Episode 25

2724 Words
Axel's POV Simula ng makabalik kami galing sa Batangas ay patuloy pa din ang pag-iwas ko kay Isabella. Iyon lah kasi talaga ang magagawa ko sa ngayon. Alam ko minsan ay naaawa ako sa kanya dahil sinusungitan ko na lamang siya ng walang dahilan.  Labis din akong nasaktan nang mapagsalitaan ko siya ng masakit. Kita ko pa nga na napapaiyak na siya dahil sa mga nasasabi ko sa kanya.  Kumabas siya ng opisina ko at alam ko na umiiyak siya. Gusto ko siyang habulin at humingi ng sorry pero hindi ko magawa. Inabala ko ang sarili ko sa hatap ng laptop ng biglang may kumatok sa pinto. Malamang si Isabella na iyon kayo inisip ko na ngingitian ko siya at magsosorry sa nasabi ko. Kaya lang pagbukas ng pinto ay hindi siya iyon kundi ang ex-boyfriend niya.  "Anong ginagawa mo dito? Sa pagkakaalam ko bukas pa ang meeting natin." sagot ko sa kanya.  "I know kaya hindi business ang pinunta ko dito. I want o talk to your secretary. Pwedi ko ba siyang mahiram sandali?"  Napatawa pa ako sa kanya. "Hindi bagay ang secretary ko para hiramin mo." "Sandali lang kami and I promise na hindi na ako babalik dito kapag pinayagan mo ako."  "Fine. Pero sandali lang." sagot ko sa kanya. Lumabas na siya ng office ko. Muli kong pinagpatuloy ang ginagawa ko kaya lang ay biglang nagugulo ang isip ko at hindi ako makapagconcentrate. Iniisip ko si Isabella. Ewan ko ba bakit bigla akong tumayo at lumabas ng office ko.  Hinanap ko silang dalawa. Para akong tanga sa ginagawa kong ito. Until I saw them two na sumakay sa elevator. Sinundan ko sila hanggang ground floor. Nagtuloy-tuloy pa sila hanggang sa parking lot.  May pag-aalinlangan pa ako na sundan sila hanggang parking lot. Hanggang sa napansin ko na parang nag-aaway sila sa loob ng sasakyan. Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan sila. Papaandar na ang sasakyan niya nng bigla akong humarang sa kanila.  Kumatok ako sa driver's seat at lumabas naman si Mr. Perez. Sa inis ko sa kanya ay sinuntok ko siya.  "Sir, tama na po iyan." pigil ni Isabella nang bumaba siya sa sasakyan.  Hinawakan ko ang kamay niya.  "Ano bang problema mo, Axel. Di ba pumayag ka na hiramin ko ang girlfriend ko." galit na sabi niya sa akin.. "Girlfriend o ex girlfriend? Ayaw niyang sumama sa iyo kaya wag mo siyang pilitin. Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa mga security guard."  Kaagad naman siyang pumasok sa kanyang kotse at pinaandar niya ang kanyang kotse.  "Are you okay?" bigla kong tanong sa kanya.  Tumango naman siya sa akin "Salamat po sir. Pero hindi niyo naman po kailangang gawin iyon." Muli ay naalala ko na hindi pala ako dapat maging mabait sa kanya.  "Come on Isabella, I was just passing by at nakita ko na nagtatalo kayo kaya ko iyon ginawa. Wag mong lagyan ng ibang kahulugan ang pagtulong ko sa iyo dahil kahit sino ay gagawin ang ginawa ko."a Iyon ang sinabi ko at tumalikod na ako sa kanya at nagkunwari na pumasok sa aking sasakyan at pinaandar iyon. Habang papalayo ako ay sinusulyapan ko pa rin siya sa side mirror at nakikita ko na umiiyak na siya. Muli ay nakaramdam ako ng guilty sa mga sinabi ko sa kanya.  Pagkatapos ng halos isang oras ay muli akong bumalik sa opisina kaya lang ay hindi ko siya makita.  "Nasaan ang sekretarya ko?" tanong ko sa mga ibang empleyado na nasa labas lang ng opisina ko.  "Sir, hindi ko pa po siya nakikita mula kanina.." Naalala ko nanaman ang kanina nang makita ko siyang umiiyak. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganoon. Muli ay inabala ko ang sarili ko sa ginagawa ko. Halos dalawang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din siya bumabalik. Naisip ko tuloy kung nagalit ba siya sa akon dahil sa sinabi ko sa kanya. Hanggang sa mag-aalas singko ng hapon ay naisipan ko ng umalis na sa opisina.  Binalak kong puntahan siya sa kanilang bahay. Ngunit pagdating ko doon ay nakasara ang pinto nila at mukhang wala ding tao. Hanggang sa nagtanong ako sa kapitbahay nila.  "Excuse me po, ale, nasaan po yung mga nakatira dito?"  "Ah, alam ko inatake yung tatay at dinala sa hospital. Kawawa nga dahil yung batang lalaki lang ang kasama." "Alam niyo po ba kung saang hospital po siya dinala?"  "Naku hindi pogi, pasensiya na." Nakaramdam ako ng awa ng mga sandaling iyon. Alam ko na may tuberculosis ang tatay nila.  Nagtanong-tanong pa ako sa ibang mga kapitbahay nila kung alam nila kung saan dinala ang tatay ni Isabela hanggang sa may isang matandang lalaki ang may alam dahil kasama daw siya sa mga naghatid sa kanya sa hospital. Kaagad kong tinungo ang hospital.  "May dinala ba dito kanina na tuberculosis patient na may katandaan na na lalaki?" tanong ko sa isang nars. "Yes po." Tinanong ko siya kung saan ang room number ng pasyente. At papunta palang ako doon ay kaagad kong nabungaran si Bugoy kasama ang nanay nila. Nagtago pa ako dahil ayaw ko na makita nila ako.  Tinungo ko ang room ng itay niya at doon ay nakita ko siya at nagbabantay sa kanya. Kita ko ang kaawa-awang mukha niya habang nakatingin sa walang malay niyang itay. Gusto kong pumasok kaya lang ay wala akong lakas ng loob.  Ilang sandali lang ay umalis na din ako. Nagtanong ako sa doctor niya kung kumusta ang kalagayan ng ama niya at nabaggit nga niya na medyo malala ang kalagayan niya at kailangan ng kaagad maoperahan. Kung kailangan man niya ng pera handa ko siyang bigyan ng kailangan niya kung sakaling humingi siya ng tulong sa akin.  Kinabukasan, may meeting kami sa office ng mga investors sa company. Alas nuebe ng umaga kami nagsimula pero hindi wala pa din siya. Alam ko may problema siya pero alam niya dapat ang trabaho niya. Nakaramdam ako ng kaunting inis.  Napatingin naman kami lahat ng bigla na lang bumukas ang pinto. Si Isabella iyon. Tiningnan ko siya na mukhang galit.  Mag-aalas dose na din ng tanghali ng matapos ang meeting namin.Paglabas namin ng opisona ay naroon pa din si Isabella at nakayuko.  "Ms. Garcia, pakiescort sila para sa kanilang lunch, susunod ako." utos ko sabay harap kay Isabella. "Yes sir. " "And you, sumunod ka sa akin." sabi ko sabay pasok sa office at sumunod naman siya sa akin.   "What do you think your doing?" galit kong tugon sa kanya. "Sorry po." nakayuko lang niyang sagot. "Now tell me, bakit bigla kang nawala kahapon? Don't tell me, hinabol mo yung ex mo." sabi ko kahit na alam ko naman ang totoong dahilan.  "Sir, hindi ko po iyon gagawin." "So ano?" "May emergency po bigla." "What kind of emergency? Ah, siguro sinundo mo yung kapatid mo. Kaya din siguro nandito kahapon yung ex mo kasi nakiusap ka na samahan ka na sunduin siya, ganoon ba?"  Pang-iinsulto ko sa kanya. "Anong iniiyak iyak mo?"  "Sorry sir. Kung hindi ko po talaga nagagampanan ang trabaho ko, pwedi niyo naman po akong tanggalin na." "So parang inaamin mo na na iresponsable ka talaga?" "Kung iyon po ang tingin niyo. Tsaka alam ko naman po mali ako." "It's your choice if you want to stay or not. Hindi ka din naman kawalan sa company ko."  Ewan ko bakit ganoong ang mga lumabas na salita sa akin..Kung pwede ko lang bawiin ay gagawin ko.  Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Iniisip ko nanaman si Isabella. Ang sabi ko iiwasan ko lang siya pero bakit parang nasasaktan ko na siya dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang umiiyak dahil sa kagagawan ko. Gusto kong pahiran ang mga luha niya at yakapin siya pwro hindi mo naman magawa.  Kinabukasan, hindi pumasok si Isabella. Marahil ay tinutuo niya ang sinabi ko na kung gusto niyang umalis ay umalis na siya. Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Siya ang tumatakbo sa isipan ko.  Pagkatapos ng trabaho ko ay  muli kong naisipan na bumalik sa hospital kung nasaan ang itay niya. Pababa na sana ako ng sasakyan ko ng makita ko siya na palabas ng hospital. Nakikita ko na umiiyak aiya habang naglalakad.  Sumakay aiya sa taxi at sinundan ko siya.  Mukhang babalilk yata siya sa dati nilang bahay dahil doon sa kanto ng dati niyang tirahan siya pumasok. Nagpatuloy pa ako sa pagsunod sa taxi hanggang sa tumigil ito sa isang bahay na may kalayuan pa sa dati nilang bahay. Nakita kong kumatok siya sa bahay kung saan siya tumigil at doon ay lumabas ang isang babae na may edad na din pero ang kapal naman ng make-up at at igsi pa ang suot na short. Sumakay silang.dalawa sa taxi. Nacurious ako kung saan sila pupunta kaya muli.ko silang sinundan.  Nanlaki ang mga mata ko dahil bumaba sila sa isang night club, at ang alam ko ay bahay-aliwan pa iyon. Napatawa ako bigla. Balak ba niyang magtrabaho sa lugar na iyon? Pumasok din.ako sa lugar na iyon pero hindi ko makita si Isabella at ang kasama niyang babae. Naupo ako sa isang bakanteng table "Hi pogi. Anong gusto mo?" lapit sa akin ng isang babae na malamang ay nagtatrabaho din dito.  "Pwede ba akong magtanong?"  "Of course." sabi niya sa akin sabay upo malapit sa akin.  "Yung babae na kakapasok lang dito na may kasamang may edad na babae, nasaan siya." Napaisip pa ang babae bago.tuluyang sumagot.  "You mean, yung kasama ni Mam Julie na baguhan?"  "Oo iyon." "Gusto mo din siyang itable? Pero sorry pogi dahil may schedule na siya ngayong gabi. Binayaran na ang gabi niya ng isang daang libo ng suki namin dito, nakakainggit nga sa tagal ko na dito wala pang nag-offer sa akon ng ganoon kalaking halaga para lang sa isang gabi." "Sino ang.nagbayad sa gabi niya?"  "Ahhh? Bakit interesado ka din ba sa babeng iyon?" "Oo." "Kung hindi mo mahihigitan ang isang daang libo, bumalik ka na lang sa ibang araw. o kaya naman, narito nman ako." Umiwas ako.sa kanya dahil hakmang hahalikan niya ako.  "Sabihin mo sa boss mo, handa akong mgbayad ng isang milyon para sa gabi ng babaeng iyon." Nanlaki ang mga mata ng babae na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.  "Is--ang milyonn? Tama ba ang narinig ko?" "Oo kaya ang mabuti pa tawagin mo ang boss mo para makausap ko siya." Kaagad namang tumalima ang babae.  Maya-maya pa ay may dalawang babae ang lumapit sa akin. Ang isa doon ay ang kasama ni Isabella kanina.  "Ikaw?" sabi sa akin ng matandang babaeng kasama kanina ni Isabella.  "Kilala mo siya?" tanong ng isang babae sa kanya.  "Ikaw iyong pumupunta aa bahay ni Isay diba? Wag mong sabihing ikaw ang sinasabi nila na magbbyad ng isang milyon para makasama siya ng isang gabi?"  Hindi ko sinagot ang tanong niya. "Payag na ba kayo sa offer ko?".tanong ko sa kanila.. "Of course. Sino bang tatanggi diyan sa offer mo. Hihahatid na kita sa kwarto mo." Hinatid niya nga ako sa isang kwarto. Nirequest ko pa na patayin ang ilaw para hindi ako makilala ni Isabella at ilang saglit lang ay narito na siya.  "Come here." sabi ko sa kanya na iniba ko pa ang boses ko dahil baka makilala niya ang boses ko.  Lumapit siya sa akin at kaagad ko naman siya hinila kaya napahiga siya sa kama at pumailalim siya sa akin. Wala akong sinayang na panahon. Mapuousok na halik ang iginawad ko sa kanya na hindi man lang siya pumapalag. Dahil doon ay nainis ako sa kanya. Ganoon lang ba kadali sa kanya ang ibigay sa kahit na sino ang puri niya? Mas lalong naging mapusok ang mga paghalik ko sa kanya hanggang sa leeg.  "Isabella." hindi ko mapigilang sambitin. Naitulal niya ako. Marahil ay nakilala niya ako.  "S--sir Axel? Kayo po ba iyan?" Hindi ako sumagot.  Hanggang sa naisipan niyang buksan ang ilaw. At doon ay tuluyan na niya akong nakilala. Mulo ay nagtatalo na naman kami at masasakit nanaman na salita ang nasabi ko sa kanya. Naiinis kasi ako sa kanya dahil sa ginawa niyang ito. Hindi ko akalain na magagawa niya ang ganito.  Umiiyak siya at kita ko ang takot sa kanyang mukha. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dahil kung hindi ay baka nagkasala na ako. Pero ayoko din naman na madungisan siya ng ibang lalaki.  Inutusan ko siyang sumama sa akin. Mabuti nalang at sumama siya. Dinala ko siya sa isang bar. Doon ay pinilit kong maglasing. Hanggang ngayon tinataning ko pa rin ang sarili ko kung bakit ko nagawa ito. Dapat ay wala na akong pakealam sa kanya pero bakit sa pag-iwas ko sa kanya mas lalong tumindi ang nararamdaman ko para sa kanya. Pag-ibig na ba talaga ito?  Nilunod ko ang sarili ko sa pag-inom ng.alak. Hanggang sa may tatlong lalaki ang lumapit sa amin. At bigla na lamang ako sinuntok ng isa. Hindi ako.lumaban..Sa totoo lang mas guato kong suntukin nila ako o kaya ay bugbugin na para matauhan na ako sa mga ginagawa ko.  "Tumigil kayo!" dinig ko pang sabi niya at nilapitan ako.  "Boyfriend mo ba ang lalaking ito, Miss? Kung ako sa iyo, iwanan mo iyan." sabi ng isang lalaki.  "May kasalanan ba siya sa inyo?" tanong pa niya.  "Malaki ang kasalanan ng lalaking iyan. Dahil ang mga girlfriend naming tatlo ay tinira ng lalaking iyan. Kaya kung ako sa iyo miss, iwanan mo iyan dahil tinitira at iniiwanan lang niya ang mga nagiging babae niya. Tara na nga." sabi ng isang lalaki. Napaisip ako. Malamang ay napagkamalan nila akong si Allen. Ang kambal.ko lang naman ang gumagawa ng ganoon sa aming dalawa.  "Sir, okay lang po ba kayo?".sabi niya sa akin sabay tulong na itayo ako. "Mukhang lasing na po kayo." dagdag na niya.  "Hindi ako lasing!" pag-alis ko sa kamay niya sabay labas na sa bar.  Pumasok na ako sa kotse at sumunod naman siya.  "Sir, may sugat po kayo." sabi niya sa akin.. "Hayaan mo." tugon ko.  Pinaandar ko ang sasakyan. Madami pa ding.gumugulo sa isipan ko. Hanggang sa bigla ko na lamang prineno ang sasakyan.  "Sir, mukhang lasing na po kayo." "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako lasing at alam ko ang ginagawa ko."  Muli ay natahimik siya.  "Ang tanong ko ang sagutin mo. Anong ginagawa mo sa lugar na iyon? Doon ka na ba ngayon nagtatrabaho pagkatapos mong mawala at hindi nagpakita sa office? Baka nakakalimutan mo, empleyado pa rin kita dahil hindi ka nagpasa ng resignation letter o kahit magsabi man lang na aalis ka na." "Magpapasa na lang po ako ng resignation letter bukas." sagot naman niya sa akin na mas lalong nakapagpainis sa akin. "So your telling me na mas gusto mong magtrabaho doon, ganun ba? Paano ang utang mo sa akin? Hindi ba ang sabi mo magtatrabaho ka sa akin para mabayaran mo ang pagkawala ng singsing ko? Sabagay, kapag nagtrabaho ka doon baka isang buwan lang mabayaran mo na ako. Ikaw ba namang pinaggaatusan ng isang lalaki ng isang daang libo para sa isang gabi. Grabi, iba ka." "Wala po kayong karapatang husgaan ako dahil hindi niyo alam ang dahilan kaya ko iyon nagawa. At hinding-hindi niyo po ako maiintindihan dahil mayaman kayo at mahirap lang kami. Kung alam niyo lang kung ilang beses kong nilulok ang pride at dignidad ko para lang makakuha ako ng pera para sa itay ko. Kailangan niyang maoperahan kaagad dahil kung hindi baka ikamatay niya. Ako bilang anak, ayokong umupo nalang at maghintay ng susunod na mangyayari. Labag man sa kalooban ko, ginawa ko po para sa kanya." "Bakit hindi ka humingi ng tulong sa akin? Ang sabihin mo gusto mo din iyang ginagawa mo." "Naisip ko po na lumapit sa inyo kaya lang..." "Kaya lang ano? Nahihiya ka? Pero ang gawin iyan, hindi ka nahiya?" "Dahil ayoko ng mas dumagdag pa ang mga utang ko." "Napakababaw na dahilan iyan, Isabella!" "Dahil ayaw ko na po kayong makita."  Napatigilan ako sa sinabi niya. Ayaw na niya akong makita? Bakit? "Whattt?" What do you mean?" "Ayoko na pong magkaroon ng dahilan para makausap at makita ko pa kayo. Inaamin ko nasasaktan ako tuwing may sinasabi kayo sa akin kahit na alam ko naman na totoo. Nasasaktan po ako dahil sa inyo mismo nanggagaling ang mga salitang iyon. Isa pa, ayaw ko na din po na mas lalo akong mapalapit sa inyo dahil mas lalo lamang akong masasaktan. Ilang beses ko pong pinigilan ang nararamdaman ko para sa inyo dahil alam kong mali at alam ko din na imposible na may naaramdaman din kayo sa akin dahil may nagmamay-ari na ng puso niyo. Sa ilang linggo po na nagkakilala tayo, inaamin ko na sumaya ako pero siguro baka mas masaya ako kung hindi na lang kita nakilala." Sa mga sinabi niya ay biglang bunilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko mapigilan ang sarili. Hinalikan ko siya. Ewan ko ba pero may kakaiba akong naramdaman sa mga tagpong iyon. May nararamdaman din ba siya sa akin?  Ngayon ay mas lalo pa akong natakot, natatakot ako na baka mas lalong hindi ko na mapigilan pa ang nararamdaman ko para sa kanya. I think I fall for her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD