Lumipas ang isang buong linggo na ganoon ang routine ko, kakain ako sa unit ni Denzey tuwing breakfast tapos ihahatid niya ako sa university.
Medyo naging distant din siya sakin at masakit yun, takte. Bakit niya kailangan maging distant? Ano yun, sinasanay na niya ako? Na kapag bumalik na si Bianca wala na siyang proproblemahin sakin? Psh.
Linggo na ngayon at nandito ako sa loob ng kwarto ko. Alas sais na ng hapon at nandito lang ako sa loob ng kuwarto ko. Lumalabas lamang ako pagkailangan kong mag-cr at kakain.
Hindi na inungkat nila Tracy at Belle yung nakita nila ako na umiiyak that time. Hahayaan na raw nila na ako na mismo ang magkukusang magsabi sa kanila.
Nag-seselpon lamang ako rito at nakahiga sa kama ko. Si Tracy naman ay gumagawa ng plates niya.
Nung lunes ay nakasabay ko nang kumain si Eathan noon. Nakakausap ko na rin siya. Sabi niya ay hanggang ngayon ay meron pa rin siyang nararamdaman pero natanggap na naman niya kaya okay na daw yun, as long daw kung san ako masaya.
Halos maiyak ako nung time na sinabi niya yon, grabe. Pumasok rin minsan sa isipan ko na kung si Eathan kaya ang nagustuhan ko masaya ba ako ngayon? Siguro oo, si Eathan ba naman yon.
Maya maya ay may kumatok sa labas ng pintuan ko bago ito bumukas at pumasok si Tracy.
Umupo ako sa kama ko at inilapat ang likod ko sa may headboard. Napansin ko naman na hawak niya yung ginagawa niyang plates at tapos na ito.
"Yes?.." saad ko.
"Club daw tayo sabi ni Belle. Alas otso, sa seven eleven ang hintayan..." tumango naman ako sa kanya at bago siya lumabas ng kwarto ko tinanong ko muna kung sinong mga kasama.
"Si Eathan, Ice at Thrie daw..." ngumuso naman ako.
"May pasok bukas..." pagpapaalala ko naman sa kanya.
"Alas diyes pa ako kaya pwede akong mag-inom ng marami, ikaw konti lang dahil maaga pasok mo. Bleh..." Nang-asar pa siya at nilabas ang dila niya bago siya lumabas ng kwarto ko.
Umiling lamang ako sa ginawa niya, hays minsan talaga childish siya.
Inilagay ko lamang ang cellphone ko sa side table bago ako kumuha ng towel at pumunta ng CR bago pa ako maunahan ni Tracy. Mas matagal kasi siyang maligo kaysa sakin.
Kalahating oras lamang ako nagtagal sa CR kasi alam kong aabutin ng isang oras si Tracy, alas sais trenta pa naman na ngayon.
Naglagay lang ako ng light make-up, foundation, blush on, tsaka na rin ng lipstick. Feeling ko din kasi na hindi bagay sakin ang masyadong makapal na make-up, baka magmukha akong clown.
Kinulot ko ang dulo ng buhok ko bago ako nagsuot ng damit.
I wore black off shoulder cropped top and black pencil skirt. Nag-heels rin ako na six inches. Nang matapos akong mag-ayos ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Jusko, pure black ako ah. Para akong grim reaper pero maganda, siyempre. Mukha rin akong model dito, oh diba ang ganda ko. Kinuha ko lang ang purse ko at nilagay don ang cellphone, wallet, susi ng condo at lipstick bago ako lumabas ng kwarto.
Alas syete kwarenta na nang matapos ako. Wala pa si Tracy sa sala nung lumabas ako at hula ko ay nag-aayos pa rin siya hanggang ngayon.
Naupo muna ako sa may sofa at binuksan ang tv habang naghihintay na matapos si Tracy.
News ang palabas ang nakita ko na naman ang mukha ni Bianca. Siya ang laman ng news ngayon at balita na babalik siya ngayong buwan nga pero hindi alam kung anong petsa. Tsk, lagi na lang siya ang nakikita ko sa internet ko pati dito sa news siya pa rin.
Pinatay ko na lamang ang tv dahil sumisikip na naman ang dibdib ko. Naaalala ko na naman kasi si Denzey.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang natapos si Tracy, saktong alas otso. Tumayo na ako sa pagkakaupo at humarap sa kanya.
Naka denim jeans, sleeve less v-neck na kulay peach, at heels siya. Naka make-up din and she curl her brown hair. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi ka naman ayos na ayos sa lagay na yan noh?.." inirapan ko lang siya at nauna nang lumabas sa unit at siya na ang nag-lock ng unit namin.
Nang makarating kami sa hintayan namin ay nakita ko na kami na lang dalawa ni Tracy ang hinihintay. Nakita naman agad nila kami at binati agad ako ni Belle.
"Ayos na ayos tayo riyan ah..." asar sakin ni Belle. Nakita ko naman na napatitig sakin yung tatlong lalaki dahil ngayon lang nila ako nakitang ganto ang suot.
Inirapan ko lamang sila at inismidan lamang nila ako. Ang suot ni Belle ay maong short at red off shoulder choker cropped top. Naka heels siya at ang pula ng labi, jusko.
Dalawang sasakyan lamang ang dala, sasakyan ni Belle at Thrie. Kay Belle ako nakisabay kasama si Tracy habang yung tatlong lalaki ay doon sa sasakyan ni Thrie.
Sa back seat ako naupo samantalang si Tracy ay sa passenger seat. Ngayon ko na lang ulit nakita sila Thrie at Ice, masyado na kasi silang busy sa pagpapraktis sa basketball. Next month na kasi ang laban.
Nag-uusap yung dalawa sa unahan ko ng mapunta ang usapan tungkol sa pamilya ni Belle.
"Ano okay na ba kayo?.." tanong sa kanya ni Tracy kaya tumingin naman ako kay Belle.
Napasimangot lamang siya samin at hindi nagsalita. Alam na namin ang sagot pag ganyan siya, hindi pa rin sila okay. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi sila good terms ng family nila, hindi naman kasi niya sinasabi ang dahilan. Basta ang alam namin ay hindi sila nag-uusap kahit kamustahan ay hindi.
Mahirap yun dahil nasa iisa lamang silang bahay, anytime pwede mo silang makasalamuha at magulang mo pa yun.
Iniba na lang ni Tracy ang usapan para hindi na malungkot si Belle. Hindi man niya sabihin samin ay alam naming nalulungkot rin siya. Sino ba naman kasi ang gustong hindi makaayos ang magulang diba?
Nang makarating kami sa club ay nag order agad si Belle ng alak. Naupo naman ako sa tabi ni Eathan at tumingin naman siya sakin.
"Musta? Mukhang ang lungkot mo this few days..." puna sakin ni Eathan, ngumuso ako sa kanya bago ako kumuha ng san mig. at ininom yun.
"Okay lang ako, wala lang sa mood..." sabi ko sa kanya at uminom ulit ng alak.
"Period?.." napatingin naman ako sa kanya nang nakakunot ang noo at bahagyang nakaangat ang sulok ng labi.
"Hindi noh. Ikaw ah..." tudyo ko sa kanya at umiling lamang siya sakin.
Nagpatuloy lamang kami sa pag-inom at kwentuhan. Nang maubos ang isang bucket ng alak ay umorder ulit si Belle. Magkatabi si Thrie, Ice at Belle sa right side samantalang si Tracy naman ay mag-isa sa left side.
Hindi ako masyadong iinom dahil nga maaga pa ang pasok ko bukas. Ininom ni Tracy ang isang bote ng alak bago siya tumayo at tinuro kami. Para siyang lasing kahit hindi pa naman talaga.
"Laro tayo, drink or dare..." She chanted. Nagsintanguan naman ang mga kasama ko samantalang ako ay ayaw ko.
"Ay kj ka minsan rin noh. Please na..." pamimilit sakin ni Tracy.
"Oo nga. Ngayon lang oh.." dagdag pa ni Thrie. Inirapan ko lamang sila at walang nagawang sumang ayon.
Nagsipalakpakan naman silang lima na parang nanalo sila sa lotto. Inilagay ko ang hawak kong bote ng alak sa lamesa at hinawi naman nila ang laman ng lamesa namin bago ipinaikot ni Tracy ang bote.
Ang laro ay pag hindi mo nagawa o hindi mo kayang gawin ang dare ay iinom ka ng alak. Yung vodka ang iinumin or yung whiskey or black label. Basta yung hard liquor kaya jusko, wag sanang maturo sakin dahil may pasok pa ako ng maaga bukas.
Ang unang ikot ay tumuro kay Ice at ang dare sa kanya ni Tracy ay manghalik ng babaeng dadaan dito sa may harap ng table namin. Game naman siya sa dare, tuwang tuwa pa ang mokong.
"Easy peasy..." nakangisi pa niyang sabi. Babaero ngang talaga itong lalaking ito.
Nang may dumaan na babae ay biglang hinatak ni Ice ang braso nito at hinalikan bigla. Mukhang nagustuhan naman ng babae ang paghalik ng isa at lumaban ng halik. Napatakip ako ng mata ko pero may siwang, jusko makakapanood pa ata ako ng live show.
Hinatak naman siya ni Belle pabalik ng upo dahil mukhang hindi titigil ang dalawa kakahalikan. Tawang tawa naman ang tatlong lalaki kasama na rin si Tracy.
Pinaikot naman ito ni Ice at tumuro ito kay Belle. Busangot na busangot ang pagmumukha ni Belle at ang sama ng tingin kay Ice.
"Ang sama mo makatingin oh..." kunwaring takot na sabi ni Ice. Inismidan at inirapan lang siya ng huli. Uminom naman ako ng san Miguel dito habang hinihintay ang dare niya kay Belle.
"Dare ko sayo, halikan mo ko..." halos maibuga ko ang iniinom ko sa sinabi ni Ice. Kahit sila Tracy at Eathan.
"The f**k?!!" hinampas siya ni Belle at tawa naman ng tawa lang ito. Hinampas rin siya ni Thrie.
"Seryoso kasi..." angil ni Belle. Sabi naman ni Ice ay seryoso siya. Umiling lamang ako sa lalaking ito.
Siyempre itong kaibigan kong ito hindi papayag na ilap dance itong isa kaya uminom na lang siya ng alak. Pinaikot niya ang bote ng tumuro ito sa kanya.
Tawa kami ng tawa dahil sa kanya ito tumuro.
"Dare mo sarili mo HAHAHAHA..." asar naman sa kanya ni Thrie at hinampas niya lang ito ng dala niyang bag.
Pinaikot niya ito at tumapat ito kay Thrie at ang dare niya dito ay sumayaw ng budots sa dancefloor for 2 minutes. Tawa naman kami ng tawa ng sumayaw nga siya. Pinagtitinginan siya ng iba dahil sa pagsayaw niya ng budots, ang iba ay natatawa rin.
Nang matapos siyang sumayaw ay pinaikot niya ang bote at tumuro ulit ito kay Belle. Inis na inis naman si Belle.
Ang dare naman niya dito ay sumayaw rin ng budots ng 2 minutes sa dancefloor. Jusko, bawian pala ito.
Hindi ko matigil sa pagtawa ng sumayaw nga siya ng budots. Katulad din ni Thrie ay pinagtitinginan siya na may pagtataka at yung iba naman ay tinatawanan siya. May isa pa nga akong nakita na vinivideohan siya.
Nang makalapit siya rito samin ay ang sama ng tingin niya kay Thrie na tawang tawa maging samin.
Naupo siya sa tabi ni Ice at hinampas naman niya yung dalawa. Ang hindi na lang natuturo ay ako, si Tracy at Eathan.
"Bwisit kayo..." medyo hingal pa niyang pagkakasabi bago kinuha ang bote.
Pinaikot niya ulit ito at tumuro naman ito sa katabi kong si Eathan. Muntikan na ako don ah. Nakahinga ako ng maluwag don.
"I dare you to kiss the woman you love, sa tungki ng ilong dapat..." napatingin naman ako kay Belle at nakitang nakangiti siya sakin ng nakaloloko. Turo turo pa niya ang ilong niya.
Tinaasan ko lamang siya ng kilay don, sira ba itong babaeng ito. May ininguso naman siya sa likod ni Tracy at napakunot ang noo ko.
Nguso siya ng nguso sa likuran ni Tracy kaya napatingin naman ako don. Halos lumuwa ang mata ko ng makitang nakaupo si Denzey kasama na naman ang dalawa niyang kaibigan.
Dalawang table ang pagitan namin sa kanila.
Nakasandal siya at hawak ang bote sa kanang kamay. Naka polo na lang siya at yung suit niya ay nakita ko na katabi lamang niya.
Nakikipag-usap siya don sa isang may kasamang babae at siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya inalis niya ang mata niya sa kausap at inilibot ang paningin.
Nagtama ang paningin naming dalawa kaya bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya.
Ibinalik ko ang atensyon ko dito sa mga kasamahan ko.
"Go, gawin mo na..." pakinig kong sabi pa ni Belle.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano ngang dare nito kay Eathan?
Nagulat ako ng hinawakan ni Eathan ang mukha ko at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko. Nanlalaki ang mata ko at gulat na gulat. Kung titingnan mo sa likod ko or sa likod niya, aakalain mong hinahalikan niya ako sa labi.
Tumagal ng ilang segundo ang halik niya sa tungki ng ilong ko bago niya pinakawalan ang mukha ko. Gulat na gulat pa rin ako sa pangyayari.
Naghiyawan naman ang mga kasama ko at doon lang ako natauhan. Tiningnan ko agad ang pwesto ni Denzey at nakitang wala na siya roon sa kinauupuan niya. Napakunot naman ang noo ko dahil kanina lamang ay nandoon siya. Kahit yung dalawa niyang kasamang lalaki ay wala na rin.
Saan kaya nagpunta yung tatlong yon.
Natigil naman ang kantyawan ng mga kasamahan ko sa table pero hindi ko iyon pinansin at nakatingin pa rin sa kaninang inuukupahan nila Denzey.
"Can we sit?.." nanigas ako sa kinauupuan ko ng madinig ang boses ni Denzey. Jusko, nandito na pala itong mga ito.
At anong sabi? Dito makikiupo? Eh meron naman silang sariling table ah, bakit pa sila dito makikiupo?
Nang tingnan ko sila ay nasalubong ko na agad ang tingin ni Denzey. Diretso siyang nakatingin sakin at napalunok ako dahil nakakalunod ang uri ng tingin niya.
"Sandali, diba ikaw ang CEO ng Denzey Resort & Casino? Uy, Belle oh, idol mo HAHAHAHA..." asar naman sa kanya ni Ice at inirapan lamang siya ng huli.
Ang sabi pa ni Ice ay CEO rin ang dalawa pa nitong kasama. Jusko, puro CEO ang makikiupo samin, napakabigatin naman pala nitong mga ito.
Tumayo naman si Tracy sa kinauupuan niya at tumabi sakin.
"Pwede naman, upo kayo dito oh..." tinuro pa niya ang kinauupuan niya kanina.
Ngumiti naman samin yung tatlo at naupo don. Napaiwas naman ako ng tingin kay Denzey ng ibalik na naman niya ang tingin sakin.
"By the way, I'm Ice Del Rosario..." pagpapakilala ni Ice sa tatlo at nakipag handshake pa.
Nagpakilala rin sila Eathan, Thrie, Belle at Tracy. Ako na lamang ang hindi nagpapakilala kaya tumingin sakin yung dalawang lalaki maging yung iba kong kasamahan.
Tumayo naman ako at inilahad ang kamay sa kanila.
"I'm Gilliana Marie Delos Reyes..." tumango naman yung dalawa pero si Denzey ay nakatingin parin sakin. Kinuha naman nung isang lalaki na may kasamang babae kanina ang kamay ko.
Blue eyes pala itong lalaking ito at yung isa naman ay green eyes. Ang seryoso ng pagmumukha ng isang ito samantalang itong blue eyes na mukhang babaero ay laging nakangiti.
Naupo na ako at sila naman ang nagpakilala.
"I'm Brandon De Chavez..." nakangiting saad ng lalaking asul ang mata. Brandon pala ang pangalan niya.
"Danvert Miguel Fernandez..." malamig na pagkakasabi ng green eyes. Fernandez pala ito, isa sa mayaman na pamilya ang Fernandez. Jusko, bigatin ngang talaga ito.
"Cal Denzey Mendez..." malamig rin na pagkakasabi ni Denzey. Alam ko na naman ang pangalan mo eh.
Umiwas ako ng tingin sa kanila at inilipat ang paningin sa boteng nasa harapan ko.
"By the way, sali kayo. We're playing drink or dare..." yaya sa kanila ni Belle. Jusko ka Belle, bwisit naman ito eh.
"Really? I'm in..." Brandon said with a smile on his face. Tumango lamang ang dalawa kaya nagpalakpakan naman ang mga kasamahan ko. Sinabi naman nila kung paano ang mechanics ng laro.
Si Belle na ang nagpaikot ulit ng bote at tumapat ito kay Tracy at ang dare sa kanya ay sumigaw ng 'mahal ko si budoy', yung malakas dapat at tatlong beses niyang gagawin.
Game na game naman si Tracy at tumayo siya at naglakad malapit sa dancefloor bago nilagay ang dalawang kamay niya sa may pisngi at naghandang sumigaw.
Nagulat ang ibang tao ron ng bigla siyang sumigaw ng mahal ko si budoy. Tawa naman kami ng tawa rito pero hindi ako masyadong makatawa ng ayos dahil nandito si Denzey.
Inulit pa niya yun ng dalawang beses at pinagtitinginan na siya ng ibang tao at natatawa pa yung iba. Bumalik siya rito at natatawa rin siya sa ginagawa niya.
Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang bote sa kamay ni Belle at pinaikot ito. Natapat ito kay Danvert at nawalan naman ng imik si Tracy at napanguso. Natawa naman sila don.
"Ano dare mo na..." nang-aasar na sabi ni Thrie sa kanya pero inirapan niya lamang ito.
"Huwag kang mag-alala, dare mo na siya. Ako bahala..." sabi sa kanya ni Brandon.
Tumingin naman siya Danvert at lumunok.
"Ahm, k-kiss mo sa pisngi yung babaeng nagagandahan ka..." jusko, napakadali lamang nitong pinagawa nito.
"Ayy, dapat pinahirapan mo..." medyo nakangusong saad ni Brandon.
Tumayo naman si Danvert at nagulat ako ng lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko at hinalikan ako ng dalawang beses sa magkabilang pisngi ko.
Napalunok naman ako at gulat na gulat kahit yung ibang kasamahan ko.
Nang makabalik na si Danvert sa kinauupuan niya ay napapalakpak naman si Brandon at mukhang tuwang tuwa. Napangisi naman si Belle at natawa sila Thrie.
Napatingin ako kay Denzey at nakitang mahigpit ang hawak niya sa bote na nasa kanang kamay niya. His jaw clenched bago siya uminom sa bote.
Pinaikot naman na ni Danvert ang bote at tumuro ito kay Ice. Natawa naman yung mga kasamahan ko dahil siya na naman ang naturo.
Danvert dare him to slap someone's butt. Nanlaki naman ang mata ni Ice bago tumayo at lumapit doon sa babae na nasa may dancefloor.
Naka red fitted dress itong babae. Kiniskis naman niya ang dalawa niyang kamay bago niya pinalo ang butt nung babae kaya napatingin naman ang babae sa kanya.
Pagharap ng tao ay halos malaglag ang panga namin nang makitang binabae pala ito. Ang kapal ng make-up jusko. Tiningnan niya si Ice mula ulo hanggang paa at kinagat ang pang-ibang labi. Bigla na lamang hinawakan nung bakla ang braso ni Ice and he try to kiss Ice, samantalang ang isa ay kumakawala sa pagkakahawak nung lalaki.
Tawa naman ng tawa yung mga kasamahan ko maging ako. Nang tuluyan na siyang makaalis sa pagkakahawak nung lalaking binabae ay dali dali siyang bumalik dito at tumango sa tabi ni Belle.
"Ayan kasi..." asar pa sa kanya ni Belle.
Huminga naman ito ng malalim bago kinuha ang bote at pinaikot ito. Nanlaki ang mata ko ng tumapat ito sakin. Jusko, okay lang matapat sakin pero wag lang si Ice or si Belle ang magbibigay ng dare.
Hindi nga si Belle ang magbibigay ng dare, si Ice naman. Jusko, maghanda na ako niyan. Marami rami na ang naiinom kaya jusko talaga.
Ngumisi naman sakin si Ice at mukhang may ibang balak siya sakin. May ibinulong sa kanya si Belle kaya patay talaga tayo diyan. Mas lalong lumawak ang ngisi ni Ice sakin ng marinig niya ang binulong sa kanya ni Belle.
Tumikhim naman siya at umayos ng upo. Nakangiti siya sakin ng nakaloloko maging si Belle.
"Lia..." tumingin naman ako sa kanya.
"I dare you..." takte pabitin pa.
"Ano?.." medyo nawawalan ng pasensyang tanong ni Tracy. Akala mo naman siya yung idedare.
"Dare ko sayo na lap dance mo si Cal Denzey..." halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
The f**k!? Ano daw? Lap dance?
Lap f*****g dance?!!
Halos hindi ako makagalaw dito sa kinauupuan ko samantalang yung mga kasamahan ko ay nagsipalakpakan. Napatingin naman ako kay Denzey at nakitang umayos siya ng upo at tumingin sakin habang binabasa niya ang pang-ibabang labi niya.