Kabanata 15 : Dinner

3196 Words
It's only six in the morning. Mamayang gabi ako babalik sa Manila. Jusko, ayaw ko pang umuwi tinatamad pa ako. Gusto ko rin pati muna dito, walang stress. Kaso nga lang hindi ko makikita si Denzey. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina, and si mama ay nagluluto na ng almusal. Tumabi ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Good morning Ma..." bati ko sa kanya at ngumiti. "Good morning Lia, nak..." Tinulungan ko siya sa paghahanda ng almusal at ilang sandali lang ay bumaba na rin si papa. Nasa hapag na kami at nagsisimula ng kumain. "Mamaya ka na babalik sa Manila diba?..." tumango ako kay Papa. "Mag-ingat ka roon ha? Mamimiss ka namin..." uminom naman ako ng tubig bago magsalita. "Opo ma. Pati mamaya pa akong gabi babalik, hindi pa ngayon. Excited kayo masyado eh..." napangiti naman sila at nagpatuloy kami sa pagkain. Nang matapos kami ay pumunta muna si papa sa talyer pero mamaya ay babalik rin siya, may kukunin lang siya don. Nasa sala ako at kasama ko si mama, nanood kami sa tv. "Anak, talaga bang siya ang gusto mo?.." napatingin ako kay mama ng sabihin niya yon. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. "Opo..." at tumango pa ako sa kanya. Bumuntong hininga naman siya sakin. "Anak, sinasabi ko ito sayo hindi para mawalan ka ng pag-asa kundi para balaan ka. Ayaw kitang nakikitang nasasaktan anak diba? Pero anak, yang taong gusto mo ay may mahal na iba..." may pag-aalala sa mukha niya. "Yung Bianca na model ay muntikan na niyang mapangasawa. Anak, mahirap kalaban ang first love..." dugtong pa niya. "Pero ma, wala naman siya diba?.." umiling si mama sakin. "Yes, wala siya, pero yung puso nung Cal Denzey? Malay mo, nasasakanya pa rin..." my heart ache when my mom said that. She just said, that, although she's far away, he's love is always with her. Wow ang sakit naman. "Pero ma, ang sabi niya sakin. Nagugustuhan na niya ako, diba don naman nagsisimula yun?.." balik kong tanong. "Anak, hindi porket gusto ka ng tao ay mauuwi ito lagi sa pagmamahal..." nasaktan ako lalo sa sinabi ni mama. Pero may pag-asa naman ako, ibig sabihin may laban ako. Ano naman kung siya yung first love? I can bury it. Laban lang Lia. Hinawakan ni mama ang mukha ko bago siya bumuntong hininga. "Anak, tandaan mo, nandito lang si mama ha? Support kita dyan kung dyan ka masaya..." ngumiti siya sakin kaya niyakap ko siya. Nagpatuloy lang kami sa panonood at kwentuhan. Hindi na namin binalik yung usapan kanina, paniguradong masasaktan lamang ako ng sobra. Ang sakit lang na parang wala akong laban kay Bianca. Ganoon ba talaga kamahal ni Denzey si Bianca? Ganon ba talaga nung naging sila na kahit sarili kong magulang alam nila at nawitness nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa? Kung ganon bakit hindi sinabi sakin ni Belle? Tutal naman gusto niya na doon magtrabaho sa hotel ni Denzey, siguro naman alam niya yon diba? Pero alam ko naman na ayaw niya lang akong masaktan at panghinaan ng loob kaya hindi niya sinabi. Wala ba talaga akong pag-asa kay Denzey? Pinalis ko sa isipan ko yun at lumabas ng bahay para makausap sila Kathy. Nasa court kami at nakaupo sa may bench at nanonood ng mga nagbabasketball. Katabi ko si Skylar at nasa kanan ko naman si Mimi. Si Kathy naman ay katabi ni Skylar at si Arvie ay nagbabasketball. "Sanaol may boypren..." sabi ni Mimi. Tiningnan naman siya ni Kathy ng may pagbabala sa mga mata. "Bawal ka pang magboyfriend, lagot ka sa kuya mo..." napanguso naman si Mimi. "Sino bang nagsabing magbo-boyfriend siya diba?.." pangbabara ko kay Kathy. Tumawa lamang ng malakas si Skylar kasama si Mimi at ngumuso lamang si Kathy. "Eh ikaw ba? May boyfriend ka na ba?.." tanong sa kanya ni Sky. "Wala noh..." ngumiwi naman ako sa kanya. "Psh..." tiningnan niya ako ng matalim. "Pramis wala..." nakataas pa ang dalawang kamay niya na parang inaaresto siya. "Wala naman akong sinasabi ah.." natawa ulit si Sky. "Guilty..." napailing iling naman ako at si Kathy naman ay mas lalong humaba ang nguso. "Mamaya na kayo babalik ng Maynila diba?.." tumango kaming dalawa ni Sky. Sabay kami mamaya pabalik ng Manila. Ang sabi niya ay baka sunduin siya ng boyfriend niya mamayang gabi kaya makisabay na rin daw ako sa kanila. "Baka lang..." inungusan naman niya ako at inirapan. Natawa ako sa kanya. Tumambay pa kami ng ilang minuto rito bago ako unang nagpaalam. Maglilibot muna ako rito samin. Namiss ko talaga dito eh. Nang makarating ako sa bahay para kunin ang bike ko ay nandoon na si papa. Mag-ingat daw ako at bumalik bago magtanghalian. Tumango naman ako sa kanila bago pinaandar ang bike ko palabas ng gate. Nag-ikot ikot ako sa buong subdivision at nang mamataan ko ang bahay nila Carlo ay idineretso ko ang bike ko sa tapat ng bahay nila. Binuksan ko ang gate nila at kumatok muna sa pintuan nila. "Carlo!.." sigaw ko sa loob ng bahay bago tuluyang pumasok. Lumabas naman galing kusina ang nanay niya. Ngumiti ako sa kanya at lumapit. Niyakap naman niya ako ng mahigpit. "Good morning po tita, long time no see..." bati ko sa kanya ng kumalas kami sa yakapan. "Good morning din, aba'y pagkaganda ganda mo naman..." ngumiti naman ako sa kanya. "Ano ka ba tita, matagal na po akong maganda. Hindi ka na nasanay..." natawa naman siya sakin bago ako inaya sa kusina. Gumagawa siya ng salad. "Nakakain ka na ba?.." tumango naman ako sa kanya. "Si Carlo po?.." Tinuro naman niya ang taas at nasa kwarto raw, baka daw nag-drodrawing o kung ano man. Tumango naman ako kay tita at dumiretso sa taas. Yung panghuling kwarto yung sa kanya at dumiretso ako roon. Kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto niya. Napatingin naman siya sakin at nagulat. Nginitian ko lang siya at dumiretso sa kama. Nasa study table siya at nag-drodrawing. Dito lang siya sa Laguna nag-aaral ng college. Ayaw niya raw umalis dito at tutulungan niya pa ang magulang niya. Ang bait talaga nitong lalaking ito, ang swerte ng magiging girlfriend o asawa nito. "Oh, napadaan ka?.." niligpit niya muna yung mga gamit niya bago humarap sakin. "Wala lang. Nagbabike kasi ako tapos nakita ko ito. Ayun..." ngumiti lang ako sa kanya bago tumayo at lumapit sa kanya. Tiningnan ko naman ang mga ginawa niya. Ang galing talaga mag-drawing ng lalaking ito. "Ang galing mong mag-drawing. Turuan mo naman ako..." napakunot naman ang noo niya sakin. Nagtataka ito dahil hindi ko talaga hobby ang mag-drawing. Dati ay sila na ang nagsasabing tuturuan nila akong mag-drawing at ako naman ang tumatanggi, kasi okay na sakin ang drawing ko noon. "At bakit naman? Dati naman ay wala kang pake kahit mukhang kinahig ng manok yang drawing mo ah..." sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang sama sama nito. Talaga bang ganoon ka-pangit ang drawing ko para sabihan niyang kinahig ng manok ito. Tsk, ang yabang yabang porket magaling lang siya. "Tss, wag na nga..." at naupo na lang ulit sa kama niya. Pinisil naman niya ang ilong ko. "Aray ko naman..." pilit kong tinatanggal ang pagkakapisil niya sa ilong ko. "Ang cute mo..." tsaka niya lang tinigil ang pagpisil sa ilong ko. Ang sakit sobra, ang pula pa. Para akong si Rudolf, jusko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Matagal na akong cute, duh..." at hinimas naman ang ilong kong ang pula pula. Bwisit itong lalaking ito. Eto ang ayaw ko sa kanya, yung laging namimisil ang sakit sakit kaya. Nag-stay pa kami ng ilang minuto sa kwarto niya at bumaba lang kami ng tawagin kami ng mama niya. Tapos na raw yung salad na ginagawa ni tita. Nagdiretso kami sa kusina at naupo ako sa tapat ng upuan ni tita at si Carlo naman ay sa tabi ko. "Wow, ang mukhang masarap..." I exclaimed. Ngumiti naman sakin si tita. "Mas masarap ako diyan..." tiningnan ko lang siya. "Utot mo. Yuck..." pang-aasar ko sa kanya. Natawa lang siya at kumain na kami. "Diba ay sa Manila ka nag-aaral ngayon Lia ano?.." tumango naman kay tita. "Aba'y mag-ingat ka roon ha?.." "Opo tita. Kasama ko rin naman po doon si Tracy..." Tumango lamang siya sakin at nagpatuloy kami sa pagkain. Nang matapos kami ay nagkwentuhan pa kami ni Carlo bago ako umalis. "Bye..." nakangiti kong sabi bago ko pinaandar paalis ang bike ko. Nag-ikot pa ako sandali bago bumalik sa bahay. Pagkarating ko naman doon ay nakaluto na ng tanghalian si mama. Dumiretso muna ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko. Ang daming text ni Tracy sakin, nireplyan ko lang siya ng 'babalik rin naman ako mamaya' at 'mag-ingat siya roon'. Naghintay pa ako ng isang minuto baka sakaling may magtext pa pero wala na. Tsk, bakit ba hindi naman si Denzey ang gumawa ng first move ano? Bumaba na ako sa kwarto ko ng nakabusangot ang mukha. Psh, para talaga siyang babae, ako na lang lagi gumagawa ng first move. Tsk, bwisit. Kumain na kami ng tanghalian at kasabay namin ang pinsan ko. Magkatabi kaming dalawa at abala ang mga magulang namin sa pagkekwentuhan. Habang kumakain ako ay siniko naman ako ni Sky kaya napatingin ako sa kanya. "What?.." tumaas ang kilay niya sakin. "Ay taray, English..." inismidan ko lang siya. "Bakit kanina pa nakakunot ang noo mo insan?.." napanguso naman ako sa kanya. Sasabihin ko ba? Huwag na kaya? Psh, pero pinsan ko naman siya eh kaya sige na nga. "Si Denz— I mean si Cal kasi, hindi nagtetext sakin..." nakasimangot kong sabi. Tumaas naman ang kilay nya sakin. "Bakit naman siya magtetext sayo, eh hindi naman kayo..." tiningnan ko naman siya ng masama. Grabe talaga itong babaeng ito, ang sama sama nya. Masyadong masakit magsalita. "Oh bakit? Totoo naman ah, ikaw pa nga ang nanliligaw..." pinalo ko naman ang braso niya at natawa lamang siya sakin. "Ano? Truth hurts ba?.." "Aish, bwisit ka insan..." "HAHAHA..." Pinalo ko naman siya ng dalawang beses pa bago nagpatuloy sa pagkain. Lugi talaga ako minsan dito sa babaeng ito, nakakainis. Nagpatuloy na rin siya sa pagkain pero natatawa pa rin dahil nakabusangot pa rin ako. Mas lalo lang niyang dinagdagan ang pagkakabusangot ko. Bwisit talaga itong babaeng ito. Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto at sumunod naman sakin si Sky. I glared at her when she sat on my bed. "What? Ang sama mo tumingin insan..." tsk, kung nakakamatay lang ang tingin paniguradong nakabulagta na siya ngayon dito at kinakain ng mga uod. Inirapan ko na lang siya at umayos ng pagkakahiga bago kinuha ang cellphone ko. "Huwag ka nang umasa na siya ang unang magtetext sayo. Remember, ikaw ang manliligaw..." at tumawa na naman siya nang pagkalakas-lakas. Bumuntong hininga ako at hindi na lang siya pinansin. "HAHAHA Ang sarap mong picturan..." "Subukan mo, lagot ka sakin..." pananakot ko sa kanya. Niyakap naman niya yung sarili niya at kunwaring natatakot. "Huwag po. I'm scared..." at nanginginig pa yung mga labi niya. Natawa naman ako sa mukha niya. Para pusa na binuhusan ng tubig. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pagseselpon at tumabi naman siya ng higa sakin. "Pero insan, musta na? May pag-asa ba?.." seryoso niyang pagkakasabi. Tumango naman ako sa kanya. "Oo meron, sabi niya kaya mag gusto na raw siya sakin..." I said proudly. Tumingin naman ako sa kanya at nakangiti siya sakin. "Wow, malaking progress yan ah..." ngumiti ako sa kanya bago tumango. Bumuntong hininga siya bago tuluyan na nagsalita. "Pero insan, wag mo masyadong i-attach ang sarili mo sa kanya o wag mo masyado siyang mahalin, kasi walang kasiguraduhan na ibabalik niya yon sayo. Remember, magkaiba ang gusto sa mahal..." tumango naman ako sa kanya. Alam ko naman yon, dapat magtira rin ako sa sarili ko. Hindi yung lahat lahat ibibigay ko sa kanya. "Oo nga pala, musta na? Si Tracy? Ano nagustuhan ba niya yung regalo ko?..." tinaas baba pa niya yung kilay niya sakin. Ngumisi naman ako sa kanya. "Bwisit na bwisit yung isa..." natawa naman siya sa sinabi ko. "Paniguradong lukot mukha non..." may pagkasir din itong babaeng ito, nahahawa na kasi siya kay Mac. "Pano ba naman, puyod ang regalo mo. Sinong hindi nalulukot mukha doon. At alam mo ba?.." tumingin naman siya sakin. "Hindi..." inirapan ko siya. "Si Macmac, toothbrush ang regalo kay Tracy. HAHAHAHA..." so Skylar naman ay humagalpak rin ng tawa. Jusko, sino ba naman ang hindi matatawa. Napakaganda kasi ng regalo eh. Insert sarcasm. Nagtagal pa siya rito sa kwarto ko ng mahigit isang oras bago siya bumalik sa kanila dahil hinahanap siya ni tita Maria. Pinaalala niya pa sakin ng mamayang alas sais kami luluwas pabalik ng Manila. Susunduin na lang daw kami ng boyfriend nito. Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko at nag-seselpon. Maya-maya lang ay tumunog ang phone ko at nagulat ako ng tumatawag si Denzey sakin. Jusko, hindi ba ako nananaginip? Nako nako nako. Tumikhim muna ako at inayos ang boses. "Hello Denzey.... Ay hindi pangit..." tumikhim ulit ako. "Ahm good afternoon Denzey..." aish, okay na yun. I answer his call. Tumikhim naman ako pati narin sa kabilang linya. "Hello Denzey?.." wala kasing nagsasalita sa kabilang linya. "Hello..." he said in a deep tone. God, how I miss his voice. "Napatawag ka?.." "Are you busy?.." balik niyang tanong sakin. I cleared my throat before answering. "No, hindi..." I heard him took a deep breath. Para siyang naghahabol ng hininga. Ano kayang ginagawa nito? "I just want to check you, that's all..." Sus, hindi pa aminin na namimiss niya ako. Wala kasing nambubulabog sa kanya tuwing umaga. Pero siyempre hindi ko yan sasabihin, mamaya sabihan na naman niya akong assuming, tsk. "I'm okay naman. Ikaw ba?.." "I'm resting..." he said. "Bakit? Ano bang ginawa mo?.." I asked him curiously. "Gym..." maikli niyang sabi. Oh, that's explain why. Argh, akala ko naman kung ano na. Argh, I hate my mind. "Hey..." pukaw niya sakin. Bumuntong hininga naman ako bago nagsalita. Ikaw Lia ah, yang utak mo, ayus ayusin mo. "Ahm, kamusta ka naman dyan? Namiss mo ako noh..." I can't help but to laugh because I heard him groan. Sasabihin na naman niya ang assuming ko. "You're assuming..." he commented. "I know..." "Buti alam mo..." Ngumisi lamang ako dahil hindi din naman niya ako nakikita. "Aminin mo na kasi, namimiss mo ako..." pang-aasar ko pa sa kanya. "No..." "Ayie, kunwari ka pa eh..." "Tsk, bye..." ta pinatay nga niya ang linya. Napatingin naman ako sa cellphone ko at natawa. Ang pikon pala niya, nagjojoke lang masyadong sineseryoso. Ilalagay ko na dapat ang cellphone ko sa mini table katabi ng kama ko ng magvibrate ito. Tiningnan ko naman kung kanino ito galing at napangiti ng malawak. From Denzey Babe I miss you. Jusko, kinikilig ako. Totoo ba ito? Good God, kung anong lungkot ang nadama ko kanina biglang nawala na lang dahil dito. Oh Denzey, masyado mo akong hinuhulog sayo. To Denzey Babe I miss you more. Hahaha, babalik na ako mamaya. Lutuan mo ako ng pagkain mamayang gabi. Oh diba ang kapal ng mukha ko, alam ko na yan. From Denzey Babe Why would I do that? I'm not your maid. Ngumisi ako. To Denzey Babe Please. Mamayang alas sais ang balik ko diyan sa Manila. From Denzey Babe No. Ngumuso naman ako sa reply niya. Hmp, okay wag na lang. Nagreply ako ng 'sige wag na lang' bago ko inilagay yung cellphone ko sa lamesa. I'll just take a nap. Paniguradong pagod ako mamaya pag pabalik na kami pa-Manila. Iisa lang naman pati ang dala kong damit kaya hindi na ako mag-aabalang mag-ayos ng gamit. Ng magising ako ay 4:30 pm na kaya nagdiretso na ako sa CR para maligo. Tumagal pa ako sa CR dahil nagbabad pa ako sa tubig. Nang matapos ako ay nag-jeans, sleeveless v-neck, cardigan at sneakers ang suot ko. Inilugay ko lang ang mahaba at itim na itim kong buhok. Lip balm at foundation lang ang inilagay ko sa mukha dahil hindi naman ako mahilig mag make-up. Napatingin naman ako sa orasan at nakitang alas singko e trenta na. Chineck ko pa ulit ang mukha ko bago bumaba sa sala. Nakita ko naman sila mama na nandoon sa kusina. "Oh kumain ka muna dito..." ngumuso naman ako kay na mama bago ibinaba ang dala kong bag sa sofa para pumuntang kusina at kumain. Habang kumakain kami ay todo sa pagpapaalala si mama. Wag daw akong masyadong papagabi galing university, wag daw akong maglalasing, wag daw akong sasama sama kung kani kanino. Si mama, ginawa akong bata. Natatawa naman si papa sa mukha ko. "Ano ka ba mahal, alam na niya yun..." sabi ni papa kay mama habang hawak ito sa may braso. "Pinapaalala ko lang. Baka nakakalimutan na eh..." ngumiwi lamang ako kay mama. Nagpatuloy kami sa pagkain at nang matapos ay saktong dumating si Skylar kasama ang boyfriend niya. "Good evening po tita, tito..." bati ni Sky kay mama at papa. Ako naman ay kinuha ang bag ko sa sala. "Oo nga po pala, boyfriend ko. Siya po ang maghahatid samin pabalik ng Manila..." tumango naman sila mama at papa. "Iho, ayusin mo ang pagdradrive..." paalala sa kanya ni papa at tumango naman si Calvin sa kanya. Calvin nga ba? Kaunting paalalahan pa ang nangyari bago kami pinalabas ng bahay. Hinatid naman nila kami hanggang sa mag kotse at niyakap ko naman silang dalawa. Hinalikan nila ako sa tuktok ng ulo ko. I kissed their cheeks and smiled. "Tandaan anak, wag mong ibibigay ang sarili mo para lang piliin ka at magstay sayo ang isang tao..." tumango naman ako sa kanya. Of course, hindi ko ibibigay ang sarili ko sa isang lalaki dahil lang sa mahal ko siya at gusto ko siyang magstay sakin. Naniniwala parin naman ako sa kasabihang 'a best gift to your husband is your virginity'. Niyakap ko pa ulit sila ng isang beses bago ako pumasok sa back seat. Kumaway naman sila sakin ng umandar na ang sasakyan. Nang hindi ko na sila naaninag ay sumandal ako at tiningnan ang dalawa. I can see love in their eyes, full of love. I wish I can experience that kind of love, yung tipong kahit hindi mo sabihin na mahal niyo ang isa't isa, nararamdaman niyo naman. Ang perfect nila, road to forever na itong dalawang ito. Tahimik lamang ako dito sa likod at yung dalawa lamang ang nag-uusap. Tinitingnan ko lang ang mga tanawin sa labas ng bintana ng magvibrate ang phone ko. From Denzey Babe I'm making dinner. Dito ka na muna dumiretso sa unit ko. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa text niya. Hindi nga? Hindi ito scam? Napangiti naman ako ng malawak. Nako, Denzey. Sinasabi ko na eh, you can't resist me. I type a message and send it to him. To Denzey Babe Copy. By the way, thank you Denzey. I appreciate it a lot. Hindi siya nagreply sa text ko, siguro ngayon ay nagsisimula na siyang magluto. Kinikilig na naman ako, jusko hindi na matapos tapos ang kilig ko. Lagi na lang nadadagdagan. Nako Denzey, you're making me fall so hard. And I'm just keep falling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD