Chapter 109

1417 Words

"KUMAKAIN ka ba talaga niyan? Parang wala akong natatandaang mahilig kang kumain ng balot, e," napapakamot sa ulong sabi niya sa nobya. Nagtataka na kasi talaga siya dahil hindi rin naman nito kinain ang bibingkang nakita nila sa may pasalubong center. Gayong sa rami ng mga kakanin doon ay tanging bibingka lamang ang pinabili sa kaniya ng nobya. Subalit, hindi niya akalaing mas magugustuhan pa nitong kainin ang balot nang sandali silang huminto sa may ilalim ng fly over sa Makati, kung saan ay maraming vendor ang nagtitinda ng sari-saring meryenda katulad ng balot, chicharon, at sari-saring street foods. "Oo. Hindi mo alam? Ang sarap kaya," sarap na sarap na anito. Nanatili lamang niya itong pinagmamasdan hanggang sa humirit pa ito ng isa pa sa balot vendor. "Kuya, pakidagdagan ng suka,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD