Chapter 14

1518 Words
MTL 13 Mabilis na kumalat sa buong Velasquez ang nalaman ni Yvon noong isang araw tungkol sa aksidente. Noong gabing naaksidente sina Wilson ay patungo pala ang daddy niya sa isang babae niya na kabit pala nito. Wala namang nag-atubiling magsabi kay Wilson. Hindi niya kasi dapat malaman ang ganitong mga bagay. "God! Tito William has a mistress? It's very shocking!" bulong ni Danna sa katabing si Yvon. Sumenyas si Yvon kay Danna na hinaan ang kaniyang boses. Danna heaved a sign at sumulyap ng tingin kay Wilson na kausap sina Anja at Hardy. "Hinaan mo pa boses mo Danna. Baka marinig tayo ni Wilson,” ani Yvon. “Alam na kaya nina Tita Wilma at Ethan ang tungkol do’n?” Napatingin ang dalawa sa kaklaseng si Patrick. “Of course, kakilala ng daddy ni Yvon si tita tapos siya ang kapamilya nito kaya sa kan’ya ‘yon ipapaalam. Tama ba, Yvon?” Tumango si Yvon kay Danna. “Ang sabi rin sa akin ni daddy ay sasabihin niya raw kaagad kina Tita Wilma. I hope na hindi iyon malaman ni Wilson.” Tumingin si Yvon kay Wilson na humahalakhak habang nakikipag-usap. “Dahil kung malalaman niya ‘yon, mawawala ang mga ngiting nasisilayan natin ngayon.” Ang mga estudyante sa loob ng room ng Velasquez ay may sari-sariling opinyon at pananaw tungkol sa kumalat na balita. Bakit nga ba nagkaroon ng kabit ang inaakala nila na napakalinis at napakarangal na ama noon? Wilson’s father is part of the parents and teachers association. Marami itong dinonate na disenyo sa kanilang room. Ang locker na giangamit nila ay donation ng kumpanya ng mga Velasquez. Maski ang telebisyon na pinanonooran nila ay mula rin sa mga Velasquez. A known wise businessman cheated on his wife. Nang dumating ang sumunod nilang subject teacher ay nagsibalikan na sila sa kani-kanilang kinauupuan. ... The day ended. Mag-isang umuwi si Anja dahil wala siyang gana na sumama sa iba niyang mga kaibigan. She needs the time to reconcile with herself. Sumakay siya ng tricycle para makarating sa Romeo and Juliet’s cafe malapit sa bayside. The kiss of the sea touches her soft bright skin. Napatakip siya ng ilong sa amoy ng malansang dalampasigan. Naglakad siya palayo roon para pumunta sa nasabing restaurant. Walang gaanong tao ngayon, may kani-kanilang klase ang mga schoolmates niya at ‘di rin naman ito malapit para lakarin lamang. Napatingin siya sa ceiling fan, iyon lang kasi ang naririnig niya as of the moment. Mayamaya pa ay lumingon siya sa table na nasa likod niya. This is the table where she and Ethan used to sit everytime they date. Para bang naging isang video presentation ang alaala ni Anja na inaalala ang bawat sandaling kasama niya si Ethan. ... “Dito ba talaga tayo? Hindi ba mahal dito?” tanong ni Anja sa nobyong si Ethan. Noong nakaraang linggo lang sila naging official at ngayon lang muli sila nagkaroon ng oras para magsama. “Chill ka lang, Anja. Ako naman ang magbabayad ng kakainin natin.” Ethan assured her with a smiles. Para bang tinalunan ng higante ang puso ni Anja. Ngiti pa lang ni Ethan ay panatag na siya. It’s her comfort whenever she’s feeling down. “Nakakahiya umorder ng mahal. Magkano ba budget mo?” she asked. “Huwag mo na nga isipin ‘yon. I’m about to ask you if you’re going with unli chicken or unli pork. Pumili ka na rin ng frappe.” Magkatapat na sila ni Ethan ngunit ang pakiramdam ni Anja ay dikit na dikit sila. “I prefer chicken,” she answered. “For the frappe, Black Forest.” Sinenyasan ni Ethan ang waiter ng restaurant. He ordered two unlimited chicken set, black forest frappe, and a black wintermelon milk tea. Bumalik ang waiter sa kanina nitong kinatatayuan. Napatingin si Anja sa guwapong mukha ni Ethan. “I know that it is awkward, but don’t worry. Wala na tayong dapat na itago simula ngayon. We’re legal on our both parents. I can wait for you to be ready so that I could marry you. Tayong dalawa ang magma-manage ng businesses nina dadyy. Wilson will be my best man. You can choose your Maid of Honor when the time comes. No one can separate us. This is us, and we’re mo than that.” ... Mapait na ngumiti si Anja dahil sa kaniyang mga naalala. Para bang kahapon lang nanyari ang lahat ng iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa kaniyang dila ang lasa ng pagkain na kinain niya noong araw na iyon dahil iyon pa rin ang kinakain niya ngayon. The black forest frappe still tastes the same, the flavors and additives of the chicken didn’t change. The only thing that changed is that Ethan is not with er. She’s alone, crying herself out. ... “Ang ganda pala ng bahay n’yo, Angeline,” ani Hardy habang inililibot ang tingin sa loob ng bahay ng sit in classmate nila na si Angeline. Angeline invited a few people from Vela dahil last day na niya rito sa Laguna. Nakalulungkot man pero kailangan nila iyong tanggapin. Tahimik na ang Bulkang Taal kaya pupuwede nang bumalik si Angeline sa Batangas. Minsan pa nga kahit mali ay mas hinihiling pa nila na pumutok muli ang bulkan para lamang hindi na umalis si Angeline ngunit mas mabuti na payapa na ito upang wala nang buhay ang mabawas sa bansa. “Hindi ‘to bahay namin! Sa tita ko nga lang ‘to! Ang kulit mo.” Napakamot sa ulo si Angeline. Kahit kailan talaga ay hindi nawawala ang pagbibiro ni Hardy sa kaniya. “Naalala ko tuloy ‘yung first day mo sa Vela! Iyong wala kang baon na pumunta sa room tapos gutom na gutom ka na. How to be you po? Hindi ko kakayanin kung ako ‘yon.” Tumawa sina Juliana. Napasimangot naman si Angeline. “Akala ko kasi ay hanggang twelve lang ang pasok n’yo! Una kasing sinabi sa akin sa regular lang daw ako tapos bigla akong inilagay sa inyo. Akala ko nga ay napakatahimik n’yo at seryoso lang.” “So, ayaw mo sa amin?” bara ni Kyla Joy rito. “Huh? Hindi naman sa gano’n. I had fun inside your room kahit na may animal kayong kaklase na palagi akong inaasar.” She glanced at Hardy. Hardy then shrugged. “Ako talaga Angeline, huh? Ikaw nga minumura mo ‘ko sa chat.” Hardy smirked. “Grabe ka, ha! Ikaw nga sinasabihan mo ‘ko ng motherfucker.” “Iba naman ang motherfucker sa marupok. I saw it from your tweet.” “Nagcha-chat pala kayo, ha! Sana all sa inyong dalawa. Baka mamaya may malaman na lang kami na ‘di dapat namin malaman ha,” asar ni Kyla Joy. “Guys, the two of you should stop. We should embrace Angeline’s last days here on Earth.” They all laughed at Wilson’s joke. “Tangina ang gago ng joke,” sambit ni Lien sabay tawa ng mahina. “Guys, mami-miss ko talaga kayo kapag umalis na ako kahit ginawa n’yo akong demonyo.” Sabay-sabay silang nagtawanan. Angeline’s personality can fit inyo the interesting peopl in Velasquez. She has a bubbly attitude towards the people surrounding her. Sa tuwing maaalala nila ang pangyayaring ito ay maalala nila si Angeline at ang isang linggo nitong pananatili sa kanilang room. Even though it’s only a week, it feels like a month or a year or even a century. Dalawang buwan na lang ang natitira at maghihiwa-hiwalay na rin sila. Dalawang buwan na lamang na makikita-kita at bubuo ng alaala. Dalawang buwan na lamang ang natitirang pag-asa para sa mga alaala ni Wilson. Makakaya pa kaya? Isang oras ang lumipas nang natapos ang pagsasaya nila sa bahay ni Angeline. Everyone gave their goodbye to her. It’s not the end puwede pa rin naman silang magkita. Isa si Angeline sa mga alaala na hindi nila malilimutan. Madilim na ang paligid at nagsisilabasan na ang mga panghapong klase nang maglakad sina Hardy papunta sa sentro ng bayan, sa may munisipyo. “Susunduin ba tayo ni Kuya ethan o magco-commute tayong dalawa?” tanong ni Hardy. Wilson smiled. “I told him not to do so. Mauna ka na. I have some importang thing to do. Sobrang matatagalan ako kaya mauna ka na.” Napakunot ng noo si Hardy. Saan naman kaya pupunta nitong si Wilson? “Samahan na kaya kita? Baka sabihin ni tita ay iniwanan na kita rito sa bayan. Baka magalit pa ang mommy mo sa akin.” Umiling-iling si Wilson. “Nakapagpaalam na ako kay mommy. Pumayag siya at sinabi kong pauunahin na kita ng uwi. I swear, I will protect myself from any harm.” Hardy shurgged, tapping Wilson’s back. “If that’s waht you said.” “Ingat ka!” sigaw ni Wilson nang makasakay si Hardy ng jeep. Sumilip pa ito sa sasakyan at kumaway kay Wilson. Huminga nang malalim si Wilson nang mawala na sa paningin niya si Hardy. Nagtungo ito sa lugar na dapat niyang puntahan. Ilang minutong paglalakad lang naman iyon bago siya makarating. He stood in front of a two-storey house. Pinindot niya ang doorbell at ang lalaking kanina niya pa hinihintay ay lumabas ng bahay. That familiar man smiled at him. “Mabuti naman at nakarating ka. Tonight would be your best night.” He threw a smiled on the guy. “You’re so cool that’s why I trusted and befriended you, Dixon...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD