Chapter 20
“Dixon, a guy from the room beside ours. He’s always alone, no one to talk with. With his blue matte spiky hair and vivid red lips, it’s dangerous to be with him. It feels like this man can manipulate everything. It feels that this man can play a game on you. Who are you, Dixon?”
“Dixon gago,” singit ni JV. Natatawa ito habang sinasabi iyon.
“Loko ka talaga, JV. Mag-focus na nga lang tayo rito,” ani Pia, ang nagbabasa no’ng journal.
Sino nga ba si Dixon na nilalayuan ng lahat? Sino nga ba ang lalaking iyon na nagligtas daw kay Wilson mula sa pagkalunod sa kalungkutan?
“Your name sounds dangerous. No one wants to be with you, but one day inside the coffee shop, I was there sipping every bits of my green tea. You sat in front of me, carrying your bag and scary appearance. You were holding a cup of coffee. I think it is your soul because that’s the thing that wouldn’t disappear from your hand. A cup of hot coffe or a bottle of iced coffee you’re buying in the convenience store. Why are you in front of me? We’re not even friends. We’re not even close.”
“Gagi nagkikita pala sina Dixon at Wilson noon?” tanong ni Dara matapos basahin ni Pia ang paragraph na iyon.
“Hindi ko rin alam kasi hindi naman ako para mag-focus sa isa sa mga kaklase natin,” sagot ni Pia.
“Ako rin malay ko,” dugtong ni Lien sa sinabi ni Pia.
Nagkibit-balikat naman sina Vernique at JV na kapwa wala ring kaalam-alam sa sinasabi ni Wilson sa kaniyang journal. Marami pa nga talaga silang hindi natutuklasan. Marami pa nga silang dapat na malaman pero hindi nila iyon malalaman kung hindi nila babasahin ang journal na hawak-hawak ni Pia ngayon.
Bumaling muli ng tingin si Pia sa pahina ng journal, sa kasunod na talata na kanilang nabasa.
“Kumusta? That was your question to me. I smiled, a fake smile. I said that I’m okay, there’s nothing to worry about even though my heart is already shattered, it’s drowning from piles of pain and hate. They all hate me now. We had a conversation, talking about each other’s problem until our cups were emptied. It was a nice conversation with the most dangerous person inside the school. Maybe, the gossips are lies? You’re not dangerous at all, Dixon. In fact, you’re a good friend to be with.”
“Dude, this Dixon is fake.” Umiling-iling si JV. Gusto niya masuka sa binabasa ni Pia. Si Dixon na kinatatakutan nilang lahat, naging kaibigan ni Wilson?
“We enjoyed being with each other. Playing computer games, talking about someone, and drinking our favorite drinks. All of those shattered pieces of me, it became whole again. It am your friend, but I’m sorry.”
Iyon ang huling mga salitang nakasulat sa huling bahagi ng page na ‘yon. Ang lahat ay napakunot ang noo maski si Pia na nagbabasa lamang nito. Bitin iyon, parang may kulang. May kailangan pa silang malaman. Bakit nagso-sorry si Wilson kay Dixon? Ano ang bagay na inihihingi nila ng tawad?
Inilipat ni Pia ang page sa sumunod. Ang text doon ay maikli lamang at nakalagay sa gitna ng papel. It seems that it is the last words for the entry.
“I’m sorry for leaving you, but I love her. I’m sorry that I chose you over her. I’m sorry.”
Nanlaki ang mga mata nina Pia, Vernique, Dara, JV, at Lien. Iyon ang katapusan ng entry na iyon at nalaman nilang hindi na nakipagkaibigan si Wilson kay Dixon dahil lang sa iisang dahilan na alam nilang apat.
Ang lahat ng mga mata ay natuon kay Vernique. Napaturo siya sa kaniyang sarili. Kung ‘di dahil sa kaniya ay magkaibigan pa sana sina Dixon at Wilson. Pero, gusto siya ni Wilson kaya naman ito ang pinili nito.
Isinulat ang entry na ‘yon dalawang araw matapos niyang sagutin si Wilson. Kaya naman pala iba ang tingin ni Dixon sa kaniya. Alam na niya ngayon kung bakit dahil sa entry na iyon sa journal ni Wilson.
...
Nakumpleto na silang lahat sa klase maliban kay Minerva na hanggang ngayon ay wala pa. Natapos ang klase nila maghapon at napansin ng iba na medyo malayo ang iba sa isa't isa. Si Vernique, Pia, JV, Lien, at Dara ay hindi makatingin ng diretso kay Wilson. Wala ring nag-iingay mula sa grupo nila na palaging pasimuno ng lahat ng kaingayan.
Nang matapos ang klase nila sa huling subject at nang makalabas si Wilson ay sinenyasan ni Vannah ang lahat na maiwan muna sa room. Bakit nga ba nagmamadali umalis si Wilson? Paniguradong kikitain na naman nito si Dixon.
"Vannah, bakit?" tanong ng kaklase nilang si Juliana. Madalas ito ang nauunang umuwi sa kanila kaya bakit naman hindi pa sila palalabasin ng kanilang class president.
"Oo nga gutom na kami, eh,” sabat naman ni Kyla Joy.
Nagtungo ito sa unahan at tsaka nagsalita.
"We all know na nalalapit ang loob ni Wilson kay Dixon at alam nating lahat na hindi dapat mangyari ‘yon. As your class president, I will command you all to get rid of Dixon. He will spread lies and it might affect Wilson's health. Do you have any suggestions on how to do this?" Walang umimik sa mga kaklase niya at nanatiling tahimik ang lahat pero nabasag rin iyon nang magtaas ng kamay si Loreen.
"Ano iyon Loreen?"
"What if we could all have a trip? Parang fieldtrip pero sa mga lugar kung saan may nabuo tayong memories. Hindi lang natin mailalayo si Wilson kay Dixon kundi maari na rin nating maibalik ang alaala niya. Makabubuo pa tayong lahat ng new memories.”
Lahat ay naliwanagan sa sinabi ni Loreen. It's actually a bright idea. Matagal na rin mula noong huling beses silang nakalabas nang magkakasama. It’s time for them to reconcile with each other.
"So kelan natin balak gawin 'to?" tanong ulit ni Vannah.
"Sabado.." sagot ni Ara. Walang tumututol sa kanila. Nagkatinginan pa ang iba at tumango na lang bilang pagpayag sa sinabi ni Ara
They will make this trip the most memorable one...
.....
Matapos ang meeting nilang magkakaklase ay magkasabay na naglakad sina Vernique at Pia sa school ground patungo sa gate. Habang naglalakad ay isang pamilyar na lalaki ang sumalubong sa kanila. Tinaas nito ang kanang kilay nito at ngumisi kay Vernique. Bumilis ang t***k ng puso ni Vernique, bakit nandidito si Dixon?
"Hi Ms. Vernique..." bati ni Dixon dito kaya napakunot noo na lamang si Vernique. Napa-atras siya ng hakbang.
"What a hell afternoon? Dixon, can you do me a favor?" she asked sarcastically.
"Uhm, what favor?" balik-tanong naman ni Dixon na sarkastiko rin.
"Lumayo-layo ka na kay Wilson. Alam namin amg puwede mong gawin sa kanya. Nilasing mo nga siya noong isang gabi that's why we can't trust you." Napangisi naman si Dixon na lalong ikinaasar ni Vernique.
"Paano kung ayoko? Wilson will know everything and I will be the one to tell him. Not now but it will happen when he's ready."
Dahil do’n ay lumapat ang palad ni Vernique sa mukha ni Dixon. Napahawak naman si Pia sa braso ng kaibigan.
"Tangina mo! Huwag na huwag kang magsasalita ng kasinungalingan. Huwag mo siyang ipahamak!" Sinampal muli ito ni Vernique. Sa pagkakataong iyon ay itinulak naman siya ni Dixon ng malakas kaya napaupo ito sa sahig.
"Mas tangina ka!" Doon ay umalis na ito palayo. Tinulungan naman ni Pia makatayo si Vernique. Everyone’s right, Dixon is the threat.
Ano bang kayang gawin ni Dixon?