SEAN'S POV
_
_
_
_
_
_
MAGDAMAG akong hindi nakatulog naubos ko na ang alak ay walang Celine na bumalik o nagreply man lang.
Ala sais na ng umaga at wala akong tulog. Agad na tinawagan ko ang cellphone ni Sophie para tanungin kung nakausap na ba nito si Celine.
Mabilis naman itong sumagot at sinabing hindi pa raw natawag doon ang asawa ko. Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko.
Mabilis akong naligo at pupunta ako sa Mansion ng mga Del Prado. Nangmakaligo ay umalis agad ako at tinungo ang bahay ng pamilya ni Celine.
Pagkaparada ko sa harap ng mansion ay agad na bumaba ako. Una kong nakita si Cristine na nasa hardin at nagkakape.
Ngumiti ito. "Ang aga mo ah, anong atin? May meeting kayo ni Kuya?" bungad nito.
"Hinatid mo na si Celine sa school?" dagdag na tanong pa nito. Nakuyukom ko ang mga kamay ko. Ibig sabihin Celine was not here. Damn it Celine!
"Is Clark here?" tanong ko. Ayokong malaman ni Clark ang hindi pag-uwi ni Celine dahil tiyak na hindi nito magugustuhan ang pangyayaring iyon.
"Yes, actually paalis pa lang din siya." sagot nito. "Coffee?" alok pa nito.
Umiling ako.Kinuha ko ang phone ko at dinial naman ang numero ni Felicity.
"Felicity, nakausap mo na ba si Celine?" bungad ko agad. May edad na babae ang sumagot sa tawag ko at hindi si Felicity.
"Teka nag-away ba kayo ng kapatid ko?" narinig ko pang tanong ni Cristine.
Hindi ko na nagawang masagot si Cristine dahil malalaking hakbang na ang ginawa ko marating lang agad ang kotse ko. Pinaharurot ko agad ito. Agad naman nagtext ang nanay ni Felicity at sinend saakin ang address nila.
Ilang sandali pa ay pumarada na ako ang sabi ng nanay ni Felicity at baybayin ko lamang ang eskinita at ipagtanong kung saan nakatira ito.
Tinawag ko ang isang bata na naglalaro. Agad naman lumapit ito. "Bakit po mamang pogi?" tanong nito.
"Alam mo ba kung saan ang bahay ni Aling Yolly?" tanong ko. Agad naman tumango ang bata.
"Halika po mamang pogi ihahatid po kita." sagot nito at niyaya na ako.
Huminto kame sa isang bunggalow type na bahay. May lumabas na matandang babae na natitiyak kong si Aling Yolly.
"Ikaw ba si Sean?" tanong nito. Tumango ako. "Halika pumasok ka." Yaya nito saakin at sumunod naman ako. "Ay teka gigisingin ko lang yung dalawa" sabi nito at may kinatok na pinto.
Unang lumabas si Filicity. Namutla ito at tinakpan ang bibig. I can't blame her na pinagtakpan nito ang kinaroroonan ng kaibigan nito.
"Sorry kuya Sean." nahihiyang sabi nito. Tumango lamang ako.
Sunod na lumabas ay si Celine. Tila naestatwa ito pagkakita saakin. Tumayo ako at hinawakan ang kamay nito.
"Where's your bag?" tanong ko.
Nakatayo lamang ito at tila walang balak na kumilos. I heaved out a sigh.
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
CELINE'S POV
"GUMISING kayong dalawa may naghahanap sa inyo sa labas." naririnig kong sabi ni Nanay Yolly sa amin.
"Bilisan ninyo at naghihintay sa labas. Tayo na kayo." dagdag na sabi pa nito baho lumabas.
Pupungas pungas pa akong bamangon. Si Felicity naman ay nakababa agad mula sa higaan at lumabas na.
Nang makabangon ako ay sumunod na rin agad ako kay Felicity. Wala pa nga akong tulog tapos may naghahanap saamin. Sino naman kaya iyon?
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay ang seryosong mukha ni Sean ang bumungad sakin. I froze. Paanong nalaman nitong nandito ako?
Agad na tumayo ito at hinawakan ako sa pulsuhan. "Where's your bag?" tanong nito. Hindi ako makaimik. Binalingan nito ang kaibigan ko na yukong yuko pa.
Bumalik si Felicity sa loob at iniabot dito ang bag ko. Kinuha nito iyon.
"Aling Yolly mauuna na po kame ng asawa ko." sabi nito kay Nanay Yolly na kalalabas lang mula sa kusina.
"Hindi ba muna kayo mag-aalmusal na mag-asawa?" tanong nito. Paanong nakilala ni Sean si Nanay Yolly at bakit alam ni Nanay Yolly na mag-asawa kame? Gusto ko sanang itanong ngunit pinili ko na lamang na manahimik.
"Hindi na po. Salamat po uli." sabi ni Sean dito at hinila na ako palabas.
Humigpit ang pagkakahawak nito sa pulsuhan ko. Tila nagtitimpi ng galit ko emosyon. Nang marating namin ang sasakyan ay agad na pinasakay ako nito. Nang makasakay kameng pareho ay pinaandar na nito ang sasakyan.
Hindi ito nagsasalita. Hindi rin ako nagsasalita. Seryoso itong nakatingin sa daan. Taas baba rin ang dibdib nito tanda nang pagpipigil nito ng emosyon.
Pagpasok namin sa condo ay wala pa rin kaming imikan. Pumasok ako sa kwarto namin at naligo. 11 am pa naman ang pasok ko. Pasado Alas Nuebe palang ng umaga.
Pagkaligo ay gumayak na rin ako. Nag-apply rin ako ng konting make up at inayos ang bag na dadalhin ko. Chinarge ko na rin muna phone ko.
"Damn it Celine!" Galit na sabi ni Sean ng mabungaran ako. Kapapasok lamang nito sa kwarto.
At halos mapaigtad ako sa lakas ng boses nito. "Hindi ka aalis okay!" mariing sabi nito. Hindi ako umimik. Heto nanaman at magtatalo nanaman kame. Pinili ko nalang huwag magsalita.
Itinuloy ko ang pag-aayos ko ng mga gamit ko. Umupo ito sa kana. Tiningnan ko ito, nakapatong ang mga siko nito sa tuhod, nakayuko at isinuklay ang mga kamay sa buhok. "I am sorry." mahinang sabi nito.
Nag-angat ito ng mukha at tumingin sa akin. Hindi pa rin ako kumikibo. Partly alam ko may pagkakamali rin ako, mag-asawa kame at hindi ako dapat bigla biglang nagdedesisyon na sa ibang bahay makikitulog. Pero masama ang loob ko, hindi ko makontrol ang sarili kong emosyon at ayoko itong makita.
Tumayo ako at lumapit sa salamin upang tingnan kung maayos na ba ang itsura ko. Sinuklay ko ang buhok ko at inayos ng pabun ang may kahabaang buhok ko.
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Sean mula sa likod. Tiningnan ko ang reflection namin sa salamin. Nahabag naman ako sa itsura nito nanlalalim ang mga mata nito, parang pagod na pagod din ito. Siguro nga I acted childish.
Humarap ako sakanya, nakayakap pa rin ito saakin. Marupok nga siguro ako pagdating sakanya. Nakatingin lang ako sakanya nang bumaba ang mukha nito at hinalikan ako. Smack lang iyon sabay niyakap akong muli.
"I missed you." usal nito.
Lahat ng inis at sama ng loob ko ay unti unting napapawi. God...how this man can melt my anger that fast?
"I am sorry wifey." masuyong sabi nito at kinintalan ako ng mumunting halik sa mukha. "I know I am at fault. Ikaw dapat yung pinakinggan ko muna." matapat nitong sabi. "Please...don't runaway like that. Dalawang beses mo nang ginawa iyon. Malala hindi ka talaga umuwi ng bahay." dagdag pa nito.
"I am sorry too." mahinang sabi ko.
Ilang minuto rin kameng magkayakap bago ito bumitaw at hinawakan ang kamay ko. "Magbreakfast na tayo." yaya nito.
Kahit papaano ay okay okay na kame ni Sean. Bumabalik na uli ang pagiging sweet nito. Ito rin ang nagluto ng almusal namin. Nang matapos kameng kumain ay ako na ang naglipit. Nasa sala na ito at may binabasang mga files. Hindi siguro ito papasok sa opisina.
Pumasok ako uli sa kwarto para kunin ang bag ko 50 minutes na lang at mag 11pm na. Kunot noong nakatingin saakin si Sean ng lumabas ako.
"Saan ka pupunta?" takang tanong nito.
"May pasok ako." sagot ko. Natapik nito ang noo ng marahil ay marealized na may pasok ako today.
Tumayo ito at pumasok sa kwarto saglit lang ito doon. Nakapants na ito at sapatos hawak din nito ang susi ng kotse.
"Ihahatid kita." sabi nito at ginagap ang kamay ko. Kinuha rin nito ang bag na dala ko.
Hindi naman kalayuan ang school ko sa condo ni Sean kaya saglit lang din ay nakarating na ako sa school. Bababa na sana ako ng hawak nito ang braso ko. Inabot ng kamay nito ang batok ko at siniil ako ng halik.
"Susunduin kita mamaya." sabi nito matapos akong halikan.
"4pm ang uwian namin." Nakangiting sabi ko. Bago bumaba ng sasakyan. Binaba pa nito ang bintana ng sasakayan at kumay ako bago ito tuluyang umalis.
Kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan si Felicity. Agad naman ding sumagot ito. Pareho na silang nasa room namin. Pagpasok ko palang ay bumungad na agad saakin si Diane at Ian naglalampungan pa ang mga ito.
Ngising aso naman ang ibinigay ni Diane saakin. Walang emosyong tiningnan ko ito bago tumabi sa silya na nilaan sakin ni Sophie at Felicity.
Hindi na kame nakapag-usap dahil dumating na ang Prof namin at naging abala na kame sa gawain at discussion tungkol sa nalalapit na graduation namin.
_
_
_
_
_
_
_
_
_
MATULING lumipas ang araw pareho kameng busy ni Sean. 4 days din itong nawala kasama si Greg para sa isang business trip. Okay lang naman saakin na mag-isa sa condo nito kahit nakailang pilit ito saakin na doon muna sa mansion namin.
Namimiss ko na ito ng sobra. Araw araw din kameng nagvivideocall. Akala ko pa nga ay magtatagal ito doon at hindi makakarating sa graduation ko. Ngayon ay abala pa rin ito sa opening ng Cristobal Hotel and Resort sa Singapore another branch ng business nila. Nauunawaan ko naman ang trabaho nito iniwasan ko na rin maging maramdamin dahil sabi ni ate Cristine saakin ay walang maidudulot iyon sa pagsasama namin. Noon kasing nakaraan linggo ay inusisa ako nito tungkol sa issue namin ni Sean since nakatunog ito na may tampuhan kame ng minsanagpunta si Sean sa mansion kakahanap saakin.
Ipinayo rin ni ate na huwag basta basta akong naglalayas lalo na at may asawa na ako. Hindi na ako dalaga na pag trip huwag umuwi sa bahay ay okay lang. Nakinig naman akong mabuti. Kaya lately at masayang masaya ang pagsasama namin mag-asawa. Two weeks na nga kameng kasal. At today ay graduation ko naman.
Umuwi sila Mommy at Daddy para sa graduation ko kaya naman masayang masaya rin ako, masaya rin akong malaman na okay na rin ang lolo at lola ko sa Australia.
"Pagkagraduate mo imanage mo agad ang restaurant natin ha?" sabi ni Kuya Clark. Natawa naman ako, noon pa nila sinasabi iyon saakin.
Palinga-linga ako nakapila na kameng lahat ngunit hindi ko pa rin natatanaw ang asawa ko sa pwesto na kinauupuan ng pamilya ko. Alam kong may meeting ito today pero nangako itong hahabol ito.
"Mababali leeg mo beshy." puna ni Felicity. Sumibangot ako.
"Ayan na pala si hubbydubby mo." nguso nito. Lumingon ako at malawak na ngumiti. Si Sean may dala pang isang boquet ng bulaklak.
"Am I late? Nagstart na ba?" hinihingal pang tanong nito. Umiling ako at yumakap dito.
"Akala ko hindi ka na darating." sabi ko. Hinaplos naman nito ang likod ko at hinalikan ako sa pisngi.
"Kahit lumipad pa ako papunta dito, pupunta ako. Graduation ito ng wifey ko and I am so proud of you." nakangiting sabi nito at ginawaran ako ng mabilis na halik sa mga labi.
"Jusko nagsusuguran na mga langgam dine oh." reklamo ni Felicity.
Tumawa naman kame ni Sean. Nagpaalam na rin ito na pupunta na sa pwesto nila Mommy dahil magsisimula na ang ceremony.
Matiwasay na nairaos ang graduation ko. Nasa isang restaurant kame at doon nagsalo-salo.
"For you." nakangiting abot ni Kuya Clark ng isang maliit na box. Agad na binuksan ko iyon. Susi ng kotse ang laman niyon.
"Thank you kuya." nakangiting sabi ko at hinalikan ito sa pisngi.
Ibinigay naman ni ate Cristine din ang regalo niya. Isang folder iyon. Agad ko rin binuksan iyon at trip to Hawaii ang laman niyon.
Tumingin ako kay ate Cristine ay umusal ng pasasalamat. Abot tenga naman ang ngiting isinukli nito.
Muli ko pang binusisi ang laman ng regalo niya at may card pa ito.
"Make a baby." mahinang usal ko ng basahin ang nakasulat sa card. Agad na pinamulahan ako ng mukha. Nilingon ko si Sean at malapad ang ngiti nitong binasa rin ang nakasulat.
Ginagap nito ang kamay ko at masuyo iyong hinalikan.
"Sana nga ay magkaapo na kame ng daddy mo." segunda pa ni Mommy, na lalong nagpapula ng pisngi ko. Tila ba gusto kong pagpawisan ng malapot.
"Soon Mom, we were already on the process of making it." sagot ni Sean na hindi ko alam kung nagbibiro. Tumawa naman si Mommy at maging si Daddy.
"Makakahawak na rin ako ng apo ko talaga." kinikilig pang wika ni Mommy. Napangiwi naman ako, ako yata ang nahihiya sa ganoon na usapan.
"Teka..teka, bago pa makalimutan ay dapat mabuksan rin ang regalo namin ng Mommy mo." natatawang sabi ni Daddy at inabot saakin ang isang malaking box.
Kinalas ko ang ribbon ng box at binuksan ito. Tumambad saakin ang ilang documents na naroroon. Kumunoot ang noo kong tumingin kila Daddy at nagtatanong kung ano ang mga ito.
"Well since nag-asawa ka na nararapat lamang na makuha mo na ang mana mo mula saamin ng Mommy mo pati na rin ang bigay ng mga lolo at lola mo." mahabang sabi ni Daddy. "For you to set up your own business too." dagdag pa nito.
I was shocked. Akala ko pagtuntong ko pa ng 25 saka ko pa lamang pwedeng makuha iyon. Tumayo ako at ginawaran ko ng yakap ang mga magulang ko.
"Thank you so much Mommy, Daddy." mangiyak ngiyak na sabi ko.
"We loves you so much our bunso." sabi ni Mommy. "And I also want to see you wearing a wedding dress like what you have dream when you were little.... But... mommy was still happy kasi we really know your husband and we know naman na your going to be fine with him" mangiyak-ngiyak na wika ng aking mommy.
Lumapit si ate Cristine at niyakap din kame ni Mommy. Naging emosyonal na kame, maybe dahil sa pag-aasawa ko ng maaga at hindi pa nakauwi sila Mommy noon.
"Just promise me na bibigyan ninyo agad kame ng apo." natatawang wika ng Mommy ko pa.
Tumawa lang ako bilang tugon. Naeexcite din naman ako sa isiping iyon pero bago pa lamang kameng mag asawa at ayokong madaliin ang lahat saamin.
Kumain kame ng masaya at puno ng tawanan sa pakikipagkwentuhan. It was indeed the happiest day of my life. Okay kame ni Sean at masaya, andito ang pamilya ko at nakasuporta. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae. Wala ng sasaya pa sa buhay ko ngayon.