Anja's POV It's one of those moments inside the room of 10 - Velasquez na walang ginagawa. Today is our 1st Card Viewing for this school year, cut ang klase ng 10 AM kaya ang ibang subject teachers ay hindi na nag-abalang pumasok pa. Tahimik lang ako nanonood ng isang series sa aking mobile phone habang nakaupo sa tabi ng bintana. "Nagugutom ako" I mindlessly said and paused the video. Sakto naman na sigaw ng aming class president, "Velasquez ayos na! 9:30 na!" Tumayo na ako at inayos ang aking upuan. My feet brought me to the other side of the room kung nasaan si Bea at Ara. "Kain tayo?" Niyaya ko sila dahil nga nagugutom ako. "Naka-assign ako sa decoration, eh" sambit ni Ara. "May gagawin din ako..." sinabi ni Bea at may hinanap sa room. "Si Wilson ata pupuntang 7/11, sabay na kayo

