Chapter 17

1403 Words
Sebastian's POV _ _ _ _ _ ISANG BUWAN na ang nakalilipas mula ng umalis si Celine sa buhay si Sean. Nahihirapan ako sa lead kung saan ito nagtungo maging ang Kuya Clark nito ay walang makuhang solid lead. Ginamit na rin nito ang lahat ng ways para mahanap ang kapatid. Nagalit ito kay Sean at sinisi nito ang huli dahil sa pagkawala ng kapatid nito. Ang huling lead ay ang pananatili nito sa Makati after that wala na. Nagkataon pang sira ang CCTV sa ibang lugar na posibleng dinaanan nito. Wala rin kameng mapiga sa best friend nitong si Felicity. I even suggested Clark to use his charm para kumanta si Felicity. He refused doing the dirty job. "Damn it Sean!" mura ko nasa condonimium nito ito. Simula ng maghiwalay ito at si Celine ay bumalik ito sa condo nito at doon nag-ermitanyo. Yes ermitanyo, dinaig ang ermitanyo sa tauhan sa Ibong Adarna. Mahaba na rin ang bigote nito at buhok. Amoy alak ang buong bahay nito na tila dinaanan ng ipo-ipo. "Did you find her?" sabi nito he was half naked. Itsurang wala pang ligo. "Are you trying to kill yourself?" sitang tanong ko dito sa dami ng nagkalat na alak sa sahig at iba pang parte ng bahay nito parang sunog atay ang balak nito. "Did you find her?" galit na tanong nito sa halip na sagutin ako. "Hindi ko pa rin alam kung nasaan ang asawa mo." matapat na sabi ko. "You're lying....tinatago niyo nalang siya." akusa nito. "Clark is hidding her is he?" marahas na tumayo ito at kinuha ang isang bote ng alak na nangangalahati pa ang laman. Mabilis na inagaw ko iyon. Nagmura ito. "You need help, sinisira mo ang buhay mo!" sabi ko, matalim ang mga matang tinitigan ako nito. "I'll die if I could not have her back!" Sabi nito at tinalikuran na ako bitbit ang isang brandy at pumasok sa silid nito.g Bumuntong hininga ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang daddy ni Sean pati si Simon. Sean needs help he will kill himself if he won't stop. "Damn woman!" mahinang usal ko. Hinding hindi ako darating sa punto na mababaliw ng ganyan sa babae. Noong isang linggo nakipagbasag ulo ito sa isang bar na pinuntahan nito upang maglasing. He almost killed the guy, kaaayos ko lang ng gulong nilikha nito ngayon at heto ito nag eermitanyo. Matapos kong makausap si Simon ay tumawag naman ako sa bahay nito at ni Celine pinapupunta ko ang isang kasambahay nito upang maglinis ng kalat ng amo nito dito. . . . . . ........................... Celine's POV _ _ _ MAAGA AKONG gumising dahil ihahatid ako ni Leon sa ospital na pinagtatrabahuhan nito. May inireccommend na rin itong OB kung saan siya ang pediatrician na kinukuha para sa sangol na ipinanganganak ng OB na kakilala nito. "Ngayon ba ang check up mo? tanong ni Nanay Belen, kasalukuyan itong nagtitimpla ng kape, nakaluto na rin ito ng itlog at hotdog. "Opo Nanay Belen isang buwan na rin po kasi ako rito kaya schedule ko na rin po." nakangiti kong sabi. Mamayang ala una pa ang duty ni Leon kaya naman maihahatid ako nito pati pauwi. "Siya ika'y mag almusal na ng lumusog pati ang anak mo." anito inabutan rin ako ng tinimpla nito na gatas para saakin. "Salamat po." kumuha na ako ng itlog at hotdog na siyang pinalaman mo sa pandesal. Matapos mag-almusal ay naligo na ako dahil alas otso daw ang duty ng OB. Skinny jeans at plain gray T-shirt ang isinuot ko para mas kumportable ako sa pagkilos lalo na kung may ipapagawa ang OB saakin. Sinuklay ko ang basa kong buhok dahil walang blower ay hinayaan ko na lamang iyon na basa pa, matutuyo rin naman iyon mamaya. Lumabas na ako ng silid ng maulinigan ko ang boses ni Leon sa baba. "Let's go." nakangiting yaya nito. Ginantihan ko ito ng ngiti at sabay na kameng lumabas ng bahay. Nang makasakay kameng pareho ng sasakyan nito ay kumaway pa si Lily saamin. Halos kwarenta minutos din ang layo ng ospital na pinagtatrabahuhan nito, malapit lang din naman sa town proper ng Sta.Ana iyon dangan nga lamang ay medyo traffic din. Pagpasok namin sa ospital ay magalang na binabati ito roon, pati tuloy ako ay nililingon ng mga tao. Dumiretso na kame sa OB clinic at nagpatala sa assistant nurse. Ilang minuto po ay tinawag na ng nurse ang pangalan ko at pinapapasok na ako sa loob. Sumama na rin sa akin si Leon. Maganda at maayos ang OB clinic ni Dra.Santos. Ngumiti ito saakin. Tinanong ako kung kailan ang huling period ko at saka ito nagbilang. "You are 11 weeks and 4days pregnant." anunsiyo nito agad na napangiti ako. Hindi pa man ganoon ka showy ang tiyan ko dahil dalawang buwan palang mahigit ito. "Lie down here." utos nito saakin, inalalayan pa ako ni Leon na makasampa sa bed. "Napakabait naman ni Doc Leon." biro ni Dra.Santos dito, ngiti lang ang isinagot ni Leon dito. "Paki-angat ito at pababa nitong jeans mo." utos nito saakin. Mabuti na lamang at isinara na pala ni dra ang kurtina na siyang nagsisilbing harang ng bed. Inangat ko ang suot kong T-shirt at binaba ng bahagya ang skinny jeans ko. Tsaka nito idinikit sa tyan ko ang hawak nitong fetal doppler. Tumunog iyon, malakas na tunog ng puso ng anak ko. Masarap sa tengang pakinggan iyon dahil alam kong buhay ang sanggol sa sinapupunan ko. "Very good at stable ang heart beat ni baby." nakangiti pang sabi nito. Matapos ang ginawa nito ay inayos ko agad ang damit ko. Binuksan na nito ang kurtina at lumapit muli si Leon saakin at inalalayan akong tumayo mula sa kama at makababa. "Salamat." nakangiting sabi ko. "Eto yung mga vitamins na iinumin mo para kay baby mo. Mahalaga itong folic acid para sa good development ni baby. More water, fruits and vegetables din para healthy ang mommy healthy rin ang baby." bilin pa nito. Sinabi rin nito kung kelan muli ang balik ko, matapos noon ay nagpasalamat na kame at nagbayad sa assistant nito. Bago umuwi ay binili muna namin ni Leon ang vitamins na kakailanganin ko, bumili rin ito ng fruits at pasalubong kay Lily. Nang makabalik ay nakailang tanong pa si Lily saakin kung baby girl daw ba o boy ang anak ko. Kahit ako ay naeexcite din malaman ang gender ng anak ko, kaya lamang ay masyado pang maaga at matatagalan pa bago namin malaman iyon. Dito na nananghalian sina Leon nagluto si Nanay Belen ng sinigang na Maya-maya at pritong tilapia. Naghiwa rin ito ng pakwan at melon. "Salamat po sa masarap na pananghalian palagi Nanay Belen." nakangiting wika nito. "Kuuh ikaw talagang bata ka, madalas nga ay ikaw pa ang nagdadala dito ng mailuluto." sagot dito ni Nanay Belen, tumawa naman si Leon. "Siya ikay pumasok na at baka pila nanaman ang pasyente mo." Hinalikan nito si Lily at nagpaalam na saamin. Muli akong nagpasalamat dito sa pagtulong nito saakin. Isang thumbs up lang ang isinagot nito bago sumakay ng kotse nito. "Tita Celine if your baby is a girl can we name her Rose?" wika ni Lily ng umupo na kameng dalawa sa sofa. "Rose is also a flower like my name too." bumungisngis ito. "Rose is fine with me." nakangiti kong sagot. Tuwang tuwa naman ito na tumalon pa. "But what if it's a boy?" tumigil ito sa pagtalon. "Then we will name him Noah." nakangiting sagot ko, kumunot ang noo nito. "Why Noah? Noah is not a flower." lumabi ito, pinisil ko ang ilong nito ang cute nito kapag lumalabi ng ganoon. With her cute chubby cheeks she's very beautiful, her brown hair made her more beautiful. "Noah, like Noah's Ark!" paliwanag ko, namilog ang mga mata nito. "Oh yeah, I know Noah's Ark. Wow that's a cool name." manghang mangha pa ito at nagkwento na tungkol kay Noah na siyang palagi raw na paboritong basahin ng daddy nito sakanya. I like Noah, my baby is like the real Noah's Ark for me. Saving me from drowning myself in pain. Giving me hopes and happines and joy. Helping me to recover from the pain. Bawat t***k ng puso niya na siyang nagbibigay lakas saakin na kayanin lahat at magpatuloy sa buhay. I maybe weak now but soon I will be more stronger. My baby. My love of my life now, my savior.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD