Kabanata 14 : Mahal

2444 Words
Hapon na nung bumaba ako sa kwarto ko. Grabe, nag-emote pa ako roon sa kwarto ko. Paano ba naman, pagkaganda ganda talaga ni Bianca. Para siyang anghel na bumaba sa langit. Pero dapat di tayo papatalo, maganda din kaya ako. Kung nag-model ako edi mas lalo na akong gumanda, tsh. Nasa sala ako at nanonood ng tv samantalang si mama ay nasa CR. Nang mag-commercial ay nakatulala lang ako sa tv nang biglang magpop ang mukha ni Denzey. Napaayos ako ng upo ng dahil doon at saktong labas ni mama. Napatingin sakin si mama pati narin sa tv. Matalino si mama kaya nalaman na niya agad. Umupo siya sa tabi ko at nakinood na rin. Nakatutok lang ako sa mukha ni Denzey ng ang mag-focus ito sa hotel kung gaano ito kaganda. Totoo ngang maganda yung hotel, may ilang pool tsaka maganda din yung dagat. Maganda ang quality ng hotel nila. Paniguradong mahal ang bayad dito. Nang magpop na naman ang mukha ni Denzey ay nagliwanag ang mukha ko. Napansin naman yun ni mama at napatingin naman siya sakin. Nararamdaman ko si mama na nakatitig sakin ng malisyosong tingin. Nang matapos ang commercial niya ay tsaka lamang ako tumingin kay mama. Nakangiti siya ng nakakaloko. Tumikhim naman ako at umiwas ng tingin sa kanya. Halata na niya na si Denzey yung taong gusto ko. Tumikhim rin si mama at mas lalong tumabi sakin. "Siya ba anak?" napakagat labi lang ako sa sinabi ni mama. Hindi ako makatingin sa kanya kaya naman natawa siya. Napa-face palm ako ng dahil don. Wala na nahuli na ako. Ngumuso ako at tumingin sa kanya. "Kay gwapo naman ng iyong nililigawan, anak." psh, tingin talaga sakin ni mama lalaking lalaki ah. Makapagsabi na nililigawan, well totoo naman. Psh kahit na. Hindi ko siya sinagot at tumingin na lang sa tv. Nahihiya ako kay mama, nakita niya pa ako kung gaano ko kagusto yung lalaking yan. Inasar pa niya ako ng inasar pero hindi ko na lang pinansin. Hmp. Natatawa sakin si mama dahil sa mukha kong nakabusangot. "Oh sha, hindi na. Pupunta lang ako sa talyer at ihahatid itong pagkain sa papa mo." napatingin naman ako at sumunod sa kanya sa kusina. "Ma, ako na lang magdadala niyan kay na papa." tumingin naman siya sakin bago tumango. Tuwing hapon ay nagdadala ng pagkain si mama sa talyer para kayna tito at papa. Ako minsan ang nagdadala at nakabike lang ako. Nang maibigay sakin ni mama yung pagkain at inilagay sa bag ay pumunta na ako sa labas at hinanap ang bike ko. Matagal na rin itong bike kong ito pero hanggang ngayon ay maayos parin. Kinuha ko ito at isinabit yung bag sa may handle. Ng makalabas ako ng gate namin ay nakita ko si Skylar na nakikipag-usap sa kaibigan namin na taga rito lang din. Napatingin naman sila sakin kaya kumaway sila at lumapit sakin. Inayos ko muna yung bike ko bago ko sila sinalubong. "Wow, musta ka na Lia?" ngumiti ako sa kanila. "Eto maayos naman ako, eh kayo ba?" balik kong tanong sa kanila. Sila Kathy, Mimi, at Arvie itong tatlo. Kaibigan rin namin at kaklase simula nung nagkinder kami. Well si Mimi lang ang hindi dahil 15 pa lang siya ngayon, magkapatid silang dalawa ni Arvie. "Eto maayos lang din. Saan ka nga pala?" napabalik ang tingin ko sa bike ko at oo nga pala magdadala pa ako ng pagkain kay na papa. Siguro naghihintay na yung mga yun. "Ayt magdadala kasi ako ng pagkain kay na papa eh. Una na muna ako ha? Mamaya na lang ulit." paalam ko sa kanila at tumango naman. "Namiss ka namin." nakangusong sabi ni Mimi. Ngumiti naman ako sa kanya at kiniss siya sa pisngi. "Namiss rin kita. Sige una na ako ha? Mamaya ulit. Bye." bumalik na ako sa bike ko at pinaandar ito papuntang talyer. Mga limang minuto lang naman ang pagpunta ko ron. Bibilisan ko na lang din. Nang makarating ako sa talyer nakita ko sila papa na nakaupo na at nakahanda na ang table. "Pa eto na ang pagkain oh." kaway ko sa kanila at napatingin naman halos silang lahat sakin, kahit yung ibang trabahador. "Oh ikaw pala yan anak. Halika." pumunta naman ako sa kanila at nagmano. May ibang empleyado rin na bumati sakin. Naupo na muna ako sa tabi ni papa para makikain. Nagkekwentuhan lang sila ng nabanggit ni papa na birthday ni Tracy. "Oo nga pala birthday nga pala ni Tracy ano. Oh anong handa noon don?" tanong sakin ni tito William. Naka-text ko kanina si Tracy at sabi niya ay kakain na lang daw muna sila sa labas pagkatapos ay magclub sila. Siyempre, sabi ni Tracy wag ko raw sabihin kay tito na magclub sila, baka raw magalit. Hindi naman ganoon si tito grabe talaga itong si Tracy. Bad siya sa papa niya. "Ang sabi po niya ay kakain po sila sa labas. Yung mga kaibigan po namin." tatango tango naman sila sakin. "Aba'y bente na iyon diba?" tumango naman ako kay tito Greg. Nag-uusap parin kami ng makita ko si Carlo sa tabi. Si Carlo ay dito rin nagtratrabaho. Mas matanda lang siya sakin ng dalawang taon, patapos na siya mag-college. Hindi ako sanay na tawagin siyang kuya dahil siya na rin mismo ang nagsabi na huwag namin siyang tatawaging kuya, dahil daw nagmumukha raw siyang matanda na. Psh, matanda naman na talaga siya. Ngumiti siya sakin kaya ibinalik ko rin ang ngiti ko sa kanya. Hindi naman sa pagmamayabang, pero may gusto kasi talaga siya sakin, kahit si Arvie. Pero ewan ko na lang kay Arvie ngayon kung gusto niya parin ako kahit dito kay Carlo. May itsura rin naman si Carlo eh, nung highschool kami ay marami rin ang nagkakagusto sa kanya. Mabait din kasi siya, matulungin, palagi pang nakangiti. Ang gentleman pa niya kaya ang dami daming babae ang nahuhulog sa kanya. Kaso hindi nga lang ako, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at alam naman niya yon. Tumayo ako sa upuan ko at lumapit ako sa kanya. Nagpunas naman siya ng kamay sa towel. Naupo ako sa may gilid at tumabi siya sakin. "Musta ka na, pre?" tanong niya sakin. Pre ang tawagan namin simula bata pa kami. "Eto, maayos naman ako. Ikaw ba pre? Kamusta ka na? Marami pa rin bang chics?" napatawa naman siya ng mahina sa sinabi ko. Umiling lamang siya sakin. "Wala. Alam mo naman na magtatapos pa ako at maghahanap ng trabaho diba?" ngumiti naman ako sa kanya. Isa rin sa ugali niya ay masyado siyang mapagmahal. Mahal na mahal niya yung family niya. Kaya hanggang wala pa rin siyang girlfriend ay dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay muna ang pamilya niya bago siya maghanap ng babaeng para sa kanya. Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano. Yung mga childhood days namin, yung time na nahulog ako sa kanal, yung nagsemplang kami sa bike, yung hinabol kami ng aso. Ang saya saya nun that time. And ngayon ko napagtantong best memories are the saddest one. Because only thing you can do is to just smile as you remember all those funny and silly moments you did back then. Because sometimes the best memories are the saddest ones, because you know they will never happen again. Nang sumakit ang pwetan ko kakaupo ay tumayo ako at nagstretch ng katawan, ganoon rin naman siya. "Eh ikaw? May boyfriend ka na?" napatingin naman ako sa kanya at napanguso bago umiling. Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko. Aish eto ang isa sa ayaw ko eh, yung ginugulo buhok ko dahil nagmumukha akong bata. Inirapan ko siya at inayos ang buhok ko. "Asus hindi nga?" tumango ulit ako. "Ang kulit mo noh!" nakanguso kong sabi. Pinisil naman niya yung magkabila kong pisngi. "Arouchh!!!" pilit kong tinatanggal ang pagkakakurot niya sa pisngi ko. Aish ang sakit, ang pula nito panigurado. Nang tinanggal niya ang pagkakakurot sakin ay tawa siya ng tawa. Sinipa ko ang tuhod niya don. Natatawa pa rin siya habang sapo sapo ang tuhod niya. "Una na ako umuwi ha! Baka hinahanap na rin ako nila mama." paalam ko sa kanya at tumango naman siya. Nagpaalam na rin ako kayna tito at papa don. Hinatid pa ako ni Carlo hanggang sa may bike ko. "Salamat, una na ako. Bye." kumaway naman siya sakin at ngumiti. "Ingat ka. Bye." at pinaandar ko na paalis sa talyer ang bike. Namiss ko rito samin, dati lagi kaming gala nang gala dito. Naalala ko yung time na hinabol kami ng aso. Ako, si Tracy, Skylar, Macky, Carlo, Kathy, at Arvie non that time. Sila Arvie, Mac, at Carlo nagsiakyatan sa puno, samantalang ako ay pumunta sa bubong ng tricycle. Sila Kathy at Skylar naman ay nagtakbuhan pauwi, buti na lang hindi nahabol at si Tracy naman ay muntikan ng nakagat nang aso non. Tumigil kasi siya that time kasi hinapo siya kakatakbo tapos nasa likod na niya pala yung aso, buti na lang may dumating na matanda at pinaalis yung aso. Naalala ko rin yung nahulog ako sa kanal. Ten years old ako non. Naglalakad kasi ako ng patalikod non, kasama ko si Carlo at Skylar. Binalaan na nila ako noon na mahuhulog daw ako sa kanal kaso hindi ako nakinig kasi akala ko nagjojoke lamang sila. Tapos ayun, splash!!! Hulog ako sa kanal. Pag-uwi ko sa bahay ay napakabaho ko, sobra. Nasabihan pa ako non ni mama ng 'ang tanga ko raw.' Napalo pa ako non sa pwetan. Ang sakit kaya. Bakit ganon noh? Ikaw na nga nasaktan tapos sasabihan ka pang tanga at papaluin ka pa. Nang makarating ako sa bahay ay nagdiretso muna ako sa cr para manghinaw nga katawan. Dumiretso ako sa kusina at nakita roon sila Kathy. Napatingin naman sila sakin at ang laki laki ng ngiti nilang apat. Nakows, sinabi siguro ni Skylar yung tungkol don. Naupo ako sa tabi ni Mimi at uminom ng tubig. "May boyfriend ka na pala ha." naibuga ko ang tubig ng sabihin ni Kathy yon. Naubo ako at tatawa tawa lang silang apat. Tiningnan ko ng matalim si Skylar at umiwas lang siya ng tingin sakin. "Wala pa akong boyfriend." pagkokorek ko sa kanila. "Wala PA. Ibig sabihin magkakameron pa lang. HAHAHA." Arvie said. Tsk, bwisit itong apat na ito ah. Inirapan ko na lang sila at hindi ko na yun kinontra. "By the way, where's mother?" pag-iiba ko ng topic. Nasa bahay daw siya nila Tita Velvet at nakikipagkwentuhan. Oh diba, minsan may pagkatsismosa rin ang nanay ko. Tumango na lamang ako sa kanila at pinakinggan na lang silang mag-usap. "Sa FEU ako nag-aaral eh, kasama ko itong si Arvie. Diba doon din si Macky?" tumango naman ako sa kanya. "Ako ay sa UST pati na rin si Bryony. Ang ate ko ay nagtratrabaho na yon kaya lagi rin akong may pera kasi lagi niya akong binibigyan HAHAHA. Ang sabi ko huwag na pero makulit yun, tsk. Ang dami ko tuloy laging pera." pagkekwento ni Skylar. Oh diba, mabait si Ate Kristen. Kahit na hindi ka humingi ng tulong sa kanya ay magkukusa siya. Ang swerte nga nila Skylar kay Ate Kristen. She value so much her sisters and her parents. "Ikaw pag nag-college ka Mimi, san mo gusto?" tanong ni Arvie sa kanya. "Gusto ko sa La Salle or di kaya ay sa Adamson kuya." napanguso naman sa kanya si Arvie. "Ayaw mo sa FEU? Hindi mo na lang si kuya?" napatingin naman ako sa kanya ng nandidiri. Kadiri ito, pabebe amp. Nagsuka-sukahan naman si Skylar sa kanya at si Kathy naman ay kunwaring kinilabutan at nag sign of the cross pa. Natawa ako sa mukha ni Skylar, grabe akala ko hindi papangit ang isang ito dahil, napakaganda talaga nitong pinsan kong ito kaya ang dami daming lalaking nahuhumaling rito. Pero ngayon ang pangit niya nung ginawa niya yon, jusko Sky. Nagpatuloy sila sa kwentuhan habang ako ay nagpunta sa kwarto ko sa taas. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang contact list ko. Alas singko na, siguro sila Tracy ay naghahanda na papuntang club. Tinawagan ko siya at ilang ring lang ay sinagot niya na rin ito. "Hello Tracy. Happy birthday ulit." bati ko sa kanya. "Hello Lia. Ano, musta na dyan? Si Skylar nandyan ba? Bwisit siya, yung regalo niya sakin." napakunot naman ang noo ko sa kanya. Ano kayang regalo ng pinsan ko rito. "Ano bang regalo?" tanong ko sa kanya. "Jusko, para dadalawang piraso ng puyod. Ang galing, bwisit siya." natawa naman ako ng malakas. Seriously?! Puyod talaga, laptrip eh. Busangot na busangot ang mukha nito panigurado. "Eh si Macky, yung pinsan mo?" tanong ko ulit. "Ay nako isa pa yon, bwisit rin." "Bakit, anong regalo. Ngayon palang parang natatawa na ako." "Jusko, toothbrush lang naman ang regalo sakin. Ang baho raw ng hininga ko, duh siya kaya yon. Bwisit talaga yung tukmol na yun." mas lalo lamang akong natawa. Jusko, sa dinami dami ng pwedeng iregalo, toothbrush talaga. Tawa parin ako ng tawa at si Tracy naman ay bwisit na bwisit sa kabilang linya. Ang sabi niya ay nagbibihis na siya at papunta na silang club ngayon. Kasama raw si Eathan. Si Ice naman ay hindi makakasama dahil may family dinner daw. Kaya silang apat lang ang magkasama. Sayang, hindi ako makakasama. Well, kung nandoon rin naman ako ang awkward naman dahil kay Eathan. Hindi ko pa nga siya nakikita ulit simula nung time na nagconfess siya sakin. Mabuti na rin na umuwi ako rito samin. Tutal miss ko na rin sila mama at papa. "Oh sige, bye na. Ingat ka dyan ha?" tumango naman ako na parang nakikita niya ako. "Oo, ikaw rin ingat ka diyan. Huwag kang masyadong maglasing ha? Wala ako riyan. Bye na." paalala ko sa kanya. "Opo nanay bye na. Loveyou muah." "Bye..." At ibinaba ko na ang tawag. Wag siyang masyadong magpakalasing dahil jusko, wala ako ron para maghatid sa kanya. Baka mamaya mapano pa siya, nako po. Nag-online ako at tiningnan ang insta ko. Wala naman masyadong ganap dito kahit sa Twittering ko. Tiningnan ko na lang ang contact list ko at nakita ang pangalan ni Denzey. Naalala ko na naman yung ex niyang si Bianca. Kaya pala ganon na lang ang reaksiyon niya noong tinanong ko siya kung may girlfriend na siya. May dumaan na sakit sa mga mata niya. Now I know kung bakit ganoon. Masyado niyang mahal si Bianca. Nalungkot ako sa isipin na yon, pero ang sabi naman niya ay gusto niya ako diba? Ibig sabihin may pag-asa ako sa kanya. Dun naman nagsisimula diba? Magkakagusto muna tapos mamahalin niya na rin ako. Kasi ako, oo, inaamin ko. Mahal ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD