JEAN'S POV "AYOKO nito. Nasasagwaan ako!" asiwang sabi ko habang binabanat-banat pababa ng binti ang suot kong dress. Hindi naman iyon sobrang iksi, sa katunayan nga ay napakadesente pa ring tingnan ngunit sa isang kagaya ko na once in a blue moon lang makapagsuot ng ganoong klase ng damit ay sobrang big deal na niyon. "Ang arte mo, sabi nga ng babae ay bagay sa 'yo. Miss, I will pay for that dress. Please, 'yong tag price na lang ang i-punch mo at huwag mo nang ipahuhubad sa kaniya, baka kasi hindi na niya isuot ulit." Tumalima naman ang saleslady sa tinuran ni Markus. "B-But... No!" protesta ko pa. "I don't want to wear this. Gusto ko ang pantalon at blouse ko. No, ayoko nito!" Ngunit tinatawanan lang ako ni Markus. Pumasok siya sa dressing room at kinuha roon ang pinaghubaran ko.

