Dalawang araw ng hindi pumapasok si sir. Hindi ko din alam kung anong nangyari bakit hindi siya pumapasok.
Maaga akong pumunta ng opisina dahil may pinapagawa pa sa akin si Mam Garcia.
Abala ako sa pagpophoto copy nang marinig ko si Mam Garcia na nagsalita.
"Good morning si Axel. Mabuti at nakabalik na po kayo."
Kaagad akong lumingon ng marinig ko ang pangalan niya. Siya nga iyon. Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin at nakangiti pa ito.
"Good morning po sir." Bati ko din sa kanya.
"Good morning Ms. Marquez." nagulat naman ako dahil ngayon lang niya ako tinawag ng ganoon.
Pumasok siya sa opisina at sumunod naman ako kaagad.
"Sir, gusto niyo po ba ng kape?" tanong ko sa kanya.
"Wow. Ang sipag mo naman. Salamat." tugon niya sa akin.
"Ho?"
"Sabi ko, salamat."
"Ahh okay po."
Hakmang tatalikod na ako ng muli siyang magsalita.
"Wait lang. Cappuccino ang gusto ko na super creamy. Salamat."
"Ho? Sige po."
Bigla akong nagtaka. Black coffee lang ang ibinibigay ko kay sir dahil ayaw niya ng milk or cream sa kape. How come nagbago na ang gusto niya? Well, ganun siguro talaga, nagbabago ang ating panlasa.
Gaya ng sinabi niya cappuccino ang ibinigay ko.
"Salamat, Ms. Marquez." sabi pa niya sabay ngiti sa akin.
"Your welcome po. Sir, kung may kailangan pa po kayo nasa labas lang po ako."
"Sige." sabi niya na panay pa rin ang ngiti sa akin.
Lumipas ang ilang oras at malapit na ang lunch time. Kumatok ako at pumasok sa opisina niya.
"S--sir lunch---" natigilan ako sa sinasabi ko ng makita ko na nakasandal ito sa kanyang swivel chair at natutulog.
"Sir?" muli kong sambit.
"Nasa langit na ba ako, bakit may anghel na napakaganda sa harapan ko."
"Ano po sir?" tanong ko dahil mahina lang ang boses niya kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Napadilat siya at kaagad na umayos ng upo at bahagya pa niyang inayos ang nagulo niyang buhok. Ngayon ko lang siya nakitang natutulog at masasabi ko na gwapo pa din siya kahit natutulog na. Napakainosente ng itsura.
"Sorry, nakatulog ako." sabi naman niya sa akin..
"Okay lang po iyon sir. Siyanga po pala lunch time na po sir. Baka gusto mo na po munang kumain?" tanong ko sa kanya.
"Bakit may baon ka ba diyan?" tanong niya sa akin.
"Baon po?" naguguluhang tanong ko.
"Oo, parang sa mga bata, yung lunch box."
"Ahh. Iyon po ba? Wala po. Kumakain lang po ako sa mga kainan malapit sa company."
"Nang nag-iisa?" tanong pa niya.
"Opo."
"Mag-isa din ako kumakain, gusto mo sabay ma tayo?" tanong niya muli.
"Naku sir wag na po."
"Ahh ganun ba. Sige. Eat well." sabi niya sabay labas ng opisina.
Nagtataka talaga ako sa mga kinikilos ni sir. Bakit parang kakaiba yata siya ngayon? Hindi ko naman maipaliwanag kung bakit.
Lumabas ako ng company para bumili ng makakain. Simula ng pinabalik ako ni sir sa trabaho, kumakain ako ng lunch sa labas. Usually, bibili lang ako ng tinapay tsaka tubig. Gusto ko kasing makatipid dahil malaki ang gastusin ni itay sa hospital. Ididischarge na din kasi siya bukas at malaki at naging bill namin doon. Sobrang pasalamat ko talaga kay sir dahil malaking tulong ang pinautang niya sa akin.
"Iyan lang ang kakainin mo?" nabigla ako ng biglang may magsalita mula sa likuran ko.
Hinarapan ko siya at si sir Axel iyon.
"Sir kayo po pala."
"Let's go, may iuutos ako sa iyo." sabi niya sa akin sabay lakad papasok muli sa company.
Sinundan ko na lamang siya hanggang sa makarating muli sa kanyang opisina.
May dala-dala siyang dalawang paper bag at nilapag iyon sa table at naupo sa sofa.
"Umupo ka." sabi niya.
Kaagad naman akong sumunod at umupo din sa sofa. Inilapag niya ang laman ng paper at laht iyon ay pagkain.
"Mabuti nalang at dinamihan ko ang tinake-out ko, kaya samahan mo akong ubusin ito."
"Naku sir wag na po. Okay na po ako dito." sabi ko habang hawak ang tinapay at ang bottle water.
Nagulat ako dahil bigla na lamang niya kinuha ang hawak kong tinapay.
"Ganito ang kinakain mo? Hindi naman healthy ito e. Tsaka mukhang hindi pa masarap. Kaya bilang boss mo, sundin mo ang utos ko. Tulungan mo akong ubusin ang lahat ng ito, okay?".
Wala na akong magawa kundi ang sundin siya. Tahimik lang ako habang kasalo siya sa pagkain.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong niya sa akin.
"Wala lang po sir." sagot ko sa kanya.
"Wag kang matakot sa akin, hindi naman ako nangangagat."
Kasalukuyan kaming kumakain nang biglang bumukas ang pinto. Dalawang babae ang pumasok. Pamilyar sa akin ang isa, siya iyong kapatid niya na si ate Alexa, pero yung kasama niya na isa pang babae ay hindi ko kilala, inaamin ko ang ganda nung kasama niyang babae. Napaisip ako tuloy, siya ba si Pam na girlfriend niya?
"Ate Alexa, anong ginagawa mo dito?" tanong ni sir.
"Yayayahin ka sana naming maglunch, pero mukhang busog ka na." sagot niya.
"Good afternoon po, Mam." bati ko sa kanilang dalawa.
"Hi. Isabella, right? Do you still remember me?" tanong niya sa akin.
"Opo. Natatandaan ko pa po kayo."
"Hindi ko alam na secretary ka pala ng kapatid ko."
"Bro, pwedi bang mag-usap muna tayo sandali? Isabella, maaari mo ba muna kaming iwanan?"
"Sure po mam." sabi ko sabay labas ng opisina.
**
Paglabs ko ng opisina ay dinig ko na nag-uusap ang ibang mga empleyado.
"Hoy, nakita niyo ba ang kasama ni Mam Alexa na babae kanina? Grabe ang ganda niya, para siyang dyosa. Hindi kaya siya iyon girlfriend ni Sir na modelo? Grabe bagay na bagay silang dalawa."
"Oo nga. Nung makita ko yung babae, parang nawala ang pantasya ko kay sir Axel dahil alam konh hindi ako mananalo sa taglay na ganda ng girlfriend niya."
"Tama ka, kaya kung ako sa iba diyan, hindi ako magsasayang na panahon para akitin si air lalo na kung wala ka naman sa kalingkinan ng girlfriend niya."
Alam ko ako ang pinariringgan nila pero ayaw ko silang patulan.
Kung totoo man na si Mam Pam ang babaeng iyon, edi mabuti. Atleast ngayon, alam ko na kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Tama sila sobrang ganda nga niya, at walang-wala ako kumpara sa kanya.
Maya-maya pa ay lumabas silang tatlo sa opisina at lahat sila ay tumatawa. Lalong-lalo na si sir Axel. Parang ngayon ko lang yata siya nakita na ganoon kasaya. Syempre kung nandiyan na ba naman ang pinakamamahal niyang babae, hindi ba siya sasaya.
Sana lagi siyang masaya dahil mas lalong lumilitaw ang kagwapuhan niya kapag tumatawa siya.