Chapter 15
“Tita Wilma, good evening ngayon na po ako aalis para bumalik ng Batangas. Thank you for your offer. I enjoyed being and staying with them for a week.”
Ginulo ni Wilma ang buhok ni Angeline pagkatapos ay ngumiti ito.
“Kumusta naman ang pinsan mo at ang mga kaklase niya?” tanong nito.
“My cousin is still ignorant, but he’s doing good, tita,” aniya. “Mababait naman po ang mga kaklase niya at wala akong napansing kakaiba.”
Wilma sighed. “Mabuti naman kung gayon. Maraming salamat talaga sa pagpayag mong pumasok sa school ni Wilson habang wala pa kayong pasok, ah.”
Umiling si Angeline. “No problem po. Besides, ayos na raw iyon sabi ni mommy para naman daw maka-experience ako ng ibang environment.”
“Balik na po ulit ako sa van para ‘di po kami gaanong gabihin,” Angeline said, smiling.
Bumalik sa loob ng loob ng bahay si Wilma. Nasa hapagkainan na sina Hardy, Ethan, at Mary Joy, nag-aabang sa kaniya.
“Sino ‘yon, mom?” Ethan asked.
“Delivery raw pero mali naman ‘yung address kaya nagtanong pa nang marami. Kumusta sa Charlton, Ethan?”
Ethan grinned. “It’s the same. Sina Carli at Kai pa rin po ang lagi kong kasama kung may kailangang group projects. Our professors allow us to choose our groupmates.”
“Ang solid n’yo, ah. Since highschool?”
Ethan nodded. “Yup.”
Mula kay Ethan ay nalipat naman ang tingin ni Wilma kay Hardy. “How’s your farewell party for your sit-in classmate?”
“It’s great and we’re going to miss her.”
“Is she kind?”
“P-Puwede na.” Hardy chuckled.
“Na’ko madam, jowa na ni Hardy ‘yan,” singit ni Mary Joy.
“Lupet mo, Ate Mary Joy. Baka ikaw iyong may jowa at lagi kang may ka-text tuwing gabi.”
“Hala wala akong ka-text tuwing gabi. Baka ikaw may ka-videocall tuwing gabi.”
“Tama na ‘yan.”
Lahat ay napatigil at napatingin sa nakangiting si Wilma.
“Tita, saan po pupunta si Wilson at nagpaiwan siya?”
Tumingin sa kisame si Wilma tila may inaalala. Napahawak ito sa baba at napabalik ng tingin kay Hardy at Ethan. “Friend daw niya. He told me that he’s going to meet his friend named Dixon. Tambay daw sa bahay nina Dixon pero uuwi rin siya ng gabi.”
Nanlaki ang mga mata ni Ethan at Hardy. Napahampas sa lamesa si Ethan at napatayo mula sa kinauupuan. He nearly bolted towards the car nang magsalita muli si Wilma.
“Kumalma lang kayo. He’s already sixteen at kaya na niya ang sarili niya.”
“Tita, he’s in a big trouble. Kasama niya si Dixon at hindi natin alam kung ano ang pu-puwedeng gawin ni Dixon sa kan’ya!”
“Mom, kukunin ko lang ang susi ko,” Ethan said. “I’m going to get my li’l bro from his house.” Akmang tutungo na ng second floor si Ethan para kuhanin ang susi sa kan’yang kuwarto nang umiling ang kaniyang ina.
“Wilson is a smart guy. Alam kong hindi niya ipapahamak ang sarili niya. Huwag na kayo mag-alala.” Wilma smiled on Ethan and Hardy. Napakamot sa ulo niya si Ethan at si Hardy naman ay napakagat labi na lamang. Kailangang-kailangan sila ni Wilson ngayon.
...
Dinala ni Dixon si Wilson sa kuwarto nito. Kumpara sa sariling kuwarto ni Wilson ay magulo ito. Ang mga gamit ay hindi pantay-pantay na nakaayos. Mga mga lukot na papel at ballpen na tila’y kinagatan sa sahig. Ang mga upos ng sigarilyo ay tila pabangong langhap na langhap ni Wilson. Sa ilalim ng lamesa roon ay may isang bote ng isang sikat na brand ng alak.
“You smoke?” nakakunot ang noo na tanong ni Wilson dito.
Napakamot sa batok si Dixon. Nagkibit-balikat muna ito bago sumagot.
“Oo, pre. Sa dami na nararanasan ko ay kailangan ko na talaga. Pampawala ng mga gumugulo sa isip ko. Ang sakit-sakit na kasi, pre wala namang nakikinig sa’kin.”
“Smoking does not remove the pain. Pupuwede ka pa na magkaroon ng sakit sa baga. If you need someone to talk with, I’m here to listen.”
Padabog na umupo sa kaniyang upuan si Dixon. Napaatras naman ng hakbang si Wilson.
“Wala na akong pakialam, pre pero salamat sa pag-unawa. Mas mabuti na nga na mamatay na lang ako sa sakit kaysa naman sa mga gumugulo sa isipan ko o kaya sa mga paulit-ulit na sakit na nararamdam ko.”
“Don’t worry, tutulungan kitang maging masaya ngayong gabi. Puwede nating gawin ang lahat ng gusto nating naisin.” Wilson assured Dixon with a smile. Naupo ito sa tabi niya habang nakatingin sa computer malapit sa bintana.
...
The two played computer games, sa laptop si Dixon at sa computer naman si Wilson. Umorder din ang dalawa ng fries at burger sa malapit na fastfood restaurant.
“Maalam na ba ako gumamit o maglaro bago ako mawalan ng alaala?” Napatingin sa kaniya si Dixon na busy pa rin sa pagta-type sa keyboard. Focused pa rin ang dalawa sa nilalaro. Humithit muna ng sigarilyo si Dixon at pinakawalan ang usok nito na umalingasaw sa kabuuan ng kuwarto. Bukas na nga ang aircon, nagsisigarilyo pa rin ito.
“Oo naman, pre. Palagi nga tayong naglalaro nito. Mabuti na lang at nagtiwala ka sa akin at nagawa natin ulit ‘to. Bakit ka ba kasi iwas nang iwas sa’kin? Naniniwala ka ba s amga gagong ‘yon?”
Umiling si Wilson. “Hindi naman sa gano’n. Wala pa rin akong maalala at nagpapagaling kaya iwas talaga ako sa mga tao.” Doon na naging litrato sa isipan ni Wilson ang araw na unang makasalamuha niya si Dixon na nangyari noong nakaraang linggo. Hindi naman siguro masamang bigyan ng pagkakataon ang mga taong gustong makipagkaibigan sa kaniya.
...
Nakatayo si Wilson sa tapat ng isang Milk Tea hourse, lumilinga-linga sa paligid tila may hinahanap na kung sino. Sumilay rin siya sa mismong loob ng Milk Tea House kung naroroon iyong dapat na kikitain niya na si Dixon.
“Andiyan ka na pala, pre.” Humihingal si Dixon nang bumati. Pawisan ito at magulo pa ang buhok. Kala mong sumali sa marathon.
“Tara, kain na tayo,” dadag nito.
Pumasok ang dalawa sa loob ng Milk Tea House. Parehong umorder ang dalawa nang parehong flavor ng milk tea at si Dixon ang nagbayad nito.
“Mabuti naman, pre at hindi ka na umiiwas sa’kin. Mga kaklase mo ba ang nagsabi na layuan ako?”
Nagkibit-balikat si Wilon at umiling. “Hindi,” aniya. “Talagang mailap lang ako sa mga taong bago ko lang nakilala. You seem nice and I thought that you’re going to be a good friend.” That statement was a lie. Wala naman siyang ibang masasabi kundi ang magsinungaling sa taong ito na pinapalayo sa kaniya ng mga kaklase niya.
“Tangina kasi, pre. Tuwing papasok ako kahit wala naman akong ginagawa ay parang balit ako na iniiwasan nila.”
“Baka naman may nagawa kang mali?”
“Wala talaga, pre!” sigaw nito. “Tangina nilang lahat. Hindi porke hindi na nila ako kaibigan ay gaganituhin na nila ako. Tapos ‘yung mga kaibigan ko na kaklase mo mga puntangina silang lahat. Bigla na lang akong hindi pinansin.”
Napatingin si Wilson kay Dixon na sumisipsip ng milktea. “Sinong kaklase ko?”
“Huwag muna, pre. Hangga’t ‘di ka pa ayos ay ‘di ko masasabi. Basta mag-ingat ka, pre.” Dixon tapped his back.
“Dahil marami ka pang hindi alam.” Tumayo na si Dixon ‘tsaka naglakad nang mabilis palayo. Iniwanan nito si Wilson na nagtataka sa huling sinabi niya.
...
Matapos kumain ay nagtungo agad si Hardy sa guestroom kung saan siya namamalagi. Doon ay nagbukas siya ng cellphone para kausapin ang mga kaklase niya through chat.
Hardy: Guys! Wilson is in trouble. Nagpaalam siya sa 'kin na may pupuntahan siya. Nagsabi din siya kay Tita pero hindi maganda ang pinuntahan niya. Pupunta siya kay Dixon!
Vernique: WTF! puntahan mo.
John Lloyd: Kabwiset bat mo hinayaan!
Hardy: Hindi ko hinayaan. Akala ko may pupuntahan siyang importante tapos noong pagkauwi ko tinanong ko kay Tita tapos napag-alaman kong kay Dixon siya pupunta. Don't blame me...
Yvon: Oy, puntahan natin
Danna: Paano na hoy!
Vernique: Gusto ko sanang puntahan kaso malayo kami. Janna ikaw malapit diba?
Janna: Nakakatakot. Dixon 'yon. Babae ako guys. JV puntahan mo.
JV: Wag kayong chat ng chat in-game ako.
Loreen: Oy anong meron?
Vernique: Tangina puro laro.
Lien: Gusto ko sana kaso wala ng jeep dito sa amin. Try ko magcontact ng friends.
John Lloyd: Hindi ko maiwanan kapatid ko may baby duty kasi ako.
Danna: Hoy pinagbabantay ako kay Darren!
Gwen: Magpapahatid sana ako sa tatay ni Patrick kaso wala pala sila. I can't.
Hardy: Pupuntahan na sana namin siya ni Kuya Ethan pero hindi kami pinayagan ni Tita. We will try to sneak.
Loreen: Oy! ANONG NANGYAYARI!
Aaron: There are posibilities that Wilson is in danger right now.
Habang nakikipag-chat ay biglang pumasok si Ethan sa kuwarto ni Hardy.
"Can I talk to your classmates?" tanong nito. Tumango na lamang si Hardy sabay abot ng cellphone.
Hardy: Hi guys! It's me Ethan, brother of Wilson. I need everyone to help us on saving Wilson. We all know that Dixon is a dangerous person. Can you give me his full address?
John Lloyd: Marya St. Poblacion II,Sta Cruz Laguna. Sa tingin ko ito
Hardy: Thank you!
Loreen: OY! ANO NGANG MERON SAGUTIN NIYO KO!
Minerva: Pm na nga lang kita! Bobo nito, eh
Lahat ay nag-aalala kay Wilson. Si Dixon, isang delikadong tao ang kasama nito. Kaya ba nilang mailigtas si Wilson sa mga kamay ni Wilson?
Everyone were worried about Wilson right now. They all know why because Dixon is a dangerous person to work with. Will they be able to save him?