Chapter 18

1821 Words
Celine's POV . . . . MATULING LUMIPAS ang buwan ngayon ay kitang kita na ang baby bump ko dahil apat na buwan na ang tiyan ko. Noong nakaraang buwan ay umupa ako ng isang pwesto sa bayan ng Santa Ana kung saan malapit ang mga beach resort. Nakahilig ko rin kasing gumawa ng mga homemade longganisa, tocino at even chicken nuggets. Noong una tinatawanan ko lang ang biro nila na napakasarap daw ng gawa ko at pwedeng pang negosyo. Kaya naman gumawa ako ng marami niyon. Tinutulungan ako nila Nanay Belen at Nanay Minda sa pagbabalot ng mga iyon. Quality raw talaga ang gawa ko bukod sa walang preservative o halong kemikal. Pumatok iyon at ngayon ay nag aangat na maging ang mga sikat na hotels sa Santa Ana upang ihain sa breakfast nila. I even made cupcakes and cake na nakadisplay sa shop ko. May tauhan din ako na dalawa doon isang tindera at kahera. Simple lang ang shop ko dahil wala naman dine in iyon. "Napakasarap talaga ng mga gawa mo iha." puri ni Mrs Benitez isa sa sinusupplyan ko ng mga frozen goods ko. May-ari ito ng Casa Luntian Resort. "Maraming salamat po sa good feedbacks." nakangiti kong sabi. "Walang tatalo sa gawa mo iha, I am very sure na sisikat ito." sabi pa nito bago isinakay ang lahat ng order nito. Nagpadala na rin ako ng ilang product ko sa Quezon City para sa cafè namin ni Felicity. Every two weeks ako kung magpadala doon depende sa demand. Sabi ni Felicity ay nagiging best seller na din daw ito ng Cafè kaya natutuwa naman ako kahit paano may pinagkakaabalahan ako at may kinikita dahil hindi naman ako makakapagwithdraw na ng pera mula sa bank account ko tiyak na matutunton na nila ako. Napalingon ako sa humintong sasakyan ni Leon sa harap ng shop, katatapos lang marahil ng duty nito sa ospital. Araw araw ay sinusundo ako nito sa shop ko upang isabay sa pag-uwi. Nakangiti itong pinagmasdan pa ang dami ng mga bumibili sa shop. "You are doing great." puri pa nito. "Dahil iyon lahat sa inyo." nakangiting sagot ko, dinampot ko na ang bag ko tsaka ang tatlong pirasong cupcake na iuuwi ko para kay Lily. "Mauna na ako Kath, Amy." sabi ko sa dalawa kong tauhan. "Sige po Ms.Celine." panabay pang sagot ng mga ito, hangang alas siete ng gabi ang bukas ng shop at ang mga ito na ang magsasara. "Let's go!" yaya ko. Sumakay na kameng pareho sa kotse nito at nagbyahe na. Huminto lamang ito sa paboritong litson manok ni Lily, bumili ito ng dalawang manok. "Hapunan natin." anito nang makapasok na muli sa loob. Mag aalasingko pa lamang ng hapon at hindi naman traffic. Kinabahan ako nang matanaw na may itim na sasakyang nakaparada sa mismong gate ng bahay ni Nanay Belen. "Oh God......" usal ko pa, "Was it your husband?" tanong ni Leon na nakatingin na rin sa sasakyan. Huminto ito sa tapat ng bahay nito. Nang maaninaw ko ng maigi ang sasakyan ay kay Kuya Clark iyon. Nandito sila? "Ako na muna ang bababa." sabi ni Leon at bumaba na ito tsaka pumasok sa bahay ni Nanay Belen. Nanlalamig ako, kasama kaya nila si Sean? Paano nila nalaman kung saan ako naroroon? Si Kuya Sebastian kaya? May detective firm ito? Mayamaya ay natanaw ko nang papalapit si Leon sa sasakyan. Binuksan nito ang pintuan sa gawi ko. "Its not your husband. Ang Kuya at Ate mo lang." abiso nito at inalalayan na akong bumaba. Nanlalamig pa rin ako, pakiramdam ko any moment ay susulpot na rin doon si Sean. Kailangan ko ba muling umalis? Paano na? Kaya ko na bang harapin si Sean? Muli ay nakaramdam ako ng pinong kurot sa dibdib ko. Hindi, hindi ko pa kaya. Paano kung bigla niyang kunin saakin ang anak ko? Makakaya ko ba? Pagpasok namin sa bahay ay gulat ang rumehistro sa mukha ni Ate Cristine at Kuya Clark. "Oh God Celine..." umiiyak na sinugod ako ng yakap ni Ate Cristine. "We were so worried about you!" anito sa pagitan ng pag-iyak, tumulo na rin ang mga luha ko, umiyak ako dito, iniyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko na binubuno ko sa mga nakalipas na buwan. Humiwalay ito saakin at pinagmasdan ang tiyam ko. "You're pregnant.." usal nito at ngumiti saakin tsaka muli akong niyakap. "I am.....apat na buwan mahigit." "Does he know?" ani Kuya Clark seryoso ang mukha. Umiling ako, marahas itong bumuntong hininga. "My goodness Celine, hindi ka dapat naglayas. Mommy were worried sick about you." ramdam ko ang sama ng loob ni Kuya Clark. Maybe what I did wad wrong, but I know it's my only to escape the pain. Kinagat ko ang ibabang labi. "Sean....lied. He lied countless times." umiiyak na sabi ko, ayoko ng maalala ang panahon na iyon. Masyadong masakit, parang echong paulit ulit sa isip ko ang katagang sinabi ni Maggie. Sean never love me napilitan lang ito. Si Maggie ang mahal nito at ako ang sumira sakanila ni Maggie. Ako ang umagaw. "Kung anak man ni Sean ang dinadala ni Maggie, hindi siya nagloko sa kasal niyo. Nagbunga iyon noong wala pa kayo, hindi pa kayo kasal." paliwanag ng kuya niya, alam ko, alam ko iyon. What hurt me the most was Sean had all his chance to tell me na may nagbunga, pero hindi niya ginawa, nilihin niya kasi ang plano niya iwan rin talaga ako. Sunod sunod ang pagtulo ng mga luha ko hangang sa nauwi iyon sa hikbi. "Ang sakit sakit kuya.....wala kang alam..wala." tanging nasabi ko nalang. "Enough Kuya Clark." awat dito ni Ate Cristine. "Shhhhhh ate will here for you always." alo saakin ni ate Cristine. Umupo si kuya Clark sa upuan, he looked mad, really mad. Balisa. Seryoso at malalim ang iniisip. Napasuklay ito sa buhok nito. Inabutan ako ni Nanay Belen ng tubig upang marelax nanginginig kasi ako at halos hindi na makahinga kakaiyak. "Kumalma ka na makakasama iyan sa dinadala mo, masstress pati ang baby." sabi nito. Pinaupo ako ni Ate sa upuan. Lumapit si Kuya Clark saakin at hinawakan ang kamay ko. "Mahal ka ni Kuya palagi mong tatandaan iyan." sabi nito, it wasn't his fault kung bakit nasa ganito akong sitwasyon. Ayokong sisihin niya ang sarili dahil ito ang nagdesisyon na magpakasal kame ni Sean. What happened between me and Sean are normal. We failed as a couple. We failed the marriage. Iyon lang iyon. Tumayo ako upang yakapin din ito. "Please don't tell him where am I. Please....hindi pa sa ngayon, let me heal first kapag kaya ko na haharapin ko siya. Masyado pang masakit sa ngayon." pakiusap ko dito, tumango tango naman ito. "I promised." Ngumiti ako. "Thank you." sabi ko. Kumalas ako ng pagkakayakap dito. "Teka kanino niyo nga pala nalaman ang kinaroroonan ko?" usisa ko, nag-aalala rin kasi ako na baka malaman ni Sean kung si Kuya Sebastian ang unang nakatunton saakin. Bumuntong hininga ito. I saw guilt in kuya Clark's face. "Felicity told me." tipid na sabi nito. Nagulat ko, hindi ko akalain na sasabihin ni Felicity kay Kuya Clark kung nasaan ako. "Did you scare her or torture her?" alam kong may kakayahan si kuya Clark na mamilit ng tao basta ginusto nito. "NO! I will never do that to her." tigas na iling nito. "Then how? I know Felicity hinding hindi niya ako ilalaglag lalo kung walang dahilan." naging mailap ang mga mata ni Kuya Clark. "Did you hurt her?" "I don't know...maybe." naguluhan ako sa sagot ni Kuya Clark. Hindi nito raw sinaktan si Felicity pero maaring nasaktan? Ano ba ang nangyari? I noted to myself na tatawagan ko si Felicity at aalamin dito ang nangyari. "Dito na kayo matulog na magkapatid." ani Nanay Belen, marahang tumango si Kuya Clark maging si ate Cristine. "We have guest room sa bahay pwedeng doon na po sila Nanay Belen." suhuwestiyon naman ni Leon dito. "Thank." nakangiting sabi dito ni ate Cristine. "Mabuti naman pala kung ganoon, nang makasama pa ng mga ito si Celine..Maiwan ko na muna kayo riyan at magluluto ako ng hapunan natin." paalam ni Nanay Belen. Nag-usap pa kame ng mga kapatid ko tinawagan rin ni Kuya Clark sina Mommy at Daddy via skype iyak nang iyak ang Mommy ng malamang buntis ako. I can't help myself but cry too. Pakiramdam ko I failed them too, I failed my child and myself. I promised my mom and dad na after this I will be a best person, best mom para sa anak ko. Nakangiting lumapit saakin si Lily. "Tita Celine is she your ate?" nilingon ko si ate Cristine. "Yes, baby." Nanlalaki ang mga mata nito at lumapit naman sa upuan ni Ate Cristine. Sina Leon at Kuya Clark naman ay masinsinang magkausap. "Hello." nakangiting sabi ni Ate Cristine dito. "You are very beautiful...." Napa oh naman ang ate ko. "Thank you, you are very beautiful too." "Can you be my mommy? Tita Celine says you can be my mommy because you are not married like her" muntik na akong mapatawa sa sinabi ni Lily dito, ang ate Cristine naman ay ngumiti dito. Kinunutan ako ng kilay nito bago muling bumaling kay Lily. "Sure baby." sakay nito sa bata. Agad na naglulundag naman sa tuwa si Lily. Binuhat ito ni ate Cristine at kinalong sa mga hita nito. "That's my daddy, is he handsome?" Tiningnan naman nito ang tinuro ni Lily na si Leon. Tiningnan ito saglit ng Ate ko, "He is handsome, that's why you are very pretty." lalong kinilig sa tuwa si Lily ganoon palagi ang ate niya mahilig sa mga bata at alam sakyan ang kapilyuhan ng mga ito. Bumaba si Lily kay ate Cristine at lumapit sa ama, hinila pa nito ang ama papunta sa pwesto namin. "Daddy I got a mommy now? You can marry her now!" tuwang tuwang sabi pa nito habang hila hila ang ama. Pareho pa kameng napanganga ng ate ko. "Daddy, that's Mommy Cristine. She is beautiful right?" tanong pa nito sa ama, tumingin naman si Leon kay Cristine at ngumiti mahinang nagsabi ito ng sorry. Nagthumbs up lang si ate dito na parang No Worries. "She is beautiful right?" kulit ni Lily dito. "Yes, she's very beautiful." sagot nito sa anak. "Hindi ko alam na may iniwan pala akong mag-ama dito sa Cagayan." biro ni ate Cristine. Tawang tawa naman ako. "Nakailang benta na nga itong si Lily sa daddy niya. Mahilig raw kasi sa magaganda si doc." sakay ko pa, "I am not!" tanggi ni Leon, sabay sabay pa kameng natawa ni Ate Cristine. "Sayang akala ko pa naman mahilig talaga sa maganda si doc!" tila nanghihinayang pang wika ni ate Cristine sabay ngisi. Binuhat nito si Lily. "It depends, actually." sabi nito na nakatingin kay ate Cristine bago nagpaalam na ihahatid na raw muna ang anak sa tita nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD