"MADI! Mabuti at nakapasok ka! Nabalitaan ko kay Geofferson na masama ang pakiramdam mo kagabi, e!" pagbungad ni Jasmine sa kaniya pagkapasok na pagkapasok sa opisina. Habang siyang tuon din naman sa kaniya ng tingin nina Emman, Pauline at Amanda. "Ah.. siguro ay dala lang din 'yon ng matinding pagod, alam n'yo na, pagkatapos naming dumaan sa lamay kagabi ay dumiretso pa kami sa police station kasama si Drew." "E, kumusta nga pala ang paghahanap ng mga pulis kay Allan Corpuz?" tanong ni Jasmine. She sighed and never used to face Jasmine while saying, "Ayon, bigo ang police team na maaresto siya. Mukhang nakapagtago na talaga siya bago maglabas ng warrant of arrest ang mga pulis." Hindi maiwasang mapailing at mapabuntong hininga ni Jasmine. "Mautak din 'tong si Allan Corpuz, e, 'no

