Chapter Six

2524 Words
KUNG PUWEDE lang na siya na mismo ang personal na mag-asikaso kay Myca ay ginawa na niya. Gusto niyang siya mismo ang gumamot dito, pero hindi iyon ang field niya. He's a cardiologist. Not Doctor of Medicine. Ngunit kahit na ano pa man, ang importante ay mailigtas si Myca. Hindi niya maaatim na mawala ito. Halos liparin niya ang Marcos Highway kanina makarating lang agad sa ospital. Pagdating doon ay tinawagan niya agad ang mga kaibigan. Nasa pribadong silid na si Myca. Sinigurado niyang sa isang magandang silid nilagay ang dalaga. Medyo bumaba na rin ang lagnat nito. May mga rashes pa rin ito sa ilang bahagi ng katawan nito. Sa ngayon ay tumigil na rin ang pag-nosebleed nito. Ilang beses din itong nagigising, pagkatapos ay susuka. Sa kabila ng mga nararamdaman nito, at sa maagap din nilang pagdala dito sa ospital. Ligtas na ito sa panganib. Naupo siya sa isang bakanteng silya na nasa gilid ng kama. Sa ngayon ay himbing na natutulog ito. Hinaplos niya ang pisngi nito. Bakat pa rin ang palad ng Ina nito. Sigurado siyang hindi lang iisang beses itong sinaktan. Ilang sandali pa ang lumipas nang unti-unti ay dumilat ito. "Ken," mahinang usal nito. "I'm here." Sagot niya. "Nasaan ako? Si Misty?" Hinawakan niya ang kamay nito saka hinaplos ito sa ulo. "Nandito ka sa ospital." "Ospital? Bakit? Anong nangyari sa akin?" "Nilagnat ka ng mataas kanina. May dengue ka. But you don't have to worry, you're okay now. Ligtas ka na. Anong nararamdaman no?" "Medyo masakit ang katawan ko." Tila nanghihinang sagot nito. "Magpahinga ka muna." Sabi niya saka niya hinawakan ang kamay nito. He felt when she squeezed his hand. And brings joy to his heart. Alam niyang may puwang na siya sa puso ng dalaga. At pinapangako niya na kahit na anong mangyari. Hindi kailan man niya ito sasaktan. "Matulog ka na muna. I promise you, I'm just right here. Hindi ako aalis sa tabi mo." She smiled and mouthed, 'thank you.' "Your Welcome," he answered. Hindi niya napigilan ang sarili nang dumukwang dito at halikan ito sa noo. "Magpagaling ka, my Barbie." Bulong pa niya dito bago ito tuluyang makatulog. Napalingon siya nang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang mga kaibigan nila. "Pare, 'musta?" tanong agad ni Vanni. "Okay lang," sagot niya sabay sulyap kay Myca. "How is she?" tanong naman ni Chacha. "She's out of danger by now. Mabuti na lang at naagapan. Dinala agad siya ni Misty sa mismong location ng medical mission namin. Hindi ko alam na doon pala siya nakatira." Paliwanag niya. "Oo, sa Sitio Galili, Antipolo." Sang-ayon naman ni Abby. "Nagkataon na mataas ang Dengue Cases doon, isa siya sa nakagat ng lamok na may fatal dengue carrier. Kung medyo nahuli kami ng dating dito sa ospital, she might be in danger by now." "Thank God ligtas na siya." Ani Allie. "Oo nga. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya." sabi niya. Tinapik ni Roy ang balikat niya. "Ikaw na rin ang nagsabi, Pare. She's okay now. Then, you have nothing to worry about." "I know." Nakangiting wika niya. "Teka, ikaw ba Ken eh sinampal muna itong si Myca bago mo siya tinakbo dito sa ospital? Puro latay ang mukha't leeg nito oh." Ani pa Panyang. Napailing siya. "Para naman kaya kong manakit ng babae lalo't si Myca 'yan." Aniya. "It's her Mom. Sinabi ni Misty sa akin na sinaktan siya kanina pag-uwi n'ya sa bahay nila." Gaya niya ay napailing ang mga ito. "Anong plano mo paglabas ni Myca sa ospital?" tanong ni Darrel sa kanya. "Doon ko siya iuuwi sa bahay ko. Hindi ko siya puwedeng pabayaang mag-isa sa tinutuluyan niya." "Eh si Misty? Paano na siya?" tanong naman ni Abby. "Nakausap ko na kanina si Martin, doon muna si Misty sa kanya. Mamaya babalik sila kapag nagising na si Myca." "She's been through a lot," wika ni Abby. "I know, kaya nga ayoko siyang iwan. Gusto kong nasa tabi lang niya ako palagi." Sagot niya habang nakatitig sa maamo at tulog na si Myca. "You really love her, don't you?" si Leo. Sinulyapan niya ang kaibigan saka may ngiting tumango. "You have no idea how much I love her. Kayo lang 'tong ayaw maniwala eh." "Not me." Depensa ni Leo sa sarili. "Eh kasi naman, Pare. Kung makikita mo lang ang sarili mo noon, malamang ikaw rin magduda. Mas mukha kang nagti-trip lang kaysa seryoso." Paliwanag ni Vanni. "Tama," sang-ayon naman ni Panyang. "Oh well, the most important is. You're starting to prove yourself." Sabi ni Chacha. "Right. At huwag na kayong maingay dahil baka magising si Myca. Nandito tayo para alamin ang kalagayan n'ya. Ang kukulit n'yo." Saway sa kanila ni Madi. "Opo, Manang." Pang-aasar pa ni Panyang. "Roy, puwede ko bang mahampas nitong sofa sandali itong asawa mo?" Parang batang nagtago si Panyang sa likod ng asawa. "Peace," sabi pa nito. Habang hinihintay na magising si Myca, nagkanya-kanya muna ng Pagkakalibangan ang mga ito. Habang siya, mas piniling manatili sa tabi ni Myca. Ayaw ni Ken na alisin ang paningin dito. Gusto niyang nasa maayos na kalagayan ito kapag gumising ito. At kung tumaas na naman ang lagnat nito, mas gusto niyang siya mismo ang mag-asikaso sa babaeng minamahal. Ayaw niyang palagpasin ang pagkakataon na ito na mas puwede niyang patunayan dito kung gaano ito ka-espesyal sa buhay niya. DAHAN-DAHANG minulat ni Myca ang mga mata. Hindi pamilyar ang silid na iyon sa kanya. Muli niyang pinikit ang mata. Pilit niyang hinalungkat ang isip kung ano nga ba ang huling pangyayari bago siya napunta doon sa silid na iyon. Pagkatapos siyang sugurin ng Mommy niya at pagsalitaan ng kung anu-anong masasakit na salita. Pinag-empake niya agad si Misty, at habang naghihintay siya ay mas pinili na lang niyang lumabas ng bahay. Hindi niya kinaya na tumigil kahit na sandali doon. Kaya't pinili niyang lumabas at maglakad-lakad. Mahigit isang oras din ang tinagal niya sa labas bago niya binalikan ang kapatid. Pagbalik niya ay nagsimula na siyang samaan ng pakiramdam. Pero hindi niya pinansin iyon. Pumunta pa nga sila ng plaza at nag-meryenda. Pauwi na sila at nasa loob ng taxi nang maramdaman niyang tumataas ang temperatura ng katawan niya. Hanggang sa mawalan na nga siya ng malay. Naalala niya si Misty. Agad siyang napadilat. "Misty," tawag niya sa kapatid sabay balikwas ng bangon. Sa isang iglap ay mukha ni Ken ang bumungad sa kanya. "How are you feeling?" tanong agad nito. Nakaramdam siya ng kaunting p*******t ng katawan. Luminga siya sa paligid. Naroon ang halos lahat ng kaibigan niya sa Tanangco. "Nasaan ako? Bakit parang hinang-hina ako?" tanong niya. "First, mahiga ka muna. Tapos, ipapaliwanag kong lahat." Wika ni Ken. "Okay, nasa ospital ka. Nagka-Dengue ka. Nakagat ka ng lamok na carrier ng Dengue. Nilagnat ka ng mataas habang nasa taxi kayo pauwi. Mabuti na lang at hindi pa kayo gaanong nakakalayo at nakita ni Misty 'yung puwesto namin sa plaza. Doon ka niya dinala." Paliwanag nito. Unti-unting inabsorb ng utak niya ang mga sinabi ni Ken. "Nasaan si Misty?" "She's here a while ago, umuwi na muna siya sa Kuya Martin mo. Doon na rin daw siya titira." Si Abby ang sumagot. Tumango siya. Mas mabuti na siguro na doon ang kapatid niya, at least mas matutugunan ng Kuya niya ang pangangailangan nito. "Natakot kami sa'yo, Girl. Ilang araw nang pabalik-balik ang lagnat mo. Mabuti na lang at maagap itong si Doc. Bumaba ng husto ang platelet count mo, akala namin matutuluyan ka na." sabi ni Panyang. "Ilang araw? Bakit gaano na ba ako katagal dito?" may pagtatakang tanong niya. "This is your fourth day here," sagot ni Ken. "Wala akong kamalay-malay. I'm sorry kung naabala ko kayo ng ganito." Aniya. "Don't be. Hindi mo kailangang mag-sorry sa amin. I'm sure hindi mo naman ginustong magkasakit, right?" sagot ni Dingdong. "Pero ang laking istorbo nito sa inyo, sa trabaho n'yo. Lalo na sa'yo Ken." "Girl, you're talking too few of the richest young businessmen in the country. Sila ang may-ari ng kumpanyang pinapasukan nila. Kahit hindi sila pumasok ng isang buwan kung gugustuhin nila, hindi babagsak ang mga negosyo ng mga iyan. Kaya ano ba naman ang ilang araw sa kanila?" mahabang paliwanag ni Panyang. "Right, and you're our friend anyway. Kaya hindi ka istorbo sa amin, okay ba 'yun?" sabi pa ni Justin. "Okay. Salamat. Maraming Salamat." "At gusto kong magpahinga ka muna paglabas mo dito. Huwag ka munang papasok sa boutique. Ako na muna ang bahala doon." Dagdag pa ni Chacha. Tumango na lamang siya. Ano pa nga ba ang hihilingin niya? Nagkaganoon man ang relasyon nila ng Mommy niya. May pinalit naman ang Diyos na mga taong handa siyang ituring na parang isang pamilya. "Pero as soon as maging maayos na ang pakiramdam ko. Babalik agad ako sa trabaho. Ayokong maging pabigat." Aniya. Tumango si Ken. "Okay. Kung iyan ang gusto mo. Pero sa ngayon, magpalakas ka muna." Sabi pa nito. "Nagugutom ka na ba? May dala kaming mga pagkain dito?" si Abby. "Medyo gutom na nga ako." sagot niya. "Hoy! Anak ng... Bakit kayo ang kumakain n'yan?" sita ni Madi. Paglingon nila ay abala sa pagkain ng mga prutas na nasa basket sina Chacha at Panyang. "Eh sa nagugutom kami eh. Ako buntis, may excuse ako. Ewan ko sa isang 'to." Depensa ni Chacha sabay turo sa maliit na babae na abala sa pag nguya sa rambutan. "Hoy ah, huwag kayong ganyan. Delayed na kaya ako." sagot pa nito. "Talaga best? Buntis ka na rin?" excited na tanong ni Chacha dito. "Oo, delayed ako ng dalawang oras at kalahati." Naghagalpakan sila ng tawa. Pati siya na nanghihina pa rin sa sakit ay natawa. "Hoy, kapirasong tao. Tigilan mo na 'yan!" saway ulit ni Madi dito. "Ang ingay mo talaga goliath! Tumahimik ka diyan, baka mabulabog 'yung langgam. Hinahanap ko siya dito sa rambutan, nakita ko kanina 'yun eh, dito nagtago." Seryoso pang wika ni Panyang. Lalong napuno ng tawanan ang silid na iyon. Kung ganito ba kasaya ang paligid niya. Sigurado siyang mabilis siyang gagaling. At tiyak na makakalimutan niya ang problema niya ng wala sa oras. Kaya nga ba ayaw nang iwan pa ni Myca ang Tanangco. Dahil sa mga taong ito. At dahil sa lalaking narito sa kanyang tabi. Wala na nga yata siyang hindi kakayanin pa, basta't alam niya na nasa tabi lang niya ang binata. PANG-LIMANG araw na ni Myca doon sa ospital. Nagkausap na rin sila ng Kuya Martin niya at ni Misty. Ang una na daw ang bahala sa bunso nila. Basta ang isipin na lang daw muna niya ay ang magpagaling. Humingi rin ito ng paumanhin sa kanya tungkol sa panananakit ng Mommy nila sa kanya. Matapos nilang mag-usap magkakapatid ay umuwi na ang dalawa. Tanging sila na lamang ni Ken ang naroon sa loob ng silid. Nilingon niya ito, kasalukuyang abala ito sa pagbabasa ng broadsheet. Tinitigan itong mabuti ni Myca. Kahit naka-sideview ay guwapo pa rin ito. Parang gusto niyang padaanin ang isang daliri niya sa ilong nito. Napaiwas siya ng tingin nang bigla itong lumingon sa kanya. Tumikhim siya at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng kumot na nakabalot sa mga hita niya. Sa ngayon ay nakakaupo na siya. Mamaya ay susubukan naman niyang maglakad na para bumalik na ang dati niyang lakas. "You're staring at me," anito. "H-ha? Anong sabi mo?" maang niyang tanong. "Kunwari ka pa. I saw you staring at me." Giit nito. "Hindi kaya!" tanggi niya. Tinupi nito ang broadsheet saka tumayo at hinarap siya. "Miss Placino, maaaring hindi ako nakaharap sa'yo. But still, I saw you. Kaya, there's no reason for you to deny." Tumikhim siya. "Eh ano naman. Masama ka bang tingnan?" Depensa niya. "Hindi naman. But I was just thinking, maybe, you already like me?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Kasabay ng pagtambol ng dibdib niya ng sampung doble. Heto na naman ang isang ito. Pinapabilis na naman ang t***k ng puso niya. Hindi niya alam kung anong meron si Ken, bakit nagiging abnormal ang pakiramdam niya kapag ganitong nakatitig ito sa mga mata niya? Napaatras siya ng unti-unti ay nilalapit nito ang mukha sa kanya. "See? There you are again. Staring at me." Agad niyang iniwas ang tingin dito. Pero naagapan iyon ng isang kamay nito. Marahan nito pinihit ang mukha niya pabalik. "Wala kang dahilan para umiwas, Myca." Napangiti siya nang marinig niyang binanggit nito ang pangalan niya. "Why are you smiling?" natatawang tanong nito. "Nothing. It's just that, masarap pakinggan kapag binabanggit mo ang pangalan ko." Sagot niya. "You have a nice name. But I'd rather call you 'my barbie'. Because Ken and Barbie are forever partners." Natawa siya. "What a lame reason? I can't believe this. Ikaw, the ever famous Doctor Ken Chrles Pederico. Naniniwala sa loveteam nila Ken and Barbie." "Ah hah! Minamaliit mo ang paniniwala kong iyon ah. Nakuha ko 'yun sa pag-storytelling sa mga bata." Anito. "But no matter how lame it was, the most important is. Totoong lahat ng sinabi ko, galing dito 'yun." Dagdag nito sabay turo sa puso nito. Napalis ang mga ngiti niya. Tila tumagos din ang mga sinabi nito sa puso niya. Patunay na doon ang muli na namang pagtibok ng mabilis niyon. "Ken, I..." "Ang akala ko'y mawawala ka na sa akin, and you scare the hell out of me." Halos pabulong na wika nito habang dahan-dahang lumalapit ang mukha nito sa kanya. Ang dapat sana'y umiiwas na siya sa puntong iyon. Pero daig pa niya ang nahihipnotismo sa mga mata nito. Hindi niya magawang igalaw ang ulo niya. Halos mabingi siya sa lakas ng dagundong ng dibdib niya. Parang nahihirapan siyang huminga, dahil halos kalahating dangkal na lamang ang layo ng mukha nito sa kanya. "Ken..." Lihim niyang kinalma ang damdamin. Bakit nga ba siya matatakot sa napipintong mangyari? Alam niya sa pinakamalalim na bahagi ng puso niya. May pagtingin na rin siya kay Ken. Kaya para saan pa't pipigilan niya ang sarili. Sa isiping iyon, kusang umangat ang kamay niya at hinaplos ang mukha nito. Tila naging senyales iyon ng pagpayag niya. Dahil ngumiti ito. Mga ngiting umabot sa singkit nitong mga mata. Myca prepared herself for her first kiss. Maglalapat na lang mga labi nila nang biglang... "Hello everybody!!!" si Panyang sabay taas pa ng dalawang kamay nito. Agad siyang umiwas. Si Ken naman ay napapikit sabay sapo ng isang palad nito sa mukha. "Panyang!!!" sigaw nito. Nagulat ang bagong dating. "Ano ba Kulot?!" sigaw din nito. "Bakit ka ba sumisigaw?" Kinuyom nito ang isang kamay at pigil na pigil na masakal si Panyang. "Istorbo ka kasi! Konti na lang eh. Konti na lang. Dumating ka pa." reklamo nito. "Ang alin ba 'yon?" inosenteng tanong nito. "Ewan! Ewan ko sa'yo!" naiinis na wika nito sabay labas ng silid. Napapitlag pa ito nang ibagsak pa ni Ken ang pinto. Kunot-noong binalingan siya nito. "Ano bang problema ng isang 'yon?" Pigil ang tawang umiling siya. "Wala," usal niya. "Daig pa no'n ang nabitin sa kiss ah," sabi pa nito. Lalo siyang natawa. Kung nalalaman lang nito na tama siya. Napakamot ito ng ulo. "Ay, pengkum kayong dalawa! Bahala kayo!" nakukunsuming wika nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD