Mabilis silang nakarating sa bahay nila Wella, pero hindi na pinababa ng dalaga ang mga bata. Kukunin niya na lamang ang mga gamit na naiwan at deretso na silang uuwi. May pasok ang mga anak niya bukas kaya kailangan nilang makauwi ngayong araw.
Matapos makuha ang pakay, nagpaalam na lamang siya sa kaibigan upang makauwi na sila.
"Remember, I told you gurl, listen sa explanation at sabihin mo na rin sa kanya ang tungkol sa mga bata. Huwag mo nang patagalin pa, okay?"
Tango lamang ang isinagot ng dalaga. Sa totoo lang kanina niya pa hinahanda ang sarili niya sa mangyayaring pag-uusap nila ni Zapper.
Agad siyang sumakay ng kotse at kumaway sa kaibigan niya ng umusad na ang sasakyan ng binata. Tahimik siyang muli habang bumabyahe.
"Nanay, nagugutom na po ako." ani Julia
Magtatakip-silim na kasi, kanina pa sila kumain, at dahil naglaro ang mga anak niya sa playhouse sigurado ngang gutom na sila.
"Hintay na lang ng konti anak, ah. Malapit na rin naman tayo sa bahay, eh. Magluluto ako agad ng hapunan natin." ani ng dalaga ngunit agad naman sumagot ang binata.
"No need to cook, love. Bibili na lang tayo sa drive thru. Para makakain na rin agad ang mga bata."
Natahimik si Zandra sa tinuran ng binata. Bakit ba palaging love ang tawag nito sa kanya? Mag-ano ba sila? Napapaisip na lamang siya sa mga inaasta ng binata.
Agad naman silang nakakita ng drive thru fast food. Ipinara agad ng binata ang sasakyan sa may window para maka-order.
"What do you want kids?"
"Kahit ano na lang po, Manong Pogi. Hindi naman po kami maselan sa pagkain, eh." sagot agad ni Julio. Pinigilan ang kapatid na magsalita. Baka kung ano pa ang orderin nito, nakakahiya. Sa isip ng batang si Julio. Hindi nya rin kasi matukoy ang mga kilos ng Manong Pogi na tinatawag nila. Gusto na nitong magtanong kung bakit tinatawag na love ang Nanay nila , tapos niyakap pa. Tinuruan kasi sila ng Nanay nila na huwag mamimilit sa tao. Maghintay kung kailan masasagot at maibibigay ang kailangan nila. Kaya tikom bibig na muna siya.
Agad naman um-order ng pagkain ang binata para sa kanilang lahat. Hindi naman na sumagot pa ang dalaga kahit na tinanong din siya nito Kung ano ang gusto. Hinayaan na lang ng mag-iina na ito na ang um-order. Ito naman ang magbabayad, eh.
Matapos ma-order ang pagkain at I-serve sa kanila sa kabilang window. Lumulan na sila pauwi sa bahay ng mag-iina. Hindi muna pipili tin ni Zapper na sa kanya ang mga ito umuwi. Baka lalong magalit sa kanya ang dalaga. Dadahan-dahanin niya muna ito. Hanggang sa pumayag.
Nang matapos sa pagkain ang dalawang bata, nakaramdam naman agad ang mga ito ng antok. Na-traffic na kasi sila on the way. Kaya pinatulog muna ng dalaga ang dalawa sa likod. Nakamasid naman sa rare view mirror ang binata at pinagmamasdan ang magkapatid. Kamukha niya talaga ang mga bata. Nabubuo na ang kanyang conclusion na anak niya nga ito.
Nilingon niya ang dalaga, nakatingin pa rin ito sa labas ng bintana habang inaantay na umusad ang sasakyan. Agad niyang inabot ang kamay nito. Nagulat naman agad ang dalaga sa ginawa nya. Babawiin sana nito ang kamay pero agad niyang pinagsiklop ang mga daliri nila at mahigpit nya itong hinawakan.
"Love, sorry." muntik nang mabasa ang boses niya sa inusal sa dalaga.
Nangingislap naman ang mga mata ng dalaga, hudyat na konti na lang babagsak na ang mga luha niya.
"Sorry, love kasi naduwag ako noon. Gusto kitang habulin noon pagkalabas mo ng bahay, pero agad akong mapigilan ni Charry. And mas worst pa, ikinulong ako ng magulang ko sa kwarto, para hindi kita mahabol. Nasaktan din ako noon, love, nang mag hiwalay tayo. Pero wala akong magawa noon. Hindi ko alam paano kita makikita noon. Hanggang sa graduation natin, hinanap kita kasi that day lang ako pinalabas ng parents ko. Pero hindi kita nakita. Hanggang sa kunin ako ng Lolo ko at dinala sa America. Dahil sa Lolo ko nakalaya ako sa pagkakakulong ng magulang ko sa akin. Pinipilit Nila akong ipa kasal Kay Charry, pero, love, kahit kailan hindi ako pumayag. Kasi sa iyo lang ako nang ako na magpapakasal tayo. Sa iyo lang ang puso ko noon at ngayon. Iyong mga pangako ko sa iyo, pinanghawakan ko iyon habang nasa America ako. Nagsikap at nag-aral akong mabuti roon, kasi umaasa ako pagbalik ko, mapapakasalan na kita. May sarili na akong negosyo na Kaya na kitang buhayin at ipaglaban sa magulang ko. Love, I'm so sorry. Please give me one more chance? One more chance to prove that I'm worthy to be yours and you to be mine. I know I'm useless, a jerk, an asshole back then. But what I said back then isn't true that I didn't love you. From the start it's all you, love, I've been loving for so long." mahaba ng salaysay ng binata. Kinuha niya na ang pagkakataon na magpaliwanag dito habang nasa byahe. Dahil baka kapag nakarating sila sa bahay ng mga ito, ipagtabuyan siya agad ng dalaga. Kailangan niyang magpaliwanag. Bumabagsak na ang mga luha niya, pero hinayaan lamang ng binata iyon.
Naramdaman niya na lang na pinupunasan nang dalaga ang mga luha niya. May mga luha rin ito na dumadaloy sa pisngi. Pareho silang umiiyak. Bago pa niya maibangga ang sasakyan, itinabi niya muna ito sa tabi ng kalsada. Nang maitabi ang sasakyan. Walang sabi-sabing niyakap niya ito ng mahigpit. Napapahikbi na sila pareho sa pag-iyak.
Sa wakas, sa tagal na panahon, na yakap muli ng binata ang dalaga. Masaya ang puso niya dahil pinakinggan siya nito.
Niyakap din siya ng dalaga pabalik.
"Ssshhhh, baka magising ang mga bata dahil sa pag-iyak mo. Ang lakas ng tunog ng hikbi mo." pilit pagbibiro ng dalaga kahit na siya rin ay humihikbi sa pag-iyak.
Pinahid ng binata ang mga luha niya at kumawala ng kaunti sa dalaga. Pinakatitigan niya ang mukha nito. Tila kinakabisado ang bawat ang gulo ng mukha ng dalaga.
Tiningnan niya ito sa mga mata at sinabing...
"Mahal na mahal kita, love. Mahal na mahal kita. Noon at ngayon, walang pinagbago. Ikaw lang, love. Ikaw lang ang mahal ko. Kahit nagka hiwalay tayo, minamahal pa rin kita."
Dahil sa sinabi ng binata, muli na namang umiyak ang dalaga. Napapalakas na ang iyak nito. Tinatakpan niya na ang mukha niya dahil sa hindi mapigil na pagtangis.
Sa tagal na panahon paghihiwalay nila, akala niya hindi niya na maririnig pa iyon mula sa binata. Hindi na siya makapagsalita. Idinaan niya na lang muna sa pagtangis. Niyakap naman siyang muli ng binata. At hinalikan siya sa noo. Hinayaan niya lamang ito.
"I-I wanna ask, love. Is the twins are mine? I mean, ako ba ang ama nila?" tanong ng binata. Hindi niya na kaya pang patagalin ang mga katanungan niya, gusto niya na ng kasagutan.
Dahil sa matindi ng pagtangis ng dalaga. Tanging tango na lang ang nasagot nito.
Wala naman pagsidlan ang kasiyahan na naidulot ng sagot ng dalaga sa binata. Tama nga ang hinala niya, anak niya ang kambal. At kahit hindi na idaan sa DNA test, mapapatunayan niya nang anak niya nga ang mga ito. Kamukha niya, eh.
Niyakap muli ng binata ang dalaga, at inilayo ng konti at saka masuyong hinalikan ang mga labi nito. Wala na siyang pakialam pa kung may nakakita sa kanila mula sa labas ng kotse. Basta ang alam lang ngayon ng binata ay ang halikan ng matagal ang babaeng pinakamamahal niya. Kalaunan, gumanti na rin ito ng halik sa kanya.
Halos pangapusan sila ng hininga ng maghiwalay. Parehong nakangiti sa isa't isa.
"Can I bring you to our home now, love? Please deretso na tayo sa bahay natin. Kayo na lang ang kulang kasi para mabuo na ang pinangarap ko noon para sa ating dalawa."
Sa totoo lang may pinatay nang bahay ang binata. Hinahanda niya iyon sa muling pagkikita nila ng dalaga. At dahil ito na nga, nagkita at kasama niya na ang mga ito. Hindi niya na palalagpasin pa ang pagkakataon. Iuuwi niya na ang mga ito sa bahay nila .