Episode 12

1134 Words
"F**k! F**k! F**k! May pamilya na siya? Kaya ba hindi ko siya makita dahil may pamilya na siya?" Umiiyak at lugong lugo na kausap niya sa sarili. Nasa bar siya nang condo niya ngayon. Umiinom mag-isa. Gusto niya sana lumabas kaso wala siyang lakas para uminom sa labas. Nadudurog ang puso niya sa mga oras na iyon.Parang bumalik ang sakit mula noong naghiwalay sila. Mas masakit nga lamang ngayon dahil may pamilya na ito. Samantalang siya, patuloy na naghihintay sa dalaga. Matapos ang tagpo nila ng dalaga sa squatter na pinupuntirya niyang bilihin, hindi niya na alam kung paano siya nakauwi nang hindi bumabangga ang kotseng minamaneho. Sa itsura ng dalaga kanina mukhang nahihirapan ito sa buhay, pero nandoon pa rin ang ganda nito. Hindi man lang kumupas bagkus mas nagkaroon pa ng magandang hubog ang katawan. Makinis pa rin ang balat. Medyo nangingitim na nga lamang dahil siguro lagi itong bilad sa araw. Luma man ang kasuotan ng dalaga, pero naroon pa rin ang likas na ganda ng kinahuhumalingan niya noon pa man. Bakas nga lamang sa mga mata nito ang tila napapagod at nahihirapan. "Hindi kaya pinapahirapan ito ng naging asawa? O, baka sinasaktan? Pero mukhang wala namang galos nang mga pasa? Ibig sabihin ba noong naghiwalay kami nag-asawa siya nang maaga? Kaya ba hindi na siya sumipot sa graduation namin noon?" tila nababaliw na kausap ng binata sa sarili. Gulong-gulo ang isip niya. Hirap na hirap i-proseso nang utak niya na may asawa at anak na ito. Kahit naman sabihin na naghiwalay sila nito, ito pa rin ang hinihintay niyang makakasama at magiging ina nang mga anak niya. "Mga anak? Teka iyong mga anak niya, bakit kamukha ko iyong batang lalaki? At may hawig din sa akin ang batang babae? Paano naging halos kamukha ko ang mga batang iyon kung iba ang ama nang mga iyon?" natutulirong ka-usap at tanong niya sa sarili. Kung may ibang makakakita sa kanya aakalaing nababaliw na siya. All these years na hinahanap niya ang dalaga hindi niya matagpuan. Iyon pala nasa Payatas lamang ito nakatira? Naalala niya ang sinabi nito noon na wala na itong matitirhan. "Ibig sabihin doon ito napadpad mula nang huli naming pag-uusap noon?" Nagsalin siya muli nang alak sa baso at pinuno iyon. Agad niya itong tinungga na parang tubig lang. Gusto niya munang magpakalunod ngayon sa alak at bukas na bukas pupuntahan niya muli ang dalaga. Kakausapin niya ito. Kailangan nitong malinawan sa mga nangyari noon. Kailangan niyang magpaliwanag dito. Iyon ang iniisip niya habang tumutungga ng alak. Hindi niya na ginamit pa ang baso. Mula sa bote nang alak, diretso niya na lang itong itinutungga na parang tubig. Mag-isa siya sa condo ngayon. Dahil ang helper niya ay laging uwian ito pagpatak ng alas sais nang gabi. Babalik na lang sa makalawa nang ala sais nang umaga para muling linisin ang condo niya. Alternate days ang ibinigay niyang paglilinis nito sa condo niya. Kaya lang, baka bukas ng maaga tatawagan niya ito para linisin ang pad niya dahil tiyak siyang hindi lamang mga bote nang alak ang magiging kalat niya. Organized siyang tao. Kahit na lasing siya alam niya pa rin ang ginagawa. Pero ngayon, mukhang wala siya sa sariling nagtatapon nang kung ano-anong nahahawakang bagay. Sobrang sakit ng nadarama niya. Muling naulit ang sakit nang hiwalayan niya ito at sabihin hindi niya mahal ang dalaga. Pero, "God knows how much I love you, love!" Sigaw niya sa buong condo niya. Parang pinipira-piraso ang puso at pagkatao niya. Akala niya noon kapag nagawa niyang hiwalayan ang dalaga, mahihintay pa siya nito. Dahil may tiwala siya na nag-iisa lang siyang minahal nito. Ganoon rin naman siya. Pero hindi niya lang talaga alam noon kung ano ang tamang gawin, para huwag guluhin ng mga magulang niya at nila Charry si Zandra. Partly sa nangyari noon, feeling niya guilty rin siya. Kaya kahit napakasakit na sabihin dito na hindi niya mahal, kabaligtaran iyon. Higit pa sa sarili niya ang pagmamahal niya mula rito. "Ang sakit! Ang sakit sakit!" Muling sigaw niya at hinawi lahat nang mga nakikita sa bar table niya. Basag lahat ang mga bote at baso na naroroon. Nag-iisang babaeng minahal niya, tuluyan nang nawala sa kanya. May nagmamay ari na rito. Paulit-ulit na sumasagi sa isip niya iyon. Hindi nagtagal sa sobrang lasing, nawalan na lamang siya ng malay tao. Habang tulog ang binata binibigkas niya ang. . . . "Mahal na mahal kita, Love. Mahal na mahal kita, Zandra," Sa labas naman ng building naroon si Charry, tila isang stalker na walang ginawa Kung hindi bumuntot sa binatang si Zapper. "Hindi na sila puwede pang magkita, kailangan makaisip na ako ng paraan para magka layo silang muli at huwag nang magtagpo pa. Ako lang dapat, Zapper, ako lang!" galit niyang turan habang ang kasama niyang detective na nasa driver seat ay patuloy lamang na humihithit nang sigarilyo. "Tsk, bakit mo ba ipinagsisiksikan ang sarili mo riyan sa lalaking walang bayag na iyan? Nag-enjoy ka naman sa akin, hindi ba?" asik nito sa dalaga. "Kailangan ko siya para mas mapalago pa namin ang negosyo ng pamilya. At huwag kang umasa na mamahalin kita. Katawan ko lang ang sa iyo, pero ang puso at kaluluwa ko ay sa lalaking sinasabi mong walang bayag. Kaya huwag mong sasabihin sa harap ko iyan, baka barilin kita ora mismo." Biglang kasa nang baril na hawak ni Charry. Napaatras naman ang lalaki at taas ang dalawang kamay nito na nagsasabi ng suko na siya. "Hindi ka naman mabiro, Charry. Oo, na katawan mo lang ang akin. Salamat at may parausan ako kahit paano. Alam mo naman tigang ako sa asawa ko, pero sa iyo, sagana ako. Salamat sa wankata mo, Lalo na ang booboes mo, swak talaga sa mga palad ko. Sobra pa nga." wika nito na minumuwestra pa ang mga kamay kung paano niya lamasin ang dibdib ng dalaga. "Good, nag-eenjoy rin naman ako sa iyo. Pero kailangan muna nating dumistansya sa isa't isa, mahirap na at baka makatulog ang magulang ko, mabulilyaso ang plano namin na pakasalan ako ni Zapper. Kailangan namin ang bilyones ng mga Montenegro. See you soon, Baby." Mabilis na hinalikan ng dalaga ang lalaki at bumaba na nang sasakyan. Magta-taxi na lamang siya pauwi. Nakaabang rin kasi ang ama niya sa pag-uwi niya nang gabi. Naiinip na dahil hindi niya man lang makuha muli ang tiwala ni Zapper. Kung bakit ba kasi nagsalita ang mga magulang nito na kasabawat siya sa pagpapahirap may Zandra noon, eh 'di sana tuloy-tuloy ang plano nila. Pero sa ngayon, kailangan niyang mag Plano ng maganda para Kay Zandra, para tuluyan na itong mawala sa landas ni Zapper. Dagdag pang may mga asungot na kambal at sagabal sa plano niya. "Think, Charry, think." wika sa sarili habang naglalakad pa palayo sa condo building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD