Episode 16

1071 Words
Habang patuloy sa paghahanap si Zapper sa kinaroroonan ng dalaga, naririnig niya sa background music ng mall ang kanta na gift. Parang tumutugma ang bawat liriko nito sa bawat minuto na paghahanap niya sa dalaga. Lalo siyang naiiyak pero pilit niyang pinipigilan na huwag bumagsak ang mga luha. Abot kamay niya na, konti na lang. Winter snow is falling down Children laughing all around Lights are turning on Like a fairy tale come true Sitting by the fire we made You're the answer when I prayed I would find someone And baby I found you Hindi kalaunan, natagpuan niya rin ang babaeng kay tagal ng hinahanap ng puso niya. Nasaktan niya man ito, pero patuloy niya pa rin itong minamahal. Chorus: All I want is to hold you forever All I need is you more every day You saved my heart From being broken apart You gave your love away And I'm thankful every day For the gift Walang sabi-sabi, agad siyang lumapit dito at lumuhod sa tabi nito sabay yakap ng mahigpit na mahigpit. Naramdaman niya pang nanigas ito ng bahagya dahil sa pagkagulat ng biglaan niyang pagyakap. Watching as you softly sleep What I'd give if I could keep Just this moment If only time stood still But the colors fade away And the years will make us grey But baby in my eyes You'll still be beautiful Sa pagyakap niya ng mahigpit sa dalaga, hindi niya na napigilan pa ang umiyak. Napapahikbi na siya sa sobrang pagtangis. Masayang-masaya siya dahil sa wakas nayakap niya muli ito. Miss na miss niya ang dalaga. Walang araw o oras noon na hindi niya ito naiisip. Naghiwalay man sila, nagkalayo sa isa't isa, pero hindi mapapawi ang pagmamahal niya para rito. "Love." katagang naibulalas niya sa muling pagkakataon. Chorus: All I want is to hold you forever All I need is you more every day You saved my heart From being broken apart You gave your love away I can't find the words to say That I'm thankful everyday For the gift Ramdam ng binata na nagulat ito sa sinabi niya. Pilit nitong inaalis ang kanyang mga braso. Alam nang binata na nakilala na siya ng dalaga. Sa itinawag pa lang niya rito sapat na para malaman nito kung sino siya. "Bitawan mo ako!" may diing sabi ng dalaga. Ngunit hindi pa rin humiwalay ang binata sa dalaga. Mahigpit pa rin siyang nakayakap rito. "Zandra, love, please hear me out? Please hear me out! I will explain everything!" Ngunit matigas pa rin ang dalaga na pilit inaalis ang kanyang mga braso na nakapulupot sa beywang nito. Nakakaagaw na sila ng atensyon sa lahat ng tao sa loob ng fast-food. Maging si Wella ay natulala dahil sa biglaang pagsulpot ng binata. May ibang kumukuha na ng video dahil gustong makita ang eksena nila. Walang pakialam ang binata sa nangyayari sa paligid. Ang alam niya lang hindi niya bibitawan ang dalaga,hangga't hindi siya nakapag-papaliwanag dito. Pero paano, mukhang matigas ang puso nito ngayon? "Tanggalin mo ang mga braso mo sa akin, Zapper! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Ang dami ng kumukuha ng mga video sa atin. Hindi ka ba nahihiya?" may diing usal ng dalaga. Nagagalit na siya dahil ayaw siyang bitawan ng binata. Nahihiya siya sa eksena na nangyayari sa kanila. Kanina iniisip niya kung ano ang magiging hakbang niya kung sakali man magtagpo sila muli nito. Pero ngayon hindi niya alam ano ang magiging reaksyon niya, gayon mahigpit itong nakakapit pa rin sa beywang niya. Mayamaya pa lumapit na ang babaeng manager ng fast food. "Excuse me, Ma'am, Sir, sorry to interrupt po, pero nakakaagaw na po kasi kayo ng atensyon sa mga kumakain dito. Kung maaari po sana sa labas na lamang po ninyo ituloy iyan pag-uusap ninyo? Baka po kasi mapagalitan kami ng may-ari rito kapag hinayaan namin na may ganitong eksena?" malumanay na wika ng manager ng fast food.Nag-angat ng mukha ang binata. At parang nakakita ng multo ang babaeng manager ng mapagtanto kung sino ang lalaki na nakayakap sa dalagang si Zandra. Bigla itong nahiya at kinabahan. Ito lang naman ang may-ari ng mall na kinatitirikan ng kanilang fast-food. Si Zapper Montenegro. Ang binatang bilyonaryo na kinahuhumalingan ng karamihang mga babae. Isa na siya roon. Minsan pinapangarap niya na sana masilo niya ito at maging kasintahan, pero hindi raw gano'n kadali lapitan ito dahil masungit at naninigaw. Nagtataka ang babaeng manager kung bakit ito nakayakap sa babaeng costumer nila. Hindi kaya girlfriend niya ito? Pero malabo, malayo sa mga nali-link na mga babae sa binata ang itsura ng customer na babae. Habang nasa ganoon pag-iisip ang babaeng manager, agad siyang nakarinig ng boses lalaki. Biglang nagbalik ang kanyang huwisyo ng mapagtantong napatulala na pala siya sa mga kaharap. "Leave." iyon ang sabi ng binata. Sa takot ng babaeng manager na masisante, agad itong tumalima paalis. Dahil sa nag-uumpukan na ang mga tao roon, agad na bumungad sa kanilang dalawa ang magkapatid na Julio at Julia. "Inay, bakit po kayo umiiyak? Sino po ang nang-away sa inyo?" bungad agad ni Julio. Ito ang protector ng dalaga sa mga anak niya. Agad itong susugod kapag nalamang may nang-api sa kanila ni Julia. Pero napatingin ito agad sa lalaking hanggang ngayon nakakapit pa rin sa beywang ng dalaga. Nanlaki ang mata nito ng makilala kung sino ito. "Si Manong Pogi!" Julia exclaimed. Naunahan nito si Julio na banggitin kung sino ito. "Manong Pogi, bakit po kayo nakayakap sa Nanay namin? Kilala ninyo po ba ang Nanay namin?" agad na tanong ni Julia. Bago pa man sumagot ang isa sa kanila nila Zandra at Zapper. Tumayo ang binata at inakay ang dalaga patayo. "Let's go for awhile. Uwi na muna tayo, sa bahay ko kayo sasagutin, mga anak." usal ng dalaga at agad na inalis ang pagkakayakap pa rin ng binata sa kanya. Nagtataka namang nakatingin lamang ang dalawang bata. "Tara mga pamangkin, uwi muna tayo, ah. Madami na kasing fans dito baka mag-viral tayong bigla." Segunda naman ni Wella sabay hila sa dalawang bata. Agad na umalis ang mga ito, at sumunod na rin ang binata. Hindi alam ng binata kung bakit ba natatameme na lamang siya sa tuwing nasa harap niya na ang dalaga. Ang gusto niya lang muna kasi sa ngayon ay yakapin ito ng mahigpit para huwag humiwalay at lumayo sa kanya. Maraming taon ang pangungulila niya rito. Kaya hindi sapat ang saglit na yakap man lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD