Chapter Seven

2141 Words
"KUMUSTA NA ba ang soon-to-be Mrs. Pederico?" bungad sa kanya ni Allie pagpasok nito sa loob ng bahay ni Ken. Napailing siya. "Shhh! Huwag kang maingay diyan. Baka may makarinig sa'yo kung ano ang isipin." Saway niya dito. Natawa lang ito. "Joke lang, ito naman. Eh kumusta na nga ang pag-stay mo dito?" tanong ulit nito. "Okay naman." Iyon na ang pangalawang araw niya doon sa bahay ni Ken. Doon siya nito diniretso simula nang makalabas siya sa ospital. Pinilit niya itong sa bahay na lang ni Chacha siya magpapahinga. Ngunit hindi ito pumayag, mas mapapanatag lang daw ito kung ito mismo ang mag-aalaga sa kanya. Sa ngayon ay unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam niya. Sa tantiya niya, baka sa loob lang ng dalawa pang araw ay makakabalik na siya sa trabaho. Medyo naiinip na rin siya ng walang ginagawa. Kumuha kasi si Ken ng taga-linis ng bahay. Hindi na rin siya nagluluto dahil automatic na may nagdi-deliver na ng pagkain sa kanya simula umaga hanggang gabi galing sa Rio's. "Eh ikaw? Kumusta ka na?" "Eto, getting better. Sa awa ng Diyos. In two days baka bumalik na ako sa boutique." Anito. "That's good. Pero kung hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin ang sarili mo." Payo sa kanya ni Allie. "Naiinip na nga ako eh. Gusto ko nang lumabas." "Ay, ayan ang huwag mong gagawin kung wala rin lang consent ni Doc. Magagalit 'yun sa'yo." Nagkibit-balikat lang siya. "Bumabalik na rin ang kulay mo. Hindi gaya noong nasa ospital ka, sobrang putla mo. Magdamag ngang nakabantay sa'yo si Ken. Ayaw niyang umalis sa tabi mo." Kuwento pa ni Allie. "Talaga?" May kung anong mainit na pakiramdam ang humaplos sa puso niya. Alam niyang binantayan siya nito. Pero hindi niya akalain na halos ayaw na nitong umalis sa tabi niya. "Hay naku, kung alam mo lang." sabi pa Allie. "Anong ibig mong sabihin?" "Sobrang pag-aalala niya sa'yo lalo noong kritikal ang lagay mo. Maya't maya niya tiningnan ang temperature mo. Halos hindi niya bitawan ang mga kamay mo. And he even talked to you when you were sleeping." Agad na lumipad ang tingin niya sa larawan ni Ken na nasa ibabaw ng isang maliit na mesa na gawa sa salamin. "He loves you so much, Myca. You have no idea. Kitang-kita namin 'yun nung may sakit ka." dagdag ni Allie. "Darating din naman kami sa level na 'yun. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon." Sagot niya. "Tamang pagkakataon? Ay sus! Baka mamaya n'yan kakahintay mo, mawala ang pagkakataon mo. Sige ka, ikaw rin ang magsisisi." "Alangan naman ako ang unang magsasabi sa kanya." "Eh ano, bakit naman si Panyang?" Bumuntong-hininga siya. "Allie, hindi ako kasing tapang ni Panyang. She's one tough girl. Samantalang ako, eto lang. Kung anong nakikita mo sa akin. Mahina ang loob ko." Ginagap ni Allie ang kamay niya. "Look, you have to be tough. Kahit hindi kagaya ni Panyang. Ang importante, kaya mong lumaban. Kaya mong panindigan ang alam mong tama. Hindi habang buhay, puwede kang apakan at apihin." Nangilid ang luha niya sa sinabi ni Allie. Naalala niya ang sinapit niya sa kamay ng Mommy niya. Hindi niya kayang labanan ito. Ito na ang tinuring niyang parang isang tunay na Ina. Kahit na mabigat ang loob nito sa kanya noon pa man. Mahal niya ito. At kahit na halos isumpa siya nito ngayon, mahal pa rin niya ito. "You've been a through a lot, Myca. Hayaan mo naman na ikaw ang mahalin ngayon." Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Niyakap siya ni Allie. "Salamat sa inyo. Kahit na bago pa lang ako dito noon, trinato na ninyo akong parang matagal n'yo na akong kilala." "Ano ka ba naman? Ayos lang 'yun. Friend ka na namin ngayon, and we will remain friends whatever happens." Nang humupa na ang luha niya. Nilayo siya nito. "Tama na nga 'yang iyak na 'yan. So, umamin ka nga sa akin. And I want the truth ha?" Tumango siya. "Ano bang gusto mong malaman?" Tinitigan siya nito sa mga mata. "Mahal mo na ba si Ken?" Sasagot na lang sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Ganoon na lang ang gulat nila nang biglang pumasok si Panyang at Madi. "Huli! Akala n'yo si Ken na, ano?" sabi pa ni Panyang. Napahawak siya sa dibdib. "Lukaret ka talaga," sabi pa niya. "Nagtaka ka pa diyan." Dagdag ni Allie. "Pumasok na nga kayo, David and Goliath. Bilis at may aaminin ang isang ito!" Sukat sa narinig ay biglang nagmadali ang mga itong umupo sa tabi niya. "Ano ba 'yon? Mahal mo na ba si Doctor Kulot?" nang-uusisang tanong ni Madi. "Iyon nga rin ang tinatanong ko diyan eh. Ano? Mahal mo na ba siya?" ulit ni Allie sa tanong. Kinapa niya ang puso. Tinanong niya ang isip. Ano na nga ba ang lagay ng damdamin niya para sa binata? Pinagtagni-tagni niya sa isip ang kakaibang nararamdaman niya para dito. Sa tuwing lalapit ito ay tumitindi ang kaba niya. Tila pangangapusan siya ng hininga kapag ngumingiti ito. Lagi na lang siyang natutulala kapag nakikita niya ang guwapo at maamo nitong mukha. Kailan nga ba niya unang naramdaman ang lahat ng iyon? Myca breathe out. Hindi na niya alam. Basta kusa na lang tumibok ang puso niya para dito. At hindi na nilubayan ng imahe nito ang isip niya, lalo na bago siya matulog. Si Ken na lamang ang laman ng isip niya. Iyon na ba ang pag-ibig? Kung iyon ang tawag sa lahat ng nararamdaman niya. Oo. Umiibig na siya. Inaamin na niya. Mahal na niya si Doctor Ken Charles Pederico. "Hoy," untag sa kanya ni Panyang. "Hindi ka na sumagot." Napangiti siya. Sasagot na lang sana siya nang biglang bumukas ulit ang pinto. Pumasok doon ang lalaking laman ng kanyang isip. "Hey, you, you and you." anito sabay isa-isang tinuro sina Allie, Panyang at Madi. "Anong ginagawa n'yo dito sa bahay ko? Bakit iniistorbo n'yo ang pasyente ko?" sunod-sunod na tanong nito. "Hello Doc," bati ni Panyang dito na tila balewala ang sinabi ni Ken. "Dinadalaw namin si Myca, baka kasi tubuan na 'to ng lumot dito at magmukha nang labanos. Hindi na kasi naaarawan eh." Sagot naman ni Madi. Sinarado muna nito ang pinto bago sila nilapitan. Umupo ito sa tabi niya. Agad siyang sinalakay ng kaba nang magdikit ang mga braso nila. Lihim niyang kinalma ang sarili. Ayaw niyang ipahalata dito na nagiging abnormal ang t***k ng puso niya sa tuwing lalapit ito sa kanya. "Dalawang araw pa lang ang lumilipas simula nang lumabas siya sa ospital. Nasa recovery stage pa siya." Paliwanag ni Ken. "Pero naiinip na ako dito" reklamo niya. "Look," usal nito saka siya hinarap. "Alam ko 'yon. Pero kailangan mong magtiis. Baka mamaya, mabinat ka. Mas lalo ka lang mahihirapan." Bumuntong-hininga siya. Mukhang wala na siyang maika-katwiran pa dito. "Okay. Fine. Sabi mo eh." "PUWEDE BA akong magtanong?" basag niya sa katahimikan. Napalingon si Ken sa kanya. Naroon sila sa dining area at kasalukuyang naghahapunan. "Sure. What is it?" "Um... Puwede ba akong lumabas bukas?" Saglit itong nag-isip. "No." Napasimangot siya. Ang akala pa naman niya ay puwede na siyang lumabas. Sa tingin naman niya ay kaya na niya. Mas malakas na siya kumpara nitong mga nagdaang araw. "Please..." "No." Pabiro siyang umirap. "Barbie, you have to understand. This is for your own good. Hindi bastang sakit ang dumapo sa'yo. Dengue. Kaya dapat totally malakas ka na kapag lumabas ka na." "Diyan lang naman eh." "Please. Makinig ka sa akin. Ayokong may mangyaring masama sa'yo. Ayaw na ulit kitang makita na nasa ganoong sitwasyon." Napatingin siya dito dahil sa sinabi nito. Kung ganoon, tama si Allie. Sadyang nag-aalala ito para sa kanya. "Okay." Sagot niya. "I'll wait kung kailan ako puwedeng lumabas." Napangiti ito. Bahagya pa siyang napapitlag nang hawakan nito ang kamay niya. "Thanks." "Pasensiya ka na kung kinukulit kita. Naiinip lang kasi ako dito eh." Ilang sandali itong natahimik at tila ba nag-iisip. "Kung iyon lang ang problema mo. Okay. I'll take a day off tomorrow. Sasamahan kita dito. Para hindi ka malungkot." Lumapad ang mga ngiti niya sa labi. Iyon ang hinihintay niya. Ang makasama ito. Dahil kahit na doon siya nakatira sa bahay nito, hindi niya ito madalas nakakasama. Sa umaga pa lang ay wala na ito dahil kailangan nitong pumasok sa ospital ng maaga. "Talaga?" excited niyang tanong dito. "Oo nga." "Thank you, Ken." "Anything for you, ang gusto ko lang ay makita kang masaya." Kumabog bigla ang dibdib niya sa sinabi nito. Kulang na lang ay sabihin nito na mahal siya nito. Actually, iyon nga lang ang hinihintay niya. Ang sabihin nito ang mga katagang iyon. Dahil kung siya ang tatanungin, gusto na niyang ipaalam dito na mahal na rin niya ito. "Why?" Kunot-noong binalingan siya nito. "What do you mean 'why?" "I mean, bakit mo ginagawa itong lahat? Bakit mo ako inaalagaan? Bakit ka mabait sa akin?" sunod-sunod niyang tanong. Napangiti ito. "Do I really have to tell you? Hindi pa ba obvious?" Hindi siya kumibo. Bagkus ay naghintay siya ng sagot mula dito. "It's because, you're important to me. Gusto kong ako ang mag-alaga sa'yo. I want to be at your side at all times. Kung puwede lang, huwag ka nang umalis pa sa tabi ko." Seryosong sagot nito. Napatitig siya sa mga mata nito. "Ken..." "Myca, sa'yo ko lang naramdaman ang ganito. At ayoko nang bitawan pa 'yon. All I want is you. Just you. Wala nang iba." Ginaganap nito ang mukha niya. Saka marahan hinaplos ang pisngi niya gamit ang likod ng palad nito. He look at her with his eyes shining. Parang gustong ipahiwatig ng mga titig nito na puno ng pagmamahal ang puso nito para sa kanya. "You're so beautiful." "Ikaw lang taong nakapagparamdam sa akin na importante ako." sagot niya. "You're too beautiful to resist." Napangiti siya sa sinabi nito. "Huwag kang aalis sa tabi ko, Ken. Dito ka lang. Ayoko nang mag-isa. Nasanay na akong sa bawat paglingon ko, ikaw lang ang nakikita ko. At kasalanan mong lahat ng iyon." "Kung kasalanan ko man 'yon. Hindi ako nagsisisi na ginawa ko 'yon." Mayamaya ay tumayo ito. Kinuha nito ang kamay niya saka siya inalalayang tumayo. Lumapit ito sa kanya, saka siya kinulong sa mga matipunong mga bisig nito. Hindi siya nag-protesta. Sa halip ay pumikit siya at ninamnam ang bawat sandaling nakakulong siya sa yakap ng lalaking minamahal. Myca dreamed of this day, the moment that she started to fall in love with this man. At ngayon nga ay natupad na. Iyon na yata ang pinakamasayang pangyayari sa buhay niya. Tututol pa sana siya nang bahagya itong lumayo sa kanya. Para muling ikulong siya sa mga bisig nito pero hindi lang para yakapin. Nahigit niya ang paghinga nang dahan-dahan ay lumalapit ang mukha nito sa kanya. At wala siyang balak na umiwas. Kung iyon ang tanging paraan para maiparamdam niya ang pagmamahal dito. Bakit hindi? Ramdam na niya ang hininga nito. Alam niyang maglalapat na ang kanilang mga labi ano mang sandali. Ganoon na lang pagkadismaya niya nang biglang may mag-ring na cellphone. Narinig niyang napamura si Ken. Mabilis itong lumayo sa kanya saka dinampot ang nag-iingay at istorbong cellphone. Alam niyang namumula siya kaya mas pinili na lang niyang tumalikod at uminom ng tubig mula sa baso na nasa ibabaw ng mesa. Baka sakaling mahimasmasan siya. "Hello!" may bahid ng inis na sagot nito. Ilang sandali itong natahimik. Pagkatapos ay muli na naman itong napamura, sa puntong iyon siya napatingin ulit dito. "Sige, I'm on my way." "Anong nangyari?" tanong niya. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "Iyong isang pasyente kong batang babae na nine years old. Inatake na naman. Kailangan kong bumalik ng ospital." Anito. "Sige." "How about you? Hindi kita maiiwan ditong mag-isa." "Huwag mo akong intindihin dito. I'll be fine." "Uuwi din ako. Hindi ako magtatagal. Kapag nasiguro kong okay na ang pasyente ko. I promise to be back." Ngumiti siya. Saka niya tinapik ito sa balikat. "Take your time. HUwag mo akong masyadong isipin dito. Hindi kita tatakasan." Nahuli nito ang isang kamay niya. Saka mabilis na dinala nito iyon sa mga labi nito. "That's good to hear." Anito. "I'll call you from time to time." "Okay," sagot niya. Nang bitawan na nito ang kamay niya ay mabilis itong umakyat sa silid nito para magbihis. Pagbaba nito ay naka-maong na pantalon ito, black shirt, black jacket at rubber shoes ito. "I have to go," anito. "Okay, mag-iingat ka." bilin pa niya. Dumiretso na ito ng lakad patungo sa pinto. Nakabukas na iyon at lalabas na lang ito nang bigla itong bumwelta pabalik sa kanya. Bago pa niya mahulaan ang susunod nitong gagawin. He locked her in his arms and caught her lips. Hindi na niya namalayan ng bitawan siya nito at lumabas ng bahay. My gosh! Did he kiss me? Tanong niya sa sarili, sabay impit na tumili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD