Pagkalabas nila ng mall, akmang papara na ng taxi ang dalaga pero pinigilan ito ng binata.
"Hatid ko na kayo, love." nagtatakang napalingon ang dalaga sa kanya. Nakangiti siya habang nakatitig sa mukha ng dalaga. Napakaganda pa rin nito. Walang nagbago maliban sa medyo nangitim na balat.
Bumaling naman ang tingin ng dalaga kay Wella na may nagtatanong na expression. Tumango lamang ito, nagsasabing sumabay na sa sasakyan ng binata.
"S-sige."
Agad silang iginiya ng binata sa parking lot at tinungo ang sasakyan nito. Typical na reaction ni Julia nang makita ang sasakyan. Ang lambhorgini na paborito niya.
"Wow! Sasakay tayo diyan, Inay? Wow!" manghang sabi ni Julia. Gustong-gusto ito ng batang babae, dahil mula ng makita niya ito, pinangarap niya nang minsan makakasakay rin sila rito.
"Yes, baby girl. Sasakay tayo diyan." ang binata na ang sumagot.
Agad silang sumakay para makauwi na. Binuksan ng binata ang passenger seat para sa mga bata at kay Wella. Pero hindi sumakay ang kaibigan.
"Dala ko rin ang kotse ko gurl, 'di ba? Doon na ako sasakay. Kayo na lang ng mga bata rito. Kita na lang tayo sa bahay." usal ng kaibigan niya. Wala nang nagawa ang dalaga na pigilan ito. Ayaw niya sanang sumakay sa kotse ng binata dahil hindi niya alam kung saan sila biglang dalhin nito. Sa itsura pa lang nito kanina , mukhang may balak na.
Sasakay na sana siya sa passenger seat pero agad siyang pinigilan ng binata.
"Sa harap kana sumakay, love."
Agad naman siyang tumango. Hindi alam ng dalaga kung bakit ba sa tuwing may sasabihin ito ay agad siyang napapasunod. Nawawala na ata siya sa katinuan.
"Hatid mo na lang kami sa Payatas." simpleng wika ng dalaga. Pero agad umalma si Julio.
"'Nay, hindi po ba tayo muna dadaan sa bahay ng Tita Wella? Nandoon pa po iyong mga damit namin at iyong uniform po para bukas. Wala po kaming maisusuot 'Nay, kapag hindi natin nakuha iyon. Isa lang uniform namin ni Julia' di ba po?"
Sa narinig ng dalaga, agad napatampal ito sa noo. Bakit niya ba nakalimutan na sa bahay nila Wella sila magpapalipas ng gabi? Ito na nga ba ang sinasabi niya. Ang dami niya nang nakakalimutan simula nang magkita silang muli ng binata.
"Pasensya na anak, sige daan muna tayo sa bahay ng Tita Wella ninyo." agad niyang sinabi sa binata ang address ng bahay pero...
"I know, love. Doon ako galing bago ako nakarating ng mall para hanapin kayo."
Sa narinig ng binata tungkol sa uniform ng mga bata, parang pinipiga ang puso niya. Napaka-walang kwenta niyang ama. Pinabayaan niya ang mag-iina niya na maghirap. Gusto niyang bumawi sa mga ito. Kahit hindi pa siya sigurado kung anak niya ba talaga ang kambal. Pero sa puso niya, kanya ito. Mga anak niya ito. Anak nila ng babaeng pinakamamahal niya.
Nagulat naman ang dalaga sa tinuran ng binata. Hanapin sila? Para ano? Hindi na lang muna siya umimik, baka ano pa ang masabi niya. Tumango na lamang siya at tumingin sa labas ng bintana. Ang mga anak niya naman sa likod ay prenteng nakaupo, lalo na si Julia na abot tenga ang ngiti.
"Manong Pogi, ang sarap po pala mag-joy ride sa Bambhorgini ninyo. Ang lamig ng aircon!"
"I know baby girl. Next time lagi na kayong sasakay rito."
Sa sinabi ng binata, agad napalingon ang dalaga sa gawi nito. Nagtataka at nakakunot ang noo na pinagmamasdan niya ito. Gusto niya nang magtanong pero pinipigilan niya ang sarili niya. Mamaya na lang pagdating sa bahay nila.
" Ano pong ibig ninyong sabihin, Manong Pogi?" agad na tanong ni Julio. Nawewerduhan siya rito sa Manong Pogi na ito. Una, nakita nilang yakap nito ang Nanay nila , ngayon naman sinasabi nitong lagi na silang sasakay sa lamborghini nito. Bakit kaya?
"We will talk later, when we reach to your house, champ." ani ng binata.
May pakiramdam na si Julio kung ano ang ibig sabihin nito. Bata man siyang naturingan pero may alam na siya sa nangyayari sa paligid nila.
"May tanong pa po ako sa inyo, Manong Pogi, huwag po sana kayong magagalit, ah? Narinig ko po kasi sa mga kapitbahay na bibilhin daw po ang squatter at Mr. Zapper daw po ang pangalan. Hindi po ba Zapper ang pangalan ninyo? Kayo po ba ang bibili ng squatter kung saan kami nakatira?"
" Yes, champ."
"Kung ganoon po, mawawalan na pala kami ng tirahan? may lungkot na usal nito sa batang lalaki.
"'Nay saan na tayo lilipat kapag nabili na ni Manong Pogi ang squatter? Wala na tayong bahay sa susunod. Doon po ba muna tayo titira kay Tita Wella?"
Hindi alam ng dalaga ang isasagot. Gusto niya munang manahimik dahil, naghahanap pa siya ng tamang mga salita para sa mga anak. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa mga ito at sabihin ang tinatawag nilang Manong Pogi ay ama nila. Naguguluhan na siya. Ito na ba? Ito na ba ang tamang panahon para magkakilala sila? Malalim ang iniisip niya, pero nakaramdam siya nang may humahaplos sa ibabaw ng kamay niya. Si Zapper. Napalingon siya rito. Pero busy lang ang mga tingin nito sa harap habang nagdadrive.
"Champ, mamaya na lang namin sasagutin ang mga tanong mo, ah. Mag-uusap muna kami ng Nanay ninyo. Tapos ipapaalam namin sa inyo mamaya ang napag-usapan namin."
Tumango na lamang si Julio. Si Julia naman walang pakialam sa paligid niya at nag-enjoy siya sa pagsakay sa pinapangarap na kotse. Nakangiti pa ito. Agad itong siniko ni Julio ng mapansin na pangiti-ngiti ang kapatid na babae.
"Julia, para kang baliw. Bakit ka nakangiti diyan? Kanina pa kita pinagmamasdan. Nababaliw ka na ba sis?"
Agad naman napatingin sa rare view mirror ang binata upang tingnan ang dalawang bata. Napapangiti na naman siya na makitang magdedebate na naman ang mga ito.
"Huwag ka muna magulo, Kuya, nagmomoment ako rito, eh. Minsan lang ako makasakay sa magandang kotse. Hayaan mo muna ako. Baka hindi na ito maulit, eh. Hindi pa naman ako makapag picture kasi iyong selpon ng Nanay, walang camera. Kaya nire-record ko na lang sa isip ko ang lahat ng moment ko rito sa kotse. Ikaw, Kuya, hindi ka ba masaya nakasakay tayo rito?"
"Masaya naman, pero hindi ako katulad mo, nagmumukha nang baliw, nakangiti."
"Ewan ko sa'yo Kuya, ang weird mo din minsan, eh. Sumbong kita sa crush mo sa school, eh. Sabihin ko huwag kang i-crush back kasi masungit ka at weird."
Napapangiti lang ang binata habang nakikinig sa debate ng kambal. Habang hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ng dalaga. Noong hinawakan niya ito, hindi naman umalma, kaya pinagsiklop niya ang mga kamay nila. Nakangiti siya habang nagdadrive. Feeling niya happy family sila.