Chapter 18

1429 Words
Chapter 18   "Bea take a seat,” utos ni Vernique kay Bea. Tumingin muna sa Bea sa mga taong nakaupo sa pahabang lamesa ‘tsaka naupo sa gitna nina Pia at JV.   “Ilang araw ko na kayong napapansin na palaging magkakasama tapos may binabasa kayo that’s why I decided to spy you. Kanina pa ako nasa paligid lang pero walang nakapansin sa akin.” Tumingin si Bea kay Dara. “Dara, ‘di ba nakita mo ‘ko kanina?”   Tumango si Dara. “Akala ko nabili ka lang kanina.”   Umiling-iling si Bea at ngumisi. “Kanina ko pa pinakikinggan ang pinag-uusapan at binabasa n’yo. Then, I heard my name kaya naisipan kong lumapit at magsalita tungkol sa past. May kinalaman ako d’yan kaya may karapatan din akong ipagtanggol ang sarili ko sa mga mababasa n’yo d’yan.”   Walang nakagalaw o nakaiwas ng tingin kay Bea. Seryosong-seryoso ito at kakaiba sa Bea na palagi nilang nakikita. Iyong Bea na palaging nagbibiro at nakangiti ay seryoso ngayon at handang makinig sa mga mababasa nila.   “Ano’ng gusto mong gawin namin?” tanong ni Pia.   Kinuha ni Bea ang notebook na hawak-hawak ni Vernique. Hinaplos-haplos niya iyon at nakangiting binalik kay Vernique ang libro.   “I want you to read the next entry. Magsasalita na lang ako kung kakailanganin kong ipagtanggol ang sarili ko. Wilson sent me that entry a week before the accident kaya alam kong bias ang mga nakasulat d’yan.”   Napatingin si Vernique sa journal na hawak niya at inilipat iyon sa kasunod na pahina, may bagong entry matapos isulat ang malaking pangalan ni Bea. Isang linggo matapos ang huling entry  ni Wilson na binasa nila naisulat ang entry na iyon. Lumunok muna ng hangin si Vernique at huminga nang malalim bago simulan ang unang salitang nakapaloob do’n   “Mess.”   “This is where the chaos starts.” Lahat ay napasinghap sa sinabi ni Bea. Dito na nga nagsimula ang kaguluhan na kanina pa nila pinag-uusapan.     “There were things you can do to save a friendship. There’s no one to blame for that step except for the person who took that step. Being friends with someone makes you feel happy and contended, but when that friendship starts to disappear, it will cause a step that will mess the present time.”   “Ano bang sinasabi niya?” tanong ni JV.   “Hindi ko rin alam. Ikaw ba, Bea? May thoughts ka?” Bumaling ng tingin si Vernique kay Bea na umiling at ngumiti lamang. Ang pagpapatuloy lang sa entry na ‘yon ang tanging paraan para malaman ang kasagutan sa tanong  na gumugulo sa kani-kanilang mga isipan.     “Because of that friendship that I treasured the most, I created a big f*****g mess. It didn’t made us bond together nor giving me the satisfaction that I wanted. It didn’t fix anything, it is the cause for a new trouble.”   JV slammed the table. Napatingin sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan.   “Hindi ko na kaya marinig pa ang kahibangan na ‘yan. Baka gawa-gawa lang iyan ni Wilson para kaawaan natin siya noon!”   Ngumisi si Bea sa kaibigan. “Hindi. Totoo ang lahat ng nakasulat diyan dahil kilala ko si Wilson. Hindi siya magpapaawa kung hindi naman totoo. Bakit ka ba natatakot harapin ang katotohanan kung lahat naman tayo ay mayroong kasalanan?”   Napatikhim si JV. Umupo siya sa lamesa at tumingin nang payapa kay Vernique. Ano pa nga ba ang nilalaman ng journal na ‘yon at ano pa ang masasagot no’n? Para ‘yong isang makapanyarihan na libro na kayang palabasin ang tunay nilang hinanakit at ugali sa isa’t isa. Gano’n ba kapangyarihan ang journal ng isang kabataan na walang naaalala sa ngayon?   “It’s been weeks since my best friend focused himself on courting his crush. They are always with each other, but they’re not official yet. It is true that they can choose love over friendship.”   “What happened next is not that  I wanter, okay. Nag-trap lang ako sa patibong niya,” dugtong ni Bea sa binasa ni Vernique.   “Ano’ng trap ‘yan?” nakakunot noo na tanong ni Lien.   “Basta basahin mo na lang Vernique. Hindi ko kayang banggitin pang muli ‘yon.”   Vernique half-smiled. Ang iba niyangmga kasama ay bumuntong hininga. Mas mahirap pa na basahin ang journal ni Wilson kaysa magsagot ng mga assignments and test. Hindi iyong utak mo ang matatamaan kundi ‘yung puso at damdamin mo sa kaba sa mga posibleng mabasa.       "I started chatting and flirting Bea on her social media account. Twitter, Messenger, Telegram, and even i********:. They don’t have the label, I can do this thing. I don’t feel anything towards her. She’s not my type. She’s not the woman that I love and want. But I want to court her. It is the chance to bring my best friend back. If he won’t own Bea, then we’ll be friends again. We will bond again. Luckily, she fell into my trap. She fell in love with me.”   Nanlaki ang mga mata ni Vernique at napatingin kay Bea na stoic lang ang reaksyon. Napangalumbaba sina Lien, Pia, at Dara habang si JV naman ay humawak nang mahigpit sa lamesa. Ang relasyon nina Bea at Wilson noon ay isa lamang na laro? Si Bea ang ginawang pain ni Wilson para sa pag-asang maging magkaibigan silang muli ng best friend nito na si John Lloyd.   “What the heck, Bea? Pumayag ka?” tanong ni JV.   Pinigilan ni Bea ang nangingilid na luha. Ang mga alaalang iyon na gusto na lamang niyang kalimutan para sa bagong bersyon niya ay unti-unti na namang bumabalik.   Tumango si Bea. “Akala ko totoo ‘yon, eh. He’s sweet, he’s gentleman. Siya ‘yung Wilson na kilala ko. Siya ‘yung Wilson na kilala nating lahat noon. Pero, iba na pala iyong Wilson na minahal ko.”   “Nakita namin kayo no’n, Bea. Hindi talaga namin alam na...” Bea cutted Pia with a gesture.   “It’s okay. Past is past. Iba na ako ngayon. Naka-move on na rin ako kaya ituloy na lang natin ang pagbabasa.”     “Every time na may date sina John Lloyd at Bea ay nauunahan ko si John Lloyd na yayain ito. Kilala ko kung kailan at paano kumikilos ang best friend ko kaya nauunahan ko siyang palagi. I’m not the only one in this game. I asked Ara since she’s one of Bea’s friend. I told her that I really love her friend. She believef me. I knew that Bea has a crush on me that time, I don’t bother though. There were plenty of women, crashing with each other to own my heart, but someone already did. I just want to stop John  Lloyd for flirting with Bea, and for him to realize that he dumped his best friend.”   Tumigil si Vernique sa mga kasama. Napatingin din sa kaniya ang iba niyang mga kasama na nakikinig. Lahat sila ay tahimik at walang gustong magsalita kaya itinuloy na lamang ni Vernique ang binabasa niyang entry.   “When she said yes to me, it made my heart flutters. John Lloyd didn’t talk for that day. By reading his tweets, I can say that his heart is already broken. I won the game na siya ang nagpasimula. Ang babaeng niligawan at pinagkagastusan niya ay nasa kaibigan na niyang kinalimutan niya. What a f*****g plot twist?”     “Again, I don’t have any idea about that. Hindi ko alam na isang tool lang pala ako ni Wilson. Wala akong balak na sirain ang puso ni John Lloyd at that time. Wala rin akong balak na sirain iyong friendship nilang dalawa. Wilson is my crush that time at no’ng mapansin na niya ang tulad kong kaklase lamang sa kaniyang mundo ay ginamit ko ang pagkakataong iyon para makarelasyon siya,” Bea said. “Akala ko siya ‘yung Wilson na kilala ko. Akala ko totoo ang lahat nang ipinakita niya.”   “Don’t worry, Bea. We believe in you.” Nginitian siya ni Vernique. Kahit papaano ay may mga taong naniwala pa rin sa kaniya. May mga taong nakaintindi sa kaniya.   “Read the last part of the entry, Vernique. Sa pagkakataong ito ay parang lumaya na ang puso ko sa lahat ng hinanakit sa kaniya.”   Tumango si Vernique at binuklat ang natitirang pahina para sa entry na iyon.   “My relationship with Bea ended after three weeks. She said that I’m too stale for her. I don’t have any reactions or moments that will make her feel that she has a boyfriend. I told her the truth that I used her, then I lose a lot of friends. I was also dumped by them. I will focus on myself starting today. No more friends. No more toxic people. No more tears left to cry. Sorry for making a mess. This is my mistake. I’m sorry.”   Natapos nilang basahin ang entry na ‘yon. Para bang nalinis ang nagbabarang puso ni Bea matapos iyon basahin. Nagkamali si Wilson noon pero parte na lang iyon ng nakaraan ngayon. Wala na siyang naaalala at babalakin na lang niyang bumuo ng mga bago at masasayang parte ng kaniyang buhay.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD