KABANATA 6

2153 Words
JOKE TIME.   Kaya naman tumawa ako. Nakakatawa talaga itong amo ko. Dahil lang sa singsing na suot suot ko ay isasama niya ako sa Cebu? Labandera ako hindi niya ako PA.   "Anong nakakatawa sa sinabi ko, Maria?" Seryoso nitong tanong sa akin. Parang gusto niya akong i-intimadate sa klase ng mga tingin niya. Well, diyan siya nagkakamali. Wala akong balak na ma-intimidate sa kagwapuhan niya.   Tumigil naman ako sa pagtawa at hinarap ang amo kong sala sa init at sala sa lamig ang ugali.   "Wala naman, Sir. Maliban sa kung ano ang gagawin ko sa Cebu kasama ka? Naisip niyo rin po ba na labandera ako rito sa mansion?" Diniinan ko pa ang salitang labandera para ramdam niya kung ano ang ipinaglalaban ko. Baka kasi nakakalimutan niya kung ano ang silbi ko sa household niya.   Ngunit patay malisya lamang ito sa pagsusungit ko sa kanya. Parang wala itong narinig.   "I know. Well, you can do the household there. You can clean the house, wash my clothes, iron it and prepare food for me.”   Napakunot ako sa sinabi nito.   “Kailangan kong bantayan ang singsing ko. And I couldn't do it kung wala ako rito. Atleast kung nandoon ka sa Cebu kasama ko, I will not worry about my ring on your finger." Sumandal ito sa kanyang swivel chair at matamang tumingin sa akin.   "Diyos ko naman, Sir. Naririnig niyo po ba yang sinasabi niyo?"   Hindi labandera ang kailangan mo kundi asawa.   Nais ko sanang idugtong sa sinabi ko sa amo pero hindi ko na itinuloy at baka lalong magalit sa akin. Kung ganun nga ang kailangan niya, sobrang willing naman ako. Pero sana naman denirecho niya nalang ako at hindi sa ganitong paraan pa. Masyado na kaming nagugulong dalawa sa sitwasyong ito.   "Yes, I do hear myself. What’s with you that you keep on complaining with me? I am the boss here. May atraso ka sa akin, enough reason for you to follow my terms."   “Pero kasi Sir…” Aangal pa sana ako pero ko na rin naituloy. He cut my words off.   “No buts, Maria. I am not going to accept your explanation. You owe me a lot. You should be thankful that I am still good to you regardless what you did to me.”   Napasimangot ako sa narinig. Oo na, ako na ang may kasalanan.   "Wala akong passport, Sir. Hindi ako pasasakayin sa eroplano." Naiinis na sagot ko rito.   Pero bahagya rin akong natawa sa tinuran ko rito. Hmm, alam ko naman na pasasakayin ako sa eroplano kahit walang passport dahil domestic flight lang naman yun. Alibi ko lang yun at baka makalusot kay Sir. Minsan kasi kailangan mo rin magmukhang shunga para makaligtas ka.   "Hindi naman tayo mag-aabroad. Hindi kailangan ng passport papuntang Cebu. All we need is a ticket, like this." Itinaas nito ang dalawang papel na nakatupi.   Nakita ko ang logo ng isang kilalang airline sa papel. Aba't ready na talaga pala ang amo sa pagsama ko sa kanya sa Cebu. Mukhang napagplanuhan na niya ahead of time. Nakakainis lang at hindi man lang ako nainform agad.   "Wala na bang ibang choices, Sir? Magda-diet nalang ako para pumayat ako. Para pag pumayat ako, baka pumayat din yun daliri ko." Inilatag ko rito ang brilliant idea ko.   "Hindi ka papayat sa loob ng less than 48 hours. Huwag ka ng umasa, Maria." So, talagang mataba ang tingin nito sa akin? Sinamaan ko ito ng tingin. Pero dahil amo ko siya kaya konti lang at halos di niya napansin.   "Pabantayan niyo nalang po ako kay Manang Sonia at sa mga guard." Suhestiyon kong muli. Ayoko talagang sumama sa kanya. Para kasing may pinaplano siyang masama sa akin doon sa Cebu. Baka mamaya ihulog niya ako sa eroplano. Pero bago niya gawin iyon ay puputulin niya muna ang daliri ko para makuha ang singsing at ialay sa nobya nito.   Lumingo-lingo ito. Ibig sabihin ay hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ko.   "Promise, hindi po ako aalis ng mansion sa loob ng dalawang buwan. Huwag niyo na po akong isama, Sir." Alam ko naman na malabo ko siyang makumbinsi. Pero wala namang masama kung susubukan ko diba? I need to try harder para hindi niya ako isama doon.   Akala ko ba love mo si Sir? Tanong ng isang bahagi ng utak ko. It's your chance to be with him.   Nope. Kung naiba ang sitwasyon baka nga matuwa ako. Pero hindi ngayon. Hindi ngayon kung kelan mainit at kumukulo ang dugo niya sa akin.   "Nope. That's final." Maawtoridad nitong sabi sa akin.   Yuko ang ulo at tanggap ang pagkatalo ay umalis ako sa harapan ni Sir. Dahil kahit titigan ko siya buong araw, wala din naman saysay. Hinding-hindi niya pagbibigyan ang hiling kong iwanan nalang dito sa Manila.   "Mag-iingat ka doon, Maria. Huwag mong pasasakitin ang ulo ni Sir. Limitahan mo ang sarili mong makipagtalo sa kanya. Alalahanin mong ikaw ang may kasalanan kaya siya galit sayo." Bilin sa akin ni Manang Sonia. Kung ilang beses at paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa akin.   Tinutulungan niya akong magligpit ng mga damit na dadalhin ko papuntang Cebu. Kagabi kasi ay mga damit ni Sir Miguel ang inayos ko. Mamayang gabi pa naman ang flight namin.     “Susubukan ko po, Manang Sonia.”   "Huwag ka na kasing kumontra kay Sir Miguel at para naman maawa siya sa iyo. Ikaw naman kasi panay pa ang sagot mo sa amo natin. Tingnan mo, mas lalo kang pinag-iinitan."   "Manang, di ba po kapag may katwiran, ipaglaban mo dapat?" Tanong ko sa matanda. May katwiran naman kasi ako kaya ipinaglalaban ko.   "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay i-aapply mo ang mga salitang yan, Maria. Alam kong alam mo ang ibig kong sabahin. Pilosopo ka talaga!"   "Alam ko po yun manang pero kasi..."   "Wala ng pero-pero, Maria." Dumukot ito sa bulsa ng kanyang uniporme at iniabot sa akin ang luma nitong cellphone.   Kinuha ko iyon mula sa matanda. Hindi ko mapigilang maluha sa sobrang pasasalamat rito. Kung wala ang matandang mayordoma, paano nalang kaya ako? Malamang napariwara na ako ng husto sa buhay. Naalala ko na naman ang namayapa kong ina.   "Salamat, Manang. Love na love talaga kita." Niyakap ko ito ng mahigpit pero pumiglas ito.   "Nakow! Umayos ka nga riyan. Napakainit ay yakap ka ng yakap sa akin. Bumili ka nalang ng simcard sa tindahan ni Kikay para may magamit ka na bago ka umalis. I-save mo na din ang numero ko para naman matawagan moa ko kapag nagka-problema ka."   "Sige po, manang. Pagkatapos ko rito ay bibili ako." Tugon ko naman sa matanda.   "Kontakin mo ako agad kapag nakarating na kayo ni Cardo sa airport. Sandali at kukunin ko ang ticket niyo." Akmang tatalikod na ito ng habulin ko sa may pintuan.   "Wait lang po, manang. Bakit si Cardo? Akala ko ba ay si Sir ang kasama ko pa-Cebu? Paanong si Cardo na ngayon?" Nagtataka lang ako dahil bakit nasama sa usapan si Cardo. Si Cardo na walang malay at hindi masyadong ka-close.   Si Cardo Versoza ang personal driver/bodyguard ni Sir Miguel. Isa daw itong ex-military. Sabagay, mukhang may katotohanan ang chika. Makikita mo iyon sa tikas ng tindig ng lalaki. Putok ang muscles nito sa braso lalo na kamay nakasuot ito ng fitted v-neck white t-shirt.   Iyon na nga, aware naman ako na lagi niya itong kasama sa mga lakad niya kasi personal drive/bodyguard niya ito. Pero hindi ko inexpect na hanggang sa Cebu ay kasama rin niya ito.   Malamang kasama kasi matagal-tagal si Sir doon. Paano kung mabaril? Paano kung may manakit dito? Sagot ng pabidang bahagi ng utak ko.   "Hindi si Sir Miguel ang kasabay mo kundi si Cardo. Nauna na si Sir Miguel kaninang madaling araw at kasama niya si Ma'am Adelle." Medyo nadisappoint ako sa nalaman na kasama pala ang nobya nitong impaktita sa ganda. Oo naman, tanggap ko naman na talagang maganda si Maam Adelle. Ang hindi ko matanggap ay kung paano niya tratuhin ang mga katulong sa mansion. Hindi pa man siya asawa ni Sir Miguel ay para na itong evil step-mother kung umasta.   "Anong gagawin ni Ma'am Adelle sa Cebu? Babantayan si Sir?"   Akala ko pa naman ay kaming dalawa lang. Nag-expect pa naman ako ng bongga. Naghanda na pa naman ako ng mahabang pasensiya para rito. But all my expectations vanished easily upon hearing the news.   "Hindi ko alam. Marahil ay magbabakasyon habang naroon si Sir Miguel. Basta inihabilin niya lang sa akin ang lahat. Si Cardo ang makakasama mo sa pagpunta roon. Ang alam ko ay susunduin nalang kayo ni Sir Miguel sa airport."   "Sige po, Manang." Tugon ko.   Wala naman akong magagawa kung iyon ang utos ng boss. Isa lang naman akong hamak na labandera na may malaking problema.     NAPASINGHAP ako ng maramdamang nag-take off na ang eroplanong sinasakyan namin.   "First time mo sumakay sa eroplano?" Tanong ni Cardo sa akin.   Napaismid ako sa tanong nito. Pero mas napaismid ako sa get-up nito. Hanggang ngayon hindi pa rin ito nag-aalis ng shades kahit pa naka-take off na ang eroplano. Tampulan nga ng chismis sa mga katulong ang hindi nito pagtatanggal ng shades.   Ginagaya niya ba si Cardo Dalisay ng Probinsiyano? Malamang, oo. Sa suot nitong jacket, malamang sa malamang.   "Third time ko na. Eroplano din kasi ang sinakyan ko galing probinsiya. Takot lang talaga ako sa heights." Sagot ko naman. Gusto ko sana siyang malditahan kaso baka iwanan niya ako mag-isa sa airport. Hindi ko pa naman alam ang pasikot-sikot rito.   At kung hindi ba naman kasi ito gentleman, pinauna akong umupo kaya ayun doon ako sa bandang bintana napa-pwesto. Mas lalo tuloy akong nalula.   "Ahh, kaya pala. Saan nga pala ang province mo?" Tanong ulit nito. Nasusuka na nga ako dahil sa pagkalula, kinakausap niya pa ako.   Nayamot ako bigla.   "Wait, close ba tayo? Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?"   "O di tanungin mo din ako para patas na. Ang dali ko lang kausap, Maria."   So, dahil patolera ako kaya tinanong ko rin siya. Yun klase ng tanong na maiinis siya.   "Bakit mo ginagaya si Cardo? Wala ka bang originality?" I am referring kay Cardo na nasa palabas.   Tumawa ito. "Ako 'to si Cardo na mahal na mahal ka."   Siya nga naman talaga si Cardo. Bwisit! Mukhang ako pa ang maiinis dahil sa tanong ko sa kanya.   "O di wow!" Inismiran ko siya at tinalikuran. Bad trip siya kausap kaya matutulog nalang ako.   "Makaarte akala mo hindi niya nilalantakan ang mga padala kong tsokolate."   Napamulagat ako sa narinig.   "Ikaw yun?!" Napalakas yata ang pagkakasabi ko kaya naman nilapitan kami ng crew at sumenyas na tumahimik.   "Hindi nga, ikaw ang secret admirer ko?" Sikmat ko rito pero sa mahinang boses na.   Isang buwan palang yata ako sa trabaho ko bilang labandera ay may nagpapadala na sa akin ng kung ano-ano. Madalas rosas at tsokolate. Hindi ko naman malaman kung sino kasi nga galawang hokage. Wala man lang bakas at pagkakakilanlan. Akala ko dati si Sir Miguel ang nagpapadala sa akin, hindi pala.   "Kung sabihin ko bang oo, sasagutin mo na ako?"   "Tarantado ka talaga! Ni hindi ko nga alam kung anong itsura mo. Panay ka nalang naka-shades, akala mo naman bagay sayo. Bakit ba tinatago mo yang mga mata mo? Duling kaba, Cardo?"   "Duling agad? Hindi ba pwedeng itinatago ko lang para hindi pagkaguluhan."   "Hala siya, ang hangin!" Pero pasimple kong sinipat ang itsura ng aking katabi.   Moreno si Cardo, matangos ang ilong at medyo makapal ang labi. May katangkaran din ito. At ang mga muscles sa katawan ay namumutok naman talaga.   "Gusto mo bang makita?" Tanong nito sa akin.   Nakangiti ito. May isa itong ngipin na sungki.   "Ang alin?" Nakakunot ang nuong tanong ko rito.   "Ang future mo kasama ako." Nakangising sagot nito.   Puro nalang ito banat. Eh kung banatan ko kaya ang kumag na'to? Andami ko na ngang iniisip gusto niya pang dumagdag.   "Parang tanga lang." Sabi ko naman.   Tumalikod akong muli at hindi na umimik pa.   "Maria, harap ka nga muna." Pangungulit nito sa akin.   "Natutulog ako. Huwag mo akong istorbohin." Wala naman itong sense kausap. Kaya bakit pa ako mag-aaksaya ng laway?   "Bahala ka diyan. Bababa na tayo mamaya-maya. Talagang iiwan kita dito kapag nakatulog ka ng tuluyan." Nang-aasar nitong sabi sa akin.   Naiinis akong humarap rito. "Ikaw napaka mo!"   Ngunit nabitin sa ere ang sasabihin ko.   Hala, napaka-pogi naman pala talaga ni Cardo. Nakatanggal ang shades na suot dahilan para tumambad ang tsinito nitong mga mata. Hindi ito duling. Normal naman iyon at tunay na nakakahalina. Char!   "O ayan, nakita mo na. I-crush back mo na din ako." Kumindat ito sa akin.   "Crush back your face. Ano ka high schoolers?" Inismiran ko siya.   Hindi porke’t napatunayan niyang pogi siya ay madadala na niya ako sa matatamis nitong salita.   "O di sige. Mahalin mo nalang ako."   "Gusto mo?" Tanong ko rito habang nakaarko ang isang kilay.   "Oo naman. Gustong-gusto ko." Tuwang-tuwa na sabi nito.   "Gusto mong sumabog ang nguso mo?" Inis kong tanong rito.   Ang loko, pinagtawanan lang talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD