Kinabukasan, nagmamadaling gumayak ang mag-ina para tumungo sa apartment ng kaibigan si Wella. Tinawagan niya ito na maaga silang pupunta sa tinitirhan nito. Kaya naman hindi magkandaugaga ang magkapatid sa pagbibihis. Excited din silang gumala ulit. Bihira nila itong gawin - masaya ang mga bata dahil makakakita na naman sila nang medyo magandang tanawin. Sa lugar kasi nila, halos magkakadikit-dikit na bahay lamang ang nakikita. Mga tambay sa tabi-tabi. Mga batang naglalaro at nag-iiyakan, may iba pang nag-aaway. Ganoon palagi ang environment nila. Kaya kapag niyaya silang lumabas at mamasyal nang kanilang Ina o 'di kaya ang Tita Wella nila, walang pagda-dalawang isip silang agad na sasama.
Iyon ang alam nang mga bata, mamamasyal! Lingid sa kaalaman nila ang desisyong nabubuo sa isip ng kanilang butihing Ina.
"Nanay, may tanong po ako, kahapon ko pa naiisip ito, eh, bakit po hawig kami ng mukha, ni Manong Pogi? Hindi Kaya kamag-anak natin siya, 'Nay, o hindi kaya kapatid siya ng tatay?" tanong ni Julio sa ina.
Nabigla naman ang dalaga sa tinuran ng anak. All these years hindi nagtatanong ang mga anak niya tungkol sa ama o mga kamag-anak nila. Ngayon lamang ito nangyari.
Hindi niya sinagot ang tanong ng anak bagkus nag-iba siya ng topic. Hindi niya pa kayang isiwalat sa mga ito kung sino nga ba iyong Manong Pogi sa buhay nila.
"Handa na ba kayo, Julio at Julia?" tanong ng dalaga sa mga ito. Pinagliligpit niya ang mga ito nang ilang pares na pagbibihisan. Balak niyang manatili muna nang ilang araw sa bahay ng kaibigan niya. Natatakot siya sa maaring mangyari oras na, magtagpo muli ang landas nila ni Zapper. Hindi pa siya handa na kausapin ito at wala rin syang balak na kausapin ito.
"'Nay iyong tanong ko po? Walang sagot?" muli ay usal ng anak.
"Anak, hindi ito ang tamang oras na magtanong ng mga bagay na ganyan. Bilis an n' yo na lamang at baka umalis ang Tita Wella ninyo hindi natin maabutan iyon," sagot niya na lamang sa anak.
Nagkibit balikat na lamang ang batang lalaki.
Sinabi niya na lamang iyon sa anak na aalis si Wella, pero ang totoo, ayaw niyang baka maabutan sila ni Zapper kung sakali bumalik ito sa Squatter. Kailangan niyang itago ang mga anak niya, lalo ngayon nagtatanong na ito kung bakit nito kamukha. Hindi pa siya handa na sagutin ang anak.
At sapat na rin ang nasilayan nila ng binata ang isa't isa. Hanggang doon na lamang at wala nang iba pa. Ayaw niyang malaman nito na may anak sila. "Para ano pa? Wala syang bayag na nilalang. Nagkamali ako ng minahal na tao. Akala ko matinong lalaki, ngunit isa rin palang tarantado nang lipunan. Dapat sa mga katulad nito, pinapatokhang para hindi na magkalat nang epidemya sa mundo!" kausap niya sa sarili.
"Inay! May kausap po kayo?" biglang tanong ni Julia. Hindi niya namalayan na naririnig pala siya ng anak niya. Dala na siguro nang galit at matinding poot sa binata, kaya kahit sarili, kinakausap niya na.
"Ahhm. . . Wala anak, may ginagaya lamang akong dialogue sa TV." Ngiti niyang sagot sa anak.
Kakamot-kamot sa ulong tumango na lamang ang anak na babae.
"Inay. . . Ilang araw po tayo magbabakasyon sa bahay, ni Tita Wella? Hindi kami puwede matagal doon, Inay. May pasok pa po kami sa eskwela, eh," turan ni Julio.
Oo nga pala! May pasok ang mga anak niya . Hindi up-pwedeng mag-lagi sila ng matagal kay Wella. At gano'n na rin ang mga paninda niya. Naku naman, bakit ba nawala sa isip niya iyon? Nang dahil kasi sa lalaking iyon, hindi niya na maisagawa nang tama ang mga desisyon niya! Naku naman!
"Ah, anak! Hanggang lunes nang umaga lang tayo roon," wika niya.
"Inay, bukas po lunes na! Eh, 'di overnight lang po tayo kay Tita Wella? Dalawang pares lang na damit ang dadalhin po namin at iyong uniform po para bukas. Diretso na po kami sa school bukas," muling saad ni Julio. Sa kanilang tatlo, ito lang ang matino at maliwanag ang isip.
Kaya nga laging ang anak na lalaki ang nagpapaalala sa ina at kapatid nito, sa tuwing may nakakaligtaang mga bagay. Kahit na pitong taon pa lamang ang mga anak, masyado na itong matatalino at advance na mag-isip. Napakaswerte niyang ina, dahil hindi na siya nahihirapan madalas na utusan o pagsabihan ang mga ito. Kusang kumikilos ang mga anak niya at kusang nagdedesisyon sa mga gusto nila. Lalo na si Julio. Hinahayaan niya lamang ang mga ito. Gusto niya rin ang nagiging mga ugali ng mga anak, dahil napaka-independent nang mga ito. Bagay na hindi niya naging ugali noong kabataan niya.
Maaga kasi s'yang namulat sa pag-ibig. Mula kasi nang elementarya siya, madalas ka-klase o schoolmate niya si Zapper. Mula noon nahumaling na siya rito. Hanggang sa dumating ang araw na pinapangarap niya. Ang maging sila! Pangarap na nauwi sa bangungot. Hindi niya alam kung kailan siya magpa-patawad o magpa-patawad pa ba siya? Sa dinanas niyang sakit noon, napakahirap magdesisyon para magpatawad. Sabi nga nila "Forgiveness is a decision to make but to forget is hard to do,"
Napakadali magpatawad, pero ang kalimutan ang panloloko at p*******t sa murang puso niya noon, mula sa binata, ay hindi niya kayang kalimutan ng basta-basta.
Matapos makapagligpit ang mag-ina ay agad na silang lumisan sa kanilang tahanan para tahakin naman ang daan patungo sa sakayan nang dyip. Dalawang sakay kasi ang ginagawa nila sa tuwing dadalaw sa bahay ni Wella. Isang dyip at traysikel naman papasok sa loob ng subdivision.
Magkahawak kamay ang magkapatid at hawak naman ni Zandra ang isang kamay ng anak na babae. Pina-gitnaan nila ito ni Julio. Masyado kasing protective kuya itong anak niyang lalaki sa kapatid. Hindi niya naituturo rito kung paano sila magmahalan na magkapatid dahil laging kulang ang oras ng dalaga para pagtuunan nang pansin ang mga anak. Kaya nagugulat na lamang siya sa mga ito. May sariling disposisyon sa buhay kahit murang edad pa lamang.
Halos isang oras din ang binyahe nila patungo sa bahay ng kaibigan.
Samantala, naalimpungtan ang binata sa pagtulog nang makasagi nang bote ang paa niya. Napamulat siya agad nang mata, para malaman lamang na nasa bar station pa rin siya nang condo niya. Nakatulog na pala siya sa kalasingan. At sa sahig lang siya humilata.
Agad siyang bumangon, ngunit agad napahawak sa ulo niya, dahil bigla siyang nakaramdam nang hilo.
"F*** hangover is sucks!" inis na turan sa sarili. Habang sapo ang ulo, agad niyang naalala na kailangan niya pa lang puntahan ulit ang dalaga, para makausap ito. May munting pag-asa na nadarama na sana-- wala itong asawa. Hindi niya na titigilan at lulubayan ito, hangga't hindi ito bumabalik sa kanya. Alam niya sa sarili na ito lang ang nilikha na babae para sa kanya.
Kahit na may hangover pa siya, hindi niya na inalintana iyon. At kahit namamaga ang mga mata niya sa pagtangis nang nakaraang gabi, wala na siyang pakialam doon. Kailangan niya nang bilisan gumayak at baka hindi niya ito maabutan. May pakiramdam siyang lalayo ito, matapos nilang magkita. Naalala niya pa na isinumpa nga pala siya nito noon, na ayaw na siya nitong makita. Pero hindi niya gagawin iyon. Kailangan niyang magpaliwanag. Kailangan niyang makuha muli ang babae sa kung sino mang lalaki ang kinakasama nito. Sa kanya lang si Zandra! Kanya lang!
Matapos makapag-ayos ng sarili, agad siyang lumabas nang condo unit niya. Nag-dial na muna siya sa telepono upang tawagan ang kanyang taga-paglinis ng bahay. Alam niya magtataka ito, dahil ngayon lamang siya magpapa-service rito na linisin ang condo niya--sa magkasunod na araw.
"Hello, Manang, puwede ho ba, na mapunta kayo sa condo ko ngayon? Medyo makalat po kasi ngayon ang unit ko. Kayo na po ang bahala, Manang, ha. Nagmamadali kasi ako ngayon, eh,"
"Sige po, Sir, ako na po bahala. Tamang-tama wala naman akong gagawin ngayon araw," sagot ng kanyang helper.
Nagpasalamat na lamang siya rito at agad ibinaba ang tawag.
Matapos makausap ang caretaker niya, lumulan na siya patungo sa Payatas. Dalangin niya na matunton ang tirahan ng dalaga. Kung kailangan niyang kausapin at bawiin ito sa naging asawa nito, ay gagawin niya! Mahal na mahal niya ito. Alam niyang mali ang talikuran niya ito noon, pero wala siyang choice noon. Pero ngayon, handa na siyang salubungin ang lahat na pwedeng humadlang sa kanilang dalawa. Gagawin niya ang lahat mapatawad at tanggapin siyang muli ng dalaga.