Chapter 16

1299 Words
Chapter 16     Lumalalim na ang gabi at ang mga kuliglig sa labas ng bahay nina Dixon ay nagkikiskisan na. Ang mga sasakyan na maririnig sa loob ng bahay ay paunti na nang paunti. Tinamaan na rin ang sistema ni Wilson ng alkohol dahil na rin sa dami ng kaniyang nainom. Kahit pa ayaw niya noong una ay napilit din siya ni Dixon. Ilang beses na ring tumunog ang cellphone niya ngunit hindi niya nasasagot dahil sa lakas ng tugtugan sa kwarto ni Dixon.   Habang nag-iinom ng alak ay nakarinig sila na parang may binabasag na baso at nagsisisigaw na babae. Mahina lang ang portion na narinig ni Wilson ngunit nabahala siya. Napatayo si Wilson at napasulyap sa pintuan ng kuwarto ni Dixon.   Isang babae na kasing-tanda na ng ina niya ang nakatayo roon. Parang basahan ang kasuotan at ang maikling buhok nito na hanggang batok lamang ay gulong-g**o. Iyong lalaki rin na ‘di nalalayo and edad sa babae ay nakasuot din ng lukot na t-shirt.   Napahawak sa batok ang babae at tila sasabog na sa galit. "Wala ka ba talagang balak ayusin 'to para na lang sa anak natin!”   "Lagi mo na lang dinadahilan ang anak natin sa away. Isipin mo rin ako. Paano naman ako? Gusto ko ring lumigaya mula sa masalimuot na pagsasama na 'tin,” sabat noong lalaki.   "Kung gano'n. Ayaw mo sa akin? Pinagsisisihan mo bang ako ang pinakasalan mo?"   Isinara ni Dixon ang pintuan. Hinila niya si Wilson papasok sa kuwarto. Kapwa umupo sila sa higaan ni Dixon.   "Don't you want to stop them?" malumanay na tanong ni Wilson.   "Para saan pa? Mag-aaway at mag-aaway pa rin naman sila kahit pigilan. Palagi naman silang gan’yan. Sanay na ako. Sanay na sanay na ako." Parang piniga ang puso ni Wilson sa kuwento ni Dixon. Para ba siyang pinasukan ng maliliit na langgam na kumukurot sa kaniyang puso.   Mahirap para sa isang anak na makitang nag-aaway ang iyong mga magulang. Kumbaga para lang may gustong pigilan na hindi mo magawa. Gusto mo makisali ngunit hindi puwede kaya matatahimik ka na lang at iiyak sa iyong kumot o unan.   Paano pa kaya ang tulad ni Dixon na simula pagkabata pa lamang ay nakaririnig na ng mga away at sigawan ng mga magulang niya. Wala pa naman siyang nakatatandang kapatid para sabihan ng problema niya. Kahit ang mga magulang niya ay hindi na alam kung may galit o inis pa bang nabubuo sa puso niya.   Iyong mga gamit nila sa bahay, kung ‘di basag ay nakakalat sa kung saan-saan. Parang may mga batang naglaro ng batuhan ng gamit sa kanilang bahay. Mula sa mga napapanood na away noong mga bata siya ay namuo sa kaniyang puso at kawalan ng pag-asa kaya naging resulta ito ng mga kilos na nakaapekto sa pagkawala ng mga taong itinuturing niyang kaibigan. May mga pera nga niya ngunit wala namang kasama sa buhay. . "Pakiramdam ko masusuka na ako..." banggit ni Wilson sa kasama habang hinihimas pa ang ulo at tumayo palayo sa alak.   "Kaya mo pa ba? Dito ka na lang kaya matulog?"   "Hindi. Ayos lang. I will call Kuya Ethan to catch me."   "Huwag na. Ihahatid na lang kita... Ako naman ang nag-imbita sa 'yo dito.”   Dahil hilong-hilo na rin ay sumunod na rin ito kay Dixon. Sumakay silang dalawa ng motor para makarating sa kanila. Alam niyang menor pa lamang si Dixon at hindi pa puwede magmaneho pero wala na siyang nagawa pa dahil sa tama ng alkoholismo.   Alas-diyes na ng gabi nang makarating sila sa bahay ni Wilson. Maliwanag pa ito at mukhang gising na gising pa ang mga tao sa loob. Papikit-pikit na si Wilson habang inaalalayan siya ni Dixon pumasok sa loob. Pinagbuksan naman ni Mary Joy ang dalawa ng pintuan. Sumalubong sa kanila sina Wilma, Ethan at Hardy na pababa pa lamang ng hagdan.   "My god! What happened to my son?" nag-aalalang tanong ni Wilma. Tinanggap nito si Wilson mula sa alalay ni Dixon.   "Uminom lang po kami ng kaunti..." Palusot ni Dixon pero ang totoo ay madami na silang nainom. Nakakakalahati na sila  sa isang malaking bote ng alak. Dahil doon ay mabilis na bumababa si Ethan at binigyan ng malakas na suntok sa mukha si Dixon.   "Ethan!" pagsaway ni Wilma sa anak. . "Tangina! Kaunti? Tingnan mo ang kapatid ko halos hindi na makalakad dahil sa iyo. You should never befriended him. You're bringing the worst to him. f**k you!"  Dahan-dahan namang bumangon si Dixon sa pagkakataob. Kinuha ni Ethan si Wilson mula sa ina at ipinaalalay kay Hardy. Sinenyasan ni Ethan si Hardy na dalhin si Wilson sa kuwarto. Tumango naman si Hardy at dinala ang kaklase sa kuwarto nito.   "Tama na!” Humarang si Mary Joy kina Dixon at Ethan na kapwa matalim ang tingin sa isa’t isa. Mayamaya pa ay naging parang maamong kuting ang tingin ni Dixon sa ina ni Ethan na si Wilma.   "Uuwi na lang po ako. Hinatid ko lang po si Wilson." Tumalikod na si Dixon ngunit tinawag muli siya ni Wilma.   "Thank you for bringing my son here. Gabing-gabi na, ah tapos lasing na lasing ka pa. If you want, you can sleep here for tonight. Tapos bukas humiram ka na lang kay Wilson ng uniform."   "Kaya ko naman pong mag-drive.”   "No, you should stay here. Delikadong-delikado na sa daan. Marami pa namang naaksidente riyan sa highway.”   "Mom!" pagtutol ni Ethan sa kagustuhan ng ina.   "Ethan! Can you just shut up and go back to your room?" Tumikhim na lang si Ethan. Nanlilisik na tumingin muna siya kay Dixon na nakangisi. Pagkatapos ay padabog na bumalik sa kaniyang kuwarto.   "Don't mind him. Tumaas ka na lamang sa kwarto ni Wilson at doon matulog."   "Thank you po... Hindi na po ito mauulit.."   "Sige tumaas ka na."   Sumunod si Dixon sa sinabi ng Mommy ni Wilson. Pagkapasok niya sa kuwarto ay naabutan niya si Hardy na inaayos ang higaan ni Wilson. Napansin siya ni Hardy kaya lumingon ito.   "Stop pretending. Kilala kita. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo rito," saad ni Hardy na nakakuyom ang kamay kay Dixon. Ngumiti ito ng mala-demonyo at tumitig kay Hardy.   "Ako sampid? Tangina mo! Baka hindi mo alam na umeepal ka lang dito kaya dito ka tumira. Bakit hanggang ngayon wala ka pa ring balak sabihin ang totoo? Ilang linggo ka na nandito pero wala pa ring kaalam-alam si Wilson. Hindi kaya ikaw mismo ang may naglalayo sa kaniya sa katotohanan?" Tumayo si Hardy at hinawakan nang mahigpit ang t-shirt ni Dixon. Nagtungo sa pintuan ng kuwarto. Doon ay nag-iwan siya ng salita.   "Wala kang alam." Pagkatapos ay isinara niya ang pintuan ng malakas. Dixon remained smiling with a deep happiness in his eyes. Nagtagumpay siya na inisin ang mga tao sa bahay na ‘to.   Nagtungo si Hardy sa kuwarto ni Ethan dahil sa text message na natanggap niya. Doon ay naabutan niya itong humihinga ng malalim habang kausap si Mary Joy nang  nakasimangot.   "Alam mo ba iyang si binatang kasama ni Wilson parang ang peke niya. Hindi naman gwapo 'di kagaya mo Kuyang Sexy." Kahit seryoso ang usapan ay hindi mapigilang mapangiti ni Ethan dahil sa nickname na binigay sa kanya ng maid na si Mary Joy.   "Kani-kanina lang pinagbantaan ako si Dixon. Pareho lang naman daw kaming nanggugulo," singit ni Hardy kaya napalingon ang dalawa sa kaniya.   "Dixon isa dangerous person. I once saw him bleching smoke on the last card giving day."   "Oy, Hardy! Ingatan mo naman iyan si Baby gwapo mamaya mapa-tropa pa doon sa mukhang adik na kasama niya kanina!" Tumango-tango na lamang doon si Hardy.   "I have a hunch that Dixon might be the one who could have done the manipulation of my Dad's car. Malaking posibilidad na siya iyon dahil may kaalaman siya sa motor at iba pa,” ani Ethan.   "Matutulog na ako,” paalam ni Hardy.    Hardy knew that everyone could be a suspect, including him. He's the most neutral among them. Alam niya lahat ng sides. May konting alam siya sa investigation nila John Lloyd at pinagkakatiwalaan din siya ni Vernique. Siya nga ba ang makaka-alam kung sino ang gumawa?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD