Kabanata 16 : Sucks

3467 Words
Nang nasa tapat na kami ng building ng condo ko ay bumaba na ako sa kotse. Saktong alas otso ng makarating kami, traffic pa kasi. Bumaba rin si Sky sa kotse at yumakap sakin kaya yinakap ko rin siya pabalik. Hinalikan niya pa ako sa pisngi bago siya kumalas sa yakap. "Kumain ka ulit, baka gutom ka na. Pasabi na rin kay Tracy na happy birthday. Love you..." nakangiting sabi niya. Ang sweet niya talaga, minsan. Minsan lang. "Sige sasabihin ko. Kayo rin kumain din kayo pagkauwi niyo. Mag-ingat kayong dalawa. Sige na, bye insan..." nakangiti kong saad. Nang makapasok na siya sa kotse niya ay ibinaba niya pa ang bintana nito at kumaway sakin kaya kumaway rin ako pabalik, tiningnan ko pa si Calvin sa bukas na bintana ng kotse niya. "Ingat sa pagdradrive, lagot ka sakin pag nasaktan si Sky..." banta ko pa sa kanya. Nginitian niya naman ako bago nagsalita. "Huwag kang mag-alala, safe siya sakin..." tumango naman ako sa kanya at itinaas na ang bintana. Hinintay ko pa na mawala sa paningin ko ang kotse nila bago ako dumiretso sa elevator. Habang naglalakad ako sa hallway papuntang unit ni Denzey, I texted Tracy that I'm going to have a dinner with Denzey, she said it's okay and its my chance too so goodluck to me. Yep, goodluck nga sakin. Nang nasa tapat na ako ng unit niya ay huminga muna ako ng malalim bago ako nag-doorbell. Ilang segundo lang ang lumipas ng bumukas ito. Bumungad sakin ang mabango niyang amoy, naka t-shirt, pajama at tsinelas lang ang suot niya. Simple but he's hot. I gulp when I looked at his biceps. Grabe, ang laki. Ang ganda talaga ng pangangatawan nitong lalaking ito, yummy. Tumikhim naman siya sakin kaya napabalik ang tingin ko sa mukha niya at ngumiti ng pagkatamis tamis. "Good evening Denzey. I miss you..." diretso kong sabi, siyempre wala sa bukabularyo kong magpaligoy ligoy noh. Umiwas naman siya sakin ng tingin at bahagyang namula ang tenga niya at ang leeg niya. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa nasaksihan ko, kinikilig siya. Great achievement Lia. Pinapasok niya ako sa loob ng unit niya at inilagay ko muna ang dala kong bag sa sofa niya bago kami dumiretso sa loob ng kusina kung nasan ang pagkain. Nang makita ko ang nasa hapag ay ang daming pagkain, jusko. Mauubos kaya namin ito? Para namang patay gutom ako eh. May adobo, sinigang, at pork steak. Meron pang dessert na cake na maliit lamang. Ang cute nga eh. May juice pa. Tumingin naman ako sa kanya bago ako naupo sa harapan ng upuan niya. "Ang dami naman nito. Para akong bibitayin..." tumaas naman ang sulok ng labi niya sa sinabi ko at umupo na lang din sa tapat ko. Kumuha na ako ng plato tsaka naglagay ng pagkain dito. Sinigang muna ang kinuha ko, mamaya na yang pork steak tsaka adobo. Naglagay din ako ng kanin at nag juice pa ako. Naglagay din siya ng sarili niyang pagkain sa plato niya at nagsimula na kaming kumain. Walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa, tahimik lamang kami. Masyadong tahimik. Tumikhim ako at nakuha ko ang pansin niya. Tumingin naman siya sakin kaya napatingin rin ako sa kanya. "Kamusta naman?.." pagsisimula ko ng usapan namin. "Fine..." kaso napakaikli nitong sumagot. Nag-isip ulit ako ng sasabihin ko para naman kahit papano ay mabawasan ang katahimikan. "Masarap itong luto mo..." ngumiti lamang siya sakin ng maliit. Napanguso naman ako dahil nakakainis, wala man lang siyang sinasabi dyan. Hindi niya rin ako kinamusta nung tinanong ko siya kanina. Bwisit naman eh. Nakita naman niya yung mukha ko na nakanguso at nakatingin sa kanya ng matalim kaya natawa siya. "What?.." mas lalo lamang humaba ang nguso ko sa kanya bago ako umiling. Nagpatuloy lamang kami sa pagkain at hindi na nagsalita pa. Nang matapos kaming kumain ay nagprisinta ako na ako na ang maghuhugas kaso sabi niya bisita niya raw ako kaya huwag na. Nagpumilit pa ako pero hindi siya pumayag kaya heto ako ngayon naglalakad lakad sa loob ng unit niya. Wala namang bago dito sa unit niya simula nung una ko itong nakita. Malinis rin masiyado dito, yung tipong mahihiya yung alikabok na pumunta dito dahil sa sobrang linis. Buti pa yung alikabok, nahihiya. Ako kaya? Natawa naman ako sa isipin kong iyon, pati alikabok ba naman Lia. Pumunta ako sa table sa tabi ng sofa niya. May nakita akong picture frame dito. Isang batang lalaki, ang cute. May kasamang isang lalaking matanda at babae na sa tingin ko ay magulang nito. Tiningnan ko ng mabuti yung larawan at mas lalong lumawak ang ngiti ko ng mapagtantong si Denzey pala ito. Ang cute niya, chubby cheeks. Hindi siya ganoon kataba pero ang taba taba ng pisngi. God, kahit nung bata siya ang pogi niya. Habulin talaga ito ng babae. Paniguradong madami na itong napaiyak na babae nung nag-aaral pa lamang ito. Tiningnan ko naman ang babaeng nasa larawan. Ito siguro ang nanay nito, ang ganda ganda niya. Kaso nakaka-intimidate ang itsura niya. Fierce eyes, siguro kung titignan niya ako ng ganyan baka maihi ako sa takot. Ang seryoso kasi masyado ng mukha niya. Yung tatay naman niya na si Mr. Anthony, yung nakasabay ko noon sa elavator ay ganoon rin. Masyadong nakaka-intimidate ang itsura niya rito. Pero masasabi ko naman na mabait siya, katulad na lang nung ganap sa elavator non. Tiningnan ko pa ito ng mabuti at nakitang kamukha niya ngang talaga ang tatay niya. Halos lahat ng features nito sa tatay niya maliban na lang sa mata, kaparehas niya ng mata ang nanay niya. Masasabi kong kulay abo rin ang mata nang nanay niya. Tinitingnan ko pa ang larawan na ito ng may tumikhim sa likod ko kaya dali dali ko itong ibinalik sa pwesto at tumingin sa likuran ko. Nang makita na tapos na pala si Denzey sa paghuhugas ng plato at nasa harapan ko na ay ngumiti ako sa kanya ng malawak. Tumingin naman siya sa likuran ko kung nasan yung picture frame bago ibinalik ang tingin sakin. "Nakita ko lang..." I stated and he just nod at me. Lumapit naman siya sakin at napaatras naman ako. Mas lumapit pa siya at nang maramdaman ko sa likod ng binti ko ang upuan ay napaupo na lang ako bigla. Ibinaba niya ang katawan niya sakin at nahigit ko ang hininga ko. Jusko, magkikiss na naman ba kami? Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng may kinuha siya sa likuran ko. Takte, remote lang pala. Buti na lang hindi ako agad pumikit kung hindi nakakahiya. Jusko, ayan kasi assuming ka kasi Lia eh. Siguro pulang pula na ako ngayon dito dahil napansin ko na medyo natatawa siya sakin. Aba naman talaga itong lalaking ito. Parang nang-aasar pa. Naupo naman siya sa tabi ko bago niya binuksan ang tv. Naramdaman ko naman na tumingin siya sakin. He cleared his throat. "Are you going to stay here for a little while?.." he asked me and I turned my head to him. "Ahm pwede ba?.." balik kong tanong sa kanya. "I don't mind..." tumango naman ako sa sagot niya at nakinood na lang din. News ang pinanonood namin, lumabas din sa news na ang model na si Kyulmin Salvador ay may idine-date na lalaki. Si Naush Timbre Steivfield, isa siyang sikat na engineer. Ang pagkakaalam ko ay 25 na rin siya maging si Kyulmin. Maganda si Kyulmin. Mabait din siya, well yun yung sinasabi ng iba. May lahi siyang Korean, nanay niya ata ay half Korean kaya ganon. May iba pang nasa news pero nang ang news ay natapat sa isang babae ay bigla akong natigilan. Ang bali-balita ay babalik daw ngayong darating na buwan ang modelo dito sa bansa galing Canada. Nanlamig ang katawan ko non. Maya maya lamang ay lumabas ang larawan ni Bianca sa tv. Ang ganda niya sobra, nakakainis. Tumingin ako sa katabi kong si Denzey at nakitang kahit siya ay natigilan sa ipinalabas sa telebisyon. Nakatingin siya sa mukha ni Bianca habang ako ay nakatingin sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya at the same time mahal niya pa rin ito. Paano ko ba nalaman? Well, para san pa ang pag-aaral ko ng Psychology, diba? Pati kahit sino naman ang tumingin sa mga mata niya ngayon, makikita at makikita nila kung anong tunay na nararamdaman ni Denzey para sa babaeng ito. Ang sakit lang na kahit ako yung nandito sa tabi niya at kahit wala pa yung babaeng iyon ngayon ay wala na ang atensyon niya sakin. Sa tv pa lang ay nakukuha na niya ang atensyon ni Denzey, paano pa kaya kung nagkita na sila in person? Paano na lang ako? Sabi niya gusto niya ako diba? Pero anong laban ko sa taong mahal niya eh gusto lang naman niya ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya at ibinalik ang tingin sa tv. Nasasaktan ako ng sobra. Bwisit naman eh. Para siguro sa iba hindi masakit ito pero para sakin, sobrang sakit. Kasi parang sinampal ako ng katotohanang kahit wala yung babaeng ito at ako ang nandidito sa tabi niya, walang wala akong pag-asa sa kanya. Na kahit malayo ang babaeng iyon ay nandidito lang siya sa puso niya. Na kahit nandito ako ngayon balewala lamang ako sa kanya dahil nga hindi ako yung taong yun. Hindi ako yung taong mahal niya. Bakit ba ako nandidito pa hanggang ngayon? Sinasaktan ko lamang ang sarili ko. Ang tanga tanga mo Lia. Tumayo ako at kinuha ang bag ko na nasa katabing sofa. Dun ko lang nakuha ang atensyon niya. Pinilit kong maging mukhang masaya sa harapan niya bago ako nagsalita. "Ahm Denzey, una na ako sa unit ko. Wala kasing kasama si Tracy tsaka magpapahinga na rin ako..." paalam ko sa kanya. Huminga naman ako ng malalim at pinipigilan ang mga luhang handa ng pumatak ilang segundo. "Thanks sa dinner..." ngumiti ako sa kanya pero alam kong hindi umabot hanggang maya ko ang ngiti kong iyon. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tuluyan na akong umalis sa harapan niya. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa loob ng unit ko ay agad agad na nagsilabasan ang luha ko. Ang sakit pala nito, sobra. Kitang kita ko na mahal na mahal pa niya si Bianca. Napaupo na lang ako sa tapat ng pintuan ng unit namin at isinubsob ang mukha ko sa tuhod ko. Taena, ang sakit pala. Wala pang ginagawa yung Bianca na yun pero nakukuha na agad niya agad yung atensyon ni Denzey. Takte, ako yung kasama niya pero yung isipan at atensyon niya wala sakin. Taena, ang hirap pa lang maging masaya sa harapan ng isang tao kung sobra sobra kang nasasaktan. Pano kaya nagagawa ng iba yon noh? s**t, ang sakit. Habang umiiyak ako ay bigla na lamang nagsibukasan ang ilaw. Ngayon ko lang napansin na patay pala itong mga ito. Nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko si Tracy kasama si Belle. May confetti pa silang hawak. Isasaboy dapat nila sakin ito pero nung makita nila ang mukha ko ay nabitawan nila ang hawak hawak nila at dali daling lumapit sakin. Hinawakan ni Belle ang likuran ko at hinaplos haplos ito samantalang si Tracy ay pinupunasan ang mga luha ko. "Why?.." tanong sakin ni Belle. Yinakap ko lang siya at umiyak sa balikat niya. Inaako nila akong dalawa at inakay papuntang sofa sa may sala. "Get a water..." utos ni Belle kay Tracy. Tumango naman si Tracy at pumuntang kusina para kumuha ng tubig habang si Belle naman ay inaalo pa rin ako. Niyakap ko ulit siya at umiyak sa may balikat niya. Hinahaplos haplos niya ang likod ko habang sinasabihan ako ng mga comforting words. "Tahan na..." Belle comforted me. Nang dumating si Tracy ay pinainom agad niya ako ng tubig. Nang maubos ko ito ay inilagay ni Tracy ang baso sa harap ng table dito sa sofa. "Tell us why are you crying? Did someone hurt you? I will go to them and make them pay..." Belle said with a firm voice. Umiling lamang ako sa kanila. "Wala..." tanggi ko sa kanila habang pinupunasan ang luha sa mga mata ko, pero tuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Mukhang walang katapusan ang mga luha kong ito. "Imposibleng wala lang yan..." si Tracy naman ngayon ang nagsalita. Patuloy lamang ako sa pag-iyak, taena ayaw kong umiyak ngayon dahil kinabukasan mahahalata ito. Umiling lamang ulit ako sa kanila ng tanungin ulit nila ako kung anong nangyari. Ayokong sabihin sa kanila dahil ayoko ng makadagdag pa sa isipin nila. Alam ko naman na may sari sarili silang pinagdadaanan din eh, lalo na ito si Belle. Hindi lang siya nagsasabi pero alam ko yon. Nakikita ko sa mga mata niya. "It's okay if you won't tell us, but tandaan mo we're just here for you. Handa kaming makinig sayo..." Belle said with a soft voice while caressing my hair. Pinunasan ko ulit ang luha ko bago ako tumango sa kanila. "Dito ka ba matutulog?.." tanong ko kay Belle at pag-iiba ko na rin ng usapan. Tumango naman siya sakin. "Sa kwarto niya ako matutulog pero kung gusto mo doon na kami matulog in your room..." umiling lamang ako sa kanya at ngumiti. Tuwing mag-oover night siya rito samin ay doon siya laging natutulog sa kwarto ni Tracy dahil daw ayaw niya sa kwarto ko. Maaga daw kasi ako minsan matulog, hindi daw siya makanood ng horror at makasigaw sigaw. Nginitian ko lamang silang dalawa bago ako dumiretso sa kwarto ko. Ni-lock ko ito at hindi nag-abalang magpalit ng damit. Tinanggal ko lang ang cardigan na suot ko pati narin ang sapatos ko. Ibinato ko lang kung saan ang bag ko bago ako sumubsob sa kama ko. Shut, umiiyak na naman ako. Kailan ba ito matatapos? Kanina hindi na ako umiiyak diba, bakit ngayon lumuluha na naman ako? Taena, wala na bang itatapos ang luha kong ito? Talagang kinabukasan ay pugto itong mata ko. Sa tingin ko kailangan kong mag shades bukas para hindi halata. Kaso paano sa room? Tsk. Nasasaktan pa rin ako. Tangina, kaya pala iniiwasan muna ako ni Eathan kahit na may gusto siya sakin. Kasi masakit na yung tipong ikaw ang nandyan pero iba yung mahal nila. Masakit na alam mong hindi siya mapapasayo kasi may iba siyang gusto, na may iba siyang mahal. Takte, ang sakit. Iniisip ko pa lang na oras na bumalik si Bianca ay parang wala nang nag-exist na Gilliana Marie sa buhay niya. Na para lamang akong hangin na dumaan. Tangina, tama nga yung kasabihan na mahirap kalaban ang first love. Buset na yan, bakit ba kasi lagi na lang kalaban pagdating sa ganyan ang first love na yan eh. Umalis na sila tapos babalik ulit? Tapos sasabihin na mahal pa nila yung taong iyon. Tanga pala sila eh, kung mahal pala nila yon edi dapat hindi na sila umalis. Dapat hindi na nila pinakawalan, pwede naman siguro silang maging LDR kung sakali diba? Tangina, napapamura na tuloy ako. Buset na yan, hindi ko hilig magmura pero takte kasi eh... Ang sakit. Ang bobo nila, aalis alis tapos babalik sila na parang walang nangyari. Na parang hindi nila nasaktan yung taong iyon. Bwisit. Umiyak pa ako ng umiyak at hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Pagkagising ko kinabukasan ay ang bigay ng talukap ng mga mata ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas kwatro pa lamang, usually pag may pasok ako ay alas singko ako nagigising. Yung damit ko kahapon ay yun pa rin ang suot ko ngayon. Damn, ang lagkit ko na siguro. Tumayo ako at humarap muna sa salamin at nakitang pugtong pugto ang mga mata ko. Damn, mukha akong zombie eh. Well, ako naman ang pinakamagandang zombie pag nagkataon. Maglalagay na lang siguro ako ng concealer sa mata ko at magsasalamin. Kahit yung clear na lang para kahit papano ay hindi halata. Kinuha ko na yung towel ko pati na rin yung damit ko at dumiretso na sa banyo. Umabot ako ng isang oras sa paliligo, okay lang din naman dahil ang aga aga pa naman. Pagkalabas ko naman ng banyo ay saktong lumabas si Belle sa kwarto ni Tracy at mag hawak na rin na towel. Natigilan naman siya ng makita ako pero kalaunan ay lumapit naman din agad siya sakin. "Okay ka na?.." she sounded so worried. Ngumiti naman ako sa kanya bago tumango. "Oo, maligo ka na. Magluluto na ako ng pagkain..." tiningnan pa niya ako sa may mata, siguro medyo pugto pa rin ito. Tumango rin naman siya bago tumuloy sa banyo para maligo. Nagpatuloy rin ako sa kusina para magluto ng pagkain namin. Napakabait talaga ni Belle. Siya yung tipo na taong hihilingin mo na sana ay meron ka ring kagaya niya. Masyado siyang mabait, minsan sinusuway na namin siya dahil sa ganoon niyang pag-uugali. I'm so lucky to have her in my life. I'm lucky that she is my friend. May mga problema din siya sa buhay mas lalo na sa bahay nila. Hindi sila ngayon in good term ng mga magulang nila. Yun ang pagkakasabi sakin ni Tracy nung minsang tumawag siya sakin nung nasa Laguna pa ako. Kaya siya nandito ngayon at dito siya natulog dahil don. But still I admire her for being strong. Kung siguro ako yon na hindi in good term sa mga magulang ko ay nag break down na ako. Mahirap para sakin pag ganon. Sanay kasi ako na walang away na nangyayari eh. Habang nagluluto ako ay naalala ko si Denzey. Oo nga pala, tuwing umaga ay lagi ako roon kumakain pero sa ngayon hindi na muna dahil una, nandito si Belle, pangalawa, dahil na rin pugto pa ang mga mata ko at pangatlo, medyo nasasaktan pa rin ako dahil kagabi. Bukas naman ay doon ako kakain ng umagahan sa unit niya eh. Hindi naman porket nasaktan ako ay titigil na ako sa panliligaw sa kanya. Oh diba, kinareer ko na talaga na manliligaw niya ako. Nang matapos akong magluto ay hindi parin tapos maligo si Belle kaya kinuha ko muna ang phone ko para itext si Denzey. Nang nagtatype ako ay nagdadalawang isip ako kung sa text na ako magsasabi o sa personal na lang tutal naman ay magkatapat lamang ang unit namin sa isa't isa. Kaso naalala ko na medyo pugto pa pala ang mga mata ko kaya huwag na lang, sa text na lang. To Denzey Babe Ahm Denzey hindi ako makakasabay sayo kumain ngayon dahil nandito si Belle ngayon sa unit namin. Parehas kami ng time pagpasok sa university kaya sa kanya na muna ako sasabay ng pagkain. Yun lang... And I hit the send button. Nilalaro ko lamang sa kamay ko ang cellphone ko ng bumukas na rin ang pintuan ng banyo. Nakabihis na rin siya at dumiretso sa upuan sa tabi ko. Tiningnan ko muna kung anong oras na at nakitang 5:45 pa lamang. Kumuha na ako ng pagkain at nagsimula ng kumain ganon rin siya. Walang nagsasalita sa pagitan namin ng tumikhim siya at tinignan ako. Naramdaman ko yon. "Why are you crying yesterday night?.." panimula sakin ni Belle. Tumingin naman ako sa kanya bago ngumiti at umiling. Ngumuso naman siya sakin. "Why? Did someone hurt you?.." umiling lamang ulit ako sa kanya. "Walang nanakit sakin, kundi sarili ko..." napakunot naman ang noo niya sa sinagot ko sa kanya. Narealize ko kasi na masyado akong nag-a-assume na siguro mahal na rin niya talaga ako. Ayan tuloy nasaktan ako. Ang tanga ko rin kasi eh, napaka assuming ko rin minsan eh. Magsasalita pa sana siya ng nilagyan ko ang bibig niya ng kanin. "Okay lang ako, don't worry..." nakangiti kong sabi sa kanya. Nginuya naman niya ang isinubo ko sa kanyang pagkain. "Are you sure?.." tumango ako sa kanya. She took a deep breath before nodding her head. Nagpatuloy ulit kami sa pagkain at ng matapos kami ay umalis na rin kami sa unit namin at naglagay lang ng note sa ref para kay Tracy. Nang nasa university na kami ay naghiwalay na rin agad kami at dumiretso na ako sa room ko. Alas syete palang ng umaga kaya hindi pa bukas ang room ko. Dumiretso na muna ako sa may bench at doon naupo. Nagselpon na lamang ako habang naghihintay na mabuksan ang room namin. Wala akong magawa maliban sa pagseselpon kaya naaalala ko na naman yung nangyari kagabi. Takte, bakit ba lagi ko tong naaalala? Bwisit eh. Kinuha ko na lamang ang libro ko at nagbasa basa para mawala sa isipan ko yon at hindi ako masaktan. Damn, it sucks that I have to make myself busy just to feel okay when I'm not. It sucks that I have to make myself busy just to feel I'm not hurting. It really sucks, damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD