KABANATA XVIII: Aking Anak

1021 Words
Habang lumalaki, imumulat ka ng reyalidad ngunit bubulagin ka ng mundo, at kapag nalagpasan mo na ang lebel ng pagiging kabataan, susubukin ka ng kapalaran at paluluhain ka ng tadhana. Ito ang natutunan ni Maria sa kaniyang mga naging karanasan. Itinatak niya sa utak niya na ang mundo ay hindi perpekto tulad ng mga nababasa niya sa libro. Na hindi totoo ang kamatayan, na lahat ng pagsubok ay malalampasan, na laging nananaig ang pag-ibig sa huli, na nagbabago ang kapalaran, na totoo ang tadhana. Wala ito sa reyalidad, hindi makikita. Noong tayo ay bata pa, punong puno tayo ng pangarap. Ang mga nasa paligid natin ay sinusuportahan tayo sa mga nais nating makamit, kahiy na imposible pa ito. Dahil ani nga, libre lang ang mangarap. Ngunit habang ikaw ay tumatanda nakikita mo ang tunay na nangyayari sa mundo. Nararanasan mo ang kahirapan sa bawat hakbang na tatahakin mo. Doon mo mapapagtanto na ang hirap mangarap. Marami sa atin ang binibitawan ang pangarap dahil sa kahirapan, dahil wala ng choice, dahil wala ng oportunidad. “Isa ‘yang pagkakamali. Nagiging delusiyonal ang tao sa pag-ibig.” Tumatak kay Maria ang mga salitang ito. Hindi mapagkakailang may katotohanan ito. Nagiging ibang tao tayo kapag umiibig, nakakalimutan nating isipin ang ating mga sarili. Masyado tayong nagpapabulag at nagpapatali sa pag-ibig, kaya labis tayong nasasaktan. Kaya nakakagawa tayo ng pagkakamali. Mariin ang pagtanggi ni Maria sa sinabi ni Ina. Pilit isinasawalang-bahala kahit paulit-ulit na itong naririnig sa utak niya. Kailanman, hinding hindi siya maniniwala na hindi siya mahal ni Ben. Dumako ang tingin ni Ina sa binata. Humalakhak siya sa hindi malamang dahilan. “Sige, bibigyan kita ng pagkakataong tumakas,” biglang sabi ni Ina. Ikinagulat naman nila ito. Ngunit hindi nila kayang maniwala na sila ay palalayain. Subalit maiging pinag-iisipan ito ni Ben. Hindi niya naman kayang iwan si Maria mag-isa. Kahit ano pa man ang mangyari. Iyon ang kailangan niyang pakakatandaan. “Ngunit ikaw lang, at iiwan mo sa akin ang babaeng ito. Ang kailangan mo lang gawin ay sabihin sa akin na hindi mo siya mahal,” nakangisi nitong saad. Nabigla silang dalawa sa kalakip nitong kundisyon. Saglit na nag-isip si Ben. Maaaring isa itong patibong. Samantalang nag-uunahan na sa pagbuhos ang luha ni Maria. Walang katapusang pagluha. Natatakot siya sa maaaring isagot ni Ben, natatakot siyang maiwan mag-isa. Ngunit kung hindi niya iisipin ang sarili niya, mas nakabubuti ito para sa taong minamahal niya. “Mahal na mahal ko si Maria,” matapang na sabi ni Ben na may pagdidiin sa bawat salitang sinasabi niya. Hindi kaya ni Ben na isakripisyo ang kaniyang iniibig upang mailigtas ang kaniyang sarili. Lalo na’t may sinumpaan siya rito. Hinding hindi siya susuko, at papanindigan niya ito. Nakahinga ng maluwag si Maria, ngunit sa loob niya ay nag-aalala rin siya para kay Ben. Humagalpak ng tawa si Ina. Tulad ng isang nababaliw na tao ang masasalamin sa kaniya ngayon. Iba iba ang pinapakita niyang emosyon. “Hindi mo ba alam? Balak niya ‘yang ipalaglag,” natatawang saad nito. Nangunot ang noo ni Ben nang marinig niya. Wala siyang alam tungkol doon at wala namang sinasabi si Maria. Ayaw niyang maniwala. Hindi niya alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan. Alam niyang hindi kayang gawin iyon ni Maria. Ngunit batid rin niya sa sarili niyang noon pa man ay mayroon na siyang pagdududa. “Hindi,” umiiling na pagtanggi ni Maria. Nag-uunahan sa pagbuhos ang luha sa mata niya. “Maria, totoo ba?”matigas na tanong ni Ben, may bahid ng galit ang mga mata. “Isang kahangalan. Pati sanggol dinadamay niyo sa inyong kahangalan!” bulalas ni Ina. “Mahirap maintindihan, hindi niyo ako ako maiintindihan,” halos wala nang lakas ng loob si Maria na sambitin iyon. Salita na nagpapahiwatig ng hinala nila, na totoo nga ang lahat. Naluluha si Ben, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikitang luha rin sa mga mata ni Ina. Naluhod ito at napatakip ng tenga. Palinga-linga ito sa paligid, balisa, at tila may mga boses na namang naririnig. "ANONG GINAWA MO SA'KIN? NASAAN ANG ANAK KO?" "ITIGIL MO NA ANG KAHANGALAN MO! WALA KANG ANAK!" “HINDI TOTOO ‘YAAAAN! MGA HAYOP KAYOO! MGA WALA KAYONG AWA! HAYOP! ANG ANAK KOOO!” “MANAHIMIK KA!" "LALAYO TAYO SA LUGAR NA ITO AT KALILIMUTAN NATIN ANG NANGYARING ITO!” “IBALIK MO SA AKIN ANG ANAK KO! PAKIUSAP! HINDI! HINDI 'TO TOTOO! IBALIK NIYO ANG ANAK KOOOO! ANAAAAAK!” Ngumiti ng mapait si Ina habang nakatingin sa itaas, at hindi iyon nakatakas sa paningin ni Maria. Pati ang palihim na pagpunas ni Ben ng luha sa mata. Kahit lalaki siya, mahirap pa rin para sa kaniya ang mga pangyayari. Muling tumayo si Ina at humarap sa kanila. “Iyan ba ang sinasabi mong pagmamahal? Papatayin mo ang walang muwang na bata!” galit nitong saad. Naging malakas ang boses ni Ina. Hindi siya nakasagot. Tila bulalakaw na bumagsak mula sa langit ang tama ng mga salita ni Ina sa kaniya. Nasasaktan siya. At alam niyang mas lalo niyang nasasaktan ang taong mahal niya, at ang batang nasa loob ng kaniyang sinapupunan. Maya maya ay muling tinutok sa kaniya ang patalim. “Kukunin ko ‘yan sa tiyan mo. Ako magpapalaki sa kaniya! Wala kang kwenta!” sigaw nito. Tuluyang nagalit si Ina. Kahit wala silang ideya kung paano niya nalaman ang lahat. Gayunpaman, delikado pa rin ang buhay nila. Lalo na si Maria at ang bata. Itinutok nito ang patalim sa tiyan ni Maria. “Akin ang bata,” aniya. Nanlaki ang mata ni Maria sapagkat nais nitong sugatan ang tiyan niya upang makuha ang bata sa loob. Umiling-iling si Maria. “Hindi… hindi. Please huwag!” pagmamakaawa ni Maria. "Wala kang kwenta, akin na ang bata!" paulit-ulit nitong saad. Ito na ang pinakamatinding takot na naramdaman niya. Iba pala ang pakiramdam kapag ang anak mo na ang nasa panganib. Mas doble ang takot, mas doble ang sakit. Mas hindi niya kakayanin kung ang bata ang sasaktan. Unti-unting dumikit ang patalim sa tiyan niya at nararamdaman niya ang pag-agos ng dugo. Napasigaw siya at patuloy na lumuluha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD