Episode 22

1272 Words
Nasa parking lot pa din ako ng biglang magring ang cellphone ko. Unknown ang number na iyon pero sinagot ko na dahil baka importante pero bago iyon ay pinunasan ko muna ang mga luha ko. "Hello, sino po ito?" umpisa ko. "Nak, si nanay ito." sabi sa kabilang linya.  "Nay, bakit po? May problema po ba?"  "Nakitawag lang ako dahil gusto talaga kitang makausap. Ang itay mo, sinugod namin sa ospital." maiyak nitong tugon. "Ho?" gulat kong sambit.  "Pumunta ka na dito. Magpaalam ka muna diyan sa trabaho mo." "Hintayin niyo po ako diyan, nay." Wala akong sinayang na panahon. Kaagad akong lumabas at nag-abang ng taxi. Nag-aalala ako para sa kalagayan ni tatay. Sana lang ay okay lang siya. Ilang saglit lang ay nakasakay na din ako ng taxi at dumeretso na sa hospital na sinabi ni inay.  Pagdating doon ay kaagad kong hinanap kung saan silang room naroon. Pagbukas ko ng pinto ay kaagad bumungad sa akin si inay at si Bugoy na kapwa umiiyak at si itay naman ay walang malay at nakaoxygen.  "Nay." sambit ko.  Kaagad akong nilapitan nina inay at niyakap ako.  "Ano po bang nangyari?" "Sabi nitong kapatid, napadalas ang pag-ubo ng itay mo, bigla din daw nanikit ang dibdib niya at tuluyan ng nawalan ng malay. Mabuti na lamang ay kaagad nakatawag ng tulong itong kapatid mo. Nasa palengke ako kanina, may nagmagandang loob lang na pumunta sa akin para ibalita ang nangyari sa itay mo."  "Kumusta na po siya?"  "Malala na daw ang TB ng itay niyo. Pero alam ko malakas ang itay niyo kaya makakayanan niya ito. Pero ang problema din natin ay kung paano natin bibilhin ang mga gamot niya." "Wag niyo na pong alalahanin iyon, ako na po gagawa ng paraan." Ilang sandali lamang ay nagising na din si itay.  "Tay, okay lang po ba kayo? Magpagaling po kayo." sabi ko sa kanya.  Hindi siya makapagsalita dahil na din sa nakakabit na oxygen sa kanya, pero kita ko na umiiyak siya. Dahil doon ay napaiyak din ako.  "Wag niyo po alalahanin ang kahit na ano, basta magpalakas lang po kayo itay." Pasado alas singko na ng hapon. Doon ay naalala ko bigla ang trabaho ko. Hindi pala ako nakapagpaalam dahil kaagad akong dumeretso dito. Baka mas lalo magalit sa akin si sir.  Lumabas muna ako ng room at sinubukang idial ang numero ni sir. Atleast may dahilan naman ako para tawagan siya. Balak ko din bumali, alam ko may utang pa ako pero siya lang ang alam kong pweding tumulong sa akin. Tinapat ko sa tainga ko ang cellphone pagkatapos kong idial ang number niya. Kaya lang cannot be reach ito. Naghintay ako ng ilan pang minuto bago ko dinaial ulit kaya lang ay nakaoff pa din ito.  Wala akong ibang contact sa mga kasamahan ko sa trabaho kahit na kay Mam Dina (Garcia) ay hindi ko naman makuhanan ng number dahil mukha naman na ayaw niya talaga sa akin.  Bahala na. Bukas na lamang ako mag-eexplain. Sana lang ay maintindihan ako ni sir Axel.  Mag-aalas sais na ng gabi ay lumabas ako ng hospital para bumili ng makakain namin.  Pagkatapos naming maghapunan ay sinabihan ko na umuwi muna sina inay at Bugoy. Mabuti na nga lang talaga at walang pasok si Bugoy at naroon siya kasama ni itay. Dahil kung sakaling nag-iisa siya baka ano ng nangyari sa kanya. Yung din kasi pinaglipatan naming bahay ay malapit na sa eskwelahan ni Bugoy para kahit maglakad siya mag-isa ay kaya na niya dahil hindi ko na din siya mahhatid sundo dahil may trabaho na ako. "Nay, mauna na po kayong umuwi ni Bugoy. Ako na po muna ang titingin kay itay." "Paano ka? Di ba may trabaho ka pa bukas? Ako na magbabantay. Isasara ko na muna yung pwesto ko palengke." "Bukas niyo na lang po ako palitan, inay. Magpahinga na po muna kayo." "Sigurado ka?" "Opo. Ako na po bahala." "Sige. Babalik ako bukas ng maaga para makapasok ka pa sa trabaho mo." "Salamat, nay. Ingat po kayo." Pasado alas dyes na ng gabi. Limbing na sa pagtulog si itay. Muli kong kinuha nag cellphone ko at idinaial ang number ni sir. Pero gaya kanina ay nakaoff pa din ito.  "Ano kayang nangyari sa kanya, bakit nakaoff pa din ang phone niya." Alas tres na din iyon ng madaling araw ng dalawin ako ng antok. Nahiga ako sa isang mahabang upuan.  Kinabukasan, nagising ako dahil may tumapik sa akin. Pagdilat ko ay si inay ang kaagad na bumungad sa akin.  "Anak, gising ka na. Alas nuebe na ng umaga. Di ba may trabaho ka pa?" Tumingin ako sa cellphone ko. Lampas alas nuebe na nga umaga. May natanggap na din ako na limang missed calls at lahat iyon ay galing kay sir Axel.  Nagpaalam lang ako kay inay at saka muna ako dumeretso sa bahay para makaligo. Hindi na ako ng-almusal pa at dumeretso na ako sa trabaho ko. Mag-aalas onse na ng umaga na ako nakarating sa opisina.  Kabado kong kinatok ang opisina ni sir bago tuluyang pumasok. Ngunit pagpasok ko ay saka ulit ako nakaramdam ng hiya dahil may mga ibang naroon. Mukhang nasa gitna sila ng meeting kasama si sir Axel. Lahat sila ah napatingin sa akin pati si Sir Axel na halos salubong ang kilay na nakatingin sa akin.  "Sorry po." nasabi ko lang sabay sara ulit ng pinto.  "Ang tanga mo, Isay." sabi ko sabay batok sa sarili ko.  "Bakit ngayon ka lang?" galit na tugon ni Mam Dina (Garcia) "Mam, sorry po. May emergency po kasi." "Ms. Marquez, kahapon bigla ka na lang umalis ng hindi nagpapaalam tapos ngayon, ilang oras ka ng late sa trabaho mo. Kung kailan pa talaga mas kailangan ka, doon ka pa wala. Hindi mo ba alam na may meeting si Sir kasama ang ibang investors. Kung alam mo lang ang mukha ni sir kanina. Kaya good luck na lang sa iyo mamaya." Sabi niya sabay talikod sa akin.  Mag-aalas dose na ng tanghali ng matapos ang meeting nila. Lahat sila ay lumabas na sa opisina including sir Axel. Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya. Kita ko pa din sa mukha niya ang galit.  Napayuko lang ako.  "Ms. Garcia, pakiescort sila para sa kanilang lunch, susunod ako." sabi niya sabay hrap sa akin. "Yes sir. " "And.you, sumunod ka sa akin." sabi niya sa akin sabay pasok sa opisina. Hindi ako sumagot bagkus ay sumunod lang ako sa kanya sa loob.  "What do you think your doing?" galit niyang tugon sa akin.  "Sorry po." nakayuko kong sambit. "Now tell me, bakit bigla kang nawala kahapon? Don't tell me, hinabol mo yung ex mo." "Sir, hindi ko po iyon gagawin." "So ano?" "May emergency po bigla." "What kind of emergency? Ah, siguro sinundo mo yung kapatid mo. Kaya din siguro nandito kahapon yung ex mo kasi nakiusap ka na samahan ka na sunduin siya, ganoon ba?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumuha. Sabi ko sa sarili ko hindi ako iiyak sa harapan niya, pero hindi ko talaga mapigilan. Ibang -iba na talaga siya sa Axel na labis kong hinahangaan.  "Anong iniiyak iyak mo?"  "Sorry sir. Kung hindi ko po talaga nagagampanan ang trabaho ko, pwedi niyo naman po akong tanggalin na." "So parang inaamin mo na na iresponsable ka talaga?" "Kung iyon po ang tingin niyo. Tsaka alam ko naman po mali ako." "It's your choice if you want to stay or not. Hindi ka din naman kawalan sa company ko."  Iyon ang sinabi niya at tuluyan ng lumabas ng opisina.  Ako naman ay mas lalo pang humagulgol dahil sa mga huling sinabi niya. Doon ay napatunayan ko sa sarili ko na wala naman talaga siyang pakealam sa akin. Masyado lang ako nag-assume na okay kaming dalawa.  Siguro nga, dapat na akong umalis dito. Para ano pa? Wala ng dahilan para nandito pa ako. At unang-una palang ay hindi na talaga ako dapat nandito. Gaya din naman ng sinabi niya, hindi ako kawalan sa comoany nila. Totoo iyon, pero masyado lang masakit dahil sa kanya mismo nanggaling. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD