Chapter 17

1224 Words
Chapter 17   "What are you f*****g doing?" Nagising si Hardy sa ingay na narinig niya mula sa baba. Kahit nasa taas pa ang guestroom ay maliwanag niyang narinig ito. Kahit antok na antok pa ay bumangon siya at tsaka bumababa. Doon ay nakita niya sina Wilson at Ethan na magkatapat tila nagsisigawan. It's once in a blue moon. Kahit noong ayos pa ang lagay si Wilson ay hindi niya ito nakitang mag-away o kaya naman wala siyang nababalitaan na nag-aaway ang dalawa.   "Wilson we're just worried.... We all know Dixon. We all just want the best for you." Napahawak sa noo si Ethan at sinubukang pakalmahin ang kapatid.   "He's my friend. Naiintindihan ko siya at naiintindihan niya ako. May family problem siya kaya niya ako nayaya sa inuman. Baka kung sakaling mag-inom kami ay mawala ‘yung naiisip niya. Mom and I will decide if he will stay here and my decision is yes. Dito muna siya hangga't hindi pa ayos ang lagay sa loob ng bahay nila."   "Wilson, kailangan mong makinig sa kuya mo,” Hardy said, getting Wilson’s attention. Napatingin si Wilson kay Hardy. He smirked before going to his room   Naiwan ang dalawa sa hapagkainan, nakatulala at napatingin kay Wilson na naglalakad pataas sa kuwarto niya. Sa taas, doon ay nakita niya si Dixon na namumungay at kinukusot-kusot pa ang mata.   "Good morning! Ano’ng meron sa nakasimangot mong mukha." Dixon chuckled as he saw the anooyed face of Wilson.   "Nothing..." biglang naging neutral ang ekspresyon nito. "Just having a bad dream..."   "Sige, kung ‘yan ang sinabi mo maniniwala ako.”   .....   Maagang pumasok si John Lloyd at doon ay naabutan niya sina Yvon at Gwen na nag-uusap. Nakakapanibago na hindi kasabay ni Gwen ang pinsan niyang si Patrick. Kung noon ay parang anino niya ito, mag-isa na lang siya ngayon.   "Come here, John Lloyd!" pagtawag  ni Gwen dito. Naupo sila na bumubuo ng maliit na bilog sa pamamagitan ng kanilang upuan.   "Ano’ng pinag-uusapan niyo?" Tanong nito sa dalawa.   "About the suspects. We still have Hardy, Dixon, Ethan, Bea, and Vernique. We have found out that Hardy is having a strange move this past few days. Si Dixon naman alam natin kung ano ang kaya niyang gawin, palagi rin nakabuntot kay Wilson. Si Vernique at Bea, alam natin kung ano ang past nila. Samantala naman si Ethan, we still don't know what he's capable to do,” ani Yvon.   "Naisip ko sanang tig-iisa tayo ng iimbestigahan pero tatlo lang tayo..." dagdag na nito. “Tapos lima ‘yung natitira natin na suspects.”   "Sa tingin ko we should focus on the five of them. Kasi kapag sa isa lang tayo nagfocus naiwawala natin yung mga details ng ibang suspects at palapit na ang katapusan ng school year," saad ni Gwen.   "We will save Wilson and give the memories he should have right now,” John Lloyd said, smiling on Yvon and Gwen. ...   Vernique is still waiting for Pia, Lien, Dara and JV in the main canteen. Laging ganito ang ginagawa nila. Palagi nilang binabasa ang journal na nahanap nila tuwing umaga. Sa sobrang kapal nito ay hindi nila pa rin ito natatapos.   Isa-isang dumating ang mga iniintay niya. They form a small circle with the round table. Inilapag ni Vernique ang makapal na journal sa harap niya. Siya ngayon ang nakaatas na basahin iyon.   “Bestfriend...”   Nagulat sila nang mabasa ang pamagat ng entry na iyon. It was written three months before the accident. The title already captureed their attention pero ano nga ba ang nilalaman ng entry na ‘to.   "I think the mystery starts here,” singit ni Lien.   “Everyone can be your friend...”   "Not all really," Pagputol naman ni Pia sa binabasa ni Vernique   “I have a brother but a friend is best. It is essentially the best part of your highschool life.”   "Is he talking about the closest person to him?" ani muli ni Lien.   "Tangina this entry was written a week before the chaos.” Lahat ay napatingin kay Dara.   “Ano’ng chaos?” nagtatakang tanong ni JV.   “Iyong ano basta.” Umiwas na lang ng tingin si Vernique sa kaibigan at nag-focus sa journal na binabasa.   “It's been years and years and I was his favorite person.”   "Sana all favorite," saad ni Dara.   "Wag ka ngang manggulo! Seryosohan na 'to, eh," naiinis na saway ni JV.   Then it will just fade just because of a girl. A girl he's really addicted to. A girl whom he focuses on to. A girl who's really special for him. A girl who has worth more than me.   "Who's that effin girl?" tanong ni Vernique.   “There were times that I want to be with him and have a time for our friendship but he chose her over me. Halos araw-araw na niya siyang nililigawan paano naman ako? I know I'm immatured enough to be jealous on a girl na nililigawan niya pero siya ‘iyong best friend ko. Kahit sino naman gugustuhin na palaging makasama iyong best friend.”   "Sino ba kasi 'to? Hindi ko alam na may babae pa palang involved sa friendship nila,” naiinis na banggit ni Vernique.   “Sa araw-araw mong pagsama sa kanya, nakakalimutan mo na ang kaibigan lagi mong kasama at kausap. Lunes hanggang Biyernes siya na lang palagi. Sabado't Linggo nag-aaral ka naman. I was your bestfriend but I can't feel it anymore. I need a friend that time. I need someone to talk with. Pero nasaan ka?”   "Parang ang baba naman ng dahilan ni Wilson sa entry na ito?" tanong ni JV.   "Baka meron pang mas deeper explanation and understanding ang mga nangyayari rito. We still don't know why,” singit naman ni Pia.   “John Lloyd...”   "Bestfriends pala sila?" Nagtatakang banggit ni Vernique. “Nakikita ko naman sila noon pero ‘di ko alam na best friends sila.”   “Same.”   “Ako rin.”   “Oo nga.”       “I was your bestfriend but now she's your shade of gold. Bakit ba ako yung laging pinapalitan? Banda o ako? Banda pa rin ang sagot mo. Vlogging o ako? Vlog pa din ang sagot mo. Kailan mo ba pipiliin ang kaibigan mo?”   "Hindi ko alam na gano'n pala kalambot ang puso ni Wilson sa kaibigan niya,” saad ni Dara.   "All people are equal emotionally and physically. Nasasaktan rin kaming mga lalaki." Napatango ang lahat sa mala-sentimental na sinabi ng kaklase nilang palaging gago na si JV.   “The day you chose between friendship and relationship is the day where I felt too broken and deep for the first time.”   "Sinong pinili niya?"  tanong ni Lien.   "Wait," saad ni Vernique.   “Ang sabi mo sa akin na siya ang pinipili mo dahil mas magtatagal ang relasyon kaysa sa pagkakaibigan natin. It was the most painful moment of my life. Akala ko may kaibigan ako. You told me that friendship didn't have any worth. You told me that relationship is better than anybody else. Ang sabi mo sa akin mas maganda ang love kaysa sa kaibigan. Na pang-once in a lifetime mo ang magkajowa kaysa sa magkaroon ng kaibigan.”   Napatigil si Vernique habang binabasa niya iyon. Sobrang bigat pala ng naramdaman ni Wilson noon. Bakit ngayon niya lang nalaman? Kung siya ang nasa posisyon ni Wilson at mas pinili ng kaibigan niya ang pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend ay masasaktan din siya. Bakit nga ba gano’n, kailangang pumili sa dalawa?   “Are you wondering who's that girl? Flip the next page.”   "Ituloy mo na Vernique!" Sabay-sabay na pilit sa kanya ng mga kasama nila na nagbabasa ng journal. Dahan-dahan niyang binuklat ang journal at binasa ang nag-iisang pangungusap na nakasulat dito.   "Sino yung babae ni John Lloyd?" tanong ng mga babae nilang kaklase.   “It was Bea...”   Iyon ang nakasulat, malaki ang pagkakasulat dito at isang page pa mismo.   "It was me..." Lahat sila ay napatingin sa babaeng nagsalita na si Bea.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD