Mabilis na nakarating ang mag-ina sa tirahan ni Wella. Agad silang sinalubong ng katiwala nitong si Aling Ising. May katandaan na rin ito. Ito ang dating yaya ni Wella noong maliit pa. At dahil ayaw mawalay ni Wella sa kanyang yaya Ising ay isinama niya ito sa kanyang tinitirhang apartment. Bumukod kasi ito ng tirahan-- gustong maging independent. At dahil sa hindi naman masyadong tanggap ang pagkatao ni Wella ng kanyang ama at dalawang kapatid na lalaki, pinili na lamang nitong bumukod , nang sa gano'n maiwasan nila ang madalas na pagbabangayan ng pamilya. Naaawa na rin si Wella sa Ina na palaging namamagitan sa kanila ng ama at mga kapatid. May sari-sariling mga negosyo ang mga ito. Pero kahit kailan hindi umasa si Wella sa mga ito. Nagtayo ng sariling salon ang kaibigan. Pinatunayan nito sa pamilya na kaya nitong tumayo sa sariling mga paa na walang suporta ng pamilya niya, na ikinakahiya siya. Hindi naman ginusto ng kaibigan na maging bakla. Ganito na siya noon pa bago isilang. Sadyang hindi lang talaga patas ang lipunan sa pagtanggap sa kasarian ng kaibigan.
Mabait si Wella. Kahit madalas silang magbangayan, at the end sila pa ring dalawa ang nagtutulungan. Noong kailangan niya ng tulong nito, hindi ito nagdalawang isip ibigay sa kanya ang pagtulong. Kahit nahihiya siya noon sa kaibigan, wala na syang choice kun'di tanggapin ang alok nito. Ginamit ng kaibigan ang sariling ipon para makalipat siya ng maayos-ayos na tirahan. At doon nga siya napadpad sa Payatas. Mura kasi ang paupahan doon. Pinili niya na lang doon manirahan, kahit hindi tiyak kung ligtas ba siya o hindi sa lugar na napili.
Pagkapasok nila sa bahay ni Wella, agad sinalubong ng mahigpit na yakap ng kambal ang kaibigan. Masyadong mahal ng mga anak niya, ito. Sa tuwing pumupunta ito sa kanila, agad na inaasikaso ng dalawang bata ang pag-iistema rito. Ito na rin kasi ang tumayong parang ama sa mga anak niya.
"Tita Wella, na-miss ko po namin, sobra!" ano ni Julia.
"I miss you too my princess! I miss you too my prince!" Masayang sagot ng kaibigan sabay yakap ng mahigpit sa dalawang bata. Prince at princess ang tawag nito sa mga anak niya. Dahil guwapo raw at maganda. Pasok sa royalty family. Sabagay magandang lalaki ang ama nila. Isang beses niya lang din nakita ang magulang nito. At masasabi niyang pang-royalty beauty nga ang mga ito. At hindi siya kailanman, nababagay sa pamilya ng lalaki.
Bitter man kung ituring ng iba, pero iyon ang realidad niya. Lalo na at squatter kid ang mga anak niya kabilang na siya.
Nakamasid lamang ang dalaga sa tatlo na animo'y maraming taon na hindi nagkita. Ilang araw lang naman ang nakaligtaan na magkita ang mga ito. Busy raw kasi ang kaibigan niya sa Salon. Dahil may wedding daw na ginanap noong nakaraan araw, at ang salon nito ang napili na mag-make-over sa mga kasali sa entourage. Kaya hindi nagkita ang mga ito.
Matapos magbatian at magyakapan ang mga ito, iginiya sila ni Wella sa sala. Napapalingon ito sa gawi ng dalaga. Mukhang ramdam nito na may problema siya. Mabilis ang pakiramdam ng kaibigan, pagdating sa dalaga. Dahil halos sabay na silang lumaki, kaya konting uncomfortable feeling, ay nararamdaman nila agad.
Nang makaupo sa sala. Binuksan nito ang TV at hinayaan ang mga bata na manood muna. Hinila siya ng kaibigan sa kwarto nito. Para makapag-usap ng masinsinan.
"Spill?" sabi nito. Short word but she suddenly felt scared to her friend. Hindi siya mahilig magsekreto rito, dahil iyon ang pinangako nila sa isa't isa, walang lihiman. Hindi niya na pinatagal pa at sinabi niya na rito ang nararamdaman.
"N-nagkita na kami ni Z-Zapper," aniya na may namumuong luha sa mga mata. Hindi niya mapigilan, hindi maging emosyonal sa harap ng kaibigan niya. Ito lahat ang nakakakita ng pagiging isang Zandra. Being weak and strong. Sila ang tinuturing na "siblings in a different wombs". Ito ang takbuhan niya tuwing may problema siya. At open arms namang s'yang tatanggapin ng kaibigan.
"Oh my God! Paano?" eksaheradang usal nito.
Well, expected na nilang dalawa, na magtatagpo ang landas nila ng lalaki--sapagkat ito nga ang bibili ng lupang kinatitirikan ng kanilang tirahan. Hindi nga lang expected na masyadong maaga. Maaga pa nga ba? Walong taon na nakakaraan. Hindi na maaga.
"Nagpunta siya sa Payatas. Siguro chini-check niya ang area. At iyon nga, mukhang nakasundo niya pa ang dalawang bata. Kausap niya ang mga ito ng matagpuan ko sila sa tapat ng tindahan, nagmemeryenda. Nilibre raw sila nito." wika niya sa kaibigan.
Nanlalaki naman ang mga mata nito sa narinig na inusal ng dalaga.
"Ibig mong sabihin nagkita na ang mag-aama? Kaya ka nandito, ay para itago sila? Gurl, kahit ibaligtad mo ang mundo para matakpan lamang ang mga anak mo at hindi niya makita--makikita at makikita pa rin niya ang mga yan. Isn't right time na magkausap na kayo ng maayos? Tutal may anak naman na kayo. Mabuti pa harapin mo na siya. Para hindi ka parang isang kriminal na tago nang tago. Beside eight years past na my bestfriend, stop hiding, hindi na nakakatuwa. Naawa na ako sa mga pamangkin, hindi man nagsasalita tungkol sa tatay nila, pero alam ko na naghihintay lang ang mga iyan ng tamang panahon para magsabi ka sa kanila." mahabang salaysay nito sa dalaga.
"H-hindi pa ako handa, Wella. Masakit pa rin kasi hanggang ngayon ang nangyari, eh. Hirap pa rin akong tanggapin na niloko at pinaglaruan niya lamang ako, noon," aniya. Patuloy na bumubuhos ang mga luha. Sa tuwing makikita niya ang larawan ng binata sa mga magazine na feature ito, hindi niya maiwasan balikan ang sakit at paghihirap ng kalokohan noon. Sikat na kasi ang binata dahil sa magkakasunod na success ng business nito. At hindi maiwasan na isang araw ay nahagip ng mata niya ang magazine, habang namamalengke siya ng iba pang paninda.
"Gurl, naunawaan naman kita. Pero hindi ka ba naaawa sa mga anak mo? Lumalaki na walang kinikilalang ama. Swerte kapa nga ngayon at hindi ka nila inuusisa kung nasaan ang ama nila, eh. Paano kapag dumating ang araw na magtanong ang mga bata sa iyo, ano ang isasagot mo? Dapat kasi sinabi mo na noon pa na nagdadalantao kana, baka sakaling naiba ang sagot noon ni Zapper sa iyo,"
Hindi nakaimik ang dalaga sa tinuran ng kaibigan. Oo, hindi pa nga nagtatanong ang mga anak niya tungkol sa ama ng mga ito. At natatakot rin siya na baka kapag nagtanong ang mga ito, wala s'yang maisagot. O, kaya naman kapag nalaman ng mga ito kung sino ang ama nila, iwan s'yang bigla ng mga anak.
Dahil sa walang maisagot ang dalaga. Hinayaan na lang ng kaibigan. Bagkus iniba na lamang ang usapan para hindi na lalo pang umiyak ito.
"Anyway, bago pa bumaha ng luha rito, eh, tara sa mall. Libre ko kayo. Alam mo naman na rumaket ako this week 'di ba? Kaya ibibili ko kayo ng mga damit at kakain tayo sa labas. Ayusin mo na ang sarili mo, gurl, baka mapansin ng mga bata na galing ka sa pag-iyak. At saka na natin isipin ang problema mo, kapag nagtanong na sila."
Agad silang lumabas sa kwarto, dumaan na muna ang dalaga sa comfort room malapit sa kusina para maghilamos at ayusin ang sarili. Mahirap na baka mahalata ng mga anak niya na may problema siya. Exaggerated pa naman mag-react ang mga anak niya. Naalala niya noong bigla siyang nilagnat, salitan ang kambal na alagaan siya. At kahit hindi alam ang gagawin, sinikap ng mga ito na gawin ng tama ang pag-aalaga sa kanya. Mabuti na lamang at medyo marunong na ito sa gawain bahay, kaya hindi siya masyado nag-alala noon nang magkasakit siya.
"Kids! Tara sa mall, treat kayo ni Tita sa favorite fast-food niyo!" rinig niyang wika ng kaibigan sa mga anak. Agad naman na sumigaw ng "yehey" ang dalawang bata. Ganito ang kaibigan niya, sa tuwing alam na may problema siya, isasama siya sa pamamasyal para medyo gumaan ang nararamdaman niya. Dahil bihis naman na sila, agad silang nagpaalam kay Aling Ising.
"Nanay, punta muna kami ng mall, huh, kapag may naghanap sa akin. Pakisabi na nasa mall kami. Sa fast-food na paborito nitong mga pamangkin ko." paalam ng kaibigan sa Nanay Ising nito. Nanay ang tawag ng kaibigan dito dahil ito na halos ang naging Ina niya habang lumalaki siya. Hindi na rin ito nakapag-asawa, dahil ginugol nito ang lahat ng oras sa kaibigan. Alam na rin ng matanda kung saan sila madalas dalhin ni Wella. Madalas kasi may naghahanap na mga kliyente dito na naging close na rin ng kaibigan niya, kaya kapag sinabi ang lugar kung nasaan ito, doon na lamang nila pinupuntahan. Bihira ng maabutan ng kahit sino ang kaibigan sa bahay nito. Maliban sa kanya. Dahil pipirmi ito, para hintayin siya.
Nang makapagpaalam, lumulan na sila patungo sa nasabing mall.
Habang ang binata naman ay nasa tapat na ng bahay na tinutuluyan ng mag-ina. Kumatok siya ng ilang beses, ngunit tila walang nakakarinig. Kumatok siyang muli at napapalakas na nga ang tunog ng pagkatok niya, pero wala pa ring nagbubukas ng pintuan.
Biglang nagbukas ang pinto sa kabilang unit.
"Ano po ang kailangan ninyo Kuya sa may-ari ng bahay na iyan? Wala po kasi sila diyan. Umalis sila ng maaga, kanina." ani ng nakatira sa kabilang unit ng apartment. Kilala nga ang mag-ina sa lugar. Mukhang matagal na ngang nakatira dito ang dalaga kasama ang mga anak.
"Gano'n ba? Kakausapin ko lamang sana iyong nakatira rito, si Zandra. May kailangan kasi akong imungkahi sa kanya, eh." ani ng binata
"Sa tingin mo, saan sila pumunta?" dugtong na tanong niya sa kapitbahay.
"Ah... Kapag wala sila diyan, tiyak naroon sila sa bahay ng kaibigan ni ate Zandra. Si Wella iyong bakla na may-ari ng salon. Pwede ka pumunta doon sa bahay niya. Ituturo ko sa iyo ang address. Nakarating na kasi ako doon minsan, eh." sagot nito. Mukhang sanay na ang mga ito na ituro kung nasan pumupunta ang dalaga. Dahil walang pag-aalinlangan na ibinigay sa kanya ang address ng kaibigan ng dalaga. Nagpasalamat na lamang siya dito at agad na umalis. Kailangan niyang makita ang dalaga. Sa dami ng katanungan sa isip niya, hindi na siya makapaghintay pa ng matagal.
Dahil may sariling sasakyan kaya mabilis niyang pinaharurot ito. Makalipas ang halos kalahating minuto, narating niya ang tinitirhan ni Wella.
Agad siyang bumaba sa sasakyan at nagdoorbell sa labas ng gate.
May lumabas na isang ginang, wari niya ay katiwala ito rito.
"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, hijo?
"Magandang araw po, Manang. Itatanong ko lamang po sana kung nariyan po ba si Wella at si Zandra? Kaibigan po nila ako." ani ng binata.
Mataman na tiningnan ng ginang ang binata na tila sinusuri kung nagsasabi ba ito ng totoo. Syempre baka isa lang itong budol gang, na kapag nagsabi ang ginang kung nasaan ang alaga at kaibigan nito ay baka may gawin itong masama. Tila alam ng binata ang mapanuring tingin nito kaya agad na siyang nagsalita. Baka ano pa isipin nito na hindi maganda sa kanya.
"Magkaibigan po kami noong hayskul, Manang. Medyo matagal-tagal na po kasi kaming hindi nagkikita kaya may nakapagsabi po sa akin na kakilala namin--na narito po sila. Gusto ko lamang po sana silang kumustahin?" aniya. Totoo naman na matagal na silang nagkakilala, pero hindi kakilala nila ang nagturo sa kanya rito, kun'di kapitbahay ng dalaga.
Mukhang nagliwanag naman agad ang mukha ng ginang na animo'y naniwala agad. At sumagot ito sa kanya na nagagalak.
"Ay... Gano'n ba, hijo! Naku matutuwa ang mga iyon, kapag nalamang may kaibigan silang naghahanap mula hayskul. O siya, ika'y pumaroon sa mall at naroon sila ngayon, nagba-bonding, kasama ang mga anak ni Zandra." sagot nito na tila tuwang-tuwa pa sa nalaman. Bibihira kasi na may dumalaw na mga kaibigan sa dalawang iyon, kaya naman nagagalak ang ginang na may kaibigan ulit na gustong makita ang dalawa. Mula kasi ng nagmatured ang mga ito ay bihira niya nang makita na may kasama na dating mga kaibigan ang kanyang alaga. Maliban na lamang kay Zandra. Na mula noon hanggang ngayon ay magkasama pa rin ang dalawa. Sinabi nito sa binata ang mall kung nasaan ang mga hinahanap ng binata at walang pag-aatubiling nagpaalam matapos magpasalamat rito.
Hindi alam ng binata kung swerte nga bang maituturing ang araw na ito, dahil napakadali niyang makakuha ng impormasyon na kung saan hahanapain ang dalaga. Samantalang noong nag-hire siya ng PI (private investigator) ay wala siya halos matanggap na impormasyon ukol sa pinapahanap.
"Mas mabuti pa palang ako na lang ang naghanap noon, hindi pa ako gumastos ng malaki para lang sa wala. Ngayon halos abot-kamay ko na ang mahal ko, hindi ko na palalagpasin pa ito. At sinuswerte nga naman, sa mall ko pa sila nagpunta." kausap ng binata sa sarili habang bumabyahe patungo sa mall. Halos paliparin niya na ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan para lamang agad na makarating.
At nang makarating ay hinanap niya agad ang sinabi ng ginang kung saang fast-food madalas ang mga ito, maglagi.
Samantala, pinapayuhan naman ni Wella ang dalaga ukol sa pakikipag-usap sa binata, habang kumakain sila at ang mga bata ay nagsimula nang mag laro sa playhouse ng fast-food
"Gurl, alam ko, na alam mo, galit din ako sa lalaking iyon, sa EX mo rather," pinakadiinan pa nito ang salitang ex.
"Pero hindi mo maitatago ng matagal ang mga bata sa kanya. Sigurado ako, noong nakita niya ang kambal, iisipin noon na anak niya ang mga ito, lalo na kay Julio. Kamukhang-kamukha niya, eh.Walong taon na rin naman ang nakalipas, siguro naman medyo humupa na 'yang galit sa puso mo. Kahit sa mga anak mo na lang. Baka kasi pagsisihan mo kapag hindi mo ipinakilala sa mga anak mo ang tatay nila. Baka kapag sa iba pa nila nalaman--magtanim ng galit sa iyo ang mga bata." mahabang paliwanag nito sa dalaga.
Mataman lang na nakikinig ang dalaga at nag-iisip. Kung sakali na magkita sila ni Zapper, siguro sasabihin niya dito ang tungkol sa mga bata. Kahit sa mga anak niya na lang. Ayaw niya rin na balang araw magalit ang mga ito dahil sa paglilihim niya.
Habang malalim na nag-iisip ang dalaga, sa hakbang na gagawin, bigla na lamang may lalaking lumuhod sa may gilid niya at niyakap ang kanyang beywang. Naririnig niya pa itong parang umiiyak.
Sino ba itong taong ito?
Hahawiin niya sana ang estrangherong yumakap ng lang basta sa kanya ng narinig niya ang boses nito, at sinabi ang katagang matagal niya nang hindi naririnig.
"Love," tila isang talon ang kanyang mga luha na sabay nagsibagsakan ng narinig iyon. Kilala niya ang taong nagsabi no'n. At ito lamang ay nag-iisang tao na tumatawag sa kanya ng salita na iyon.