Episode 14

909 Words
Mabilis na nakarating ang binata sa Payatas kung saan nakatira sila Zandra. Sa araw na ito hindi siya nagpunta rito para magsurvey nang lugar-- kun'di ang hanapin ang tinitirhan ng dalaga. Hindi niya naman dapat trabaho ang magsurvey nang site kaya lamang, parang may humihila sa kanya na dalasan niya ang pagpunta rito. Iyon pala ay may ibig ipahiwatig ang kanyang pakiramdam na pumunta rito. Dito niya lang pala mahahanap ang matagal ng hinahanap na dalaga. Oo, hinahanap niya ito mula nang makabalik siya mula sa America. Noon kasing naghiwalay sila--ikinulong siya ng mga magulang niya para hindi niya puntahan ang dalaga. Sa kagustuhan ng mga ito na pakasalan niya si Charry, ngunit hindi nagtagumpay ang mga ito. Nakalabas lamang siya noong graduation day nila. At ang araw na iyon ang nagpalaya sa kanya. Kinuha siya ng Lolo niya at dinala sa America. Galit na galit ang mga magulang niya noon sa Lolo niya, pero wala ang mga itong nagawa nang pagbantaan sila ng matanda. Pababagsakin ng matanda ang negosyo ng magulang oras na maghabol sila sa kanya. Dahil sa takot na mawalan ng negosyo, sumang ayon na lamang ang mga ito. Pabor na rin sila, dahil sa America siya dadalhin ng kanyang Lolo.Mapapalayo siya sa dalaga. Sumama siya rito. Noong una hirap na hirap siyang mag-adjust. Bukod sa hindi siya sanay sa kultura ng bansa, nangungulila rin siya sa presensya ng dalaga. Gustong gusto niya nang umuwi, pero wala pa siyang sapat na lakas para ipaglaban ito sa mga magulang. Hindi niya rin lubos maisip na nagawa ng mga magulang niya ang ikulong siya sa kwarto niya hangga't hindi siya sumasang-ayon sa kasal nila ni Charry. Kahit kailan hindi siya pumayag, dahil alam niya sa sarili niya na walang nangyari sa kanila. At kailan niya lang din nalaman ang tunay na nangyari sa dalaga, kaya pursigido siyang mahanap ito. Pero tila may kung ano ang humaharang sa paghahanap niya dahil tatlong taon niya nang pinapahanap ang dalaga. Mula nang makatapos siya ng kolehiyo, sinikap niyang makapagtayo ng sariling negosyo sa tulong ng Lolo niya. At nang pumanaw ang kanyang abuelo, sa kanya naiwan ang mga ari-arian nito. At nang umuwi naman siya rito sa Pilipinas, ipinasa na sa kanya ng kanyang ama ang pamamahala ng negosyo nila. Noong una ayaw niya itong tanggapin. Dahil ayaw niya, na kapag tinanggap niya ang anumang kayamanan ng mga ito, baka kontrolin muli ang buhay niya. Hindi na siya makakapayag. Pero nangako ang mga magulang niya, hindi na makikialam sa buhay niya, basta huwag niya lang pabayaan ang negosyo ng mga ito. Pumayag siya. Pero hindi dahil sa gusto niya ng maraming pera. Pumayag siya, pero ang kapalit ay huwag na silang hadlangan ng babaeng pinakamamahal oras na makita niya ito. Labag man sa loob ng magulang pumayag na rin. Pero hindi pa rin sila in-good term ng mga magulang niya hanggang ngayon. Ayaw niya munang makipag-ayos ng tuluyan sa magulang hangga't wala pang pinapatunayan ang mga ito. Nagalit siya sa mga magulang dahil siya na anak, hindi kinampihan, bagkus mas pinaboran ang anak ng kaibigan ng mga ito. Kaya hindi siya masisi ng mga magulang na malayo pa rin ang loob niya sa mga ito. Pagkarating niya sa lugar. Ipinagtanong niya ang tinitirhan ng dalaga. "Magandang araw po, Manang! Magtatanong lang po sana ako kung saan po ba rito ang tinitirhan ni Miss Zandra Rodriguez?" tanong niya sa Aleng nakasalubong na may sukbit na bilao, pakiwari niya ay nagtitinda ito ng kakanin. "Zandra? Ah! Iyong may maliit na tindahan ng mga gulay! Dumeretso ka lamang sa eskinitang iyan, hijo, tapos kumanan ka ng konti. May apartment diyan na tatlong pinto,.Iyong gitnang pinto ang inuupahan ng mag-iina," sagot ng Ale sa kanya. "Ganoon po ba? Itatanong ko rin po sana, kung nandiyan ba ang asawa ni Miss Zandra?" paniniguro niyang tanong muli rito. Kailangan niyang magtanong muna, baka bigla na lamang siyang ipabugbog ng asawa nito habang kausap siya. Kailangan niya pang magpaliwanag dito. Hindi pwedeng maudlot iyon. "Ay, naku! Pagkakaalam ko wala siyang asawa. Dahil noong mapadpad siya rito ay mag-isa lamang siya, pero medyo malaki na ang tiyan niya noon. Nakakaawa nga ang batang iyon, dahil walang kamag-anak. Mabuti na lamang at nandiyan palagi iyong kaibigan niyang bakla. Iyon ang madalas naming nakikita rito na tumutulong at kasama niya minsan," mahabang paliwanag ng Ale. Mukhang kilala ang dalaga rito dahil isang bigas niya lang ng pangalan ng mga ito ay agad siyang itinuro sa maliit na apartment ng mag-iina. At alam ang kanyang kwento. Pero natigilan siya ng marinig mula sa Ale na wala itong asawa."Ibig sabihin, buntis na siya ng mga oras na nagkahiwalay kami?" ani sa isip niya. Halos pangapusan siya ng hininga sa nalaman. Posible na buntis nga siya nang maghiwalay sila. Dahil ilang beses may nangyari sa kanila noon at wala silang proteksyon. "Kaya ba kamukha ko iyong batang lalaki, dahil anak ko iyon? Mga anak ko ang kambal?" mga tanong na tumatakbo sa utak niya. Agad siyang nagpaalam sa Ale. Kailangan niya ng mga kasagutan sa mga tanong niya. Kailangan mag-usap sila ng dalaga. Kung wala itong asawa, ibig sabihin siya pa rin ang mahal nito. Siya pa rin ang hinihintay nito. Halos takbuhin niya ang dereksyon patungo sa tinitirhan ng mag-iina. Hindi na siya makapaghintay na malaman ang mga katanungan niya. Kung totoo man ang lahat ng naiisip niya. Hindi na siya magdadalawang isip na kunin ang mag-iina at iuwi na sa bahay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD