Kabanata XX: Ang Nakaraan

1421 Words

1995 | Nakaraan | Kumakatok ang mundo sa iyong isipan. Ngunit hindi ang mundo ang dapat mong katakutan. Kundi ang iyong isipan at kung paano ito tutugon sa pagkatok ng katotohanan. TOK! TOK! TOK! Naalimpungatan ako sa malakas na pagkatok sa pinto ng aking kuwarto. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata, pinilit kong imulat ang mga ito kahit gusto ko pang matulog. Tinignan ko ang orasan at ito ay nasa alas singko y media ng umaga pa lamang. Napasinghal ako sa inis. Ang aga aga nilang nambubulabog. “Ma’am Lilith, kailangan mo na pong bumangon,” rinig kong sabi mula sa labas, kay yaya Esang ang tinig na iyon. Napasimangot ako dahil sa narinig. “Pero yaya, maaga pa naman,” reklamo ko. “Ngunit utos iyon ng iyong Ina, bangon na!” aniya. “Urgh!” ang tangi kong naisagot tanda ng pagtutol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD