Celine's POV
_
_
_
_
DUMATING na kamakalawa ang mga tauhan ni Kuya Sebastian. Lima iyon at hindi na rin nagulat pa si Nanay Belen, nauunawaan nito ang sitwasyon. 24/7 silang nakamonitor sa paligid.
Nasa sasakyan n ako ni Leon may isang bodygurd kame na nasa sasakyan sa tabi ni Leon dahil iyon ang bilin ni Kuya Sebastian everytime na aalis ako tangay ko dapat ang lahat ng bodyguard na pinadala nito. Up to until now ay at large pa rin si Maggie.
Hindi ko alam kung anong pakay nito saakin. Kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhn nitong matunton ako.
Huminto ang sasakyan namin sa harap ng ospital. Inalalayan ako ni Leon sa pagbaba dahil malaki na ang tyan ko talaga.
Matapos kong magpacheck up ay nagpaalam ako saglit kay Leon na magpupunta lang sa palikuran ang dalawang bodyguard ko naman ay nakasunod at nagbabantay sa labas.
Kanina pa ako naiihi kaya naman dali dali akong pumasok sa isang cubicle na walang laman. Nang matapos ay naghuhas muna ako ng kamay, napalingon pa ako sa babeng naka hoody jacket at itim na sunglasses. Naaasiwa ako dahil makailang beses ko itong napapansin na panay ang tingin saakin.
Paalis na ako ng magulat ako ng bigla akong hiklatin ng babae. "What the_"
"Shut your mouth kung ayaw mong butasan ko ang tagiliran mo." gigil na sbi nito, inalis nito ang suot na salamin at humantad saakin ang mukha nito.
"Maggie..." sabi ko, bigla a binalutan ako ng takot.
Hinila nito ang braso ko na isa at ang isang kamay nito ay nakaangkla sa leeg ko. "Lakad!" mariing uto nito, may nararamdaman kong matulis na bagay sa tagiliran ko.
Agad na umalerto ang dalawang bodyguard na naghihintay saakin sa labas ng makita na hawak ako ni Maggie. Ang mga tao naman na nakakita sa nagaganap ay nagtilian at nagtatabok.
I saw Leon's panicking eyes. Napaingit ako ng dumiin ang pagkakasakal ni Maggie saakin. Ang guard ng hospital ay naalerto din.
"Subukan nyong magpaputok, isasaksak ko sa tiyan ng babaeng ito ang kutsiylo." banta nito. Tumulo ang mga luha ko, hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa anak ko na nas sinapupunan ko. "Nawala ang tapang mo Del Prado? Iiyak ka rin pala." anito at tumawa ng nakakaloka.
"Wala kang puso!" sabi ko, napasigaw ako ng idiin nito ang kutsilyo sa gilid ko, alam ko nasugatan ko.
"Isa pang salita mo, babaon nato sayo!" sabi nito at pinakita pa ang kutsilyong may dugo. "Peste ka saakin alam mo ba iyon? Nawalan ng ama ang anak ko ng dahil sa iyong babae ka, tapos ngayon makikita ko buntis ka!! Kaya bago ka pa makita ni Sean, papatayin ko na kayong mag-ina!" halos lumuwa ang mga mata nito sa galit.
Dinala na ako nito sa labas, nakasunod ang mga bodyguard ko maging si Leon. Panay ang tawag nito sa telepono at kita sa mukha ang pag-aalala.
"Sakay!" utos ni Maggie saakin. Hindi ako kumilos. Sinabunutan ako nito at muling tinusok ng kutsilyo sa tagiliran at napaiyak ako sasakit.
Wala akong laban dahil sa kalagayan ko pero alam kong sa oras na sumakay ako ng sasakyan ay katapusan ko na rin. Akmang sasaksakin ako nito muli ng may pumutok at tumalsik ang kutsilyong hawak nito.
Nakabibingi iyon kasabay ng hiyawan ng mga tao. Agad na may mga lumapit sa amin na mga armadong lalaki at dinampot si Maggie. Nagpupumiglas ito at mura ng mura.
"Agent Alex Samonte." pakilala ng lumapit n lalaki. "Kaibigan at kasamahan ni Sebastian sa trabaho." pakilala nito.
"Salamat." sabi ko.
Agad na nilapitan ako ni Leon at inakay papasok ng ospital. Nakasunod saamin si Agent Alex. Agad na tinahi ang saksak saakin, mabuti nalamang at hindi malalim at walang kahit na anong tinamaan na vital organ or maging ang anak ko ay ligtas din.
Matapos ang pangyayaring iyon ay umuwi na kame ng bahay, nag iwan pa ng ilang tauhan si Agent Alex sa bahay ni Nanay Belen, si Maggie naman ay dinala na pabalik sa Manila.
Pagdating namin s bahay ay tinawagan agad ako ni Kuya Sebastian. Naireport na rin dito ni Agent Alex ang pangyayari. Ang sabi nito ay ipapasundo ako nito sa chopper ngayon din at ihahatid sa mansion ng mga Del Prado. Hindi na ako umalma dahil pakiramdam ko kailangan ko ng umuwi para sa kaligtasan namin ng anak ko. Sabi rin nitong iexpect ko ang pagdating ni Sean dahil itinawag na rin doon ang pangyayari.
Huminga ako nang malalim kinapa ko ang dibdib ko inaalam kung gaano pa ba ang galit na nararamdaman ko para kay Sean? Kanina noong dalawang beses akong sinaksak ni Maggie pakiramdam ko mamamatay akong hindi kame nagkakaayos ni Sean, na baka pati anak ko mawala ng hindi nito man lang nakikita. I was so afraid.
"Nanay Belen, sumama po kayo saakin sa Manila." sabi ko dito, tahimik ito. "Sige na po, hindi ko po kayo kayang iwan dito ng mag-isa." nagsisimula ng bumalong ang mga luha ko. Lumapit ako dito at hinawakan ang mga kamay nito. "Napamahal ka na saakin Nanay, kaya gusto ko po kasama kita doon. Mabibisita mo rin si Felicity."
Huminga ito ng malalim. "Welcome ba ako sa bahay mo?"
"Syempre naman po Nanay." yumakap ako dito, kung hindi ito sasama saakin ay talagang plano ko ng dramahan ito hangang sa mapapayag ko.
*****
Matapos namin maigayak ang lahat ng damit na dadalhin namin ay inaantay ko na lamang ang tawag ni kuya Sebastian. Sinabi ko ditong kasama ko si Nanay Belen sa pagbabalik ko sa Manila. Alam din nitong tiyahin ni Felicity ang matanda.
"Tita Celine..." yumakap bigla saakin si Lily, kapapasok lang nito ay umiiyak na. "Sama po kame ni Daddy sa inyo." umiiyak na sabi nito.
Tumingin ako kay Leon, isa sa malulungkot ako ay ang iwan din ang mga ito. Para ko ng kuya at pamangkin si Lily sa katauhan ng mga ito. Noong panahon nahihirapan akong magmove on ay nandoon ang mga ito sa tabi ko.
"Your dad's job is here baby...but you can always visit me in my house anytime you want." nakangiti kong sabi. "Pwedeng magbakasyon ang daddy mo from work, then magbakasyon kayo sa house namin."
Umaliwalas na ang mukha nito. "Really? And Mommy Cristine is there too?"
"Yes, because she lives there too." namilog ang mga mata nito.
"Daddy we will visit them right?" anito sa ama, agad naman na tumango si Leon dito.
"Yes baby we will visit tita Celine's before she gives birth." lalong tuwang tuwa si Lily dahil sa sinabi ng ama nito.
"Thank you." nakangiting sabi ko. Tumayo ako at niyakap ito. "Thank sa pagiging kuya ko dito sa Cagayan." tumawa naman ito.
"Pwede ko naman totohanin na gawin kang kapatid." nag-angat ako nang tingin dito. "Sister in-law perhaps?" anito sabay tawa,
Hindi ko alam kung seryoso ito o nagbibiro lang, pero kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Umupo ako sa upuan at lumapit saakin si Lily.
"I will miss you tita Celine." sabi nito sabay yakap saakin. Mahigpit ko din itong niyakap.
Makalipas ang ilang oras ay tumawag na si Agent Alex saakin. Pasado alas otso na rin ng gabi. Inalalayan pa ako ni Leon sa paglalakad sa gitna ng bukid doon nagland ang chopper, dalawang chopper ang dala pa nito para sa mga maletang dala namin. Ang mga tauhan na nito ang nagbuhat ang gamit namin kasama rin namin si Ate Lala.
Muli akong humalik kay Lily bago sumakay ng chopper. I will miss them sigurado iyon. Kumaway pa ako kay Lily na iyak nang iyak habang yakap ng ama.
******
LUMAPAG na ang chopper sa building ng Del Prado Empire sa Quezon City. Muli akong inalalayan ni Agent Alex. Ang sabi nito ay ang Kuy Sebastian ang maghahatid sa amin sa mansion.
May nakaabang na rin na mga bodyguard saamin na siyang nagbibit ng gamit namin. Sumakay na kame ng elevator at nagpunta sa parking area kung saan kadarating lang daw ni Kuya Sebastian.
Ngumiti ako ng matanaw ang pinsan ko. Agad ako nitong niyakap. Nagmano rin ito kay Nanay Belen.
"Halika na kayo." yaya ni Kuya Seb. Maingat ako nitong inalalayan sa pagpasok ganoon rin si Nanay Belen.
"Nasa mansion ba si Ate?" tanong ko habang nasa byahe na kame.
"Yup, naroroon rin ang Kuya Clark mo." imporma nito, nakahinga ako ng maluwag sa kaalamang iyon.
Gusto ko sanang itanong dito kung kailan uuwi si Sean dahil ang sabi nito ay babalik na ng Pilipinas si Sean. Pinili ko na lamang na huwag itanong iyon.
Pumasok na kame sa gate ng Del Prado Mansion. Agad na sumalubong si Ate Cristine saamin. Umiiyak ito. "I am glad nothing serious happened to you." sabi nito. Makirot pa ang sugat na tinamo ko kanina pero kaya naman dahil hindi naman malala. "Mabuti po at sumama kayo Nanay Belen." nakangiting sabi ni Ate kay Nanay Belen.
"Nakuu napakalaki naman pala ng bahay ninyo." puri nito,
"Welcome po kayo dito Nanay," nakangiting sagot dito ni Ate. Inalalayan ako ni ate sa pag-akyat sa hagdan papasok sa loob ng mansion. Si Nanay Belen ay si Ate Lala naman ang may alalay.
"Ang Kuya?" tanong ko, lumungkot ang mata nito.
"He's not okay..." tipid na sabi nito.
Pagkapasok sa loob ay agad na hinanap ng mga mata ko ang Kuya Clark, may hawak ito na bote ng alak at naglalakad papalapit saamin. Halatang walang sapat na tulog ito, nanlalalim at nangingitim rin ang mga mata nito, hindi na rin nito marahil nagawang mag-ahit.
Yumakap ako dito. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ang alam ko lang masakit, masakit ang nangyari kay Felicity. She doesn't deserve it.
"How is she?" bumuntong hininga lang ito. Tumingin ito kay Nanay Belen, agad naman na lumapit ang Nanay Belen dito at niyakap ito.
He was crying. My Kuya is crying. Para bang nakahanap ito ng nanay na iiyakan. Tumulo ang luha ko, seeing him mesirable as like this is killing me too. Matapang ito, malakas at hindi mo kakikitaan ng kahinaan. But hearing his sob, damangdama ko ang bawat pighating hatid noon. Para itong naputulan ng pakpak. Even Ate Cristine is crying, maging si Nana Lupe at Ate Selya na kasambahay namin ay naroroon at umiiyak rin.
Parang batang sumalampak ito. Inalo na ito ni Nanay Belen ngunit patuloy lang ito sa pagtangis. Hinayaan namin siya na ganoon lamang, kameng pamilya niya ang uunawa at magpapakita ng suporta sakanya.
He needs us in this battle....