white na kwarto. mabango at malinis. "Pasok na tayo" kaagad naming inayos ang gamit namin nang makapasok na kami. "So, how about yours?" tanong nya nang matapos namin ang pag-aayos "Anong akin?" "Your love-life" natahimik ako nang biglang pumasok sa isipan ko si Ali "Love-life? ahm.. Wala ako nyan" binigyan nya ako ng "Hindi ako naniniwala" na expression "Really? c'mon.. sinabi ko sayo ang sikreto ko. dapat sabihin mo rin sa akin ang sikreto mo" "Pasensya na. Wala talaga eh" "Crush? 'wag mong sabihing wala ka manlang hinahangaan? ano ka alien?" natatawang biro nya. "Ahm.. well... it's.." nagdadalawang isip man, "It's Ali" ikwinento ko sa kanya ang tungkol kay Ali. "Ohhh.. Oh my gosh! yung pamangkin ni madam Velasco?" nakangiting reaksyon nya na para bang kinikilig sa walang kwentang love story. "Kalimutan mo nalang ang sinabi ko and please 'wag mo na sabihin sa iba ang tungkol sa sinabi ko sayo. Kung hindi, ipagkakalat ko ang tungkol sa inyo ni George" "okay. okay. I promise" nakangiting sabi nya "Anong oras nanga pala?" "9:10 pm" "Naku. punta na tayo. gutom na ako" Pagdating namin ni Althea sa restaurant ng hotel, bumungad sa amin ang mapresko at maliwanag na kapaligiran na pina-palamutian ng mga Christmas lights. May mga ilang kumakain na magpapamilya at mga magkasintahan. sa bandang dulo ng restaurant, makikita ang malawak na mesa kung saan kumpleto na ang mga kasamahan namin. "Hay naku girls. mabuti naman andito na kayong dalawa. bakit ba ang tagal nyo? kanina pa kami pinagbabawalan ni madam Velasco at ni direk Tikki na kumain hangga't wala kayo" halata namang gutom na gutom na itong sina Jeremy at Jem. Sinenyasan kami ni madam Velasco na umupo na sa dalawang bakanteng silya na katabi ni Vica at ni Ali. Sa tabi sana ni Vica ako uupo pero si Althea ang pinatabi ni Vica sa kanya para makatabi ko si Ali. agree naman si Althea na may pangiti-ngiti pa. hell. Hindi ba ako tatantanan ng araw na 'to?? "Ahem.." simpleng paubo acting ni Vica pero alam ko na agad ang ibig sabihin. malapad naman ang ngiti ni Althea habang may nakakainis namang ngiti sa mukha ni Mico. Bwisit! paano ba nalaman ni Mico ang tungkol dito? eh hindi ko pa naman sya gaanong kakilala? Wala naman akong ibang pinagsasabihan maliban kay Althea at kay Vica ah? ngayon lang naman nalaman ni Althea ang tungkol sa akin at kay Ali at hindi ko naman nakitang nag-uusap si Vica at si Mico.. "Two days tayong mag i-stay dito. kinontak ko na ang mga pamilya nyo kaya walang problema. in-excuse ko narin kayo sa studies nyo. Do whatever you want to do kapag wala tayo sa shooting. but, do whatever I want you to do kapag nasa shooting tayo. okay ba yun sa inyo?" Sabi ni direk Tikki na ikinasaya naman naming lahat. "So, pwede po kami direk maligo sa beach at sa swimming pool?" tanong ng kambal "I said, DO WHATEVER YOU WANT TO DO" tilian naman kami. "For now, kumain na muna tayo" Matapos ang dinner, kanya-kanya na kaming alisan. Saan kaya magandang pumunta? Si Althea na makakasama ko sa isang kwarto ay hindi ko na mahagilap at ang best friend ko namang si Vica ay bigla bigla nalang nawawala.. bigla bigla nalang nang-iiwan.. sa bagay, sanay na akong naiiwan... Ang ganda at ang lawak ng Hotel De Lapaz. Hindi nakakapagtakang maraming guess dito na talaga namang nag e-enjoy. Sa kahahanap ko kay Vica, napadpad ako sa likod ng mga kwarto kung saan matatagpuan ang malawak na swimming pool na tinatanglawan ng liwanag ng buwan at ng mga ilaw ng bawat kwarto. may maririnig namang mahinang tugtugin na masarap pakinggan. may ilang mga nag swi-swimming at may ilan namang mga nakaupo lang. Nasaan na ba sila? palingon-lingon ako sa paligid. inaasahang makaka-kita ng kakilala pero wala akong nakita. nasa beach siguro sila. saan ba ang daan papuntang beach? Tinanong ko ang bartender na ang pwesto ay malapit lang sa malawak na swimming pool. papikit-pikit ang mga mata nya nang tumingin sya sa akin. "Hano sayo mam?" paktay. lasing. "Saan ang daan papuntang beach?" sana masagot nya muna ang tanong ko bago paman sya magka— "Zzzzzzzz" tulog. Tinanong ko ang teenager na napadaan. "Diretsuhin mo lang po ang daan na 'yan" sagot nya sa akin. "Salamat" Hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit. suot ko parin ang damit na suot ko kanina sa shooting. Naaamoy ko narin ang sarili ko. Ang baho ko na. tutuloy paba ako para hanapin sila? nilalamig narin ako. babalik nalang siguro ako sa kwarto at maliligo. Nasa daan na ako pabalik ng room 317 nang pumasok sa isipan ko ang imahinasyon kung nagkataong si Ali ang kasama ko sa room 317. Siguro sa malamang, hindi ako magiging komportable. baka nga tulog na sya samantalang nag i-imagine pa ako na kayakap ko sya sa kama. "Hay naku Jerralyn..." niyugyog ko ang ulo ko. bakit ba kasi pumasok yun sa utak ko??? Nang nasa tapat na ako ng room 317, kaagad kong kinuha ang susi sa bulsa ng short ko (tig-isa kaming susi ni Althea) para buksan ang pinto pero bukas na pala ito. Nasa loob na yata si Althea at nagpapahinga. Nang pumasok ako, wala na sa tabi ng backpack ko ang kulay pink na backpack ni Althea. kundi, kulay gray na backpack na ang katabi nito. May market ba malapit sa hotel na 'to? bumili yata si Althea ng bagong backpack. Nang lumapit na ako sa kama para humiga dahil pagod na pagod ako ngayong araw, naalala kong maliligo nga pala ako. Kaya naman kinuha ko ang backpack ko at kinuha ang bra, panty, oversize white T-shirt at ang short ko sa loob ng backpack ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng CR na nasa dulo ng kwarto na ito pero narinig ko ang buhos ng tubig mula sa loob. naliligo yata si Althea. "Kanina ka pa dito?" tanong ko pero walang sumagot. tahimik lang ang paligid. nagsitaasan ang mga balahibo ko Hindi kaya may multo dito??? "Althea??" nanginginig na tawag ko Nang buksan ko ang pinto— "Ahhhhhhhhhh!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD