Episode 27

1276 Words
Allen' s POV Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Sa tantiya ko ay madaling araw na. Kinapa ko kung saan ang cellphone ko dahil kahit gising ako ay nakapikit pa din ako.  Nang makapa ko na ang cellphone ko, dumilat ako at nakita ko na si Ate Alexa ang tumatawag. Nagtataka ako dahil ganitong oras niya ako tinatawagan.  "Hello, ate." umpisa ko. Iyak lang niya ang naririnig ko. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka may masamang nangyari.  "Allen... si Axel..." sabi niya habang patuloy pa ding umiiyak.  "Bakit ate? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.  "Naaksidente si Axel."  "Anoo?" gulat kong sabi.  "Mukhang lasing siya nung nagdadrive. Pumunta ka na dito." Sinabi niya sa akin kung saang hospital siya dinala. Biglang nawala ang antok ko sa nabalitaan ko. Wala naman sanang masamang nangyari sa kambal ko.  Mabilis lang ako naligo, dinala ko na din ang kotse ko papunta doon.  Ilang sandali lang ay naroon na ako sa hospital. Naroon si dad at mom kasama ai ate Alexa, lahat sila ay umiiyak.  "Allen." tawag sa akin ni ate.  "Kumusta na si Axel?" tanong ko.  "Wala pa sin siyang malay. Madami ding nawalang dugo sa kanya, napuruhan din ang ulo niya." naiiyak niyang sabi.  Kinuhanan ako ng dugo para masalinan sa kapatid ko.  Mag-uumaga na pero wala pa din siyang malay. Napuruhan ang kanyang ulo kaya kailangan niyang maoperahan kaagad, kaya lang ay nakaleave ang doctor na mag-oopera sana sa kanya.  "Sa Amerika na natin ipapaopera ang kapatid niyo." sabi ni dad. "Mayroon naman po sigurong ibang hospital dito na pweding pagoperahan kay Axel." sagot ko naman.  "Para sigurado na." sabi ni dad.  "Allen, iuwi mo na muna ang mom at ate mo. Ako na muna ang magbabantay at mag-aasikaso sa paglabs ng kapatid niyo." dagdag pa niya. "Sige po, dad. Babalik na lang ako mamaya." sagot ko.  Hinatid ko sima mom at ate sa bahay.  "Mom, wag na po kayong mag-alala. Magiging okay din si Axel." sabi ni ate.b "Sana nga." sabi niya at patuloy pa din sa pag-iyak.  Napaisip ako. May problema ba kaya si Axel? Bakit siya umuwi ng lasing? Madalas kasi alam ko na umiinom lang siya tuwing may problema sila ni Pam. Nag-away ba sila? O yung nasabi niya noon na tungkol sa sekretarya niya na naguguatuhan niya? Naawa ako sa kapatid ko. Sana lang ay maging maayos na siya.  Umuwi ako sa condo ko at sinundo ang pagtulog ko dahil napuyat ako.  Nagising na ako ng bandang alas singko at nakatanggap ako ng text kay ate at punapapunta ulit ako sa hospital. Naligo lang ako at umalis na. Pumasok ako sa hospital nang biglang may narinig akong tumawag sa pangalan ng kapatid ko. Bigla kong binilisan ang paglakad ko patungo sa kwarto ng kapatid ko.  "Ngayon na ididischarge ang kapatid niyo. Mamayang gabi na ang byahe patungong Amerika."sabi ni dad. "Sino po ang magbabantay sa kanya doon?" tanong ni ate. "Ako at ang mom mo ang sasama sa kanya pati na din si Pam ay sasamahan kami." tugon niya. "Allen, may sasabihin ako sa iyo." biglang harap sa akin ni dad.  "Ano po iyon?" tanong ko.  "Walang nakakaalam na naaksidente ang kapatid mo. And I want you to help your brother." "What do you mean, dad?" kuryosidad kong tugon.  "I want you to take over the company as Axel."  "What?" gulat kong tugon. "May malaking investor ang company at si Axel lang ang pinagkakatiwalaan nila. Malaking bagay ito sa company natin kaya hindi natin sila pweding pakawalan. The moment na malaman nila ang nangyari sa kapatid niyo, may posibilidad na magback out sila." "So, you mean magpapanggap akp bilang siya sa company?"  "Yes, son. Can you do this for your brother and for the company?" "Dad, gustuhin ko man, alam mong wala akong alam sa ganyan." "Your ate and Halia will help you. They are into business also." "Oo nga Allen. Di ba nakwento niyo naman sa akin na you can immitate each other and isa pa magkamukhang-magkamukha kayo kaya walang magdududa sa iyo. Iilan lang din naman ang nakakaalam na magkakambal kayo, mostly mga kasabayan pa ni dad sa business na ngayon ay hindi na din ganoon ka active dahil naipasa nadin nila ang posisyon sa mga anak nila or sa family member." dagdag pa ni ate.  "Pag-iisipan ko muna." tugon ko. "Fine. Pero I am expecting na magyeyes ka." sabi ni dad.  Pagkatapos ng tagpong iyon ay umuwi na ako at bumalik sa condo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa totoo lang ayoko talagang umapak sa company dahil ayokong mahusgahan nila ang kakayahan ko. Kung magpapanggap ako bilang si Axel, I know madali nila akong mabubuko dahil magkaibang-magkaiba kaming dalawa. Tanging sa itsura lang talaga kami magkatulad. Bumalik ako sa mansiyon ng kinagabihan dahil ngayon na ang flight ni mom at dad patungo sa Amerika. Ayoko na sanang pumunta dahil malamang sa malamang ay kukulitin na naman nila ako sa binabalak nilang gawin.  "Have you already decided, son?" tanong sa akin ni dad. "Yes dad. At buo na ang desisyon ko na hindi ko iyon gagawin." Biglang nalungkot ang mukha ni dad dahil hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko.  "Ayaw mo ba talaga? Kahit para na lang sa kapatid mo. Hindi naman ito magtatagal. Pansamantala lang habang nagpapagaling ang kapatid mo." mainahon na sabi ni dad.  "Please." dagdag pa niya.  "Sige dad. Susubukan ko ng ilang araw. Kapag hindi ko talaga kaya, hindi ko na itutuloy." bigla namang sumigla ng mukha ni dad.  "Thank you, son."  Hindi na sila nagpahatid sa airport. Naiwan nalang kami sa bahay.  "Allen, thank you dahil pumayag ka." "Basta tulungan niyo ako." sabi ko.  "Of course. Tara may ipapakita ako sa iyo." utos sa akin ni ate.  Pumunta kami sa office na ginagamit ni Axel tuwing nagtatrabaho siya sa bahay.  Inilapag niya sa mesa ang mga papel na may nakaprint n mga mukha na may pangalan. Kinuha ko iyon.  "Ano ito?" tanong ko.  "Iyan ang mga itsura ng mga investors, kliyente at mahahalagang empleyado ni Axel sa company." "Anong gagawin ko dito?" tanong ko.  "Tandaan mo ang mga mukha nila." "What? Alam mong mahina ako memorization." "You should try. Mahalagang kilala mo sila. Akin na iyan."  Iniisa isa ni ate ang bawat larawan. Sinabi niya din sa akin kung saang kompanya sila nabibilang.  "Ate, bakit kasi hindi nalang ikaw ang magtake over ng company habang wala si Axel, e mas qualify ka kaysa sa akin." "Ayoko. Ayokong mastress. " sagot niya.  Pinagpatuloy pa niya ang pagpapakilala sa mga larawan hanggang sa mga iilang empleyado niya sa company.  "And last but not the list, This is Ms. Marquez, your brother's secretary ----" Nanlaki ang mga mata ko ng ipakita niya ang larawan ng isang babae na pamilyar sa akin. Hindi ako pweding magkamali. Siya iyon. Siya iyong nakita ko sa bus.  "Wait, iyan ang secretary ni Axel? Ano ulit pangalan? Isa-bella Mar--quez?" "Yes. Bagong secretary ito ni Axel, sa pagkakaalam ko wala pa siyang isang buwan sa company kaya sa palagay ko wala naman pa siyang gaanong alam tungkol kay Axel. You know also this girl?" "What do you mean? Kilala mo din siya?" tanong ko.  "I already meet her once. Don't tell me umiral na naman iyang pagkaplayboy mo." asar niya sa akin. "No."  "Okay sabi mo e. Now, bukas na bukas magpapasok ka na sa office." "Bukas na kaagad?" "Siyempre. At isa pa. Hindi ka muna uuwi sa condo mo dahil dito ka titira." "Ayoko. Mas gusto ko sa condo ko." "Wag matigas ang ulo mo, Allen. Tsaka ayaw mo ba kaming makasama? Ang laki ng bahay, tapos puro babae lang kami dito. Hindi ka ba natatakot na baka may biglang manloob sa bahay, wala kaming kalaban laban." "Ang o.a mo. Kakapanood mo ng teleserye iyan." "Whatever. Basta, dito ka titira, period."  Lumabas siya sa office. Samantala, muli kong tiningnan ang mga papel kanina, kinuha ko ang letrato ng secretary ni Axel.  "Siya nga ito. Ang akala ko hindi na ulit kita makikita, Isabella Marquez. Wait mo ako, dahil makikita mo na si Allen Alcantara." Sabi ko sa sarili at bigla ko na lamang namalayan na nakangiti na pala ako habang tinitingnan ang larawan niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD