Episode 11

1182 Words
Flashback Matapos mailibing ang mga magulang ng dalaga, hindi niya alam kung saan siya ngayon lilipat. Naremata na ang bahay at lupa nila. Nauubos na rin ang konting ipon niya sana dahil ginamit niya para maipalibing nang maayos ang mga magulang niya. Halos pagbagsakan siya nang langit at lupa. Hindi alam saan pupunta. Kasalukuyan siyang nasa park, malapit sa dating bahay na nila ngayon. Nag-iisip nang solusyon kung saan tutuloy. Sinubukan niyang lumapit sa mga kamag-anak ngunit wala ni isang tumanggap sa kanya. Ayaw s'yang tanggapin dahil baka raw dapuan din sila nang malas, kapag nagkataon. Na-iisip niya tuloy malas ba talaga siya? O baka nagkataon lang na dumating itong pagsubok ng buhay niya? Gulong-gulo ang isip niya sa mga oras na iyon. Mga ilang oras din siyang nanatili sa park hanggang sa isang desisyon ang nabuo sa isip niya. Pupuntahan niya si Zapper. Ipagtatapat niya ang nangyari. Ipagtatapat niyang buntis din siya at ito ang ama. Kahit na nasaktan siya nito noong huli niyang punta sa bahay ng binata, lulunukin niya na lang ang pride niya. Kahit maging serbedura siya tatanggapin niya. May matuluyan lamang siya. Kabado siyang umalis sa park patungo sa mansion nila Zapper. Hindi niya alam kung ano ang magiging result ng pagmamakaawa niya rito. Kailangan niyang gawin ito dahil na rin sa nagdadalantao siya. Masyado pa siyang bata para maging ina. Pero dahil ginusto naman nilang pareho ang nangyari, hindi siya nagsisisi. Blessing ang baby niya para sa kanya, dahil ito na lang ang meron siya at si Zapper. Habang patungo siya sa kinaroroonan ng binata, walang patid ang pagdarasal niya na sana tanggapin siya at bigyan ng tirahan. Kahit suntento na lamang sa magiging anak niya, payag na siya. Gano'n nga talaga siguro kapag magiging ina ka na, lahat gagawin mo alang-alang sa anak mo. Ilang sandali pa ay nakarating na rin siya. Nasa bungad na siya sa gate nang mansion ng binata. "Miss! Ano ang kailangan mo?" tanong ng security guard nang mansyon. "Ah, Kuya itatanong ko lang po kung, nandiyan po ba, si Zapper?" sagot niya rito. "Nasa loob siya, Miss! Teka at sasabihin ko na may naghahanap. Ano nga pangalan mo?" ani nito. Mukhang bago ang taga-bantay nang gate nila at hindi siya kilala. "Pakisabi po, si Zandra," iyon lang ang pangalan na ibinigay niya. Saglit pa ay tumawag ang guard sa loob nang mansion upang ipaalam na hinahanap niya si Zapper. Agad namang may lumabas na kasambahay at nakilala siya nito. "Pasok ka, Miss, sabi ni Sir Zapper. Nasa sala sila ngayon," wika nito. "Sila? May kasama siya?" tanong ng isip niya. Naglakad na lamang siya papasok ng mansion at tulad nang sinabi ng kasambahay na sa living room nga ito, ngunit kasama si Charry. Agad siyang natigilan bahagya. Napa-isip kung itutuloy pa ba ang paglapit dito o aalis na lamang siya. Pero sa huli nanaig ang unang desisyon niya. Lumapit siya rito at bumati. "Magandang hapon, Zapper?" bati niya. Napalingon naman ang dalawang taong nag-uusap sa living room. "Mukhang hindi mga nagulat at expected na darating nga siya." ani ng isip niya. Medyo napataas ng bahagya ang kilay niya. "Yes?" malamig na turan ng binata. Nagulat ang dalaga sa inakto nito. Animo'y hindi siya kilala? Kung mag-tanong para lamang siyang isang bystanders na bumati rito. "Pu-puwede ka bang makausap?" nauutal na ani niya. "You can talk now. Hurry up, I'm busy!" medyo pa galit na sagot nito sa kanya. Gusto nang maiyak ng dalaga pero pilit pinatatatag ang sarili para huwag tumangis sa harap nang mga ito. "Gu-gusto ko sanang makiusap ku-kung puwede pansamantala makitira rito sa inyo?" halos walang kasing pait na salita ang nabigkas niya rito. Hindi niya akalain na, ibababa niya ang pagkatao para lamang dito. Pero kailangan! Anak nito ang dinadala niya. "You are not allowed here. You can go back to your house. You are not welcome here," malamig pa sa yelong bigkas nito sa kanya. Halos hindi na makahinga ang dalaga sa mga naririnig na mga salita ng binata. Pero lakas loob pa rin siyang nakiusap rito. "Wa-wala na akong mauuwian. Wa-wala na ang bahay namin," Nakatungo niyang wika at muling nagbabadya ang mga luha pero pilit pinipigilan. "Please pumayag ka," usal niyang dasal sa sarili. Ngunit ang pag-asang tanggapin siya nito ay naglaho ng sabihin nitong "I don't care! You can leave now!" Medyo napalakas na may halong galit na untag ng binata. Halos mapatalon naman sa gulat at takot ang dalaga. Naglaho na ang pag-asa niya na matutulungan siya nito. "Ga-gano'n ba? Si-sige aalis na ako. Pe-pero itatanong ko lang sana kung totoo bang minahal mo ako?" utal-utal na tanong niya sa binata, umaasang sabihin nitong "Oo" ngunit naglaho muli ng tuluyan ang kakarampot na pag-asa nang sabihin ng binata na "Hindi," Napasinghap siya at halos pangapusan ng hininga sa narinig dito. "Kung gano'n ginamit mo lang pala ako? Dahil alam mong mahal na mahal kita? Ako naman itong nagpakatanga, nabulag sa akala'y totoong pagmamahal ang binibigay sa akin? Ibinigay ko lahat sa iyo, Zapper, wala akong itinira. Kahit ang puri ko ibinigay ko ng buo sa iyo! Tapos sasabihin mong hindi mo ako minahal? How dare you!" Malakas ang boses na sumbat niya rito. Tuluyan nang kumawala ang kanina pang pinipigilang mga luha. "Kasalanan ko bang naging tanga ka sa pagmamahal mo sa akin? Hindi naman kita pinilit, eh. Ikaw ang kusang nagbigay noon. Lalaki lang ako, madaling matukso." Wika nito na medyo napataas ang sulok ng labi nito na animo'y natatawa. Sa narinig ng dalaga, hindi niya na napigilan ang sarili at mabilis na lumapit sa lalaki at mag-kabilaang sampal ang ibinigay nito sa binata. "I hate you! Isinusumpa ko kahit kailan ayoko nang makita ang pagmumukha mo! Wala kang kasing sama! Magsama kayo ng haliparot mong kababata!" sabi niya. Lalayo na sana siya pero bumalik siya at binalingan si Charry. "Masaya kana? Nakuha mo na ang gusto mo? Huwag kang mag-alala ipagdadasal ko kayo sa impyerno! Mga demonyo!" Sigaw niya sabay sampal nang malakas kay Charry at tumakbo palabas nang mansion. Ang planong pagtatapat sana ng dalaga na buntis siya ay hindi nangyari. Masyadong galit ang mundo sa kanya. Siguro nga karma niya na iyon. Hindi siya nakinig sa bestfriend niyang si Wella. Ilang beses siyang binalaan nito, pero labas sa kabilang tainga lamang ang bawat panenermon nito sa kanya. Masyado siyang nahulog sa patibong ng lalaki na mahalin ito nang higit pa sa sarili niya. Maging ang magulang niya ay hindi niya rin pinakinggan. Kung sana, maibabalik niya lamang ang lahat, hindi na sana siya umibig pa at sapitin ang mundong winasak ng mga taong pinagkatiwalaan niya. End of flashback Simula nang araw na iyon, isinumpa niyang huwag nang makita ang mga ito. Kahit anino ay ayaw niyang makita ito. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Pilit niyang iniiwasan na magtagpo ang landas nila, ngunit tadhana ang gumagawa nang paraan upang pagtagpuin silang muli. Tahimik siyang umiiyak sa higaan dahil nag-aalala siyang marinig ng mga anak niya ang kanyang pagtangis. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya. Kung hindi niya sana minahal ang lalaki, mararanasan niya kaya ang mga nangyayari ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD