Axel's POV
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong tuwa ngayon. Bakit parang ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito. Para akong tanga na nakangiti bigla habang nagmamaneho.
Kinapkap ko sa bulsa ng suit ko ang singsing na ibibigay ko kapag nagpropose na ako kay Pam. Pingmamasdan ko iyon habang nagmamaneho. Muli ay bigla akong nalungkot. Ito na ba ang kinatatakutan ko?
"Pam, mapapatawad mo ba ako kapag sinabi ko na may iba ng umagaw sa pwesto mo dito sa puso ko?"
Naluha na lamang ako habang naiisip ko ang bagay na iyon. Hanggang sa bigla ay nasilaw ako sa ilaw ng kasalubong ko na sasakyan.
Nabitawan ko ang hawak kong singsing. Lalong tumindi ang pagkasilaw ko hanggang sa hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na bumangga na ito.
Ramdam ko na tumutulo ang dugo sa ulo ko. Biglang rumehistro sa isipan ko ang mukha niya.
"Isabella." nasambit ko hanggang sa hindi ko na alam ang mga sumunid na nangyari.
****
Hinatid ako ni sir hanggang sa aming bahay. Bago pa ako bumaba ay may inabot siya sa akin na isang papel at ng tiningnan ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko dahil cheque iyon.
"Isang milyon?" gulat kong tugon sa kanya.
"Magagamit mo iyan sa operasyon ng tatay mo."
"Pero sir. Masyado po itong malaki."
"Bilhin mo na din ang mga kailangan niyang gamot."
"Pero sir."
"Isabella, magtatalo na naman ba tayo? Mas gugustuhin ko pa na maubos ang pera ko kaysa bumakik kapa sa lugar na iyon. Hindi ba desperada ka na magkapera ka lang? So bakit ka pa mahihiya? Tssk."
Napayuko na lamang ako. Tama naman siya. Bakit pa ako mahihiya kung ito na ang pagkakataon ko para makabayad na sa operasyon ni itay.
"Sir, salamat po. Napakarami ko ng utang sa inyo."
"May isa pa, bukas, gusto ko pagdating ko sa opisina ay naroon ka na. Hindi mo ako mababayaran sa utang mo kung wala kang trabaho." tugon niya sa akin.
"Maraming-maraming salamat po talaga sir."
"Wag kang magpasalamat dahil sisingilin din kita pagdating ng panahon."
"Pangako po, pagbubutihin ko ang trabaho ko. See you tomorrow sir "
"See you tomorrow.".
Bumaba ako sa kotse niya. Pasado alas onse na din iyon ng gabi at pagbukas ko ng pintuan ay nadatnan ko si Bugoy na natutulog sa sala. Bigla kong naalala na hindi pala nakauwi si inay dahil siya p din ang nagbabantay sa hospital nilapitan ko siya at ginising.
"Bugoy, gising!"
Napasilat naman aiya kaagad.
"Ate. Bakit ngayon lang po kayo dumating. Natatakot po ako dito dahil ako lang mag-isa."
"Pasensiya na, marami lang kami inasikaso para sa operasyon ni itay bukas."
"Kumusta na po si itay?"
"Gagaling na si itay. Kaya wag ka ng mag-alala. Oh tara na sa kwarto. Para mas makatulog ka ng mahimbing dahil may pasok ka pa bukas."
"Sige po."
Naghilamos muna ako bago tuluyang mahiga sa aking kama. Ewan ko ba, maginhawa ang pakiramdam ko ngayon. Dahil na din siguro sa nakakuha na ako ng pera para kay itay. Pero bukod doon, naiisip ko si sir Axel. Lubos akong nagpapasalamat sa kanya dahil una, sa binigay niyang pera at pangalawa ay ang iniligtas niya ako sa lugar na iyon, ibig sabihin hindi nawala ang p********e ko dahil lang sa kagustuhan kong magkapera.
At yung kanina na hinalikan niya ako. Para akong nakalutang sa langit. Ibang-iba ang mga halik niyang iyon. Nagtapat ako ng nararamdaman ko sa kanya, ang paghalik ba niya sa akin ay nangangahulugang my guato din siya sa akin?
Nang mga oras na iyon bigla ulit ako nabuhayan ng loob. Kaya lang, bigla kong naisip ang girlfriend niya at muli ay nakaramdam ako ng lungkot.
"Sana ako na lang, sana ako na lang siya."
Sabi ko sa sarili.at napapaikit at hindi ko namamalayan na bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.
Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay, balak ko munang dumaan sa hospital para makita si itay bago ang operasyon niya.
"Nay." tawag ko.
"Anak, bakit ang aga mo?"
"Gusto ko lang po makita si itay bago pumasok sa trabaho."
"Mamaya na ang operasyon ng itay mo, pupunta ka?"
"Baka po hindi na. May trabaho po ako. Balitaan niyo na lang po ako kung anong nangyari. Basta pgkatapo po ng trabaho ko, susunod ako."
"Sige. Kumusta naman ang kapatid mo?"
"Natakot daw po siya dahil mag-isa aiya sa bahay. Pero hayaan niyo po, susunduin ko po siya sa bahay para sabay kami pumunta dito mamaya."
"Sige. Salamat anak. Mag-almusal ka muna."
"Wag na po, nay. Doon na lang po ako kakain. Baka po malate na naman ako."
"Oh sige, mag-ingat ka anak."
Maaga akong nakarating sa opisina, wala pa din si sir.
Maya-maya pa ay dumating na din si Mam Garcia.
"Hindi daw makakapasok si sir Axel ngayon dahil may emergency sa kanila." sabi niya. At napatingin sa gawi ko.
"Oh Ms. Marquez. Buti narito ka pa. I thought tinanggal ka na ni sir dahil iresponsable ka."
"Sorry po Mam, hindi na mauulit." sagot ko.
"I-photo copy mo na ang mga iyon." utos niya sa akin at kaagad naman akong tumalima.
Panay ang tingin ko sa aking relo. Alas dyes na ng umaga, sa tingin ko ay inuumpisahan na ang operasyon sa kanya. Ang dalangin ko lang ay sana maging successful ang operasyon niya.
Lumipas ang oras at hapon na..Maaga din kami nag-out ngayon dahil wala na masyadong ginagawa.
Bumalik ako sa bahay at balak sunduin si Bugoy at isasama ko siya sa hospital para makita niya din si itay.
"Bugoy, magbihis ka." utos ko sa kanya nang makarating ako sa bahay.
"Bakit po ate?" tanong niya sa akin.
"Ayaw mo bang makita si Itay?" balik kong tanong sa kanya.
"Siyempre, gusto po. Hintayin niyo po ako."
Naligo siya at nagbihis.
Tinitingnan ko ang cellphone ko. Balak ko sana siya itext at tanungin kung bakit wala siya ngayon, kaya lang pinigilan ko ang sarili ko. Mukhang kay Mam Garcia lang talaga siya nagsasabi kung hindi siya papasok.
"Tara na po ate."
"Sige tara na."
Nagbyahe kaming dalawa ng kapatid ko at ilang saglit lang ay naroon na kami.
"Nay." tawag ni Bugoy.
"Anak, narito na pala kayo."
"Nay, kumusta po si itay?" tanong ko.
"Matagumpay ang operasyon niya. Kaya lang wala pa din siyang malay."
"Magigising din po siya. Basta ang mahalaga, naoperahan na po siya."
Bumili ako ng makakain namin sa labas. Parang bigla kong nakita sa malayuan si sir Axel, kaya lang iba ang suot niya at papasok siya sa hospital. Tumakbo ako para habulin siya.
"Sir Axel." sigaw kong tawag. Kaya lang tuluyan na siyang pumasok sa loob.
Hinabol ko siya. Kaya lang ng pumasok muli ako sa hospital ay hindi ko na siya nakita. Nag-ikot-ikot pa ako, kya lang ay hindi ko talaga siya nakita. Hanggang sa naisipan ko na lang na lumabas ulit para muling bumili.
Muli ay bumalik ako sa room ni itay. Wala pa din siyang malay.
Sabay-sabay naming pinagsaluhan ang binili kong pagkain.
Patuloy ko pa ding iniisip kung bakit narito si Sir. Sabi kanina ni Mam Garcia may emergency sa kanila, hindi kaya may nahospital din sa mga pamilya niya? Tatanungin ko nalang siya kapag nagkita kami ulit.