Episode 24

1460 Words
"S--sir, kayo po ba iyan?" halos nanginginig ko pang sabi.  Hindi siya sumasagot. Masyadong madilim kaya hindi ko maaninag kahit kaunti ang kanyang itsura pero sa amoy niya, alam ko iyon dahil ganoon ang amoy ng polo na ipinahiram niya sa akin. Hindi din ako bingi para hindi marinig na binanggit niya ang pangalan ko. Kaya natitiyak kong siya nga iyon.  Buong lakas akong bumangon at pilit na kinakapa sa kamay ko ang switch ng ilaw at ilang sandali lang ay nakapa ko ito at kaagad na binuksan. Katulad ng hinala ko, si sir Axel nga ang lalaking kasama ko. Nakatingin siya sa akin at falit na galit ang itsura.  "Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanya.  "Eh ikaw anong ginagawa mo dito? So, mas gusto mo pa ang ganitong klasing trabaho kaysa sa kompanya ko?" Sabi niya na may halong pang-iinaulto ang boses. Napayuko lang ako at hindi makasagot.  "Ganitong klasing babae ka pala. Easy money pala ang nais mo. Nagkamali pala ako dahil sa kompanya kita hinire. Dapat pala bilang taga aliw ko na lang tuwing gabi ang pinatrabaho ko sa iyo." Gusto kong dipensahan ang sarili ko pero bakit biglang umurong ang dila ko. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang umiyak dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. "Bakit ka umiiyak? Mukha namang maluwag sa kalooban mo itong ginagawa mo. Kaya halika dito, gumastos ako sa iyo ng isang milyon kaya dapat lang na mapaligaya mo ako ngayong gabi." Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Tumayo siya at lumapit sa akin. Pilit akong umaatras habang nakakrus ang mga kamay ko sa hinaharap ko. "Wag po." Sambit ko habang patuloy pa din ang pag-iyak.  "Wag mo akong dramahan, Isabella. Gusto mo din ito, kaya wag kang mag-inarte." Humagulgol na ako sa sobrang takot. Gusto kong tumakbo na palayo pero parang nanigas ang buo kong katawan.  "Please po, wag." mahinang sambit ko.  Muli siyang bumalik sa kama. Ako naman ay napaupo na lang sa sahig.  "Ayusin mo ang sarili mo, lalabas tayo." utos niya sa akin. Pinahid ko ang mga luha ko. Lumabas na siya sa kwarto at sumunod ako sa kanya. Sinundan ko siya hanggang sa sasakyan niya.  "Pumasok ka." utos niya sa akin.  Sinundan ko siya at pumasok ako sa kotse niya.  Kapwa kami tahimik na dalawa habang nagbabyahe.  Nakayuko lang ako pero ramdam ko na namamaga na ang mga mata ko kakaiyak.  Bigla siyang tumigil sandali pero hindi ako nagtanong kung bakit. Maya-maya pa ay may isang babae ang kumatok sa bintana ng driver's seat. May inabot itong isang paper bag.  "Magpalit ka ng suot." sabi niya sa akin at inabot ang isang paper bag. Kinuha ko iyon pero hindi pa din ako kumikibo.  "Magpalit ka na!" naiinis na niyang sabi. "Saan?" tugon ko.  "Siyempre dito. Gusto mo magpalit sa labas? Tsssk." naiirita niyang sambit sabay baba sa kotse.  Binuklat ko ang paper bag at isang dress na kulay asul iyon. Kaagad kong pinalitan ang suot kong maiksing dress.  Ilang sandali lang ay muling pumasok si sir Axel. Halos katatapos ko lang magpalit non. Paano niya nalaman na tapos na akong magbihis? Nakikita ba niya ako mula sa labas? Iyon ang pumapasok sa isipan ko.  Muli niyang pinaandar ang sasakyan pero tahimik pa din ako.  Pinarada niya ang sasakyan niya. Paglabas ko ay nasa isang bar kami. Kahit nasa labas ay dinig mo ang ingay mula sa loob.  Sinundan ko lamang siya. Pagpasok sa loob ay mas malala ang ingay. Halos mabingi ako sa lakas ng tugtog at may mga sumasayaw pa at ang iba naman ay umiinom lang.  Pumunta siya sa bakanteng table at naupo, tinawagan pa niya ang isang waiter at nag-order ng sa palagay ko ay alak din.  Umupo ako pero hindi pa din kumikibo.  Nag-order nga siya ng alak, magkaiba ang inapag sa aming drinks. Ewan ko lang kung alak din ba ito dahil wala naman akong alam sa mga ganito.  "Juice lang iyan kaya pwedi mong inumin." sabi niya sa akin na kahit maingay ay naintindihan ko naman. Pinagmamasdan ko lang siya habang umiinom. Ito pa din ang mukha ng taong lubos kong hinahangaan. Medyo mahina na lang din ang tugtugan kaya nakakarinig na din ako ng maayos.   Halos isang oras na kaming naroon at marami na din siyang nainom na alak. Hindi ko lang alam kung hindi pa ba siya lasing sa ganoong lagay.  Nagulat naman ako dahil may tatlong lalaki ang biglang lumapit sa amin.  "Confirm, narito nga ang walanghiyang lalaking ito." sabi ng isang lalaki. Bigla niyang hinawakan sa kwelyo si sir at nagulat ako at bigla siyang sinuntok ng isa pang lalaki.  "Tumigil kayo!" sabi ko sabay lapit kay sir dahil nakaandusay ito sa sahig.  "Boyfriend mo ba ang lalaking ito, Miss? Kung ako sa iyo, iwanan mo iyan." sabi ng isang lalaki.  "May kasalanan ba siya sa inyo?" tanong ko sa kanila. "Malaki ang kasalanan ng lalaking iyan. Dahil ang mga girlfriend naming tatlo ay tinira ng lalaking iyan. Kaya kung ako sa iyo miss, iwanan mo iyan dahil tinitira at iniiwanan lang niya ang mga nagiging babae niya. Tara na nga." sabi ng isang lalaki. Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ng lalaki. Ganon ba talaga si sir? Kaya ba naroon siya sa ganoong klasing lugar kanina?  "Sir, okay lang po ba kayo?".sabi ko sa kanya sabay tulong na itayo siya.  "Mukhang lasing na po kayo." dagdag ko pa.  "Hindi ako lasing!" sabi niya at inalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa kanya. Lumakad siya palabas ng bar at sinundan ko naman siya. Pumasok na siya sa kotse niya at ganoon din ako.  Napatingin ako sa mukha niya at nakita ko na dumugo ang gilid ng labi niya dahil sa suntok ng lalaki kanina. "Sir, may sugat po kayo." sabi ko.  "Hayaan mo." tugon niya sa akin.  Pinaandar na niya ang sasakyan. Kung saan kami pupunta, hindi ko alam. Ayaw ko ding magtanong dahil siguradong magagalit na naman siya. Kaya mas pinili ko na nalang na manahimik.  Nagulat naman ako dahil bigla na lamang niya prineno ang sasakyan. Mabuti na lang at nakaseat belt ako. Lasing na yata talaga siya. Kinabahan ako dahil baka maaksidente pa kami.  "Sir, mukhang lasing na po kayo." sabi ko sa kanya.  "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako lasing at alam ko ang ginagawa ko."  Muli ay natahimik ako.  "Ang tanong ko ang sagutin mo. Anong ginagawa mo sa lugar na iyon? Doon ka na ba ngayon nagtatrabaho pagkatapos mong mawala at hindi nagpakita sa office? Baka nakakalimutan mo, empleyado pa rin kita dahil hindi ka nagpasa ng resignation letter o kahit magsabi man lang na aalos ka na." "Magpapasa na lang po ako ng resignation letter bukas." sagot ko sa kanya.  "So your telling me na mas gusto mong magtrabaho doon, ganun ba? Paano ang utang mo sa akin? Hindi ba ang sabi mo magtatrabaho ka sa akin para mabayaran mo ang pagkawala ng singsing ko? Sabagay, kapag nagtrabaho ka doon baka isang buwan lang mabayaran mo na ako. Ikaw ba namang pinaggaatusan ng isang lalaki ng isang daang libo para sa isang gabi. Grabi, iba ka." sabi niya sa akin na may halong pag-iinsulto. "Wala po kayong karapatang husgaan ako dahil hindi niyo alam ang dahilan kaya ko iyon nagawa. At hinding-hindi niyo po ako maiintindihan dahil mayaman kayo at mahirap lang kami. Kung alam niyo lang kung ilang beses kong nilulok ang pride at dignidad ko para lang makakuha ako ng pera para sa itay ko. Kailangan niyang maoperahan kaagad dahil kung hindi baka ikamatay niya. Ako bilang anak, ayokong umupo nalang at maghintay ng susunod na mangyayari. Labag man sa kalooban ko, ginawa ko po para sa kanya." "Bakit hindi ka humingi ng tulong sa akin? Ang sabihin mo gusto mo din iyang ginagawa mo." "Naisip ko po na lumapit sa inyo kaya lang..." "Kaya lang ano? Nahihiya ka? Pero ang gawin iyan, hindi ka nahiya?" "Dahil ayoko ng mas dumagdag pa ang mga utang ko." "Napakababaw na dahilan iyan, Isabella!" "Dahil ayaw ko na po kayong makita." bigla kong nasabi sa kanya.  "Whattt?" gulat niyang tugon. "What do you mean?" "Ayoko na pong magkaroon ng dahilan para makausap at makita ko pa kayo. Inaamin ko nasasaktan ako tuwing may sinasabi kayo sa akin kahit na alam ko naman na totoo. Nasasaktan po ako dahil sa inyo mismo nanggagaling ang mga salitang iyon. Isa pa, ayaw ko na din po na mas lalo akong mapalapit sa inyo dahil mas lalo lamang akong masasaktan. Ilang beses ko pong pinigilan ang nararamdaman ko para sa inyo dahil alam kong mali at alam ko din na imposible na may naaramdaman din kayo sa akin dahil may nagmamay-ari na ng puso niyo. Sa ilang linggo po na nagkakilala tayo, inaamin ko na sumaya ako pero siguro baka mas masaya ako kung hindi na lang kita nakilala." sabi kp habang patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko.  Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Bigla niya na lamang akong hinalikan sa aking mga labi. Napapikit ako at dinadama ang bawat paghalik niya sa akin. Parang ayaw ko ng matapos ang sandaling iyon. Kaya lang may parte sa isipan ko ang nagsasabi na mali ito. Maling-mali. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD