Pinahid ko ang mga luha ko at buong lakas na lumabas sa opisina ni Sir Axel. Buo na ang desisyon ko na titigil na ako sa aking pagtatrabaho. Masyado naman akong manhid kung magpapatuloy pa ako dito. Alam ko ang kasalanan ko at ito din ang mas maigi dahil hindi naman talaga bagay sa akin ang trabaho na ito. Isa pa, mas maigi na din ito dahil baka mas lalo lamang akong masasaktan at maiiyak kapag nakita ko pa siya. Naisip ko ang utang ko pa sa kanya dahil sa nawala kong singsing. Maaari naman siguro akong maghanap ng ibang trabaho at paunti-unti ay bayaran ko siya. Ang problema ko lang ngayon ay kung saan ako hahanap ng pera para pambili ng gamot at pambayad sa bill sa hospital ni itay. Balak ko sana bumali kay sir kaya lang ay masyado ng makapal ang mukha ko kung gagawin ko pa ngayon iyon.
Umalis na ako, pero balisa pa din ako sa kakaisip kung saan ako kukuha ng pera para kay itay. Pilit kong iniisip kung kanino ako lalapit pero wala naman ako maisip dahil sa totoo lang ay wala naman akong mga kaibigan na pweding lapitan. Naisipan ko munang umuwi sa bahay.
May pasok si Bugoy at si inay ay nagbabantay kay itay kaya ako lang ang naroon. Naupo ako sa may sala at hindi ko pa din mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Gulong-gulo na talaga ako at hindi ko na alam ang gagawin.
Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag-iyak ko. Hanggang sa magising na lamang ako dahil ginising ako ng nakababata kong kapatid.
"Ate, bakit ang aga naman po ninyong umuwi ngayon?" tanong niya sa akin.
"Ah oo eh. Half day lang si ate ngayon." pagsisinungaling ko.
"Kakauwi mo lang ba?"
"Opo. Pupuntahan mo po ba si itay ngayon? Pwedi po ba akong sumama?"
"Pupunta ako para palitan sa pagbabantay si inay. Dito ka nalang. May pasom ka pa bukas. Tsaka bawal pa ang mga bata sa hospital."
Tiningnan ko ang oras sa relo ko at lampas alas kwatro na din ng hapon. Tumayo ako at dumeretso sa kusina. Magsasaing muna ako bago maligo.
"Bugoy, umutang ka na muna kay Aling Maring ng uulamin ah. Sabihin mo babayaran ko nalang kaagad."
"Okay po ate."
Mag-aalas sais na ng gabi ng paalis na ako ng bahay para bumalik na sa hospital.
"Mag-iingat po kayo ate."
"Salamat. Hintayin mo si nanay ah. Pagbalik ko doon, uuwi na siya."
"Okay po."
Sumakay ako ng jeep at ilang sandali lang ay kaagad na akong nakabalik sa hospital. Pagdating ko sa room ni itay ay nagulat ako dahil may ilang nars at doktor ang naroon. Samantalang si inay naman ay umiiyak lang. Bigla tuloy akong kinabahan.
"Inay, ano pong nangyayari?" tanong ko sa kanya.
Niyakap ako ni inay habang patuloy pa din ang pag-iyak.
"Biglang tumigil ang paghinga ng itay mo. Isa natatakot ako."
Lumapit naman sa amin ang doktor.
"Dok, kumusta po si itay?" tanong ko sa kanya.
"Hindi okay ang kundisyon ng pasyente. Kailangan na natin siyang operahan dahil baka maapektuhan na isang baga niya. Kailangan niyang isailalim sa lobectomy surgery para tanggalin ang isang lobe ng bga niya para hindi na ito kumalat pa sa isang baga niya ang sakit niya."
"Doc, gawin niyo po ang lahat para gumaling si itay. Gagawan ko po ng paraan para makabayad kami basta po wag niyo po siyang pababayaan."
"Sige, ieschedule na natin ang operasyon niya sa lalong madaling panahon."
"Salamat, dok." iyon lang ang sabi ko at umalis na ito.
"Anak, saan tayo kukuha ng ipambbayad sa operasyon ng itay mo?"
"Nay, wag niyo na pong alalahanin iyon, ako na po ang bahala. Basta ipagdasal nalang po natin na maging successful ang opersyon niya."
Magdamag kong binantayan si itay. Kinabukasan, ay maagang bumalik si inay. Balak ko ng maghanap ng mapaghihiraman dahil bukas na nakatakdang operahan si itay.
"Nay, dito lang po kayo. Babalik din po ako kaagad."
"Sige, anak mag-ingat ka."
Umalis ako ng hospital. Pero hindi ko alam kung saan ako unang pupunta dahil wala akong alam na pwedi kong malapitan. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong makahanap kaagad ng pera para sa itay ko.
Sinubukan kong pumunta sa lugar sa dati naming tinitirhan. May mga kakilala naman ako doon at susubukan kong manghiram sa kanila. Pinagdadasal ko nalang na pahiramin nila ako.
"Naku, Isay. Kahit gusto kitang pahiramin, kailan mo naman maibibigay? Wala ka namang trabaho di ba? Bakit hindi ka humingi ng tulong dun sa lalaking may magarang sasakyan na humahatid sundo sa inyo. Natikman ka na ba niya kaya iniwan ka na?" natatawa pa niyang tugon.
"Aling Julie, kung hindi niyo po ako pahihiramin, ayos lang po, pero sana naman po wag niyo akong insultuhin ng ganyan. Pasalamat po kayo, gumagalang ako sa matanda, hindi ko po kayo papatulan."
"Wag ka ngang magmalinis. Kung kailangan mo ng pera para sa opersyon ng itay mo, walang magpapahiram sa iyo. Ang kailangan mo trabaho."
"Tatandaan ko po iyan."
Tangkang aalis na ako nang muli itong magsalita.
"Hindi kita mapapautangan, Isay pero may alam ako na makakatulong sa iyo magkapera.".
Muli ko siyang hinarapan.
"Ano po iyon?"
"Ang tanong ko lang ay kung papayag ka."
"Ano po ba iyon?" muli kong tanong.
"Maganda ka, sexy. Sa palagay ko, madali lang kita ipasok sa trabahong alam ko."
"Anong trabaho?"
"Alam mo naman siguro kung saan ako nagtatrabaho, diba.?"
Sa pagkakaalam ko ay nagtatrabaho siya sa isang bahay-aliwan. Madalas ko din kasi siya nakikita na may kasamabg iba-ibang lalaki. So, ganon ba ang trabahong inaalok niya sa akin?
"Salamat nalang po pero kahit mamatay ako, hinding-hindi ko kaya ang ganyang trabaho."
"Mag-iinarte ka pa ba kung buhay na ng itay mo ang nakasalalay? Pag-isipan mong mabuti Isay dahil masusigurado ko sa iyo na sa isang gabi lang ay kaagad mo ng makukuha ang perang kailangan mo. Bumalik ka dito kapag nagbago ang isip mo."
Umalis ako at nagsimulang maglakad.
Ilang oras na din ako pumupunta sa mga bahay ng mga kakilala ko pero ni isa sa kanila ay walang nagpahiram sa akin. Hindi ko din naman sila masisi kung ayaw man nila akong pahiramin dahil wala naman talaga akong trabaho.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bigla ay sumagi sa akin ang alok ni Aling Julie.
"Hindi, Isay. Hindi mo iyon gagawin. Hindi ka ganoong klasing babae." tutol ng sarili ko.
"Eh kung lapitan ko na lang kaya si Sir Axel para mang-utang?"
"Hindi din. Masyado ng makapal ang mukha ko kung lalapitan ko pa siya. muling tutol ko sa sarili.
Lumilipas ang mga oras pero wala pa ding nangyayri.
Sinubukan ko din tawagin si Josh pero nakaoff na ang phone niya. Unti-unti ay nawawalan ako ng pag-asa.
Hanggang sa pumikit ako at bigla na lamang napaluha.
"Isay, mukhang wala ka ng choice. Para kay itay."
Bumalik na nga ako sa bahay ni Aling Julie.
"Sabi ko na nga ba babalik ka e."
"Ano po bang gagawin ko?" naiiyak kong sabi.
"May bigtime kaming customer. Just make him happy. That's it."
"Ngayong gabi lang po ba?"
"Of course. Isang gabi lang at makukuha mo na kaagad ang kailngan mong pera. AndI'm sure kapag mas magaling ang performance mo baka dagdagan pa niya."
"Ano pong oras?"
"Mamayang alas siete ng gabi ay bumalik ka dito at sasamahan kita."
Tapos na ang tangahalian ng makabalik ako sa hospital. Wala pa ding malay si itay. Bukas na din ang operasyon niya. Konting tiis na lang at magiging okay na din siya.
"Anak, saan ka galing?"
"Okay na po inay. May maggamit na po tayong pera para sa operasyon ni itay?"
"Talaga anak? Paano?" tanong niya.
"May nagpahiram po sa akin tsaka bumali din po ako sa boss ko."
"Salamat anak."
Niyakap ko ang aking inay. At tuluyan na namang umagos ang mga luha ko.
"Wala po iyon nay. Lahat gagawin ko po para kay itay."
Gya ng napag-usapan namin ni Aling Julie. Bumalik ako sa kanila ng alas siete ng gabi. Sa totoo lang ay puno ng kaba at takot ang buong pagkatao ko pero wala akong magagawa at wala akong choice. Ito lang ang nakikita kong dahilan para magkapera ako para sa operasyon ni itay.
Pagpasok pa lang namin sa loob ng club ay may mga babae ng sumasayaw sa entablado.Halos laht din ng mga naroon ay mga lalaking may katable na babae. Muli ay nakaramdam na naman ako ng takot at kaba.
"Tara." sabi ni Aling Julie.
"Kumare, heto na ba ang sinasabi mo? Ang ganda nga niya, makinis at maputi." sabi ng kausap niya na halos kaedad lang niya.
"Oh heto si Mam. Galvez. Siya ang may-ari ng club na ito. Siya si Isay." pakillala niya sa akin.
"Hindi ka magsisisi dito Isay. Sa ganda at kinis mo, maraming customer ang kukuha sa iyo. Mukhang bata at fresh ka pa. Kaya pala hindi nagdalawang isip itong suki nating ai Mr. Tan sa isang daang libo sa isang gabi."
"Ano? Isang daang libo?" gulat pang tugon ni Aling Julie.
"Ngayong gabi lang po ang kasunduan namin ni Aling Julie."
"Naku, ganyan din ang sinabi ng karamihan dito, pero ng kumita ng malaki, hanggang ngayon narito."
"Kailangang kailangan ko lang po ng pera kaya pumayag ako."
"Boss, may sasabihin po ako." lapit ng isang babae na nagtatrabaho din marahil dito dahil sa pananamit niya at sa kapal ng make up niya.
"Ano iyon?"
"May ibang gustong kumuha dito sa bago niyong alaga."
"Sana sinabi mo na meron ng nauna at mas malaki pa ang bayad. Sabihin mo sa kanya sa ibang araw na siya pumila."
"Pero boss, ngayon daw po ang gusto niya, at sinabi pa po niya na handa siyang magbayad ng isang milyon para sa isang gabi."
"Aa-nooo? I--isang milyon? Tama ba ang narinig ko?" gulat na tugon pa ni Aling Julie.
"Iba ka, girl. Sa tagal ko na dito, ngayon lang may naglakas ng loob na magbayad ng ganoon kalaking halaga."
"Ano pong gagawin ko?" tanong niyo.
"Sino ba siya? Anong pangalan?" tanong ng boss nila.
"Ayaw po niyang magkakilala."
"Sige. Payagan mo siya. Ako na ang bahalang kumausap kay Mr. Tan."
"Magbihis ka na." utos niya sa akin.
Sinamahan ako ng babae kanina at nagpalit na ako ng damit.
"Ito ang isusuot ko?" tanong ko sa kanya. Habang hawak ang damit na halos ang maseselang bahagi lang ng katawan ko ang matatakpan.
"Oo. bakit?"
"Hindi ako nagsusuot ng ganito."
"Pero iyan talaga ang isusuot mo. Sige na. Para mamake-up-an na kita.
"Pwedi bang iba na lang? Yung medyo mahaba."
"Okay, since first time mo, pagbibigyan kita."
Kumuha siya ng ibang damit. Kulay pulang dress iyon na hapit sa katawan at maiksi din. Pero mas okay na heto kaysa doon sa nauna.
Nilagyan din niya ako ng make-up. Mas lalong binalot ako ng kaba at takot.
Dinala na niya ako sa isang kwarto. Pagbukas ng pinto ay madilim pero alam kong may nakahiga ng lalaki sa kama.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Parang gusto ko ng tumakbo at umalis na sa lugar na iyon kaya lang naisip ko ulit si itay. Bahala na!
Isinara ng babae ang pinto. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang ilaw o hindi. Kaya lang naisip ko na mas maigi ng ganito para hindi namin makita ang itsura ng isa't isa.
"Come here." baritonong boses nito.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya.
Nang walang ano-ano ay bigla niya akong hinila at napahiga ako sa kama at ramdam ko na pumaibabaw siya sa akin.
Wala akong marinig kundi ang hininga lang niya. Pamilyar naman sa akin ang amoy niya.
Napapikit ako at naghihintay kung ano ang gagawin niya sa akin.
Bigla niya akong hinalikan sa aking mga labi. Masyadong mapusok iyon. Nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko. Kay tagal kong iniingatan ang p********e ko tapos sa ganito lang pala mauuwi.
Lumipat ang mga halik niya sa aking leeg at ramdam ko na hinahawakan na niya ang aking hinaharap.
"Isabella."
Bigla akong napadilat ng mata.
"S--sir Axel?" bigla kong sambit.