Sa bawat pagtangis ni Maria ay mga alaalang bumabalik sa isipan ni Ina. Paulit-ulit ang mga iyon. Napapagod na siya sa mga naririnig. Nabitawan niya ang patalim sa sahig.
Mabuti na lamang at hindi tinuloy ni Ina ang binabalak. Iniwan silang dalawa roon. Nanaig muli ang katahimikan. Nagiging masangsang na rin ang amoy ng paligid.
“S-sorry…” halos hindi na ito narinig ni Ben dahil sa sobrang hina. Ngunit iyon talaga ang gustong sabihin ni Maria sa kaniya. Gusto niyang humingi ng tawad sa lahat. Wala lang siyang lakas ng loob na sambitin ito. Nakakadismayang walang naging sagot si Ben sa sinabi niya.
Pagbalik ni Ina ay may hawak naman itong cutter. Lumapit kay Ben at walang pasabi’t puwersahang dinikit ito sa mukha ni Ben. Napahiyaw ang binaya sa sakit. Tumulo ang maraming dugo. Nabigla si Maria dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hinihiwa ang kaniyang balat paalis sa mukha nito. Nakatulala siya habang tumatalsik ang mga dugo mula kay Ben sa bawat paligid, habang nalalaglag ang mga nahiwang laman sa maruming sahig, at habang nagpupumiglas at naghuhumiyaw sa sakit.
May mga salitang binubulong si Ina sa hangin at mabilis ang pagkakasabi ng mga iyon. Hindi niya lamang ito marinig ng malinaw sapagkat natatabunan ito ng ungol ng kaniyang mahal na unti-unti ng nalalagutan ng hininga.
Labis ang gulat si Maria sa nasiksihan. Nanatiling nakaawang ang mga bibig at walang salita na lumalabas mula roon. Hanggang sa bumagsak na ang ulo ni Ben at hindi na gumagalaw. Gustong tumakbo ni Maria at takasan ang reyalidad. Gusto niyang ihagis lahat ng bagay na makikita niya, galit na galit siya, kay Ina, sa sarili, at sa mundo. Gusto niya ng mamatay. Pero hindi na naman pwede. Dahil meron pa siyang anak, anak nilang dalawa.
Ang hirap tanggapin ng mga nangyari. Pinatay ni Ina ang taong mahal niya, ang ama ng anak na nasa sinapupunan niya. Masakit. Alam mo ba sa pakiramdam iyong nakita mo mismo sa dalawang mata mo ang pagkamatay ng isang tao? Nararamdaman mo kaagad ‘yong sakit sa puso, bumabaon hanggang pagkatao. Mahirap i-describe pero ayaw niya talagang paniwalaan. Ganon e, kahit nakita mo na ayaw pa ring ma-process sa utak. Iniisip niya pa lang na hindi niya na makakasama ang mahal niya, hindi niya na kaya. Malayo lang ito ay nalulumbay na siya. Paano pa kaya kung panghabambuhay na?
Pumikit siya, sinubukan niya kahit ayaw kumurap ng kaniyang mata. Mabilis at malakas ang pagtambol ng puso niya. Subalit wala ng tumutulang luha. Tila inubos na ito ng malupit niyang tadhana.
Isang pagsubok? Kung isa itong pagsubok at magagawang bumalik sa dati ang lahat ay matatanggap niya pa. Ngunit ito ang katotohanan. Ito ang reyalidad niya. Walang sinuman ang makaka-survive sa mga ganitong trahedya, dahil lalasunin sila mismo ng kanilang utak dahil sa trauma at pagsisisi.
Maria… Siya si Maria, ang batang ina. Ngunit bakit ganito ang kapalaran niya? Pinili niya ba ito? Ginusto niya ba ito? Oo, nakagawa siya ng isang pagkakamali, ngunit deserve niya ba ito?
Malungkot ang mga mata niya habang nakatitig kay Ben.
“I love you,” mahinang bulong ni Maria sa hangin kahit hindi na nito maririnig. Bumuhos lahat ng kaniyang emosyon dahil doon. At bigla na lamang siyang napahagulgol.
Umagos ang pulang likido sa kaniyang binti. Isang masamang simbolismo. Parehong nanlaki ang mata nila ni Ina. Bumugso ang takot sa puso ni Maria. Dumoble ang pangamba niya. Para siyang mababaliw dahil lahat na ng negatibong bagay ay dumaraan sa utak niya. Ganito pala ang pakiramdam. Lumalaban siya para sa kaniyang anak. Gusto niyang maligtas dahil sa kaniyang anak, ngunit nawala ang lahat dahil sa isang iglap.
“Kamusta ang nasa sinapupunan mo?” muli ay tanong ni Ina.
Umiiyak na siya at nagmamakaawa kay Ina. Kahit ang anak niya lang. Kahit anak niya lang ang mabuhay. Pinipilit niyang magdasal kahit nawawalan na siya ng pag-asa. Pero parehas lamang silang walang nagawa.
Lumuluha rin si Ina kahit nakangiti. Inaalala ang mga sandali ng kaniyang kabataan. Katitig siya sa mga dugong nasa sahig na tila binabaha ang buong kabahayan niya. Ngunit kahit umiiyak, wala siyang nararamdam na kahit anong pagsisisi o konsensiya. Na tila tama lang ang lahat ng ito. At umamaayon sa mundong binubuo niya sa kaniyang utak.
“May taling bumubuhol sa pagkatao nating dalawa,” saad ni Ina.
“Huh?” takang tanong niya.
“Mararanasan mo ang lahat ng naranasan ko. Mararamdaman mo lahat ng naramdaman ko,” sambit nito.
Hindi pa rin maintindihan ni Maria ang ibig niyang sabihin.
“Anong ibig mong sabihin?” muli ay tanong niya.
Gustuhin man ni Maria na maging malumanay sa pagtatanong ngunit puno ng galit ang kaniyang puso. Nagdulot ng trauma sa kaniya ang mga pangyayari.
“Kailangan mong danasin lahat ng hirap, lahat ng sakit, at pagdurusa,” sagot nito.
Huminto saglit si Ina pagkuwa’y yumuko. Pinunasan nito ang mga luha gamit ang duguang kamay. Matapos ay muling nagsalita, sa pagkakataong iyon ay nag-iba ang tono ng kaniyang pananalita.
“Kailangan mong mamatay,” biglang sambit nito.
“Hindi,” umiiling na sambit ni Maria.
Lumuluha si Ina, galit na galit.
“Tulad ng kung paano ako pinatay sa sakit!” bulalas nito.
Mistulang wala na namang naririnig si Ina. Dinampot niya muli ang cutter na binitawan niya kanina matapos ang ginawa niya kay Ben.
“Please huwag!” pagmamakaawa ni Maria.
Ngunit tuluyan nang nawala sa katinuan si Ina. Sinaksak niya ang tiyan ni Maria, umagos ang maraming dugo, humalo sa dugo ng taong minamahal niya.
“Ikaw ay ako,” paulit-ulit itong binibigkas ni Ina habang sinasaksak si Maria, habang sinasaksak ang sarili niya.
“Ako ay ikaw.”
Paulit-ulit ang mga salitang binabaligtad lamang ngunit iisa lang ang kahulugan.
“Ikaw ay ako.”
Palakas ng palakas ang mga boses.
“Ako ay ikaw.”
Habang lumalakas ay mas tumitindi ang emosyon, ang galit.
“Ako, ako, ako, ay ikaw!”
Nanikip ang dibdib niya. Nanlalabo na rin ang paningin. Ngunit nakikita niya pa ang kaniyang anak. Umiiyak na nakayakap kay Maria. Umiiyak na nakayakap sa kaniya. Tulad ng kay Maria, ginawa niya rin ito sa kaniyang sarili na magkaparehong magkapareho. Hanggang sa bumagsak na rin siya sa sahig. At parang naririnig na rin ni Ina ang mga munting pagtangis ng bata. Doon pa lang ay hinahaplos na ang puso niya. Mas lalo itong nanikip. Hanggang sa hindi na rin ito tumibok pa.
Bago tuluyang ipikit ang mga mata ay nagawa niya pang ibigkas ang katagang…
“Tahan na anak.”
Matapos sabihin ang katagang iyon ay unti-unting nawala ang kulay ng buong kapaligiran. Nagsiliparan ang mga itim na paru-paro sa paligid. Gumalaw ang mga estatwa, naglakad papalayo roon. Maingay at mabigat ang mga hakbang animo’y naistorbo sa oagkakatulog. Ang mga dingding ay nagkapira-piraso at parang pulbos na tinatangay ng malakas na hangin.
Nawala ang mga dugo sa sahig na animo’y hinigop ng hangin.
Nawala ang mga bangkay na parang bula, hindi alam kung saan nagtango.
Nawala ang mansyon na iyon.
Nawala ang buong bakuran.
Nawala ang mga rosas.
Nawala ang matatayog na puno.
Nawala ang mga alaala.
Umikot pabalik ang oras.
Mula sa nakaraan…