Chapter 19

1515 Words
Celine's POV . . . . TINUTULUNGAN kong maghanda ng almusal si Nanay Belen, nasa bahay pa nila Leon sina Ate Cristine at Kuya Clark. Nandoon rin ako kagabi at nakikipaglaro kay Lily habang nag-iinuman ang dalawang lalaki. Nagprito rin ako nang gawa kong longganisa at nuggets para kay Lily. Sinamahan ko na rin iyon ng tocino na gawa ko rin. Ang Nanay Belen ang nag sinangay at prito ng tinapang bangus. Nang maluto ay saktong dating naman na nila Kuya Clark. Hawak kamay pa sina Lily at Ate habang sa kabilang kamay nito ay si Leon naman. Tiningnan ko ng nanunuksong tingin ang ate ko, she just rolled her eyes. "Magsiupo na kayo mga anak." yaya ni Nanay Belen. Si Nanay Minda naman ay inilapag ang ginawang kape sa mesa. Nagkanya kanyang sandok na kame ng makakain. Mamaya ay uuwi na rin sina kuya. "Hindi ko alam na sa iyo ang longganisa na sineserve sa The Cravings." sabi ni ate Cristine matapos kumagat ng longganisa. "Iyan ang negosyo ng kapatid ninyo dito, sadyang patok sa masa at masarap." sabi ni Nanay Minda, ngumiti ako. "Magpapadala ako ng mga kasambahay." sabi ni kuya Clark. "Hindi na kailangan kuya, kayo naman." nakangiti kong sagot, isa pa ay nahihiya rin ako kay Nanay Belen. Tumingin ito kay Nanay Belen. "Okay lang po ba Nanay Belen para may makatulong din ho kayo dito tsaka mag aasikaso kay Celine kapag manganak na?" ngumiti rito si Nanay Belen. "Aba'y ayos lang naman saakin, mas marami mas maganda. Ako'y nag-iisa lang naman talaga dito kaya masaya akong maraming kasama." maluwang ang ngiting sabi nito kay kuya. Masagana kameng kumain ng almusal nang matapos ay nagpaalam na rin sina Kuya Clark ate Ate Cristine dahil gagabihin raw ito pagbalik ng Manila. Nag-iwan pa ng malaking halaga si Kuya Clark kay Nanay Belen ayaw pang tanggapin ni Nanay iyon noon dahil kagustuhan nitong tumulong. Ngunit dahil mapilit si Kuya ay wala itong nagawa. Ang Nanay Belen na rin ang bahalang kumuha ng makakasama namin. "Babalik kame dito para bisitahin ka." sabi ni ate Crisitine. "Salamat, mag-iingat kayo ni kuya sa pag-uwi." niyakap ako nito ng mahigpit. "Kapag may problema tumawag ka kaagad okay?" bilin pa nito. "See next time princess." nakangiting sabi naman nito kay Lily. Yumuko ito upang halikan si Lily sa pisngi. "Be a very good girl princess." tumango naman si Lily dito. "I will mommy." lily called her mommy at hinayaan lang ni ate Cristine. I bid them goodbye. I hugged kuya Clark's too. Nang makaalis na sina Kuya Clark at Ate Celine ay maghanda naman ako sa pagpasok, tama nga si kuya I need a personal driver that can drive me back and port nakakahiya na rin kasi na inaabala ko si Leon sa paghatid at sundo saakin. Matapos gumayak ay nagpaalam na rin ako kay Nanay Belen at Lily. Kailangan na maaga rin ako sa shop dahil my order sa amin sa karating resort dahil may gaganapin na event doon at ang shop ko ang kinuhang supplier ng desserts. Pinoy team iyon kaya naman inenhance na Pinoy delicacies ang gagawin ko. Sa mga ganoong event alam kong mas makakaipon ako at mapauunlad ko ang negosyo. Para na rin sa lumalaking tiyan ko. Bukas makalawa malalaman ko na rin ang gender ng anak ko at excited na rin ako sa bagay na iyon. Hinaplos ko ang maumbok ko ng tiyan. Kung alam lang siguro ng daddy mo na magkakaanak na siya matuwa kaya siya? Gaya ng kasiyahan na naramdaman niya noong malamang buntis si Maggie? Akuin ka rin kaya niya? . . . . . . . . . . -------Several Months Later------------- IN FEW WEEKS time ay manganganak na ako maayos na rin ang lahat ng gamit ni Baby Noah. Lalaki ang magiging anak namin ni Sean. Bumangon ako mula sa kama upang abutin ang telepono ko kanina pa ito tunog nang tunog. Si Sebastian iyon. "Yes, hello!" sagot ko. "Magpapadala ako ng mga tauhan dyan para bantayan ka pansamantala. Hangang maiuwi ka ng mansion." kinabahan ako at lumakas ang t***k ng puso ko. "W-why?" nautal ako, "Alam na ba ni Sean kung nasaan ako?" nag-aalalang tanong ko. "He needs to know your situation too. But for now I'll send some of my men there just to be sure." "May nangyari ba?" nasalo ko ang sinapupunan ko, kabuwanan ko na rin at parang biglang sumipa ng kirot sa tyan ko. Bumuntong hininga ito. "Felicity's in coma. She's pregnant but glad the baby is fine." napasinghap ako at umupo ako sa kama upang hindi matumba sa pagkabigla. Why? Anong nangyari? "Anong nangyari Kuya Seb?" nanginginig ako, "Maggie hurt her, Felicity was with Clark when they abducted her to get infos about you. Hindi ibinigay ni Felicity kaya halos patayin siya ni Maggie." paliwanag nito, tumulo na ang luha ko. Felicity is pregnant and still sacrifice herself to protect me from Maggie. Oh God. Umiyak ako. "Hindi ko alam na nag-asawa na si Felicity at buntis siya huling usap namin ay yung bago pa malaman ni Kuya Clark kung nasaan ako." kaya ba ito hindi nakikipag-usap dahil nag-asawa na ito? Kaya rin ba umalis ito sa The Cravings? "Si Clark ang ama ng dinadala ni Felicity." mas lalo akong nanlumo, wala akong alam..hindi ko alam na magkasama sila ni Kuya Clark itinago rin ni Kuya Clark ang bagay na iyon. Tuwing nakakausap ko si Kuya wala itong nababanggit, but I saw him how happy he is. Iyong alam mong maligaya, napakasaya. Kinutuban na ako noon na inspired ito pero hindi pumasok sa isip ko na it was all because of my best friend. "Nasan sila pupuntahan ko sila.." sabi ko "No, kame ng bahala dito. Ililipat namin si Felicity sa Manila sa susunod na araw. I need you to be safe first." sabi nito, marami pa itong ibinilin bago nag-paalam. Natulala lang ako hindi maprocess ng isip ko ang lahat ng rebelasyon na iyon. Sana ay ligtas si Felicity, masaya ako na ligtas ang dinadala nito. Matapang si Kuya Clark alam kong gagawin niya ang lahat mailigtas lamang ito. Umusal ako ng panalangin para sa kaligtasan ni Felicity. Mahal ko ito, napakabuti nito dahil handa itong masaktan para sa kaligtasan ko. Bumalong muli ang luha sa mga mata ko, nasasaktan ako para sa sinapit niya. Simula ng matapos ko ang walong buwan ay hindi na ako pumupunta sa shop tumatawag na lamang upang makiupdate doon. Naghire na rin ako ng baker para sa mga paorder namin online at walk in. Lumabas ako ng silid ng makalma na. Sa makawala ay check up ko uli dahil kabuwanan ko na ay weekly na ang monitoring ng OB sa akin. "Gusto mo na bang kumain?" tanong saakin ni Nanay Belen, umiling ako pakiramdam ko sa ganitong sitwasyon ay wala akong gana okupado ng pangyayari ang isip ko. Part of me ay sinisisi ang sarili sa sinapit ni Felicity. "Mauna na po kayo ni ate Lala." sabi ko. "Masama ba ang pakiramdam mo?" usisa nito, paano ko nga ba sasabihin na comatose ang pamangkin nito na si Felicity na siyang karelasyon din ng kuya ko. Tumango ako. Alam kong mabuti ito at ayokong ilihin ang bagay na iyon dito lalo na sa ganitong sitwasyon na kailangan ni Felicity ng taimtim na panalangin mula sa mga taong nagmamahal dito. Sinabi ko dito ang pangyayari maging ito ay nagulat at napaiyak. Hindi ito makapaniwala na sasapitin ng pamangkin ang ganoon. Kung sisisihin nga niya ako at magagalit siya saakin ay tatanggapin ko. Pakiramdam ko kasi ako ang puno't dulo ng lahat ng gulo. Ako ang dahilan kung bakit sinapit ni Felicity ang ganoong bagay. Umiyak ko, I was hurt. Kung hindi siguro ako naging duwag at hinarap nalang si Sean noon pa sana walang Maggie na maghahanap pa saakin at hindi nito pipilitan at sasaktan si Felicity. If I could just turn back the time baka piliin ko ng harapin si Sean. Hinimas ni Nanay Belen ang likod ko. "Tahan na wala kang kasalanan, hindi mo hinangad na mangyari iyon anak. Tahan na makakasama sa dinadala mo iyan. Alalahanin mo 36 weeks ka palang." panay ang hagod ni Nanay Belen sa likod ko dahil hindi pa rin ako makalma. Inutusan na nito si Ate Lala na puntahan si Leon. Ilang sandali pa ay naroroon na rin si Leon. "Relax lang." kinabit nito ang pang bp saakin, pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga. "Irelax mo Celine hindi makakabuti sayo yan." ani Leon matapos akong iBP. "Umino ka muna ng tubig." inabutan ako ng tubig ni Ate Lala. Nanginginig pa rin ako ng abutin ko ang tubig. "Humiga ka muna sa silid mo at pababantayan kita kay Lala." sabi ni Nanay Belen. Tinulungan naman ako ni Leon na pumanhik ng hagdan. Kasunod ko si ate Lala. Nakailang bilin pa ito na magrelax ako at huwag mag-isip ng kung ano ano dahil nga maaga pa para manganak ako. Nang makahiga ay inirelax ko na ang sarili, pakiramdam ko ay bigla akong nanghina at nawalan ng lakas. "Patawad Felicity....patawad." bulong ko sa sarili bago ko ipinikit ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD