CELINE'S POV
_
_
_
_
NAKAUWI na kame sa condo ni Sean matapos ang dalawang araw naming pagstay sa Tagaytay.
Miyerkules ng araw na ito ay may pasok na ako sa school. Medyo busy ako dahil mahigit isang linggo nalang ay graduation ko na.
Hinatid ako ni Sean sa school at nagbilin pa ito na tawagan ko during lunch break ko. Nangingiti nalang ako.
"Napakablooming ng isa dyan." puna ni Sophie. Nakatambay kame sa pwesto namin.
"Nadiligan na kaya sobrang blooming." eksaheradang hayag ni Felicity. Pinanlakihan ko ito ng mata.
Bigla ay pinamulahan ako ng mukha. "Oh goodness nagblush ang lola mo." natatawang puna pa ni Felicity.
"Alam mo malapit na kitang itakwil sa totoo lang. Ipreno preno mo kaya yang kahalayan mo." sabi ko at inirapan ito.
"Aba at parang nagbabagong buhay ka na rin?" patuloy nito.
"Alam mo pag ikaw siguro na inlove Feli tiyak mawawala iyang pagiging mahalay mo." sagot ni Sophie, inikutan naman ito ni Felicity ng mata.
"Kung hindi lang din si Kuya Clark magpapakamonghe nalang ako." mabilis na sagot nito.
Sabay naman kameng tumawa ni Sophie at nakitawa na rin saamin si Felicity. Kaya namimiss ko tong mga ito dahil sa buskahan namin na tatlo.
"Oh look who's back. Akalain mo iyon 2 days din umabsent." pasaring ni Diane.
Wala akong balak na patulan ito kaya inismiran ko lang. "I over heard sa mga madadaldal mong kaibigan na kasal ka na raw?" patuloy nito. "Sabagay knowing you malamang mas gusto mo ang stable na s*x life." Mariin kong ipinikit ang mata ko at nagtitimping ingudngud ang nguso nito.
Nagtawanan ang mga kasama nito. "For sure naman kasasawaan mo lang din iyan. Ikaw pa ba?" Patudsada muli nito.
Tumayo ako at lumapit dito. I gave her a big slap on her face. Hindi pa ako nakuntento at sinampal ko pa ang kabila. Nagulat ito at halos mapaupo na. "f**k you!" mura nito na gigil na gigil hawak ang namumulang pisngi.
Tiningnan ko ito ng masama. Hinawakan ko nang mahigpit ang pulsuhan nito. "Say it again and I will erase that face of yours!" Matapang na sabi ko,
Kung noon palagi ko lamang binabalewala ang lahat ng panghuhusga at kung ano anong paratang nila saakin na wala naman katotohanan ay pwes hindi ako palaging mananahimik. Sawang sawa na rin ako sa judgement ng ibang tao lalo na ang mga gaya ni Diane.
Umayos ng tayo si Diane. "You'll pay for this b***h!"
"Go on. I am not scared darling." nakangising sabi ko pa. Gigil na gigil na umalis ito kasama ng grupo nito.
"Goodness Celine, mag-asawang sampal iyon." impit na tili ni Felicity.
"Akala ko nga hahayaan mo lang uli si Diane." sabi ni Sophie.
"No way! Masyado niyang sinasagad ang pasensyang meron ako." Inis na sabi ko.
Pumalakpak si Felicity. "Ang intense girl parang nanunuod ako ng teleserye kanina. Pakpak eto pa pak. Ganern" sabi pa nito na umaksyon aksyon pa.
"Below the belt na rin naman kasi ang pasaring sayo ni Diane." Sabi ni Sophie. Yes below the belt na at hindi ko na kayang palampasin pa. Wala rin akong paki kahit na makarating pa sa school office ang pangyayari ngayon.
Matapos ang nangyaring kumosyon ay bumalik na kameng magkakaibigan sa classroom. Next week ay magpapractise nalang kame ng graduation.
May mangilan-ngilan akong mga kaklaseng nagbubulong bulungan sa tabi ko. Nilingon ko sila at tinitigan. Bigla naman ay mga parang dagang natakot ang mga ito.
_
_
_
_
_
_
_
UWIAN na at sabay sabay na kameng lumabas ng room. Nakatanggap ako ng text mula kay Sean na hinihintay ako sa parking ng school.
Kasama ko pa rin sina Felicity at Sophie dahil naroroon din ang sasakyan ni Sophie.
"Oh ow!" sabi ni Felicity at may inginuso sakin. Bigla ay napahinto ako sa paglalakad.
Si Diane kausap si Sean. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko sa inis. Kapal ng mukhang hawak hawakan ang braso ng asawa ko at umiyak iyak.
Nagmamadali akong lumakad papunta sa kinaroroonan nila.
Agad kong hinila si Diane palayo kay Sean. Kanina pa mainit ang ulo ko dahil ipinatawag ako sa school office dahil sa ginawa kong pananampal kay Diane. Ngayon at kay Sean naman nagpaaawa ito. The nerve of this girl.
"Celine!" mataas ang boses na sabi ni Sean. Nagulat ako sa tonong ibinigay niya. Tiningnan ko ito.
"See I told you nananakit yang babae na iyan. Kanina sinampal niya ako at ngayon susugurin nanaman ako." mangiyak ngiyak pang sabi nito sa asawa ko. Gusto kong masuka sa kadramahan ng babaeng ito.
"Did you slap her?" madilim ang mga matang tanong ni Sean saakin.
"Yes!" matatag na sagot ko.
Humarap ito kay Diane. "I will apologized for what she did. I am sorry about that." Paumanhin nito. Umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa ulo sa ginawa nito.
"f**k!" mura ko. "Why are you apologizing to her?" galit na tanong ko.
Marahas itong bumuntong hininga at namewang. Luminga ito sa paligid napansin marahil nito na tumatawag pansin na kame sa ibang students. "Why is it so hard for you to apologize Celine? What you did was wrong!" Sabi nito.
Nilingon ko si Diane at ngising aso ito. Siyang siya na pinagsasabihan ako ni Sean. Ni wala nga yata itong idea na si Sean ang panagasawa ko. Ang alam nito ay gusto ko si Sean at bestfriend ito ng kuya ko.
Tiningnan ko si Sean. This is our first fight us husband and wife ang masaklap ay si Diane pa ang dahilan. Nasaktan ako ng sobra. Hindi man lang ako nito tinanong kung ano ba ang nangyari. Bumalatay sa mukha ko ang sakit, marahil ay masyadong obvious na nasaktan ako kaya nagulat si Sean. Akmang lalapitan ako nito nang umatras ako at lumayo paalis sakanila.
Tumakbo ako palayo, palabas ng school. Narinig ko pa ang tawag ng dalawang kaibigan ko at maging ni Sean subalit hindi ko sila pinansin. Agad kong pinara ang taxi na nakita ko nang makalabas ng gate ng school.
Umaandar na ang taxi ng mag-ring ang cellphone ko. It was Sean! Pinatay ko ang cellphone ko at ibinalik sa bag. Panay na ang tulo ng mga luha ko. Pinunasan ko naman ito agad agad kahit tila ayaw paampat nito.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayokong umuwi sa condo at lalong umuwi sa mansion. Nagpahatid ako sa Makati sa bahay ni Felicity. Alam kong andoon ang nanay niya at doon ko nalang ito aantayin dahil ayoko rin tawag ito at baka kasama pa nito si Sean.
_
_
_
_
_
_
_
MAGANDANG gabi po Nanay Yolly. Bati ko sa nanay ni Felicity. Kasalukuyan itong nag iihaw ng barbecue. Ito ang hanap buhay nito. Ang asawa nito ay driver ng truck. Kahit ganoon ang buhay nila ay nakapagpatapos naman ito ng anak at maging si Felicity ay gagraduate na gaya niya. Schoolar din ito at masipag.
"Ay wala pa si Felicity." sagot nito saakin. "Hindi ba kayo magkasama?" Umiling ako.
"Hihintayin ko nalang po siya nanay." nakangiting sabi ko at umupo sa bakanteng upuan. Medyo marami-rami itong costumer kaya naman tumayo ako at tinulungan ito.
"Ikaw talagang bata ka, mag-aamoy usok ka." sabi nito.
"Ayos lang po nay." nakangitng sagot ko at ako na ang nagpaypay sa iniihaw nito.
Binabalot na ni Nanay Yolly ang ibang naluto na nang dumating si Felicity. Kotse ni Sophie ang natanaw ko. Isang oras din akong naghintay.
Nagulat pa si Felicity ng makita ako. "Luka ka bakit ka nandito?" Sabi nito ng makalapit sa pwesto ng barbecue'han nila. "Alalang alala sayo si kuya Sean."
"Hayaano siya!" walang buhay na sagot ko. "Dito ako makikitulog ha?" sabi ko.
"Umuwi ka na tiyak na hinahanap ka na ni Kuya Sean oras na malamang wala ka sa bahay niyo. Lumingon naman saamin si Nanay Yolly.
"Nagpaalam na ako kay Nanay at pumayag siya." sagot ko.
Bumuntong hininga ito. "Okay for today lang ha? Tutal naiinis rin naman ako dyan kay Kuya Sean dahil mas pinaniwalaan ang drama ni Diane." sabi nito. Kaibigan ko talaga itong tunay, kakampi ko sa lahat.
"Halika na sa bahay." Yaya ni Felicity saakin. "Kung nakita ka lang ni Sophie kanina tiyak na hindi agad iyon uuwi." sabi nito habang binabaybay namin ang eskenita papasok sa bahay nila. Bitbit ko ang binili kong barbecue kay Nanay Yolly, ayaw pa nga nitong pabayaran iyon subalit pinilit ko pa rin ito dahil nahihiya naman akong basta nalang tanggapin iyon ng libre.
Ilang beses na rin akong nagsleep over sa bahay nila Felicity kapag may pinagkakaabalahan kame gaya ng pagpunta punta namin sa mga bahay ampunan sa lugar na iyon tuwing birthday ko. Instead kasi na magcelebrate ako ng bongga ay ang perang ibinibigay ng magulang ko na panghanda ay itinutulong nalamang namin sa mga bahay ampunan.
Dalawa lamang ang silid sa bahay nila Felicity. Katabi ni Felicity na natutulog ang nakababatang kapatid nito. Kaya kapag nakikitulog ako sa bahay nito ay lumilipat ang bunso nila sa kwarto ng nanay nito.
"Oh pamalit mo." Abot nito saakin ng damit ko na sadyang iniiwan ko talaga dito para kung sakaling sakanya ako makitulog ay may damit ako.
"Ay pusang gala!" gulat na bulalas nito ng mag-ring ang cellphone nito. "Asawa mo!" imporma nito ng makita kung sino ang tumatawag.
"Sagutin mo pero wag na wag mong sasabihin na magkasama tayo." sabi ko. Tumango naman ito bago sinagot ang tawag.
"Hello kuya Sean." sabi nito sa kausap.
"Naku hindi ko po alam, kame lang po ni Sophie ang malapit na kaibigan ni Celine." sagot nito, pakiramdam ko ay papasang aktres itong si Felicity sa galing umarte. "Sige kuya sasabihin ko agad sayo kapag....tumawag si Celine. Okay bye." tapos nito sa tawag.
"Bruha ka talaga kumakalabog ang dibdib ko sa kaba." sabi nito at itinapat pa ang kamay ko sa dibdib nito.
"Hindi halatang kinabahan ka sa galing mong sumagot." nakangising sabi ko. "Anong sinabi?" usisa ko na.
"Nag-aalala sayo bestie." sagot nito. Natahimik naman ako. "Frustrated na hindi ko alam kung tumawag na rin ba sa inyo kasi tiyak sa oras na malaman ni papa Clark na nag-away kayo ni Kuya Sean tiyak gulpi si Kuya Sean." Dagdag nito, bigla ay kinabahan ako. Parang naawa naman ako sa pwedeng kasapitin ni Sean kay Kuya Clark.
"Bukas umuwi ka na sa inyo kasi baka makarating ito kay papa Clark." Bilin pa nito, tumango na lamang ako.
Naghain na si Felicity at kumain na kame kasabay si Florence ang bunsong kapatid nito. Wala akong masyadong gana dahil sa kakaisip. Pagkakain ay naligo ako at pumasok na sa silid ni Felicity, doble deck ang ayos ng higaan nito. Sa baba nito ako pinapwesto.
Alas dos na ay hindi pa rin ako dalawin mg antok. Kaya naisipan kong kunin ang phone lo sa bag at buksan.
Pagkabukas ko ay sunod sunod na pumasok ang text mabuti na lamang at nakasilent mode ito.
Hubby: Come back
Hubby: Let's talk babe.
Hubby: Celine where are you?
Hubby: Where are you!?
Hubby: Please go home Celine.
Hubby: Please go home.
Hubby: I am sorry. I should have asked you first. Please babe don't do this.
Hubby: Celine please.
Habang binabasa ko ang mga mensahe nito ay kusang tumulo ang luha ko, nasasaktan ako. Wala pa kameng isang linggong mag-asawa pero nagtalo na kame at hindi pa ako umuwi sa bahay namin. Am I really that selfish? Was it really hard for me to say sorry? To forgive someone? Napahawak ako sa dibdib ko. All I know is I do good or bad people will still judge me without a blink. Nagsosorry ito kasi nalaman nito kina Felicity at Sophie ang totoong pangyayari? Paano kung wala ang mga kaibigan ko iisipin nitong ako ang mali talaga? Malungkot na bumuntong hininga ako.
Mahal ko na ito, mahal na mahal. At nasasaktan ako na dahil until now maldita pa rin ang tingin nito saakin, na para bang ako lagi ang may kasalanan. Ako lagi ang masama.
Nagvibrate ang phone ko.
2:30am
Hubby: I can't sleep. I am worried.
Katatapos ko palang basahin ng may pumasok na tawag. Si Sean. Hindi ko sinagot at hinayaan ko lang. Nang matapos ang tawag ay pinatay ko ng muli ang cellphone ko.
Lumipas pa ang ilang oras bago ako gupuin nang antok..